chapter fifteen

2219 Words
Habang hindi pa nauwi si Vaughn dito sa Pilipinas, kinuha ko ang pagtataon na ito para maipaggamot ko na ang sakit ko. Pinilit ko ang mga magulang ko pati si Madame Constanza na huwag na huwag nilang sasabihin tungkol sa bagay na ito. Alam kong labag man sa kalooban nila na sumang-ayon sa gusto ko, ay wala na silang magagawa pa. Nakapagdesisyon na ako. Ito ang pinili ko. Hindi ko maitanggi na umaapaw na naman ang takot sa aking sistema. Natatakot na ako na baka sa pagkakataon na ito, magawa ko nang iwan ang lalaking pinakamamahal ko. Pero kailangan kong lumaban habang may oras pa ako. Naglabas na din ako ng pera para maihanda na ang operasyon ko. "Mi amor," tawag sa akin ni Vaughn nang nakausap ko siya sa pamamagitan ng tawag. Gumagawa ako ng palusot para hindi kami mag-usap thru video call dahil paniguradong mahahalata niya ang pagbabago sa akin sa oras na makita niya ako. "Kamusta ka na d'yan?" "I'm fine, Vaughn." pilit kong maging masaya habang kausap ko siya. Nasa Ospital ako ngayon, sa banyo ng private room kung saan ako naka-confine. Hindi niya pupuwedeng marinig na nasa ganitong lugar ako. "Ikaw ba d'yan? Kamusta ang lakad ninyo ni Madame Eufemia d'yan?" "Abala pa rin siya na kausapin ang mga target niya para maging investors ng Hochengco Prime Holdings. Susunod na din sina Keiran, Archie at Finlay dito sa Beijing para mas lalo makuha ang deal na hinihingi." he explained. Bakas sa boses niya ang kasiyahan. Nahihimigan ko na mukhang magagawa na nila ang pakay nila sa lugar na iyon. Mapait akong ngumiti. Pilit kong itago ang sakit. "Uhm, Vaughn?" "Yes, mi amor?" "May gusto akong sabihin..." "What is it?" Huminga ako ng malalim. "Can we call off the wedding for a while?" lakas-loob kong tanong. Ilang segundo siya hindi nagsalita. Bigla ako ginapangan ng kaba dahil doon. Huwag namana sana niyang paghinalaan na may problema ako ngayon. "Why?" sa boses niyang iyon ay sumeryoso ang boses niya. Napalunok ako. Good thing, hindi niya talaga ako nakikita. "I have an upcoming projects next month, malaking opportunity na din iyon para sa kumpanya. Alam mo naman ang status n'on ngayon, hindi ba? Don't worry, kapag natapos ko ang mga iyon, I am so much ready to marry you for real." nang sambitin ko ang mga salita na 'yon, pakiramdam ko ay unti-unting hinihiwa ang puso ko. Damn it, Shakki. Ilang pagsisinungaling pa ang gagawin mo?! "Baka naman pinapagod mo na ang sarili mo d'yan, Shakki." he added. "Alam mo namang ayaw na ayaw kong napapagod ka." Pumikit ako ng mariin. "I know, but I need to grab this chance, Vaughn. Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan ko. Ayokong maubusan ako ng oras." kinagat ko ang aking labi para pigilan ko ang sarili ko na maluha. Iniiwasan ko pa naman na huwag niyang mahalata kung ano talaga ang nangyayari sa akin. I heard his sighs. "Okay, it's a deal. Pagkatapos mo sa proyekto na iyan, papakasalan mo na ako. I won't allowed any reason for not marrying me, Shakki. Sa oras na asawa na kita, gustuhin ko man na patigilin ka nalang sa trabaho mo—" "I will." bigla kong tugon na ikinatahimik niya. "Sa oras na papakasalan na kita, titigil na ako sa pagiging arkitekto, Vaughn. Sa ora na asawa mo na ako, mananatili ako sa bahay mo at magiging mabuting maybahay ako para sa iyo." "Shakki..." "Mahal kita, Vaughn. Palagi mong tatandaan iyan." "I love you too." Pilit kong ngumiti kahit bigo ako na masilayan niya iyon. "Oh siya, I have to go for now. May mga importante lang akong gagawin. Promise me, mag-iingat ka d'yan." "I will, mi amor." Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. Pinutol ko ang tawag. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napatingin ako sa sarili ko sa pamamagitan ng salamin na nasa harap ko. Kinagat ko ang labi ko. Doon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaluha. Yumuko ako at niyakap ko ang telepono na hawak ko. Ilang ulit ako nagsorry kahit na bigo na marinig ni Vaughn iyon. Alam kong ilang beses na ako nagsinungaling at tumakbo palayo sa kaniya pero kailangan kong gawin ito. Natatakot na ako na baka ito na ang huling pagkakataon na ibibigay sa akin at kailanma'y hinding hindi ko na makikita pa si Vaughn. Pinunasan ko ang aking mga takas na luha. Inayos ko ang sarili ko at pinapakiramdaman ko kung nahimasmasan na ako ay doon na lumabas ng banyo. Natigilan ako nang makita ko si Madame Constanza na pumasok dito sa silid. May hawak siyang basket ng mga prutas at isang malaking bag. Ang buong akala ko ay bukas pa ang pagbisita niya ulit dito sa Ospital. Malapad siyang ngumiti sa akin. "Narito ako para bantayan ka, iha. Nasabi ko na rin sa mga magulang mo tungkol dito." dumiretso siya sa mababang mesa para ipatong doon ang mga dala niya. Humarap siya sa akin. "Nagluto ako ng tinolang manok. May dala din akong kanin para makakain ka na. Halika na." lumapit siya sa akin saka inaalalayan niya ako hanggang sa nakaupo ako sa sofa. Pinapanood ko si Madame Constanza habang hinahanda niya ang pagkain. Hindi ko maitindihan kung bakit nababasa ko sa mukha niya ang lungkot? Mas malungkot siya ngayon. "Oh, heto, talagang pinasarap ko ang pagluto ko d'yan, anak." Tipid akong ngumiti. "Maramaing salamat po." sambit ko nang tanggapin ko ang pagkain na kaniyang niluto. Una ay humigop muna ako ng sabaw mula sa tinolang manok. Tumaas ang mga kilay ko at bumaling sa kaniya. Nakatitig siya sa akin na tila inaabangan niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa kaniyang luto. "Masarap po," Lumapad ang ngiti niya. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Mabuti naman at nagustuhan mo, anak." sunod naman niyang kinuha ay ang mansanas at kutsilyo. "Oh siya, kumain ka lang at ipagbabalat kita ng mga prutas." ** Nang matapos na ako sa pagkain ay hindi muna ako kumain ng prutas. Tumulong ako sa pagligpit ng pinagkainan. Natigilan ako nang makita ko si Madame Constanza na kanina pa niya pinunasan ang kaniyang mga mata. Rinig ko din ang pagsinghot niya. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya. Marahan kong hinawakan ang isang balikat niya na dahilan para matigilan din siya. "Ano pong problema, Madame Constanza?" hindi ko mapigilang na itanong sa kaniya iyon. Lumingon siya sa akin na nakaawang ang bibig. "W-wala, anak. May naalala lang ako..." tugon niya pero bakit hindi ako kumbinsido sa kaniyang sagot? Bakit parang may mali? "Hindi nga po? Ano problema?" Bago man niya ako sagutin ay yumuko siya ng ilang segundo. Ilang beses din siya nagbuntong-hininga sa harap ko. Nang inangat niya ulit ang kaniyang paningin ay doon na muli kumawala ang kaniyang mga luha. "Inaalala ko lang si Vaughn... Kasi sobrang sakit para sa kaniya sa oras na malaman niya ito." Doon ako natahimik. Alam ko, gustong gusto niyang sabihin kay Vaughn tungkol sa kalagayan ko. Pinipigilan ko lang siya. Ako naman ang yumuko. "P-pasensya na po kung... Nadamay ko po kayo." Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Naiitindihan ko kung bakit ayaw mong sabihin sa kaniya tungkol sa kalagayan mo. Dahil ayaw mo siyang mag-alala. Pero asawa ka niya, Shakki. May karapatan siya kung anuman ang nangyayari sa iyo." Sa mga sinabi niya, pakiramdam ko ay ilang beses nang pinipiga ang puso ko. Kinagat ko ang aking labi, kasabay na napapikit ng mariin. "Natatakot na ako, Madame. Nagawa ko man siyang iwan noon, kasi hinahanda ko na ang sarili ko sa anumang mga posibilidad na mangyari sa akin. Pero sa pagkatataon na ito. Hindi ako sigurado kung hanggang dito nalang ba ako... O bibigyan ulit ako ng bagong pag-asa." sabi ko, nalalasahan ko na ang mapait na luha sa aking bibig. "Ayokong umasa si Vaughn na ako parin ang makakasama niya hanggang sa huli..." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Rinig ko din ang paghikbi niya. "Huwag ka sumuko, Shakki. Lumaban ka kung papaano mo din ipinaglaban ang pagmamahal mo kay Vaughn. Labanan mo ang sakit mo." Pumikit ako ng mariin. Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang damit. Dahan-dahan kaming bumagsak sa sahig. Patuloy pa rin niya ako inaalo. Hindi na bago sa akin ito. Maraming proseso ang isasagawa sa akin ng mga doktor na nakausap ng mga magulang ko pati ni Madame Constanza. Bawat test na ginagawa ng mga doktor at nurse sa akin, palaging nakaalalay si Madame Constanza, hindi niya ako pinapabayaan habang wala ang mga magulang ko dahil hindi pa humuhupa ang problema sa kumpanya. Nadalaw na din ako ng pinsan kong si Anrod. Maski siya ay hindi makapaniwala na bumalik ang sakit ko. Baka sa mukha niya ang pag-alala. Ipinangako niya sa akin na gagawa din daw siya ng paraan para maisalba ang kumpanya. Tutulungan niya sina mama at papa. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, alam kong magagawa niya iyon. Nanatili akong nakatingin sa kisame ng Ospital habang maingat akong ibinabalik ng mga nurse sa private room. Kakalabas ko lang sa radiation therapy. My doctor said it also useful in treating some non-cancerous tumors. Kailangan ko din daw itong therapy na ito habang isinasagawa din sa akin ang chemotherapy. But I need to face some risk. Isang buwan na ako na nasa Ospital. Hindi ko nagawang sunduin si Vaughn sa airport. Ipinagsabi ko din sa parents ko na asa bakasyon kami kahit hindi naman. Kailangan ko talaga munang humiwalay sa kaniya. Pero dinadaan ko nalang sa tawag sa tuwing mag-uusap kami. Sa totoo lang, unti-unti na rin nalalagas ang buhok ko dahil isa ito sa side effects ng therapy. Kasama na din sa side effects ng pagpapagaling ko na natutuyuan ako ng laway, nagiging dry na din ang mga labi ko, nag-iiba na din ang paglasa ko sa pagkain. Kung minsan ay nahihirapan na akong lumunok tuwing kakain. Binigyan kami ng pahintulot ng mga doktor na makakauwi muna ako sa bahay namin. Doon ako sa kina mama at papa muna ako tutuloy pero gusto kong sumama si Madame Constanza sa akin. Ang akala ko ay tatanggihan ako ng mama ni Vaughn pero hindi, ginusto din niya na bantayan daw ako. Malaki na din ang pasasalamat ko dahil hindi niya ako napapabayaan. Maingat akong naibaba mula sa van kinagabihan din iyon. Todo alalay nila sa akin habang naglalakad na kami papasok nang biglang may lumapit sa amin na isa sa mga katulong. Nagtataka kami kung bakit parang hapong hapo siya. May bakas din na takot sa kaniyang