Natigilan ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para kumawala at tumakas. Kung napagutusan siya, maaring 'yong iba kanina ay napagutusan lang din. At sino naman ang mag uutos n'on? Sino naman ang maguutos na pagtripan ako? Bumalik na rin ako sa classroom matapos magpalit ay dumiretso na ako sa field. Buti na lang at may extra akong t-shirt para sa P.E mamaya. Sakto naman na naabutan ko sila na nandoon na. "'Di pa 'ko late?" tanong ko kay Kevin sabay tingin sa oras. "Wala pa ng si sir e'" sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Ano'ng hitsura 'yan?" taong niya pa nang mapansin ako. "Ah, wala. Natapunan lang ako ng milktea kanina," sagot ko at saka hinawakan ang basa ko pang buhok. "Shunga mo naman," komento niya. Natawa na lang ako at muling in

