Isang oras makalipas ay nakauwi na si Charlotte. Nakabusangot ang mukha at nakakunot ang noo. Ano nangyari sa kanya? Parang napaaway kasi siya. Medyo namumula ang mukha niya.
"Charlotte, ano nangyare sayo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at umiling bago umupo sa katapat kong sofa at sumandal.
"Wala, wala ako naka-away na hambog, kapre at mokong. Wala talaga." tila wala ito sa sarili habang nagsasalita. May nakaaway nga siya. Sino kaya 'yon? Kapre tsaka mokong lang naintindihan ko sa sinabi niya eh.
"Nakakain ka na ba?" tanong niya habang nakatingin sa'kin. Tumango ako.
"Nakainom ka na ba ng gamot?" tumango ulit ako.
Nanahimik siya pagkatapos. Parang nag-iisip ng malalim.
Medyo gumagaling na ang pakiramdam ko. Dapat talaga hindi ko na kinain 'yong ice cream na 'yon. Pahamak talaga 'yon. Naalala ko nga pala. Sino ang nag-uwi sa'kin?
Matanong nga si Charlotte. "Sino nga pala nag-uwi sa'kin kahapon?" wala kasi akong maalala sa mga nangyari kahapon.
"Si Sir Clyde ang nag-uwi sayo."
Si Sir Skyler?! Akala ko panaginip lang 'yong nangyari kagabi, 'yon pala totoo. Nakakahiya naman sa kanya. I-body heat ba naman niya ako kagabi? Nakakahiya. Topless pa siya no'n! Nag-iinit tuloy pisngi ko ng maalala ko 'yon. Niyakap pa niya ako.
Biglang napangisi ng nakakaloko si Charlotte at biglang nang-asar.
"Uyyy! Namumula ka! May something kayo ni Sir Clyde 'no? Tell me! Dali! May nangyari sa inyo 'no?!" namimilog ang mga mata niyang habang nagtatanong sa'kin. Binatukan ko nga. Mas lalong namula ang mukha ko.
"W-wala 'no! W-walang namamagitan sa'min ni Sir. At tsaka walang nangyari sa'min 'no. Ang exaggerated mo namang mag-isip." eh bakit parang kinakabahan ako ng sinabi kong 'yon?
"Weh? Talaga? Totoo ba 'yang sinasabi mo?" aniya at sinusundot ang tagiliran ko. Parang nanunukso. Tinabig ko naman kaagad 'yon dahil nakikiliti ako.
Sabihin ko na nga sa kanya. Ayoko namang magsinungaling sa kanya.
"N-niyakap niya ako..." nanlaki ang mga mata niya at tumili. "Kyaah! Yiiiieeee! Ikaw ha! Naglilihim ka na sa'kin!" at nagpout pa. I smile shyly.
"W-wala naman malisya 'yon. Tsaka kaya lang naman niya ako niyakap kasi nanginginig ako." sabi ko.
Nagcross arm siya. "Wala nga ba malisya?" ngisi niyang sabi sa akin. Umiling ako. Wala naman talaga malisya eh. He's just playing his role as a Professor not a lover.
~~~***~~~
Days have past marami na ang nagbago. Katulad ng lagi kong napapansin na nagaaway lagi sina Charlotte at Zyron. Not literally na away, what I mean is 'yong tipong pikunan. Laging nagbabarahan at nag-aasaran. Walang nagpapatalo sa kanila. Parang aso't pusa kung mag-away. Kulang na nga lang magpatayan silang dalawa. Ang cute pa nga ng asar nila eh. 'Yong name calling nila sa isa't-isa. Kapre at Manang ang tawagan nila. Ang cute 'no?
Sa akin naman, hindi ko na masyadong nakakasabay sa lunch at uwian si Zyron. Lagi kasi silang may practice tuwing hapon. Malapit na kasi ang laro nila kaya todo practice sila.
Meron pa lang nagbago. Ako. May bago na kasi akong crush. Baka magulat kayo sa sasabihin ko! Alam kong magugulat talaga kayo. Kasi naman... nahuhulaan niyo ba kung sino crush ko? Hihihi.
Walang iba kung hindi si...
Sir Skyler!
Pansin ko nga na ako lang ang tumatawag sa kanya ng Sir Skyler. 'Yong iba kasi Sir Clyde ang tawag sa kanya. Iba kasi pakiramdam ko tuwing binabanggit ko 'yong word na Skyler. Hindi ko ma-explain. Basta, para bang sobrang pamilyar talaga. Okay, back tayo sa topic.
Gulat ba kayo? Mas lalo naman ako!
Bakit?
Ganito kasi 'yan. Simula kasi no'ng pumasok na ako galing sa sakit ko, nagiba trato niya sa'kin. Pagpasok ko pa lang kasi ng classroom, may isang stem ng rosas na ang nakalagay sa desk ko. May note pa ngang nakalagay eh.
Are you feeling well now? I hope you are. Do you like the rose that I gave to you? It reminds me of you. You're like a flower that blooms every day, that's why I gave you a rose. I hope you like it.
-Sir Skyler
Literally nagulat talaga ako. Bakit naman ako bibigyan ni Sir ng bulaklak? Mukha ba akong naconfine sa hospital? Hindi naman 'di ba?
Pero iba talaga ang dating ng rosas na 'yon sa'kin. Parang gusto kong itago at alagaan para hindi malanta. Ang lakas pa ng t***k ng puso ko ng mga oras na 'yon. Hindi ko alam pero sobrang natuwa ako sa simpleng pagbigay niya ng rosas sa'kin.
Sunod naman, lagi niya akong hinihintay sa tapat ng classroom. Nakakapagtaka nga eh. Bakit naman niya ako hinihintay sa tapat ng classroom? May ipapagawa ba siya sa akin?
Pero iba ang nangyari. Wala siyang pinagawa sa akin. Inabutan niya lang ako ng sandwich. Lagi niya 'yon ginagawa. 'Yong ibang estudyante nga pinagchichismisan ako. Hiyang-hiya ako ng oras na 'yon. Ayoko pa naman na pinagchichismisan ako.
Iiwan ko pa nga sana siya no'n para makalayo pero nahawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Natigilan ako. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Parang pinapahiwatig na tanggapin ko na lang ang binibigay niyang sandwich sa akin.Tumango ako. Napangiti siya dahi do'n.
Araw-araw gano'n ang ginagawa niya. Si Charlotte nga kilig na kilig kasi naaabutan niyang ginagawa sa akin 'yon. Si Zyron naman nagtataka kung bakit. Tinanong pa nga ako kung bakit gano'n ang trato sa'kin ni Sir Skyler. Sinagot ko na lang siya ng isang kibit-balikat. Hindi ko kasi alam kung bakit niya ginagawa 'yon.
But somehow, I find it sweet. Wala pang nakakagawa sa akin no'n. Siya lang. Kaya simula no'n naging crush ko na siya. Lagi akong kinikilig kapag inaabutan niya ako ng sandwich. Kapag uwian naman ay hinahatid niya lang ako hanggang sa gate ng University at sinasabihan ng...
"Be safe Kath. Ingat ka sa pag-uwi mo. Don't talk to strangers, okay?" simpleng sabi niya lang 'yon pero ang lakas ng dating sa akin.
Medyo marami na ang nakakapansin sa mga ginagawa niyang 'yon. Tuwing papasok ako sa klase lagi akong pinagtitinginan ng mga tao roon. 'Yong iba namang nakakasalubong ko, titingin tapos magbubulungan. Napapabuntong-hininga na lang ako kapag gano'n. Alam ko naman kasing sikat siya. Binansagan na nga siyang heartthrob sa buong campus eh. Pati sa ibang department nakakaabot na 'yong balita. Buti na nga lang laging nand'yan sina Charlotte at Zyron sa tabi ko. Kung hindi, baka hindi ko na alam ang gagawin ko.
Dahil sa mga pinapakita niya sa'kin nitong nakaraang araw, babawi ako sa kanya. Ako naman ang magdadala sa kanya ng sandwich. Nasisiraan na ba ako ng ulo? Hahaha. Ngayon lang ako mage-effort na magbigay ng sandwich sa kanya.
Uwian na namin. Nagtataka ako kung bakit wala siya sa tapat ng classroom namin. Bakit kaya wala siya? Ngayon lang kasi siya nawala. Pumasok naman siya ngayong araw.
Baka naman busy siya. Kaya nagpasya ako na puntahan na lang siya sa office niya. Malapit lang naman 'yon eh. I-aabot ko lang sa kanya.
Naglalakad ako sa hallway, walang katao-tao. Buti na lang may ilaw. Medyo dumidilim na kasi.
Nakikita ko na ang pinto ng office ni Sir Skyler. Medyo nakabukas siya ng konti kaya alam kong nando'n siya.
Papalapit na ako nang may narinig akong nag-uusap. Isang lalaki at isang babae. May kausap yata si Sir. Siguro mamaya ko na lang siguro ibibigay 'to.
Tatalikod na sana ako pero nagbago ang isip ko. Hindi naman masama kung pumasok ako sa loob 'di ba? Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng pinto ng opisina ni Sir.
Nakabukas naman ng konti ang pinto kaya medyo nakikita ko ang kalooban ng opisina ni Sir.
Nagbilang muna ako ng ilang segundo bago sumilip.
Nakita ko silang nag-uusap. Pero parang may kakaiba. Nakatalikod sa'kin 'yong babae kaya medyo hindi ko kita ang mukha nito. Tumayo ito at lumapit kay Skyler sabay hinalikan ito sa labi.
Mukhang nagulat si Sir kaya medyo tinulak nito ang babae pero mas pinag-igihan no'ng babaeng halikan si Sir Skyler.
Hindi ko alam pero napako ako sa kinatatayuan ko. 'Di ba dapat umalis na ako?
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit nakakaramdam ako ng kirot? Parang tinutusok ang dibdib ko habang nakikita ko silang magkahalikan. Napapunas ako bigla sa mga luha kong lumalandas sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nagluluha ako.
Ganito ba ang epekto kapag nakita mo ang crush mong may kahalikang iba?
Basta, isa lang ang alam ko.
'Yon ay nasasaktan akong may kahalikan siyang iba.