Chapter 2

2025 Words
"Pupunta lang ako sa mall, June. 'Wag ka masyadong over acting diyan," natatawa kong sinabi. Nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat at tainga, naghahanap kasi ako ng paparking-an ng kotse. "Ay, naku! Ewan ko sa iyo, Haley. Sige, bahala ka na sa buhay mo. Dumugin ka sana ng mga fans mo," gigil na anas niya bago ako binabaan ng tawag. Napatawa naman ako. Kahit kailan talaga napaka-over acting ng isang iyon. I can handle my self now, besides masaya kaya makipag-interact sometimes sa mga fans ko. I love talking to them. Kinuha ko ang aking cellpone sa aking balikat at ibinalik ko na sa aking bag. Kinuha ko ang shades ko sa compartment area bago lumabas ng kotse ko. Nagpaalam ako kay June nang nasa parking lot na ako ng mall para wala na siyang choice. Kasi alam ko na hindi niya ako papayagan. Tama nga ako, buti na lang talaga at nag-punta na agad ako bago magpaalam. Anyway, kahit naman hindi niya ako papayagan pupunta parin ako. It's been a while na simula nang makapunta ako ng mag-isa sa mall. Pagod na pagod ako these fast few days dahil sunod sunod ang photoshoot ko. As in sunod sunod talaga, halos three hours na nga lang ang pahinga ko. Buti nagkaroon ako ng kaunting time ngayon. Kailangan ko naman mag-relax ano. It's my me time, mamaya ko na lang ulit iisipin ang trabaho. Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako na hindi ko naman na pinapansin. May iba na bumati, binati ko rin sila pabalik. Some screamed my name dahilan para matawa ako. And of course, some look at me with curiousity in their eyes. Hindi siguro nila ako kilala kaya nagtataka kung bakit pinagtitinginan ako. Dumiretso ako sa nail salon at pinaayos ang aking kuko. I chose the acrylic nails with some blings. Gusto ko man mag-natural nails ay hindi pupwede dahil napuputol agad ang kuko ko. Malambot kasi ang kuko ko sa kamay, madali silang maputol. Pagtapos ko mag-paayos ng kuko ay dumiretso ako sa restaurant para kumain. Gustohin ko man na galawin ang buhok ko ay hindi pwede dahil alam ko na magagalit sa akin si June. Siya kasi ang nag-aalaga sa buhok ko. Mas mahal niya pa ata ang buhok ko kesa sa mga bag collections niya. June loves to comb my hair. Siya rin ang nagti-trim nito, ayaw na ayaw niya na may ibang nahawak sa buhok ko. Nang minsan nga na mapagbuhol buhol ng hair stylist ko ang buhok ko ay na-highblood si June. Tawang tawa talaga ako nun dahil pulang pula ang buo niyang mukha, ang over acting niya kasi talaga. Kumain muna ako bago nagpunta sa massage center. I really need a very good massage right now. Ilang linggo ako palipat lipat ng studio para sa photoshoot. Si June kasi ay 'pag may nag-send sa kaniya na email at kinukuha ako as a model/endorser ay sige agad siya. Pero syempre, ni-research niya muna ang background ng product na i-endorse ko. Kung legal ba 'yon or safe. "Good afternoon, Ma'am! Foot massage po o whole body?" tanong agad sa akin ng staff ng pagkapasok ko pa lamang. Ngumiti muna ako bago sumagot. The room smells so nice. Pinaghalong amoy ng body essential oil at scented candle. "A full body massage, please," nakangiti kong sagot. Tumango tango ito at may sinulat pa sa notebook bago ako inihatid sa room na pananatilihan ko. Maliit lamang ang espasyo ng kuwarto na iyon at dim pa. May chill music sa background kaya naman panigurado ako na makakatulog ako habang hinihilot. At hindi nga ako nagkamali, nakatulog nga ako. Later that night, tahimik ako habang tinitignan ang mga pictures ni Twyla sa aking album. May album din si Aeolus sa akin. Dalawa sila. Two months after Aeolus leave with our daughter ay na-depress ako. Halos hindi ako makakain dahil sa sobrang kalungkutan. