VAUGHN :
Nanatili akong nakaupo sa waiting area. Inaabangan ko ang paglabas ng doktor ni Shakki. Gusto kong malaman agad kung ano ang resulta ng kaniyang surgery pagkatapos. Abot-langit ang kaba ko, hindi ako mapakali. Lumipas na ng apat na oras, ngunit wala pa rin. Kinagat ko ang aking labi at bumalik sa pagkaupo. I clasped my hands tighter, muli ako nagdasal sa pamamagitan ng aking isipan.
Ramdam ko na may umupo sa aking tabi. Agad kong binalingan kung sino iyon. Si mama. Tulad ko, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Inakbayan niya ako pero ayos lang sa akin. Tutal naman ay magkasundo na kaming dalawa. Nalaman ko din na isa sa mga hiniling si Shakki na maging maayos na kami ng nanay ko nang tuluyan. Na maging maayos na din ang gusot sa pagitan ng mga Hochengco at ng mga Alcazar. Nagkausap na din sina mama at papa. Naging maayos na din, kahit si mommy Fiorella ay maluwag niyang tinanggap si mama bilang kaibigan.
Mi amor, natupad na namin ang hinihiling mo. So please, fight for us. You promised me, you'll never leave me again. Sasamahan mo akong gumawa ng pinapangarap ko na masayang pamilya.
"She will be alright, Vaughn." malumanay na sabi ni mama. "We know she can do it. She can fight."
Tango lang naging sagot ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Ilang saglit pa ay napamaang ako nang makita namin na may lumabas na nurse sa mula sa Operating Room. Doon ay kusang kumunot ang noo ko. Napatayo ako, ganoon din si mama. Mas lalo ako nangangamba dahil may nurse pa ng nagmamadaling pumasok doon at may mga dala silang machine or something. Meron ding isang doktor na lumapit para pumasok sa loob.
"What the hell is happening?" mahina kong turan.
Ni isa ay walang kakayahan na sumagot sa aking tanong. Mas lalo ako hindi mapakali sa aking pwesto. Gusto kong pumasok sa loob ng Operating Room para malaman ang kalagayan ng asawa ko. I clenched my fist as it's hard to breathe. Huwag nilang sasabihin na may nangyayaring masama sa asawa ko?!
"Calm down, Vaughn." garagal na wika ni mama sa tabi ko.
Marahas akong bumuntong-hininga. Binasa ng dila ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyo na iyon nang dahil sa kaba. Pilit ko din pakalmahin ang aking sistema. Hinding hindi ko matatanggap kung mawawala ang asawa ko. Tila naging bingi ko sa utos ng sarili kong ina. Muli pa akong tinawag ni papa. Agad ko nilapitan ang nurse na natitira dito sa labas. "Anong nangyayari sa loob?" seryoso kong tanong.
Walang sumagot sa aking tanong. I clenched my jaw. Mas kinuyom ko pa ang aking kamao dahil sa iritasyon. Dahil sa napuno ako ay walang sabi na pumasok sa loob ng Operating Room kung ano na ang lagay ng asawa ko pero agad din ako hinarangan ng isa pang nurse.
"Sir! Bawal po kayo sa loob-"
Seryoso akong bumaling sa kaniya. "Nasa loob ang asawa ko. Anong nangyayari?" mariin kong tanong.
"Kailangan ninyo lang maghintay dito, sir." pagkatapos ay pumasok na ito sa loob. Isinara na din niya ang pinto ng Operating Room. Napameywang ako't napahilamos ng mukha. Gusto ko nang sipain kung anumang bagay na mapagbalingan ng inis ko.
Nilapitan ako ni papa. Kalmado niyang tinapik ang aking balikat. "You need to calm down, Vaughn. Malakas ang asawa mo. Makakaya niya ang operasyon sa loob."
Hindi ko magawang sumagot kay papa. Sa halip ay labag pa sa kalooban ko na pumirmi sa upuan. Napatingala naman ako nang nilapitan ako nina Tarrah at Laraya. Ngumiti sila sa akin at may inabot na isang bagay. Binigyan ko sila ng nakapagtatakang tingin.
"This is Shakki's phone, Vaughn." sambit ni Laraya. "Ang sabi niya, habang nasa operasyon siya, panoorin mo lang daw ang video na inihanda niya para sa iyo."
Walang alinlangan na tinanggap ko ang cellphone ni Shakki. Inabutan din nila ako ng earphones dahil maingay nga din dito sa Ospital. Pagkatapos nilang ibigay sa akin ang cellphone ay bumalik silang dalawa sa mga asawa nila at inasikaso ang mga anak nila.
Kahit na nagtataka ako ay ginawa ko ang bilin ni Shakki. Kinabit ko din sa aking tainga ang earphones. Hinahanap ko sa gallery ang video na tinutukoy nila hanggang sa nakita ko iyon. Nakatapat sa kaniya ang camera na may ngiti sa kaniyang mga labi. May suot siyang bonet. Kung hindi ako nagkakamali. Kagabi ito. Kita ko na kumaway siya. Her smiles is very genuine. Lumingon siya. Nakikita ko ang sarili ko na nahimbing na natutulog sa couch. Kita ko na lumapit siya doon.
"Ang guwapo ng asawa ko, oh." sabi niya na mahinang tumatawa. Siguro ay natatakot siya na magising ako. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit kailan talaga, hindi mawawalan ng trip ang isang ito. "Matutulog na nga lang, ang guwapo pa rin." saka humagikgik na naman siya.
Kahit na nakatapat pa rin sa kaniya ang camera, humarap siya sa akin. Kahit na nakaside view siya, kita ko pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Lumungkot ang kaniyang mukha.
"Vaughn, kung mapapanood mo ito, gusto kong malaman mo... Kung gaano kita kamahal." marahan niyang hinawakan ang aking buhok. "Sorry kung nagsinungaling ako sa iyo. Na hindi ko man lang iniisip na mas nasasaktan ka sa sitwasyon natin ngayon." kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Pinangunahan ako ng takot." gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Pero minsan, napapaisip ako. Ilang beses na kitang sinasaktan, ilang beses na kitang iniwanan... Pero bakit mahal mo pa rin ako? Bakit ako pa rin?" kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha, hindi siya nag-abalang punasan iyon. "Alam mo ba, noong nireject mo ang proposal ko, para akong sinakluban ng langit at lupa. Siguro frustrated lang ako para mailigtas ko ang kumpanya namin. Pero, narealize ko, gusto mo... Ikaw ang magpropose sa akin kasi noong college tayo, panay tanong mo sa akin kung anong proposal na gusto ko, tapos, ang sagot ko, simple lang... Tayong dalawa lang. Ayos na ako doon."
Yumuko siya at impit siyang umiiyak sa harap ko.
"Nang ikinasal na tayo, ang sabi ko sa sarili ko, hinding hindi na ako mahuhulog sa iyo. Aminado ako, masama ang intensyon dahil pangalan mo lang ang habol ko.. Pero hindi, eh. Kahit anong gawin ko... Kahit anong layo ko... Ikaw pa rin, Vaughn. Lalo na't nakita ko na hindi mo ako sinukuan. Hindi mo ako nilubayan.Hindi ko maramdaman ang galit mo sa kabilang mga ginawa ko sa iyo. Ang bait mo pa rin. Hindi nagbago ang Vaughn Hochengco na nakilala ko noon."
Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha nang marinig ko mula sa kaniya ang mga bagay na iyon.
"Bukas, ooperahan na naman ako. Noong una, iniisip ko noon, siguro... Magiging masaya ka din kasi hindi mo malalaman na mawawala ako. Kahit na ilang beses na kitang pinagtabuyan noon. Pero ngayon, determinado na akong lumaban... Kasi, nand'yan ka. Hindi ka umaalis sa tabi ko kahit na nakikita mo kung papaano ako nanghihina sa tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo..." kinagat niya ang kaniyang labi at pumikit ng mariin ng ilang segundo. "I realized what's the purposed why God given me another chance to live... Gusto ko kitang alagaan. Gusto kong mahalin pa kita... I want to have problems to discuss with you... I want to do little projects with you---I want to be a mother of your children, and be a good mother and a wife for our future family."
Pumikit ako ng mariin at hindi ko mapigilang mapaluha. Naninikip ang dibdib ko habang pinapakinggan ko ang mga salita na kaniyang sinasambit.
"I adore you, Vaughn. I'll bet you are surprised that I don't even have a boyfriend except you. But you can't help it. No, can I... I don't understand it, for I have met many boys and very nice ones, I want to tell you I love you. I want to love you. I always will love you, Vaughn. Believe me and we will win this fight together."
Until the video stopped. Sige pa rin ang pagtulo ng luha ko. Nilapitan ako ni mama at hinagod ang aking likod. Ganoon din si papa.
Bahagyan ako natigilan nang may lumitaw na panyo sa aking paningin. Nang maiangat ko kung sino ang may hawak n'on, tumambad sa akin ang kambal nina Finn at Pasha, sina Rowan at Sarette.
"Tito Vaughn, huwag ka na po cry." malungkot na sabi ni Sarette pero sige pa rin ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Baka mas lalo po maging malungkot si tita Shakki kapag nakikita ka niyang naiyak." dagdag pa ni Rowan.
Tinanggap ko ang panyo na kaniyang inaalok. Pinunasan ko iyon sa aking mukha na basa na ng mga luha "Xie xie," garagal kong sambit sa kanila.
"Magiging maayos din po si tita Shakki, mabait po si papa God." pahayag ni Sarette.
Sa mga sinabi ng mga pamangkin ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakagaan ng loob ng kanilang sinabi. Walang sabi na niyakap ko ang kambal. Ramdam ko na tinapik ni Rowan ang aking likod.
"Mr. Hochengco?"
Mabilis akong kumalas mula sa pagkayakap sa kambal. Agad akong bumaling sa pinto ng Operating Room. Nakatayo doon ang doktor na nag-opera kay Shakki. Nakatingin siya sa aking gawi. Agad akong tumayo para daluhan siya. Lumunok ako bago nagtanong, "K-kamusta ang asawa ko? Ano na po ang lagay niya?" muli na naman nagtatambol ang puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
Bago niya ako sagutin ay kinuha niya ang isang kamay ko. May isang bagay siya na ipinatong sa aking palad. Nang makita ko kung ano 'yon ay napatulala ako. Napaawang ang aking bibig dahil sa hindi makapaniwala.
"Ang singsing ng asawa ko..." mahina kong sambit.
"We did everything to save her."
Tila hindi masink in sa akin ang sinabi ng doktor. Unti-unti sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Lumingon ako sa pamilya ko. Napasapo ng bibig si mama at napaiyak dahil sa tuwa. Walang sabi na niyakap ko sila at nagtatalon-talon ako sa tuwa.
Ligtas ang asawa ko! Hindi napako ang binitawan niyang pangako sa akin!
"She's safe! She's safe! My bride is safe!" pinagsisigawan ko iyon pero wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin sa akin ng mga tao na naroon basta ang nararamdaman ko ngayon ay umaapaw na kagalakan sa aking sistema. May pag-asa pa para sa aming dalawa ni Shakki. May dahilan pa ako para umusad sa buhay!
After surgery, Shakki were taken to the recovery room. Her doctor said, she will spend one to two hours in a recovery room where nurses will watch her closely, they need to watch her vital signs and help if she have any side effects.. She may stay longer depending on her surgery and how fast she will wake up from anesthesia.
Mula dito, kita ko na may nakakabit na mga aparato at mga tubo sa katawan ng asawa ko. Ilang saglit din ay lumabas na ang kaniyang doktor.
"Kailan po siya magigising?" diretsahan kong tanong.
"Within twenty-four hours, Mr. Ho." nakangiting sabi ng doktor. "Tulad ng sabi ko, bago ang operasyon, may epekto pa rin ang operasyon na isinagawa sa kaniya. Nabalaan na kita na baka dumating sa punto na hindi na siya makaalala. Tulad ng mga madalas niyang ginagawa noon, hindi na niya magagawa pa pagkatapos ng operasyon na ito. Pero kahit na nagising na siya, oobserbahan pa rin natin siya." seryosong sagot sa akin ng doktor.
Mapait akong ngumiti. "Maraming salamat po, doc."
Binigyan ako ng pahintulot ng doktor na makapasok sa loob ng recovery room. Pinasuot nila ako ng face mask, surgical scrub at cap. Iniwan muna kami ng nurse para makausap ko ang asawa ko kahit mahimbing pa ito natutulog mula ng operasyon. Huminga ako ng malalim at marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ang likod ng kaniyang palad. Pinagmasdan kong mabuti ang maganda niyang mukha.
"We won, Shakki." sabi ko sa kaniya kahit bigo siya na marinig niya ang mga sinasabi ko. "Kahit magigising ka na nawala ang alaala mo tungkol sa akin, ayos lang..." sa mga binitawan kong salita, ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Idinikit ko sa aking mukha ang kaniyang kamay. "Ayos lang sa akin kahit hindi mo ako maalala, makita at makasama lang kita nang buhay, malaking pasasalamat ko na 'yon. Hinding hindi ako mapapagod at magsasawa na ligawan at mahalin ka."