BodyHeat
#LandiNiGurang
#Hokage
#TrueLoveIsReal
Sorry for the late update!! Enjoy reading and please, share your thoughts about this chapter! ??CHAPTER 12: ABSENT
[Third Person's POV]
Naalimpungatan si Charlotte sa narinig na katok. Napamulat siya at agad tumayo. Baka si Kath na 'yon. Kagabi pa kasi nawawala si Kath. Hindi niya malaman kung saan nagpunta ang kaibigan niya. Wala siyang mapagtanungan. Si Zyron naman hindi alam kung nasaan si Kath dahil nasa Basketball practice siya.
Binuksan ni Charlotte ang pinto. Nagulat siya sa nakita niya. Bumungad sa kanya ang kaibigan niya. Buhat-buhat ng isang lalaki. Si Skyler, kuya niya.
"Kuya?! B-bakit buhat-buhat mo si Kath?! Lumala ba 'yong lagnat niya?! Bakit wala siyang malay?!" naghihysterical na tanong ni Charlotte sa kuya niya.
"Lower down your voice and calm down. You might wake her up. She's just sleeping." nakatulala lang siya habang nakatingin sa dalawa. Nanlalaki pa rin ang kanyang mata.
Napakunot-noo si Skyler sa itsura ng kapatid. Nakatulala lang sa kanila. Wala ba siyang balak papasukin kami?
"Baka gusto mo kaming papasukin 'no? May sakit pa itong kaibigan mo." masungit na sabi nito.
Niluwangan naman agad ni Charlotte ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Kath at ang kuya niya. Inirapan niya ito. Masungit na naman sa kanya ang kanyang Kuya.
Cristina Charlotte Andrade ang buong pangalan niya. Bunsong kapatid ni Skyler. Ma-chubby na mukha. Maputi. May mahaba na pilik mata. Tsokolateng mga mata. Matangos na ilong. May pagkarossy pink ang kanyang pisngi. Pinkish lips. At magandang pangangatawan. Kayo na mag-isip kung ano itsura ng katawan niya. Basta makurba at sexy ang pangangatawan niya. 'Yon lang.
Nakita niyang inilapag ng kuya niya si Kath sa sofa nila. Tumayo ito at pumunta sa kusina. Pagbalik, may dala itong bimpo, planggana at gamot. Lumapit siya rito para tumulong pero tinabig lang siya.
"Ano ba kuya?! Tutulong lang naman ako! Bakit mo 'ko tinabig?!" inis niyang tanong. Tinignan lang siya ng masama ni Skyler.
Binasa nito ang bimpo bago ilagay sa noo ni Kath. "I'll be the one to take care of her." sabi nito habang hindi inaalis ang tingin kay Kath.
Humalukipkip si Charlotte at itinaas ang isang kilay. "Hello?! Meron ka pang pasok kuya. Baka nakakalimutan mong Professor ka at kailangan pang magturo ng estudyante."
Napabuntong hininga si Skyler dahil do'n. "I don't want to leave her." mahinang sabi nito. Halatang ayaw pa nitong iwan si Kath dahil mukhang hindi pa ito panatag.
"Ako ang magbabantay sa kanya kuya. 'Wag ka mag-alala. Pumasok ka na. Ako bahala dito." sabi niya tila pinapakumbinsi itong pumasok.
Humugot ulit ito ng malalim na hininga. Hinalikan niya ito sa tungki ng ilong bago tumayo. Kinilig naman si Charlotte sa nakita niya. Ang sweet talaga ng kuya niya kay Kath. Samantalang sa kanya hindi. Hmp!
"Painumin mo siya ng gamot pagkagising niya. Always check her temperature kung bumaba ang lagnat niya. Pakainin mo ito ng madami pagkatapos. Don't let her watch television at baka mabinat pa siya..." blah blah at marami pa itong ibinilin sa kanya. Kulang na lang maging doctor ito. Bakit hindi na lang kaya magdoctor ang Kuya niya? Hahaha.
Nagpaalam na ito pero may sinabi pa ito bago lumabas ng pinto. "'Wag mong kalimutan ang mga ibinilin ko sayo. Call me if she's already awake. At 'wag na 'wag mo siyang iwan. Always keep an eye on her. Got it?" tumango siya sa kanyang mahal na kuya. Paulit-ulit ang peg? Unli-unli? Hindi nauubusan?