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko sana sila pinaalis ay hindi ako malulungkot ng ganito pero wala na e, nahuli na ako. Hindi ko na mababawi pa ang mga pinagsasabi ko sa kanila, hinding hindi na. Tinigil ko ang pagtitingin sa picture at maayos na binalik ang album sa lagayan. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse na lamang sa internet para mawala ang pagkabagot ko. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ay bumungad sa akin ang article na may title na Mr. Bachelor is Finding A Nanny For His 5-year-old Daughter. Tumaas ang aking kilay dahil sa pagtataka. Pati paghahanap ng nanny ay in-article? Ganoon na ba kakilala 'yong bachelor? Dahil curious ako ay pinindot ko ang link, nag-loading pa ito kaya hinintay ko muna ng ilang sandali. I picked up my tea and drank some of it. Nang umayos na ito ay ganuon na lamang ang gulat ko nang makita na si Aeolus ang naghahanap ng nanny para kay Twyla. May video pa ito kaya clinick ko para panuorin. Nakaupo sa sofa ang anak ko habang nakasimangot at nakanguso. Natawa ako dahil kamukhang kamukha ko siya. She's so cute. Agad na gumapang ang saya sa aking dibdib. Usli na usli ang nguso niya, umiingos ingos pa with matching roll eyes. "I don't want that nanny! Hindi naman siya naga-listen sa akin. Tapos seryoso siya palagi, gusto ko ng bagong nanny, Daddy. Please? Sabi ko sa kaniya, we should laro my barbie doll pero sabi niya sa akin I should study daw! Bakit mas marunong pa siya sa akin?" nakanguso na anas ng anak ko mula sa video. "Twyla," namomroblemang saad ni Aeolus. Hindi siya kita sa video kaya na-disappoint ako ng kaunti. "If we will look for another nanny, you will say that again. Twyla baby, it's your 50th Nanny already. Why not be nice to them para naman hindi sila umalis?" Ayon lang at natapos na ang video. Ni-save ko 'yon sa phone ko. Habang paulit ulit na pinapanood ang video ay biglang pumasok sa isip ko na paano kaya kung mag-apply ako? Tatanggapin kaya ako ni Aeolus or... no? Wala naman sigurong masama kung mag-try ako, hindi ba? At tsaka, I really want to see my daughter in person. Ang laki laki niya na. Parang dati super little pa lang niya. "HALEY, baka gusto mong uminom?" siniko ako ni Kristel at itinapat sa aking mukha ang isang baso ng tequila. Umiling iling ako. I really don't like alcohol. Unang tikim ko pa lang ay ayoko na. It tastes super bad for me, kaya naman kapag may party hanggang juice lang ako. Nasa bar kami at nagc-celebrate for Kristel. She's pregnant kasi and matagal niya ng hinihintay ito. Hindi kasi siya mabuntis dati. Gatas ang iniinom niya ngayon at hindi alcohol. Ang asawa niya ang nag-iinom pati ang mga kaibigan nito. They are laughing while talking about something na hindi ko naman marinig dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar. "No, thanks. I am fine with my juice and snacks," sabi ko na lang at iginala ang tingin sa loob ng bar. The people here is so wild na. Madaming tao sa dance floor at nagkakatuwaan. May mga naga-body shot sa bawat gilid at napapangiwi na lang ako. Some of them tastes the lemon inside each other's mouth. Nasa VIP area kami. This is the 2nd time na nakapunta ako sa bar. Mas gusto ko pa sa tahimik na lugar at mag-imagine na kasama ko si Aeolus at si Twyla kasi ayun ang comfort zone ko lagi e. Bumuntong hininga ako at uminom sa aking juice. Nakaramdam ako ng pag-ihi kaya nagpaalam ako kay Kristel bago ako nagpunta sa comfort room. Habang naglalakad ako ay patingin tingin ako sa paligid. Hanggang sa nahagip ng paningin ko ang taong gustong gusto ko makita. Si Aeolus! Pababa siya sa hagdan and I think galing siya sa VVIP area. Agad akong sumunod sa kaniya. Malayo ang agwat namin sa isa't isa kaya sa tingin ko hindi niya ako nakikita Nang makarating kami sa baba ay madami na ang tao kaya nahirapan ako na sundan siya. Kumurap lang ako saglit ay nawala na siya sa paningin ko. Inikot ikot ko pa ang paningin ko pero hindi