"Everyone is nice to me, kuya. May mga nakakausap ako at kaclose naman sa university kahit ang ibang year. H-Hindi lang talaga ako nagkaroon ng mga kaibigan na palagi kong nakakasama." Nang tumigil kami dahil nag-red ang traffic light ay napatingin siya sa akin. He smiled at me and tapped my head three times. Pagkatapos ay ibinalik ang mga kamay sa manibela. "Naparanoid lang rin siguro ako lalo at kapag nasa bahay ka ay nagkukulong ka lang sa kwarto mo. Tumutugtog ng piano. Dad told me before that you play when you're sad. Doon ako nagsimulang mag-isip na baka nga dahil wala kang mga kaibigan na madalas kasama, ni hindi ka rin lumalabas kapag weekend. Tapos after class, bahay ka na agad. Kaya nang maipakilala ko si Reiz, it made me happy that you two are getting along with each other. Na

