Sa pagkamulat ko ng aking mga mata puting kisame ng isang silid ang bumungad sa akin. May nararamdaman akong malamig na bagay sa aking ilong. Kahit na namumungay pa ang aking mga mata dahil sa panghihina ay pilit kong igalaw ang aking ulo. Bahagya kong ibinuka ang aking bibig nang makita ko si Vaughn na natutulog sa aking tabi habang hawak-hawak niya ang isang kamay ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Humigpit ang pagkahawak ko sa kamay niya na dahilan para magising siya. Inangat niya ang kaniyang ulo mula sa pagkayuko. Tumingin siya sa akin. Unti-unti nawawala ang kaniyang antok nang nagtama ang aming paningin.
"Shakki?" nag-aalalang tawag niya sa akin.
"V-Vaughn..." nanghihinang tawag ko sa kaniya.
Agad siyang tumayo. Hinaplos niya an aking mukha. Idinikit niya ang noo niya sa akin. Mariin siyang pumikit. "How's your feeling? Please, be honest."
"N-nanghihina pa rin..." at isang hilaw na ngiti ang aking iginawad sa kaniya. "But you're here, as my strength, Vaughn."
Kita ko ang bahagya niyang pagngiti. May halong lungkot at saya sa kaniyang mukha. "I'll call a doctor. Stay put and please, don't dare to close your eyes, again."
Ginawa ko ang kaniyang sinabi. Hanggang sa pagbalik niya ay kasama na niya ang doktor. Agad tiningnan ang aking lagay. Nagsagawa din sila ng test para malaman na din ang resulta.
Kinabukasan din ay dumating din ang mga magulang ko, including Madame Constanza. Napansin ko na civil lang ang trato ni Vaughn para sa kaniyang ina, alam kong naiitindihan ni Madame Constanza kung bakit ganoon ang trato ng anak niya sa kaniya. Pero malaki ang paniniwala ko na magiging maayos din ang pagitan sa kanilang dalawa. Mabuti nalang din ay wala si Madame Eufemia dito dahil paniguradong sisiklab na naman ang away. Bukod sa kanila, bumisita din ang mga pinsan ng asawa ko para malaman ang lagay ko. May mga dala din silang mga pasalubong para sa akin. Sobrang nagpapasalamat ako dahil mas dumami ang tao na naging bahagi ng buhay ko. Ramdam ko din sa pamilya ni Vaughn ang pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat myembro ng kanilang pamilya. Kahit in-laws pa nila. Nakakatuwa lang din sila pagmasdan dahill nag-aasaran sila.
"Magiging maayos ka din, Shakki." wika ni Laraya, kasama ko sila nina Jaycelle, Tarrah at Naya. Ang mga asawa nila ay kinakailangan nang bumalik sa Maynila dahil aasikasuhin ang mga negosyo nila, ang iba pa sa kanila ay may deal sa mga kliyente nila. Si Vaughn naman ay kasalukuyan kinakausap ng doktor dahil lumabas na ang resulta, kasama niya ang mga magulang ko, pati na din si Madame Constanza.
"Sana nga, Laraya...sana nga." nanghihina kong sambit.
Mapait silang ngumiti. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Hindi mo ba alam, lahat kami, marami na din pinagdaan bago kami naging masaya nang tuluyan?"
"Ang iba sa amin, nasa bingit na ng kamatayan pero nagawa pa rin namin malagpasan iyon. Dahil alam namin na may naghihintay sa amin." wika ni Jaycelle. "Dahil asawa ka ng isang Hochengco, makakaya mo din ito, Shakki."
Marahan akong pumikit at tumango. "Kakayanin ko, para kay Vaughn."
Rinig ko ang pagsinghot ni Tarrah. Umiiyak na ito. Niyakap siya ni Naya. Nilapitan siya ni Jaycelle para aluhin ito.
Bumaling ako kay Laraya, kita na tumulo ng isang butil ng luha na marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi na agad din niya pinunasan. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa isang kamay ko. "Kami na mismo ang nakikiusap sa iyo, Shakki. Lumaban ka. Huwag na huwag mong iiwan si Vaughn. Alam namin na hindi niya kakayanin na mawala ka sa kaniya. Saksi kami kung papaano ka niya minahal. So please, fight for him."
Sa sitwasyon na ito, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na mapaluha. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Masakit din para sa akin, lalo na kung walang kasiguraduhan kung makakaligtas pa ba ako sa pangalawang pagkakataon o hindi.
Gagawin ko ang lahat para mabuhay. Para makasama ko lang si Vaughn...
_
VAUGHN :
"She suffer again an amygdala tumor," pahayag ng doktor na kaharap namin ngayon. Pinapakita niya sa amin ang brain x-ray ni Shakki. Idinikit nito ang kaniyang sign pen sa x-ray viewer. Itinuro niya sa amin ang parte ng utak ng asawa ko ang tumor. Ang doktor na ito pa rin ang nag-oopera sa kaniya noong unang operasyon. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "We all know she's under in chemotheraphy."
"May iba pa ba pwedeng gawin para tuluyan nang mawala ang tumor, doc?" hindi ko mapigilang maitanong sa kaniya iyon. Oo, pinapagaling si Shakki ng chemotherpy pero alam ko na maliit na tsansa lang ang makukuha namin para mailigtas siya. Ayokong umaasa sa theraphy na iyon. Aminado ako na hindi ko gusto iyon dahil iyon ang mas nagpapahirap sa pinakamamahal ko.
"Kailangan niya ulit maoperahan." diretsahan nitong sagot sa akin.
Kinuyom ko ang aking kamao. Kailangan niya ulit dumaan sa ganoong proseso para tuluyan na siyang gumaling. Sa pamamagitan n'on ay makakasama ko pa siya nang mas matagal. Pero umaahon pa rin ang kaba at takot sa aking sistema.
"Frankly speaking, her amygdala stored all of her memories. Sa lahat ng mga operasyon, isa ito sa nahihirapan ang mga neurosurgeon dahil madadali ang frontal area or her frontal lobe that controls important cognitive skills such as emotional expression, problem solving, etcera. Kaya dapat doble ibayong pag-iingat ang isasagawa namin dito." dagdag pa niya. "Sa oras na matanggal natin ang tumor sa kaniyang amygdala, she might lose her memories—"
"Just do it." kusang lumabas ang mga salita na iyon sa aking bibig. Napatingin sa akin ang mga magulang ni Shakki at mama na may gulat sa kanilang mga mukha. Seryoso akong bumaling sa doktor. "Just do it. Hinding hindi na ako papayag na mawala siya sa akin ng tuluyan, doc. I will take all the risk in order to save my wife."
"I understand." seryosong sagot ng doktor.
"Kung pupwede lang, sa lalo madaling panahon."
Tumango ang doktor. "Bago natin isasagawa ang operasyon, you can sign of these consent papers..."
__
Halos wala na ako sa sarili ko nang nakarating ako ng waiting area. Gabi na pero ayaw kong umuwi dahil gusto kong mabantayan ang asawa ko. Gulong-gulo ang isipan ko kung tama ba ang ginawa ko. Na ipa-opera si Shakki sa lalo madaling panahon para mawala na ang tumor sa kaniyang utak, para makasama ko na siya nang mas matagal? Pero papaano sa oras na makaligtas siya sa operating bed, pero nawalan naman siya ng alaala? Makakalimutan ba niya ako ng tuluyan?
Maraming magbabago sa oras na malagpasan namin ang pagsubok na ito sa buhay namin. I am too afraid to lose the love of my life.
I heard some steps. Bumaling ako sa kanan ko. Natigilan ako nang makita ko si mama na nakatayo. May lungkot sa kaniyang mukha. Binawi ko ang aking tingin at huminga ng malalim. Isinandal ko ang aking likod sa pader at tumingala. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at umupo sa aking tabi. I don't mind it, anyway.
"You should go home," sambit ko sa malamig na boses, nasa kisame ang aking tingin. "Ako na muna ang magbabantay kay Shakki."
Rinig ko ang paghininga niya. "Hindi lang ako kay Shakki nag-aalala, pati na din sa iyo." malaumanay niyang pahayag.
Pumikit ako ng mariin. Sa mga salita na kaniyang binitawan, parang pinipiga ang puso ko. Kasabay na wala akong makapang salita para sagutin iyon.
"Alam kong may mabibigat akong kasalanan sa iyo, Vaughn. Pero ni minsan walang oras na hindi kita inaalala kahit na nasa Brazil ako ng mga panahon na kailangan mo ako. Ginawa ko iyon para sa iyo... Na akala ko, nasa mabuting kamay ka ng lolo't lola mo..." wika niya na basag ang kaniyang boses. "Kahit ilang beses ako hihingi ng tawad sa iyo, gagawin ko, anak. Lalo na't niligtas mo ang buhay ko..."
Sa pagdilat ng aking mga mata, doon na umagos ang mga luha. Lahat na pakiramdam na inipon ko sa mahabang panahon. Parang sinaksak ng matalim na punyal ang puso ko sa huling pangungusap.
Ramdam ko na hinawakan niya ang isang kamay ko. Mahgpit niya iyon hinawakan. "Maraming salamat, anak. Kahit ito lang ay matanggap mo."
Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan siya. "Kahit gusto kong magalit sa iyo...na kahit sagad sa buto ang galit ko sa iyo...hindi ko magawa...dahil kung hindi dahil sa iyo, hindi ko m-makikilala si Shakki." hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulhol sa harap niya. Sa babaeng nagluwal sa akin sa mundong ito. "Ang akala ko...ikaw lang ang dapat kong iligtas...pati pala ang babaeng pinakamamahal ko, k-kailagan ko din iligtas...kung pwede lang ako na ang sumalo ng sakit niya..." napayuko ako dahil sa sakit at hirap na nararamdaman ko. "Hindi ko kaya, ma... Hindi ko kaya mawala ang asawa ko...kaya kong tanggapin na mawalan siya ng alaala, basta makita ko lang siyang buhay, mahawakan ko lang siya...sapat na sa akin iyon."
Rinig ko din ang hikbi niya. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at idinikit niya iyon sa kaniyang balikat. Hinahaplos niya ang aking buhok. Mariin akong pumikit kahit na ilang butil na ng luha ang kumawala sa aking mga mata. At ang bagay na ito ang isa sa mga hinahanap ko... Ang yakap ng sarili kong ina. "Matapang si Shakki. Kakayanin niya ang operasyon, anak...Alam kong ayaw niyang iwan ka..."
"Siya ang dahilan kung papaano ako umahon... Siya ang dahilan kung bakit naging masaya ulit ako... Siya ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako... Gusto ko, siya ang magiging nanay ng mga magiging anak ko..."
"Alam ko, anak... Hindi lang dapat si Shakki ang maging matatag. Ipakita mo na kaya mo din maging matatag para sa kaniya."
Tumango ako. Nang tumingin ako sa kaniya. Umiiyak siya habang pinunasan niya ang mukha ko na basa na ng mga luha. "I miss you, ma."
Natigilan siya. Kinagat niya ang kaniyang labi at pumikit ng mariin. "Namiss din kita, anak." impit niyang sambit. Hindi niya mapigilan na yakapin ako. Yakap na ng isang ina. Niyakap ko din siya pabalik. "Mahal na mahal kita, anak. Tandaaan mo iyan."
"I will, ma."
_
Hindi na kami nagsayang pa ng panahon. Nasabi ko na din kay Shakki na ipapa-opera ko na siya. Sumang-ayon na din naman ang mga magulang niya sa naging desisyon ko. I was a lil bit surprised, pumayag siya. Wala akong naramdaman na pagdadalawang-isip o anuman. Maraming katanungan na nabubuo sa isipan ko. What should I do to prepare for the day of her surgery? We both remain positive. Walang araw at gabi na na hindi ako nagbabantay sa kaniya. Bago man kami matutulog, we pray harder and reminding her that I love her and keep falling inlove with her, everyday. I reminding her she's beautiful.
Pumasok ako sa silid kung saan siya naka-admit. Galing ako sa labas para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin dahil ngayon araw na ang kaniyang operasyon. Nakausap ko na din ang doktor na mag-oopera sa kaniya. Nadatnan ko siyang nakatingin sa malayo habang nakaupo siya sa hospital bed. Tila malalim ang kaniyang iniisip. Kahit na nakaseide view siya, mapapangiti na nalang ako. Buhok man ang nawala sa kaniya, kahit na nangangayayat siya, maganda pa rin siya sa paningin ko. Pero napukaw ng aking pansin ang isang kahon na hawak niya at nakapatong iyon sa kaniyang kandungan.
Humakbang ako palapit sa kaniya. Napatingin siya sa direksyon ko dahil naramdaman niya ang aking presensya. Isang matamis na ngayon ang iginawad niya para sa akin. "Vaughn..."
"Mi amor..." bati ko sa kaniya saka dinampian ko ng halik ang kaniyang sentido. "Are you ready?"
Tumango siya. "I'm ready," sagot niya. Yumuko siya. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa kahon na kaniyang hawak. Tumingin din ako doon. "Bago ang operasyon, sasabihin ko sa doktor ko na kapag lumabas na siya, may ibibigay siya sa iyo."
Nanatili akong tahimik at pinapakinggan ang kaniyang sasabihin.
"Dalawang pinakaimportanteng bagay ang naririto sa loob, Vaughn. Bawat isa sa kanila, may ibig sabihin." bumaling siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Dumapo ang kaniyang palad sa akin pisngi. "Kapag hindi ako nakasurvive, dry tulips ang natanggap mo, it means I let you go, Vaughn. You can love someone more than me. Pero kung singsing ang natanggap mo, Masasamahan kita na bumuo ng pinapangarap mong pamilya."
Sa mga sinasabi niya. Nasasaktan ako. Hinawakan ko ang kaniyang kamay nang mahigpit. "Don't give me options, Mi amor. I always choose you. Huwag mong iparamdam sa akin na mawawala ka. Dahil ako, lalaban ako. Kasama mo ako lumabas kahit hindi mo ako katabi."
Mapait siyang ngumiti. "I love you, Vaughn. Always."
I cupped her face. I lean my forehead against her. Pareho kaming pumikit. "I'm forever yours, Shakki." then I plant a kiss on her forehead.
_
"You can it, Shakki. Always, remember, I'm here and waiting for you." paalala ko sa asawa ko habang dinadala na siya sa Operating Room.
She's already wearing a hospital gown and surgical cap. She flashes a sweet smile on her lips. Nakahawak lang siya sa aking kamay habang hinahatid ko siya doon. Marahan siyang pumikit at tumango. "I keep it that in mind, my hubby."
May dinukot ako mula sa bulsa ng aking amerikana. Isang rosary. Pinulupot ko iyon sa kaniyang kamay. "He will save you, Mi amor. He will. I love you."
"I love you too, always." ang huling kataga na binitawan niya bago siya tuluyang ipinasok sa Operating Room.
Naiwan akong mag-isa sa labas. Nanatiling nakatayo. Kinuyom ko ang aking kamao. Pinaghalong kaba at takot ang nangingibabaw sa aking sistema. Pero hindi ibig sabihin iyon ay magpapadaig ako sa mga ito. Malaki ang paniniwala ko na malalagpasan naming dalawa ang unos sa buhay namin.
"Please fight for us, Shakki. I'm believing in you."