ko na talaga siya makita. Marami rin ang bumabati sa kaniya at kumakausap. Bumuntong hininga ako at bigo na naglakad. Liliko na sana ako nang bigla na lang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig. I tried to scream but my voice were muffled at wala ring chance na marinig nila ako dahil maingay. Sobrang lakas ng speaker to the point na lumalagabog ang dibdib ko. Dinala niya ako sa isang room sa itaas at agad na ni-lock iyon, still not revealing himself. Takot na tumakbo ako papalayp sa kaniya para dumistansya sa epal na kumuha sa akin. "W-what do you want?" nanginginig na anas ko. Agad na rumagasa ang kaba sa aking buong pagkatao. s**t, bakit ako pa ang pagti-trip-an nito? Sa dami ng tao sa bar, ako pa talaga? Ngunit halos mahimatay ako nang mabosesan ko ang may-ari ng boses. F*ck. What in the effing f*ck. "No, Haley. You. What do you f*cking want from me?" he mercilessly ask using his cold and baritone voice. He suddenly opened the lights kaya napapikit pikit ako dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw. Nang maayos na ang paningin ko ay nag-mulat na ako ng mata. Sumalubong sa akin ang nanlilisik niyang mga mata, naka-igting ang kaniyang panga at matikas ang pagkakatindig. Nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa kaba. "Miss Haley, if you want to invest at my company just call my secretary. She will immediately assist you. Why stalk me, huh?" malamig niyang sinabi, hindi man lang sinubukan na itago ang galit sa kaniyang boses. Nag-aapoy ang asul niyang mata dahil sa galit. Galit sa akin. Iniisip ko pa lang na galit na galit siya sa akin ay parang gusto ko umiyak nang umiyak. Hindi na siya ang Aeolus ko. Nag-iba na siya. "I-I'm not going to invest at your c-company," I whispered, takot na baka kapag tinaasan ko ang boses ko ay pumiyok ako. Lumapit siya sa akin at ipinagpantay ang mukha naming dalawa kaya naman napapikit ako. "Then, why are you following me, huh? Oh, right. Do you want me to f**k you? Wala ka na bang mahanap na ibang lalaki?" he harshly said, hindi iniisip ang mararamdaman ko sa mga salita niya. Ramdam na ramdam ko ang pagkapunit ng aking puso. Ganoon na ba kababa ang tingin niya sa akin? Bakit ayun agad ang naisip niya? Hindi ba pwedeng gusto ko lang siya makausap para naman makasama ko ang anak ko? Tears fall down at my eyes down to my cheeks. It's all my fault. My sweet Aeolus Isaac is now gone. My Aeolus is now gone. Hindi na siya ang Aeolus ko dati, hindi na siya ang sweet kong Aeolus. "I-i just wan-" pinutol niya ang sasabihin ko. "If you don't have a nice offer, I'm going. You just wasted my f*****g time, Miss," walang puso na anas niya. Tinalikuran niya ako at akmang bubuksan na ang pinto para makaalis na siya nang humikbi ako at hinawakan siya sa kaniyang braso. Pero, tinanggal ko rin agad dahil feeling ko ay nakuryente ako nang hawakan ko siya. "Aeolus, I just w-want to be T-Twyla's nanny. Please," pikit mata na sabi ko, nanginginig pa ang boses. He look at me for a second before laughing sacrastically. "Then, what? You will take my daughter away? Brain wash her?" mapanghusga na tanong niya sa akin. Humikbi ako at umiling iling, tumitig ako sa kaniyang mga asul na mata. "N-no. I promise, I w-will not. Please, I just want to be with my d-daughter," humikbi ko at pinunasan ang aking luha. "Miss na miss ko na siya. Please, Aeolus. Kahit ilang months lang. G-gusto ko lang siya makasama. Please." Ngumisi siya at naglakad papalapit sa akin, ako naman ay paurong nang paurong hanggang sa madikit ang aking likod sa pader. Ibinaba niya ang kaniyang mukha at bumulong sa aking tainga. "I will get you as Twyla's nanny. If and only if. You will be my... s*x slave," he muttered to my ear before leaving me, shock, in the storage room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD