Ang bilis niya naman magkasakit. Or maybe he hasn't been feeling well since he came here. Napansin ko na mas basa rin ang buhok at damit niya kumpara sa daddy nang dumating silang dalawa kanina. Kaya rin pala medyo mainit siya kanina nang niyakap niya ako mula sa likod. I thought that's normal. Mas mainit nga lang siya ngayon at sigurado ako na nilalagnat siya. "Kukuha ako ng gamot," sabi ko. Gumilid naman na siya at pinadaan ako. Wala ang saping demonyo sa kaniya dahil hinahayaan niya ako. Kasi kung mayroon ay baka nakadikit na ako sa pader at hinahalikan niya--sht. Ano ba 'tong naiisip ko? A-Ako pa talaga ang nakakaisip ng ganito? "For what?" ang sungit ng tanong! Narinig ko na ang tunog ng lagaslas ng tubig sa banyo. He washed his face. Nakikita ko dahil bukas ang pinto. Nakikita k

