Nakaramdam ako ng hiya dahil lahat ng 'yon na sinabi ni Leonariz ay totoo. Tama naman rin siya na kahit anong pilit sa akin ay kung ayaw ko talaga, hindi ko magagawa na tumugon sa mga halik niya. Gaga ka, Arazella. Tigilan mo 'yan dahil iyan ikapapahamak mo. Tuldukan mo nang hindi na 'yon mauulit pa. Na hindi ka na mahahalikan pa ni Leonariz. There's really something in his kiss that compels me to respond. It's frightening because even though I loathe him, my body reacts differently. "Oh? Leo? Aalis ka na?" Nang makabalik ang dad ay agad ako na napatingin sa kaniya. Nakita niya kasi na nakatayo si Leonariz at nakaharap sa akin siguro akala niya ay nagpapaalam na ito na umalis. Mas mabuti pa nga 'yon, dahil hindi mainam na manatili pa siya dito. Isa pa, tapos na rin naman siya na kumai

