chapter fourteen

1768 Words
Hindi ko maipagkaila na namimiss ko na si Vaughn kahit na nasa Beijing siya sa mga oras na ito, kasama siya ng kaniyang ahma na si Madame Eufemia dahil sa summit. But in the end of the day, nakakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya. Kahit nakakausap ko siya, hindi ko pa nasasabi sa kaniya na nakausap ko ang kaniyang ina. Ayaw ko naman magtago ng sikreto sa kaniya. Ang tanging gusto ko lang ay sa oras na nakauwi na si Vaughn, doon na rin ako makakuha ng tyempo na magkaharap silang dalawa mag-ina. Ipinagdadasal ko lang na sana ay hindi muna makarating kay Madame Eufemia dahil saksi ako kung papaano niya halos sumpain si Madame Constanza sa harap ng maraming tao. "Iha, napabisita ka." hindi makapaniwalang bungad sa akin ni Madame Constanza nang binisita ko siya sa kaniyang bahay dito sa Maynila. Good thing, wala dito ang anak niya. Hindi ko alam kung nasaan iyon pero sana ay hindi muna magkrus ang mga landas namin dahil hinding hindi ko makakalimutan ang pambabastos sa akin noong gabi na engagement namin ni Vaughn. "Tuloy ka, iha. Tuloy... Hindi ko inaasahan ang pagdalaw mo dito." tila nataranta siya nang sabihin niya iyon habang nilakihan niya ang awang ng pinto. Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Humakbang ako papasok sa loob. Ipinakita ko sa kaniya ang cake bilang pasalubong ko sa kaniya. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkabigla dahil hindi niya siguro inaasahan na may ibibigay ako sa kaniya. "Gusto ko lang po kayo kamustahin." malumanay kong sambit. Iginala ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Kayo lang po ang narito? Wala po kayong kasama?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Mapait siyang ngumiti sa akin. "Umalis na ang anak ko pabalik ng Brazil dahil na rin sa nangyari ng gabing iyon. Gabi ng birthday party ni Vaughn." may bahid na lungkot sa kaniyang boses nang sagutin niya iyon. "Nga pala, anong gusto mong maiinom? Pupunta ako ng Kusina para ihanda ko itong cake. Nag-abala ka pa tuloy." Hindi mawala ang ngiti ko. "Huwag ninyo na pong isipin iyon. Maliit na bagay lang po iyan, lalo na't nanay kayo ni Vaughn." Saglit siya hindi makapagsalita. Naroon pa rin na hindi pa rin siya makapaniwala sa aking sinabi. Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Maupo ka muna, iha. Kung gusto mong manood, nasa mababang mesa na iyan ang remote. Feel at home, iha." "Maraming salamat po." Nagmartsa na siya patungo sa Kusina. Umupo ako sa malapad at malambot na sofa. Hindi ako nanood. Sa halip ay muli ko iginala ang aking paningin dito sa Living Room. Simple at sa tingin ko ay ito ang nagsisilbing resthouse dahil base sa kwento sa akin ni Madame Constana, ay sa Brazil na siya nakatira dahil naroon ang kaniyang asawa pati ang mga anak nila. Napukaw ng atensyon ko ang isang shelf na may mga pciture frame. Kusa akong tumayo para lapitan iyon. Isa-isa kong pinagmamasdan ang mga litrato. Wala ni isang litrato ni Vaughn dito. Puros mga pamilya ni Madame Constanza ang mga naririto. Bakit kaya? "Shakki, anak, narito na ang pagkain..." bigla ko narinig ang boses ni Madame Constanza dito sa Living Room. Agad akong lumingon sa kaniyang direksyon. Pinapanood ko siya kung papaano niyang inilapag ang tray sa mababang mesa dito sa silid. Isa-isa niyang inilipat ang mga pagkain sa mismong mesa, kahit ang mga inumin. Tumuwid siya ng tayo at ako naman ang nakita niya sa ganitong posisyon. Mapait siyang ngumiti. "Bakit po wala ni isang litrato ni Vaughn dito?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon. Lumihis ang tingin niya. Lumipat iyon sa shelf na nasa likuran ko. "Dahil masyadong mahigpit ang asawa ko. Dahil minsan ay dito siya umuuwi sa tuwing mapapagawi siya dito sa Pilipinas." malumanay niyang tugon."Pero ang hindi niya alam, nakatago lang sa wallet ko ang isa sa pinakamahalagang litrato ni Vaughn noong bata palang siya." nakapatong sa side table ang purse niya. Nilapitan niya iyon hanggang sa magawa niyang ilabas ang isang bagay mula sa naturang purse. Nang tingnan ko ito ay natigilan ako. Isang maliit na litrato ang kaniyang hawak—litrato ng isang batang lalaki na may malapad ang ngiti, may hawak ito na bola. Pamilyar ako sa background ng naturang litrato. Kung hindi ako nagkakamali, bakuran ito ng dating mansyon ng mga