"You're not answering my messages." Muntik namang umikot ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Kade pagkalabas ko ng bahay namin. Hindi ko nga sinasagot ang mga tawag niya—para saan pa, eh alam naman na rin niya itong bahay namin? "Lowbat ang phone ko kagabi. Hindi ko naicharge," sagot ko na lang kahit full charge na fully charged ang cellphone ko. Umikot na ako sa likod at binuksan ang pinto. Pansin ko naman na sinundan niya ako ng tingin, at nang papasok na ako sa loob ng sasakyan niya, saka ko ulit siya narinig na magsalita. "Dito sa harap, Ara." Ikinataas naman 'yon ng isang kilay ko. "Diyan na si Jade o si Reina. Dito na ako sa likod," sagot ko. Nang may balak pa siyang sumagot ay mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan bago pa siya magsalita ulit. It's already eleven i

