Hindi naman ako na-bother sa sinabi ng Kuya Ariston tungkol kay Lander dahil nga kilala ko ito na hindi gagawa ng ganoon habang may relasyon kami. Saka... our relationship lasted for two weeks. Hindi rin nagtagal yung panliligaw nito sa akin. Ang ayoko lang talaga, yung parang naghihintay at naghahanap pa rin ang kuya ng kamalian nito pagkatapos ng nagawa ko. Ako na nga yung nanakit, sana naman hayaan na rin niya si Lander. "Sarap nito, ah? Ikaw ang gumawa, hon?" Tapos na kaming mag-dinner. Nandito naman kami ngayon sa silid ko. Actually, kami lang ni Reiz para sana maikwento ko nga yung pupuntahan ko bukas at kung bakit si Kade ang susundo kaso umepal na naman si kuya. Eh, ayoko nagkukwento talaga pag nandito siya. "Kami ni Ara, hindi ka pa ba aalis?" Salubong ang mga kilay na tan

