SHAKKI :
Sa pagdilat ng aking mga mata, puting kisame ang tumambad sa akin. Kumurap ako. Ganoon pa rin ang nakikita ko. Kusang kumunot ang noo ko. Tinagilid ko ang aking ulo. Wala akong makitang tao, bukod sa akin. Pero napapansin ko puros mga bulaklak ang nakapatong sa mababang mesa at sa couch. Mayroon ding nakabukas na laptop doon. Inangat ko ang isang kamay ko, nakita ko na may nakakabit na dextrose sa bahagi ng aking pulsuhan. Muli ko iginala ang aking paningin sa loob ng silid na ito. Hindi ako nagkakamali. Nasa Ospital ako.
Ibinaba ko ang aking braso nang nagbukas ang pinto ng kuwarto na ito. Mas lalo ako nagtataka dahil lalaki ito at bagong mukha siya sa aking paningin. Kita ko ang pagbuntong-hininga niya. Nilapitan niya ang couch at umupo, sinilip niya ang naturang laptop. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaki. Sa tingin ko ay may halo siyang banyaga. Pinag-aaralan ko ang kaniyang kinikilos. Maya-maya pa ay kinuha niya ang cellphone na nakapatong din sa mababang mesa. May tinipa siya doon saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. Ilang saglit pa ay nagsalita siya.
"Kal, nasa email mo na ang mga details na hinihingi mo sa akin para sa pagtatayo ng isa sa mga branch ni Finn. I-check mo nalang." he said. He leaned his back on the couch. "Yeah, I'm still here. Ako pa rin ang nagbabantay kay Shakki."
What? How come did he know my name?!
"Yes, mamaya pupunta si mama dito para bumisita. She's with Hamiltons." he added. Lumipat ang tingin niya sa akin. Kita ko kung papaano siya natigilan nang makita niya ako. Umaawang ang bibig niya nang kaunti. Ako naman ay nanatili lang nakatingin sa kaniya. Hindi talaga maalis ang tingin ko sa kaniya. Bakit nababasa ko sa kaniyang mukha na parang maiiyak siya nang nagtama ang mga tingin namin? Para bang sa mga tingin niyang iyon ay matagal na niya akong hindi nakikita? "K-Kal, she's awake. Talk you later and please call the Hamiltons." then he hang up the phone. Ipinatong niya ang cellphone sa mababang mesa saka mabilis niya akong dinaluhan. "S-Shakki..." he called me. He gently hold my hand.
"W-who are you?" mahina kong tanong sa kaniya. Bakas sa boses ko ang pagtataka.
Muli siya natigilan sa tanong ko na iyon. Bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa mga salita na binitawan ko. Ang hindi ko lang maitindihan kung bakit kilala niya ako sa gayon ay hindi ko naman siya kilala?
"Mister?" mahina kong tawag sa kaniya.
Tila nanumbalik ang ulirat niya. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. "T-tatawagin ko lang ang doktor mo." saglit niya ako tinalikuran at iniwan niya ako dito sa silid.
**
Pagkatapos kong sagutin ang tanong ng doktor ay sinabi niya na gusto daw niya muna makausap ang mga magulang ko. Kasama ang lalaki na nagbabantay sa akin kanina. Kahit sa pag-alis nila dito sa silid ay hindi mawala ang lungkot sa mukha ng lalaki. Ang tanging kasama ko lang dito ay ang pinsan ko na si Anrod. Hindi ko rin maitindihan ang isang ito kung bakit malungkot na mukha din ang binibigay niya sa akin.
"Anrod," tawag ko sa kaniya habang nakadungaw lang ako sa bintana ng silid na ito.
"Hmm?"
"Anong sakit ko? Bakit nandito ako sa Ospital?" I asked.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na bumaling sa kaniya. Diretso siya nakatingin sa akin. "Hindi dapat ako ang sumasagot ng mga tanong mo na iyan, Shakki." sabi niya habang naglalaro siya ng rubix cube. "Pero iisa lang ang masasabi ko. That guy is Vaughn Edgar Hochengco."
"Vaughn...Edgar...Hocheng...Co?" ulit ko na kunot ang noo.
Tumango siya. "Yeah."
"Ano siya sa buhay ko kung ganoon?" sunod kong tanong.
Nakatitig lang siya sa akin. Bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya. Imbis ang naging sagot niyia sa akin, "You will know him, Shakki. Not now."
**
Nang gabi ding iyon ay nagising ako nang may naririnig akong may nagtitipa. Tumambad sa akin ang tinutukoy ni Anrod na si Vaughn Edgar Hochengco. Nakaharap ito sa kaniyang laptop at seryoso ang kaniyang mukha. Hindi naman siya nakakatakot tingnan pero mas nangingibabaw ang awa ko para sa kaniya kahit hindi ko siya kilala.
"V-Vaughn?" tawag ko sa kaniya.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Tila nagulat pa siya sa tawag ko na iyon. Agad siyang umalis mula sa harap ng laptop at agad niya ako dinaluhan. "Y-you know me?" dama ko na basag ang boses niya sa tanong na iyon.
Napangiwi ako. "Nasabi lang sa akin ni Anrod ang pangalan mo nang tanungin ko 'yon." sagot ko.
Tila sinakluban siya ng langit at lupa dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "I...See..." he said. Sa boses niyang iyon. Isang mapait na ngiti ang kaniyang iginawad sa akin. "How's your feeling? Are you alright?"
"Medyo masakit lang ang ulo ko." pahayag ko. "Ano pala ang sabi ng doktor sa iyo... Kanina?"
Bago man niya sagutin ang tanong ko ay hinila niya ang upuan na malapit lang sa kaniya. Umupo siya doon. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko. Imbis na bawiin ko iyon ay tila may nagsasabi sa akin na hayaan ko lang na hawakan niya ako. "You got a surgery, Shakki." panimula niya. "Your doctor said, you would never remember meeting a person after your have spent a great deal of time with."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Inaabangan ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.
"And this is the result of your surgery. I took a risk just to save you because I don't want to lose you. Now, I need to face the consequences." tila kumikislap ang mga mata niya dahil sa mga namumuong luha. "Dapat handa na ako. Dapat okay na ako kahit alam ko na ganito ang magiging resulta... Ang sakit pala. Pero kahit na hindi mo na ako maalala... Kung anong mga alaala at pangako na binuo natin, titiisin ko. Titiisin ang lahat.... Kahit pagbawalan mo akong lumapit sa iyo, gagawin ko. Huwag ka lang mawala..." hanggang sa kumawala ang isang butil ng luha at marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi.
Sa mga narinig ko, pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko, nasasaktan din ako na makita ko siya na ganito.
"A-anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.
May kinuha siya mula sa bulsa ng kaniyang polo. Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siyang malamig na bagay sa aking palad.
Isang singsing?
Muli akong tumingin sa kaniya na nagtatanong sa aking mukha. Kailangan ko ng malinaw na sagot.
"I promise you to give my all and you promise me to survive and live for me, Shakki." himihikbi niyang sabi. "Kahit gaano ako katagal maghihintay para sa iyo, gagawin ko."
Bumangon ako. Dahil sa sakit na nadadama ko ngayon ay kusang umangat ang mga braso ko para maabot ko siya. Hanggang sa tagumpay ko siyang ikinulong sa mga bisig. Mas lalo siya umiyak sa ginawa ko, yumapos siya sa aking bewang. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Kusa dumapo ang mga labi ko sa kaniyang buhok at doon ko siya hinalikan. Pumikit ako ng mariin. Kahit sa ganitong paraan man lang ay mabawasan ko ang sakit na dala-dala niya ngayon. "Sorry... Sorry kung nakalimutan ko ang la-hat..." basag na din ang boses ko nang sambitin ko iyon.
"I love you, Shakki. Palagi mong tatandaan na mahal kita. Meron o wala ka man naalala."
**
Ilang araw pa ako nanatili dito sa Ospital dahil kailangan pa daw ako ieksamin sa mga test na isasagawa sa akin lalo na sa kaso ko. Nalaman ko na galing ako sa surgery. Nalaman ko din na may brain tumor ako noon at pangalawang beses ko na itong operasyon. Isang himala nga daw ang nangyari sa akin dahil nakasurvive daw ako.
Naging malapit ako kay Vaughn sa paglipas ng mga araw na nagdaan. Walang araw na hindi niya ako iuuwian ng mga bulaklak at mga paborito kong pagkain. Nalaman ko din na asawa ko daw siya. Hindi ko alam kung anong nakain niya para humaba ang pasensya niya sa akin dahil sa pangungulit ko sa mga tanong tungkol sa aming dalawa. Pero habang nagkukwento siya tungkol sa love story namin, natutuwa ako. Parang gusto ko bumalik sa dati. Noong hindi nabura ang alaala ko.
