Chapter 1

1730 Words
I stared blankly at the baby. Buhat buhat ko ito at kasalukuyan siyang kumukuha ng gatas mula sa akin. This baby is a girl. Her mittens are pink and naka-baby dress siyang kulay puti, her socks are pink too. Her little cap is also color pink. It was made by the nurse kanina kasi Aeolus forgot to pack a hat for the baby. "Aren't you happy, Haley? Oh my God, look at her cheeks. She's so cute! Her lips are so red oh. How I wish I have a baby like that. Such an angel! Ang fluffy ng cheeks niya, ang sarap kurutin!" my bestfriend, Kristel, said. Kanina pa siya puri nang puri sa batang hawak ko. Siya ang kasama ko nang manganak ako, ayaw ko man siyang papuntahin ay hindi siya pumayag. Hindi nakapunta si Aeolus dahil hindi siya pinaalis sa trabaho niya. Ngayon pa lang na nanganak ako hindi niya na magawan ng paraan para makapunta rito? Paano pa kaya kapag inalagaan niya na ang batang ito? Umirap naman ako at pagak na tumawa dahil sa sinabi ni Kristel. Is she really want me to be happy just because I had this baby? Anong gagawin ko sa bata na ito e hindi ko naman ito ginustong mabuo! "This baby ruined my life, so don't expect that I will be happy seeing her, okay?" mariin na salita ko. I barely look at the baby. Hindi naman ako interesado na makita siya. Baka tatay niya lang ang matutuwa na makita siya. Umismid ang kaibigan ko at inirapan ako. She also stomped her feet a little. Totoo naman ang sinasabi ko. Sinira nilang mag-ama ang buhay ko, ang pangarap ko. Kung hindi dahil sa kanila edi sana nagmo-model na ako ngayon. Kung hindi dahil sa kanila baka nasa mga magazines na ako at kilalang kilala na sa mundo. "Ano ka ba naman, Haley! Huwag mo nga sabihin iyan. Every baby is a blessing kaya 'no. Tsaka maswerte ka nga at pwede ka mag-buntis habang ang ibang babae ay hindi pupwede." Umirap siya at pinag-krus ang mga braso. "At tsaka paano mo nasasabi 'yan? Hindi ka ba naaawa sa sobrang kyut na kyut na baby na 'to?" malambing na ang tono niya sa huli. Mahinhin niya na kinurot ang pisngi ng baby kaya naman medyo umungot ito ng kaunti at pinasag ang maliliit na paa't kamay. "Wala akong pakialam kung hindi sila mabuntis, Kristel. I don't care if they can't bear a child, okay? This is about me. This isn't about them!" gigil na saad ko. "Kung ako lang talaga ang nasunod edi sana wala na itong bata na 'to rito. Baka nasa ibang lugar na siya" I said coldly. Kung hindi lang talaga ako pinigilan ng tatay nito ay baka nagawa ko na, kaso pinigilan ako e. Saktong pagkasabi ko non ay bumukas ang pinto at pumasok si Aeolus na may dalang basket ng prutas at bag na may lamang damit ng baby with the diapers. Awtomatikong umirap ang mata ko bago pabalya na tinanggal ang pagkakadede ng bata sa akin. Umiyak ito pero hindi ko na pinansin at agad siyang inabot sa ama. Agad naman niyang ibinaba ang kaninang mga dala sa sahig at marahan na kinuha sa akin ang bata, he looks so scared. Narinig ko ang pagsaway sa akin ni Kristel pero hindi ko siya pinansin. "Umalis na kayo, tumupad ka sa usapan," malamig kong saad habang hindi siya tinitignan. Tinitigan ko na lang ang mga dala niyang prutas na nagkalat na sa sahig ngayon. Bumuntong hininga ito at malungkot na tumingin sa akin. "Haley, baby. Please," pagmamakaawa niya pa pero buo na ang isip ko. Wala ng makakapagpabago sa gusto ko. Kahit iharap niya pa nang iharap sa akin ang batang 'yan, hindi na talaga magbabago ang isip ko. "Lalabas ka ng kusa o ipapakaladkad pa kita sa guards?" mariin kong saad, still not looking at him. "Haley, ano ka ba!" mataas ang boses ni Kristel. Hindi ko pinansin ang pagsaway sa akin ni Kristel. Nanatili akong tahimik. Hanggang sa bigo na tumalikod si Aeolus mula sa amin. Bago malungkot na lumabas kasama ang anak namin... anak namin. Nang tuluyang sumara ang pinto ay humarap sa akin si Kristel at kitang kita ang galit sa kaniyang mga mata pero hindi ko na lang siya pinansin. Para saan pa ang galit niya? E, wala na ngang makakapagbago sa isip ko. "Haley, are you f*cking out of your godd*mn mind? Anak mo 'yon! Dugo't laman mo 'yon!" She muttered, clearly panicking. Pero wala akong pakialam. Umirap ako at tinalikuran siya. I don't have time para makinig sa mga walang kwenta niyang sermons for me. Ang gusto ko na lang ngayon ay matulog. Matulog nang matulog. "Dahil lang diyan sa pagiging obsessed mo na maging high-end model, pati ang anak at boyfriend mo ay tinapon mo na parang basura lang?!" Hindi makapaniwalang saad niya pa, nagpapatuloy pa rin kahit nakatalikod na ako sa kaniya. Pumantig ang aking tainga at agad na tumingin sa kaniya. Masama ko siyang tinignan. "Hindi lang iyon ang dahilan, Kristel! Ayokong pag-usapan at pag-chismisan ako! Ayokong magalit sa akin ang parents ko!" I screamed. "Naiintindihan mo ba?" Hindi alam ng Mama't Papa na