Tiningnan muna nito si Kath bago lumabas ng pinto. Si Charlotte naman ay napangiti at napakagat ng labi. Kilig na kilig siya! Napakasweet talaga ng Kuya niya! In love talaga ang Kuya niya kay Kath.
~~~***~~~
[Cristina Charlotte Andrade]
"Hindi nga pwede Kath! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kailangan mong magpahinga!"
Ano ba 'tong si Kath! Ang kulit-kulit! Paano ba naman kasi gusto niyang pumasok. Hindi ko siya pinayagan dahil hindi pa gaano bumaba ang lagnat niya. Malilintikan din ako sa kuya ko! Naku!
"Dali na Charlotte..." pagpupumilit pa nito. Nagsusumamo na ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
Iling ang isinagot ko sa kanya. Baka tumaas pa kasi ang lagnat niya, mapapagalitan pa ako ng magaling kong Kuya.
Nanlumo siya sa isinagot ko. Sorry Kath. Para naman din ito sa'yo eh.
"Ikaw na lang ang pumasok." biglang sabi niya. Agad ako umiling at iwinagayway ang kamay ko. "Mas lalong hindi ako pwede pumasok. Walang magbabantay sayo dito."
"Oh edi papasok na lang ako." tatayo sana siya pero agad ko naman itong pinaupo. Haaay jusko naman! Ganda ng buhay ko ngayon! Sasakit na naman ulo ko nito dahil sa kakulitan niya! Masisiraan na ako ng bait nito.
"Wala nga kasing magbabantay sayo kaya hindi ako pwedeng pumasok!" frustrated kong sagot. Kaloka naman!
"Edi mag-iwan ka na lang ng pagkain at gamot dito. Ako na lang ang bahala sa sarili ko." sabi niya. Edi patay na ako sa asawa mo este kay Skyler mo pala.
"Ay 'wag ka na pala umattend ng klase. Ganito na lang, kausapin mo na lang si Zyron tungkol sa'kin. Pahingi kamo ako ng notes." doon sa mokong na 'yon?! Ay jusko. Dagdag sakit sa ulo na naman ito sa akin.
Pumayag na lang ako. Atleast sandali lang ako sa school at makakauwi na rin ako agad. Kalurkey naman ng araw na 'toh!
~~~***~~~
Nasa gate na ako ng University ng matanaw ko ang mokong na nakasandal sa tapat ng kanyang bahay este sa puno pala. Mukha kasi siyang Kapre sa lagay na 'yan. Ke tangkad-tangkad. Kulang na lang umitim siya, instant Kapre na talaga siya.
Natanaw naman ako ng Kapre at agad naglakad sa gawi ko. Nakakunot na naman ang noo niya.
"Where's Kath? Why are you not with her?" ang ganda ng bungad sa akin 'no?
"Nasa bag ko. Umiinom ng kape." pasweet kong sabi.
"The f**k?! Will you please be serious here?!" galit na si Lolo Zyron niyo.
"Nasa bahay PO! Nagpapahinga PO! Kasi PO hindi pa siya gaano magaling PO! Pinapasabi niya sayo PO na ikaw na ang bahala kumuha ng notes sa mga lessons niyo PO!" sinadya ko talagang idiin yung PO na word.
"'Wag mo nga akong mapo-po d'yan! I'm not that old you know?! Ikaw nga mukha ka d'yang manang sa suot mo." pigilan niyo ko pigilan niyo ko! Mapapatay ko ang gagon'to!
Ako?! Mukhang manang?!
"Mukha akong manang?! Sa ganda kong 'to?! Bulag ka ata eh 'no?!" bulyaw ko sa kanya.
He smirk. Did he just smirk?!
"I'm not blind. I literally see you as an old lady. Not a beautiful woman." grrrrr! Napakahambog ng lalaking 'to!
Aargh! Makaalis na nga!
Tapos na ang mission ko dito!
Mission talaga 'no?
Ahh basta! Gaganti ako sa kanya bukas! Gaganti ako!
___