"Sigurado ka bang ako talaga ang nag-aya sa iyo magpakasal?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo kaya. Sadyang pinuntahan mo pa ako sa talyer ko noon para magpropose." natatawang kwento niya habang kumakain kami ng dinner dito sa silid kung saan ako naka-admit.
"Ano naman ang isinagot mo?" sunod kong tanong.
"I declined it."
Matik na kumunot ang noo ko. "What? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit tinanggihan mo ang proposal ko noon kung ganoon, aber?"
He reached me. Pinalalaruan niya ang mga daliri ko, lalo na ang palasingsingan ko. Suot ko kasi ang singsing na ipinakita niya sa akin. "Dahil gusto ko, ako ang mag-aaya sa iyo ng kasal, Mi amor." he explained softly.
Tila sumikdo ang puso ko sa paliwanag niya. Tumikhim ako saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Ang mabuti pa, ubusin na natin ito para matuloy mo ang trabaho mo." pag-iiba ko ng usapan. Pero nagpahabol pa ako ng sulyap. Napangiti na din ako nang makita ko ang kaniyang ngiti na dahilan para gumaan ang loob ko.
Kinabukasan ay muli ako binabantayan ni Vaughn dito sa Ospital. Ang mas hindi ko inaasahan ay may dala siyang mga paperbag. Ang sabi niya sa akin, sinadya niya na bilhan niya ako ng mga damit dahil may pupuntahan daw kami.
"Vaughn! Masyadong maganda ang mga damit at sapatos na ito!" bulalas ko nang inilabas ko ang laman ng mga paperbag na dala niya. "At saka, ang pangit ko pa, oh!"
Matamis siyang ngumiti. Hinawakan niya ang baba ko at umangat ng tingin na dahilan para magtama ang mga tingin namin. "Hindi ka naman pangit sa paningin ko, ah. You're always beautiful, Shakki." masuyo niyang sabi. Ngumuso ako para pigilan ang sarili kong kiligin at sa ibang direksyon akong tumingin. "I love you."
"Panay I love you mo, ha. Tama na." saka kinagat ko ang aking labi at yumuko dahil sa hiya. Ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
Habang nagtatrabaho siya, sinubukan kong magdrawing. Ewan ko, naglambing kasi ako kay Vaughn na dalhan niya ako ng lapis at papel. Feel ko kasi magdrawing pero bakit ganoon? Ang pangit ko magdrawing? Bakit parang pambata ang mga iginuguhit ko?
"Vaughn?" tawag ko sa kaiya bigla.
Saglit siya tumigil sa kaniyang ginagawa. "Yes, Mi amor?"
Bumaling ako sa kaniya. "Anong trabaho ko noon? At saka ano bang trabaho mo?"
Bago siya sumagot ay dumapo ang tingin niya sa hawak kong papel at lapis. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Binasa niya ang kaniyang mga labi. "You're an Architect while I'm an Engineer." he finally answered.
Natigilan ako saglit. Tumingin ako sa iginuguhit ko. "Isa akong architect? Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Ang sabi sa akin ng doktor, makakalimutan mo na din ang mga madalas mong ginagawa noon... Bago ka inoperahan."
Nakatitig lang ako sa drawing ko. Isang bahay at isang kompletong pamilya ang nasa larawan.
"I'm s-sorry, Shakki—"
"It's alright."
"Shakki..."
Tumingin ako sa kaniya na nakangiti. Isang sinserong ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Ayos lang sa akin kung mawala ang talent ko sa pagdodrawing... Mawalan man ako ng alaala tungkol sa iyo, may mga bagay talaga na kailangan makalimutan. Malaking pasasalamat ko dahil nabigyan na naman ng pagkakataon na tumagal sa mundo na ito, Vaughn. Iyon ay makasama ka pa. Tulad ng sinasabi mo... Gagamitin ko ang tsansa na ito para mabigyan kita ng magandang pamilya na ipinangako ko sa iyo noon pa man." Marahan ko hinawakan ang kaniyang kamay. "Salamat, dahil hindi mo ako sinukuan kahit anong mangyari, Vaughn."
"Shakki..."
"Gagawa ulit tayo ng bagong alaala, Vaughn. Sa pagkakataon na ito, kasama na kita."