nabuntis ako dahil nagt-trabaho sila sa ibang bansa para asikasuhin ang company namin. Kaya naman habang buntis ako ay hindi nila alam, sa cellphone lamang kami nakakapag-usap kaya hindi nila kita ang malaki kong tiyan. Tanging mukha ko lamang ang kita nila habang kausap ako. Pagak siyang tumawa at hindi makapaniwalang tumingin sakin. "Hindi ko naiintindihan, Haley. Oo, alam ko na ayaw mo pa maging nanay pero sana naman kahit kaunting awa lang doon sa mag-ama mo," nangingilid ang luha sa kaniyang mata. "Takot ka ma-judge kaya tinapon mo ang anak mo? Takot ka sa parents mo? Bakit? Noong nakikipag-s*x ka ba kay Aeolus natakot ka sa magiging resulta?!" Huminga siya ng malalim at pabalya na kinuha ang sling bag niya. "Bahala ka sa buhay mo, Haley! Walang kwenta 'yang mga dahilan mo! Balang araw pagsisisihan mo 'tong mga ginawa mo. Sana maging masaya ka," aniya't umalis na. Naiwan naman ako doon na masama ang loob. Hindi, kahit kailan hinding hindi ako magsisisi. Kahit kailan. After five years... "Pull your chin up, Haley. Yes, perfect shot!" I parted my lips before seriously looking at the camera. Rinig ko ang usapan ng mga staff sa aking likod. I heard how they talk about me, saying that I'm so beautiful and perfect. Kung alam lang nila ang mga ginawa ko dati, they will talk ill behind my back. I am not perfect. I have a lots of mistakes that I did when I was seventeen. Mistakes that broke my whole being. "Yes, last shot!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago nag-unat unat. This day is so tiring. Gosh. Ilang pictorial ba ang pinuntahan ko ngayong araw? Gumising ako ng alas dos ng madaling araw and now it is already 6:42 in the evening. I model some luxury brands. I must say that I am super successful as a model. But, something inside me is missing. May hinahanap hanap ako na hindi ko na pwede pang maibalik dahil tinapon ko na. Kung maibabalik ko man baka hindi na katulad ng dati, baka may basag at lamat na. Bumuntong hininga ako at marahan na hinaplos ang sinapupunan ko. Whenever I hold my belly, I can feel my daughter. I can feel her. Or, is it just my imaginations? Yes, is it truely my imaginations. "Nakahawak ka na naman sa sinapupunan mo. Seryoso, Haley? Kung hindi ko lang alam na wala ka pang naging boyfriend iisipin ko na buntis ka o nagkaanak ka na eh," sabi ni June, ang bakla kong manager. Hawak niya ang kaniyang pamaypay at nasa braso naman niya ang kaniyang branded na bag. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa aking tiyan at kinuha na lang ang cellphone ko. May nag-message sa akin kaya pinindot ko ang message icon. "Kung ano ano na naman iniisip mo, June. Pagod lang 'yan, itulog mo na lang mamaya sa van," natatawa kong baling sa kaniya. Inirapan ako nito at pabirong hinila ang aking buhok. "Gaga! Kahit model ka ng luxury brands, kukurutin kita sa singit," aniya at umalis na sa harap ko. Minanduhan niya ang mga kasama namin na mag-balot na ng mga gamit. This is our last photoshoot na and I can finally rest. Umiling na lamang ako. Normal sa amin ni June ang magbangayan. Ang hindi normal sa amin ay ang mag-lambingan. Hindi ko lang manager si June, bestfriend ko pa. Dalawa sila ni Kristel na bestfriend ko. Nakita ko na mga fans ko ang nag-message at isa na doon si Kristel kaya naman pinindot ko ang name niya. Awtomatiko na umangat ang magkabilang gilid ng aking labi. It's my baby. Kristel and I hired a private photographer for me. Para kahit hindi ko malapitan ang anak ko may picture niya naman ako. I have a picture when she turned 1, 2, 3, 4 and now 5. Her first walk, her first flounder. When I got home agad kong ni-develop ang mga pictures na 'yon at nilagay sa album. Punong puno ito ng mga pictures niya. May closet din siya sa bahay ko at puno din iyon ng mga damit. Shoes, jewelries and many more. Kapag nagm-model ako ng mga clothing brands ay pinapapili nila ako ng damit, pinipili ko 'yong para sa akin at pumipili din ako ng para sa kaniya. Tinatanong nila ako kung bakit ako nakuha ng pangbata na damit sinasagot ko naman na para sa pamangkin ko kahit wala naman ako nun. Miss na miss ko na siya. Miss ko na sila ng Daddy niya. Aeolus is now 30. Ako naman ay 25. Aeolus Isaac is now a successful engineer and I'm so proud of him even if he doesn't know it. I regret every single word that I said to them when they were still here. Nagsisisi ako na inisip ko ang sasabihin sa akin ng ibang tao kesa sa pagpili ko sa kanila. Nagsisisi ako na tinaboy ko silang dalawa. I still love Aeolus at hindi na magbabago 'yon. This house feels so empty. Successful nga ako sa buhay ko pero hindi ako masaya. Akala ko ito ang gusto ko sa buhay, pero hindi pala. My daughter's name is Twyla Isaac and she is now a bubbly five years old.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD