"Sinungaling ka," bungad niya sa akin. Gusto kong matawa, kung ano-ano na naman hinithit netong si Kevin eh. "Ewan ko sa 'yo, kung ano-ano na naman nahithit mo. Tara sabay na tayo," sagot ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya pero iniiwas niya. Napakunot ang noo ko at muling tumingin sa kaniya. Hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Para siyang galit na hindi ko alam. "You know how I admire you. Pero mali ang pagkakakilala ko sa 'yo," aniya at mabilis na naglakad paalis. Sumunod naman agad ako sa kaniya. "Kevin, sandali!" habol ko kahit na mag echo iyon sa buong hallway. Tuluyan ko siyang naabutan nang mapadaan kami sa dulo ng hallway paakyat ng hagdan kung saan madalang ang mga estudyanteng nakatambay. "Sabihin mo sa 'kin, ano'ng problema?" "Alam ko na ang lahat,