mukha. "Ma'm..." nahihimigan ko ang takot as boses niya. "Anong problema, Ida?" nagtatakang tanong ni mama sa kaniya. "May bisita po... May bisita po para kay Ma'm Shakki." Hindi ko alam kung bakit bigla ako ginapangan ng kaba. Bumitaw ko mula sa pagkahawak sa akin ni Madame Constanza. Pilit kong puntahan ang loob ng bahay para makumpirma ko kung siya nga ba. Kung totoo ba ang hinala ko—at hindi nga ako nagkamali. Seryoso siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang sofa. His gaze darted into mine na dahilan para bumilis ang kabog ng aking dibdib. "V-Vaughn..." pilit kong maging masigla sa paningin niya. Agad ko siyang dinaluhan. Mabuti nalang ay nakabonet ako kaya hindi niya siguro mapapansin na nauubos na ang buhok ko. Maliban nga lang siguro na maputla ako. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "I miss you." Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Doon ay kumalas na ako at nagtama ang aming tingin. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Yumuko siya at may inilabas siya na iilang piraso ng mga papel mula sa brown envelope. Inabot niya sa akin iyon. Tinanggap ko at binasa ang nilalaman. Halos maestatwa ako sa kinakatayuan ko nang mabasa ko ang nakasulat sa naturang papel—bank statement. Pilit kong tumingin ng diretso sa kaniya. "V-Vaughn..." "Saan mo dinala ang pera, Shakki?" matigas niyang tanong. "Kung hindi ako tinawagan ng mismong manager ng bangko, hinding hindi ko malalaman tungkol dito." Hindi ko magawang sumagot. Kinuyom ko ang aking kamao. Pilit kong huminga ng maayos. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mas lalo ako kinakabahan. "Saan mo dinala ang pera, Shakki?!" hindi na niya mapigilang sumigaw na halos mapatalon na ako dahil sa gulat. "Vaughn!" boses ni Madame Constanza. Agad niya kami dinaluhan. Inalo niya ako. Alam kong nagtataka siya kung bakit narito ang kaniyang ina. "Wala kang karapatan na sigawan siya!" Kita ko kung papaano kumunot ang noo niya. "A-anong ibig sabihin nito?!" inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. "Shakki?" Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. "N-nagkita kami noong pumunta ka ng Beijing... Iniisip ko na... Magiging maayos kayong dalawa sa—" "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" Sinikap ko na tingnan siya. "D-dahil... Ayokong ipalayo mo ako sa kaniya, Vaughn. Ayokong habambuhay, kamumuhian mo ang nanay mo. Pasensya na kung nilihim ko ito..." kahit nanginginig na ang mag binti ko ay pilit kong maging matatag sa harap niya. "Tungkol naman sa pera mo... Ginastos ko... Kinuha ko ang dalawang daang libo sa savings na ibinigay mo. Ginastos ko... Sa mga luho ko." Ilang segundo na katahimik ang bumalot sa amin. Ilang saglit pa ay galit na galit siyang umalis sa harap ko kasabay na nawasak ang puso ko. Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin. Mas maigi na ako nalang ang madudurog sa aming dalawa. "Shakki..." nag-aalalang tawag sa akin nina mama at papa. Napasuntok ako sa aking dibdib. Hindi ko na rin mapigilang mapahagulhol sa harap nila. "Ang hirap magsinungaling sa kaniya... Kung pupwede ko lang siyang habulin at humingi ng tawad ng ilang ulit, gagawin ko. Ang hirap niyang iwan, ma... Ang hirap niya pakawalan..." nanghihina kong sambit. Niyakap ako ni mama na umiiyak na. "Kung ayaw mo siyang iwan, magpakatatag ka. Lumaban ka..." sambit niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD