Teaser

476 Words
"No! I hate this baby! I hate this!" Napatigil ako sa pagsusuntok sa aking tiyan nang maramdaman ko na may umawat sa akin. Agad akong umalma at tinignan siya nang masama. "Haley, stop it! Wala ka ng magagawa, nabuo na 'yan. Baby, please," nagmamakaawa siyang tumingin sa akin pero wala akong pakialam. Hindi naman siya ang maghihirap, hindi naman siya ang huhusgahan! Ako anb maghihirap dahil sa punyetang bata na ito at ako rin ang huhusgahan. Ngumisi naman ako sa kaniya, "May magagawa ako, Aeolus. I can f*cking abort this baby! Akala mo wala?" walang puso na saad ko sa kaniya. Lumuhod siya sa aking harapan bago hinawakan ang aking dalawang kamay. Kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang dalawang mata dahil sa nagbabadyang mga luha. "Baby, don't do it. Please, I will do what you want. J-just don't kill our baby," he muttered, crying. Tumulo ang luha sa kaniyang mata pababa sa kaniyang pisngi. He tried to wipe it pero sunod sunod na talaga ang pagtulo ng luha niya kaya naman wala ring bisa ang pagpupunas niya ng luha. I don't want this baby. I'm only twenty for goodness sake and I want to be a high-end model pa! Tsaka ayaw ko na magalit sa akin ang parents ko dahil lamang sa bata na ito. Sa bata na hindi ko naman ginustong mabuo. Bumuntong hininga ako at matapang na tumingin kay Aeolus. Matikas ang aking tingin habang tinitignan siyang luhaan. If he really want to keep this baby then, fine. He wants to keep it? Okay, I will let him have the baby. "Kapalit ng hindi ko paglaglag at panganganak sa bata na ito gusto ko na lumayo kayong dalawa sakin. Gusto ko na hindi kayo lumapit sa akin," matapang na saad ko. "Ayoko. Ayokong makikita ang bata na ito, Aelous. Ayoko. Nagkakaintindihan ba tayo?" mariin na saad ko. Agad siyang namutla dahil sa narinig mula sa akin. Nataranta siya sa sinabi ko. Agad siyang umiling iling at yumakap sa aking bewang. Pilit ko naman iyong tinatanggal habang nanatili akong hindi tumitingin sa kaniya. I tried to unclasp his hands on my waist but he won't let me. Matigas ang pagkakahawak niya sa aking bewang, tila ba takot na takot na mahiwalay sa akin. "B-baby, please. I-I will work hard! For you and for our baby. J-just don't do that. Please," nanginginig na sabi niya sa akin. He is still on his knees and the tears are streaming down on his face. Imbis na maawa ay galit at inis ang mas nanaig sa akin. Umiling iling ako at pilit na tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. "Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, ipapalaglag ko ang bata, Aelous!" I screamed. "At anong work hard? Kahit ano pang trabaho ang pasukin mo hinding hindi mo maibibigay ang gusto ko, Aelous. Hinding hindi dahil mahirap ka lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD