Dalawang linggo na ang nagdaan buhat nang nagkita kami ni Vaughn. Alam kong galit na galit siya dahil hindi sapat ang paliwanag ko ng gabi na iyon. Alam kong may kasalanan din ako dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo. Asawa ko nga siya pero sobrang bigat sa pakiramdam na maiiwan ko siya. Na baka unti-unti na nangyayari ang mga bagay na kinakatakutan ko.
Nanatili akong nakatingin sa bintana ng silid na ito. Nakasandal ang likod ko sa headboard ng aking kama. Nakakabit sa aking pulso ang dextrose. Kasalukuyang umuulan sa labas. Hindi ko alam pero nagiging kalmado ang pakiramdam ko sa tuwing umuulan. Pero kaakibat n'on ay kalungkutan. Siguro dahil sa nag-aaway kaming dalawa at kasalanan ko 'yon. Alam ko sa sarili ko na sa sitwasyon namin ngayon, ako talaga ang may mali. Kasalanan ko.
Umalis ako mula sa ibabaw ng kama. Dinaluhan ko ang study table ko habang tulak-tulad ko ang IV stand, kung saan nakakabit ang dextrose na nakakabit sa akin. Nang nasa harap ko na mismo ang study table ay hinila ko ang isang drawer. Tumambad sa akin ang dalawang bagay na nagpapaalala na malaking parte ni Vaughn sa buhay ko. Ang natuyong tulips at ang singsing.
Una kong inilabas ang tulips. Pinagmasdan ko itong mabuti. Nanumbalik sa aking alaala na napasagot niya ako sa pamamagitan ng bulaklak na ito. Hinding hindi ko makakalimutan na nangyari iyon sa College Library. Abala ako noon sa isang project at MU palang kami ng mga panahon na iyon. Hindi na kami masyadong nagkakausap at nagkikita dahil sa pagiging abala ko. Pagkakilala ko kay Vaughn, mahilig siya sa surprises. Nalaman niyang naroon ako at hindi ako makapaniwala na bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko. Talagang dinala niya ako sa hindi masyadong matao na parte ng Library. Ipinakita niya sa akin ang tulips na kulay yellow. Doon ay itinanong niya sa akin kung pupuwede ko na daw siya maging boyfriend dahil sobrang miss na daw niya ako.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa ay sinagot ko na siya. Pareho kami na umaapaw sa tuwa nang maging official na naging kami.
Tila nanumbalik ang ulirat ko nang napagtanto na tumulo ang butil ng luha sa natuyong bulaklak. Agad ko din pinunasan ang luha na gusto nang kumawala. Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga nang tumingala ako sa kisame ng aking kuwarto. Sunod ko naman inilabas ay ang maliit na red velvet box. Binuksan ko iyon at kusang umukit ang mapait na ngiti sa aking mga labi nang tumambad sa akin ang napakagandang singsing—ang sumisimbolo ng pag-iibigan at ang pangako namin sa isa't isa. Aminado akong nasasaktan ko siya ng ilang ulit pero kailangan. Dahil hindi ko kaya na makita ng dalawang mata ko kung papaano siya nasasaktan dahil sa pagkawala ko.
Inilapat ko ang mga labi ko. Ilang saglit pa ay kinagat ko iyon.
"Ilang ulit man kita iwan, Vaughn, sa tuwing babalik ako, naroon ka parin. Naghihintay..." mahina kong saad.
Sinara ko ang kahon. Ipinatong ko iyon sa mesa. Nanatili akong nakatayo habang hindi maalis ang tingin ko sa dalawang pinakaimportanteng bagay sa buong buhay ko. Kinuyom ko ang aking mga palad. Sumagi sa aking isipan ang isang ideya.
Hangga't may lakas pa ako, kailangan kong puntahan si Vaughn.
Walang sabi na tinanggal ko ang nakakabit na dextrose sa aking pulsuhan. Mabilis kong nilapitan ang closet at buksan iyon para kumuha ng jacket. Pati na din ang cellphone at wallet ko. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng aking kuwarto. Makakasalubong ko si Madame Constanza na may hawak na tray. Napatigil siya nang makita niya ako.
"Saan ka pupunta, Shakki?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"I need to fight, Mama. I need to show how much I love him!" malakas kong sagot. Agad ko din siyang nilagpasan. Muli niya akong tinawag pero hindi ako nag-abala pa na tumigil at dire-diretso ako sa entrahada ng bahay namin. Bago man ako tuluyang lumabas ay kinuha ko ang payong. Binuksan ko iyon at lumabas ako hanggang sa tuluyan akong nakalabas ng subdivision. Sa shortcut ako dumaan dahil paniguradong pipigilan nila ako dahil sa lagay ko pero kailangan kong maging malakas ngayon. Kailangan kong maging matatag.
**
Mula Maynila, dumayo ako sa Cavite. Tumigil ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng gate ng mansyon ng mga Hochengco. Bago ako bumaba ay nagbayad ako sa driver. Inuna kong ilabas ang payong para buksan iyon dahil nanatili parin ang lakas ng ulan. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kahit nakapajamas at jacket lang ang suot ko at tsinelas lang ay wala akong pakialam. Sadyang nakawig ako para makabyahe ako ng matiwasay dahil ayokong maging center of attention ng mga tao.
Humakbang ako palapit sa gate. Dahil may doorbell ang gate ay pinindot ko iyon ng dalawang beses. Ilang saglit pa ay may nagbukas n'on. Tumambad sa akin ang isang lalaki, base palang sa suot nito ay masasabi na security guard ito. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako.
"Ma'm Shakki?" tawag niya sa akin.
"Nariyan po ba si Vaughn? Pupuwede ko po ba siyang makausap?"
Bago man niya ako sagutin ay nilakihan niya ang awang ng gate. "Opo, nasa loob lang po ang mga Hochengco. Maaari po kayong pumasok."
Isang hilaw na ngiti ang aking ibinigay. "Maraming salamat." sabi ko bago ako tumapak sa teritoryo ng mga Hochengco.
Hinatid ako ng security guard hanggang sa nakatapak ako sa mansyon.
Panay kabog ng malakas ang aking dibdib ay hindi ko iniinda. Kailangan kong makausap si Vaughn hangga't maaga pa. Hangga't may oras pa ako. Ayokong may pagsisisihan ako sa huli. Aminado akong malaki ang kasalanan ko dahil nagsinungaling ako sa kaniya kahit na asawa ko siya. Kahit na may karapatan siya na malaman tungkol sa kalagayan ko ngayon.
"What are you doing here?"
Napatingin ako sa grand staircase. Natigilan ako sa kinakatayuan ko nang mahagip ng aking paningin si Vaughn na nakatayo doon. Wala akong mabasa na anumang emosyon sa kaniyang mukha, lalo na sa kaniyang mga mata. Hindi ko malaman kung ayaw ba niya akong makita o hindi.
Humarap ako sa kaniya. "V-Vaughn..."
"Oh my gosh! Ahia, narito na si Shakki!" bigla kong narinig ang boses ni Fae sa hindi kalayuan. Pero hindi ako makatingin sa kaniya dahil nakatuon ang tingin ko sa lalaking pinakamamahal ko.
Tila nag-aamok ang aking puso nang nasa harap ko na siya mismo. Nang makita ko siya nang malapitan.
"Tinatanong kita, Shakki... Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong. Kita ko kung papaano dumapo ang tingin niya sa akin na tila pinag-aaralan niya ako. Kumunot ang noo niya. "You wearing pajamas?"
Ibinuka ko ang aking bibig. Kahit na kinakabahan ako sa anuman ang sasabihin niya ay kailangan kong maging matatag. "I'm so sorry, Vaughn. Sorry kung... Nagsinungaling ako sa iyo..." bakas ang boses ko nang sambitin ko ang mga salita na iyon.
Nanatili niyang nakatitig sa akin. Tila may hinihintay pa siya sa anumang sasabihin ko.
Lumunok ako. Tumitig din ako sa kaniya pabalik. "I'm sick, Vaughn. That's why... That's why I need to lie..." ramdam ko na tumulo ang mga butil ng luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. Lumapat ang tingin ko sa sahig. "Kaya sinabi ko sa iyo sa tawag... Na kailangan kong umalis... Para magbakasyon..."
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang binasag ang isang plorera na malapit sa amin. Pumikit ako ng mariin. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko. Ang kaniyang galit. "Asawa mo ako, Shakki! Asawa mo ako at may karapatan akong malaman ang lahat! Ni katiting na impormasyon tungkol sa iyo, dapat ay malaman ko!"
Sige pa rin ang pag-agos ang aking luha. Ibinuka ko ang aking bibig para makalanghap ng hangin. Kasabay na rinig ko ang ibang pinsan niya na lumayo muna sila sa amin. Tama din naman dahil tungkol sa amin ni Vaughn ang bagay na ito.
"Bakit nagawa mong ilihim sa akin ito?! Hindi ba, nangako ka sa akin na hindi mo na uulitin ito?! Ano ito, Shakki?! Iiwan mo na naman akong tanga? Walang kaalam-alam, ha?!" bulyaw niya sa akin.
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. "Dahil natatakot na talaga ako,Vaughn! Natatakot na ako dahil sa pagkakataon na ito, baka tuluyan na kitang iwan!" malakas kong sambit, kasabay na pinipiga ang puso ko. "Nagawa kong magsinungaling kasi... Ayaw kong mahirapan ka! Ayokong makita kitang umiiyak!"
"Shakki—"
"Because I'm not deserve your tears! Ayokong iyakan mo ako habang nag-aalala ka sa akin! Kaya humingi ako ng pabor kay Madame Constanza na huwag sabihin sa iyon kahit na gustong gusto niya sabihin sa iyo ang bagay na ito!" Pinagsusuntok ko ang aking dibdib. Humigpit ang pagkahawak ko sa aking damit sa bandang dibdib. "Ang buong akala ko, kaya ko! Ang buong akala ko, kaya ko na iwan ka, Vaughn... Akala ko kaya kong magsakripisyo... Ang hirap pala..." nakakaramdam na ako ng panghihina. "Mahal kita, Vaughn... Mahal na mahal... Ayokong masaktan kita... Kaya pasensya na—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. Doon ay natanggal na ang wig at ang sumbrero ko. Bumagsak ang mga iyon sa sahig. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking panga at balikat. Mas kinurot ang puso ko nang marinig ko ang hagulhol niya.
"Mas tatanggapin ko pa na masaktan ako ng ilang beses na makita ko ang paghihirap mo, kaysa sa iwan mo ako nang walang kaalam-alam, Shakki..." basag din ang kaniyang boses.
"I'm sorry, Vaughn... I'm sorry..."
Dahan-dahan siya kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Pinagmamasdan niya akong mabuti. Mariin siyang pumikit at marahan niyang idinikit ang kaniyang noo sa akin. "I love you, Shakki. Kahit anong mangyari. Kahit na umiiba na ang histura mo, ikaw pa rin ang Shakki na minahal ko mula noon."
Walang humpay ang luha ko. "Vaughn..."
"Because sometimes the memories are worth the pain, Mi amor." sambit niya. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pamamagitan ng mga hinlalaki niyang daliri. "I'm with you, Mi amor. I want to be with you until the sun falls from the sky..."
Nanatili akong nakatingin sa kaniya.
"I miss you, Mi amor..." then he plant a kiss on my forehead.
"I... Miss you t—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na naman kumirot ang ulo ko. Napasapo ako sa aking noo at hindi ko mapigilang mapadaing sa harap niy Vaughn.
"S-Shakki? Shakki?"
"Ma-sa-kit, Vaug-hn..." dahil sa panghihina ay bumagsak ako pero pakiramdam ko ay agad din akong nasalo ng asawa ko.
"Cous! Cous! Tulooooooong! Faeeeeee!" umaalingawngaw na sigaw ni Vaughn dito sa bulwagan. Bumaling siya sa akin. "Mi amor, dadalhin kita sa Ospital!" bahagya siyang gumalaw. "Harris, drive the car! Now!"
Hindi ko na makita kung anong nangyayari dahil mariin akong nakapikit dahil sa sakit ng ulo. Binuhat ako ni Vaughn na tila bagong kasal. Mabilis siyang kumilos para makalabas kami sa mansyon. Pinayungan pa kami ng ilang kasambahay hanggang sa tagumpay kaming nakapasok sa kotse.
"Shakki, papunta na tayo ng Ospital. Huwag na huwag kang magkakamali na iwan ako." punung-puno na pag-aalala na sabi niya. "I can't lose you, Mi amor. So please don't give up on me. Please... I love you."
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Hanggang sa itim nalang ang nakikita ko...