Alcazar! Inabot niya sa akin ang naturang litrato. Tinanggap ko iyon. Hindi ko mapigilan na titigan ito. "Iyan si Vaughn noong bata palang siya," malumanay niyang panimula. Nahihimigan ko na parang nabasag ang kaniyang boses nang sambitin niya ang pangalan ni Vaughn. Bumaling ako sa kaniya. "Saksi ako kung papaano siya masaya noon kahit na hindi siya tanggap ng aking ama." "Ma'm..." mahina kong tawag sa kaniya. Walang salita na maaari kong idugtong sa pangungusap na 'yon. Pero nagingibabaw sa aking sistema na para bang pinipiga ang puso ko nang masilayan ko ang mukha ni Madame Constanza. Kahit hindi man niya sabihin sa akin nang harapan, kitang kita ko sa kaniyang mukha kung gaano na siya kasabik sa kaniyang anak. Na inaakala ni Vaughn ay tuluyan na siyang tinalikuran ng sarili niyang ina. Kahit na wala talaga ako kinalaman sa mag-ina, pakiramdam ko ay nawawasak ako sa mga nalaman ko. Ang mga rebelasyon sa akin ni Madame Constanza. Naiitindihan ko ang mga side nila. Maski ang Grande Matriarch ng mga Hochengco ay hindi rin masisisi kung bakit ganoon ang trato niya kay Madame Constanza. Naisip ko lang, wala talaga mapagpilian si Madame Constanza. Dumating na siya sa punto na kaya niyang isugal ang lahat para lang kay Vaughn. Kapalit ang buong buhay niya na makasama niya ang lalaki na hindi naman talaga niya mahal, maging masaya kahit papaano ang buhay ni Vaughn sa piling ng nakasignan na pamilya. Sana bumilis ang mga araw na nagdaaan upang makausap na kayo ng maayos ng iyong ina. Na sana ay maitindihan mo ang tunay niyang layunin. Na mali ang mga naging konklusyon mo. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo, Shakki, anak." nakangiting aya sa akin ni Madame Constanza. Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon. Humakbang na kami patungo sa sofa para kumain na nang natigilan ako. I gritted my teeth when I suddenly feel this pain again. Kusang kumunot ang noo ko dahil sa sakit. Yumuko ako at napasapo sa aking ulo. Ramdam ko na tumigil din si Madame Constanza at lumingon sa akin na may pagtataka sa aking mukha. "Shakki?" tawag niya sa akin. Humakbang siya pabalik sa akin pero dahil sa hindi ko na matiis ang sakit ay bumagsak ako sa sahig. "Diyos ko, Shakki!" mabilis niya akong dinaluhan. Binuhat niya ang upper body ko at inihiga niya ako sa kaniyang kandungan. "Shakki! Anong nangyayari sa iyo?! Anak! Diyos ko, tulungan ninyo siya!" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Hindi ko magawang sumagot. Everything were fading. Her voice, everything on my sight... Until the only one I saw—black. *** Unti-unti nanunumbalik ang aking malay nang may naririnig akong boses. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Puting kisame ang unang tumambad sa akin. Tinagilid ko ang aking ulo. Kumunot ang noo ko nang makita ko sina mama, papa at si Madame Constanza na may kausap na isang lalaki. Base sa suot nito, isa itong doktor. May katabi itong nurse. Lumipat ang tingin ko sa aking braso. May nakakabit na dextrose. "Maraming salamat po," rinig ko mula kay mama, parang naiiyak na. Bakit? Para saan? Tumango ang doktor na kausap nila hanggang sa umalis na ito sa silid na ito. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanila. Una akong nakita ni Madame Constanza na napasinghap pa. "Shakki!" agad niya akong dinaluhan. Kahit ang mga magulang ko ay dinaluhan ako nang tawagin ako ng nanay ni Vaughn. "Anak, mabuti naman at nagkamalay ka na." hindi na mapigilan ni mama na hawakan ako ng mahigpit sa aking kamay kasabay na umagos ang kaniyang luha. "W-what happend?" halos pabulong kong tanong sa kanila. Kita ko kung papaano sila natigilan sa tanong ko. Nang bumaling ako kay papa ay yumuko ito na dahilan na mas lalo ako nagtataka. Nang inilipat ko naman kay Madame Constanza ang aking tingin ay nababasa ko sa mukha nito ang kalungkutan. Napatingin lang ako kay mama nang idinikit niya ang likod ng aking palad sa kaniyang pisngi. Siya nalang ang pag-asa ko upang malaman ko ang lahat. Kung ano ba talaga ang nangyayari. "Anak..." nag-iiyak na tawag sa akin ni mama. "Tell me, ano ba talaga ang nangyari?" Bago man niya ako sagutin ay tiningnan niya sina papa at Madame Constanza ng ilang segundo, pagkatapos ay muli niya akong tiningnan. "You got cancer recurrence, anak." halos manghina siya nang sagutin niya iyon. Mas kumunot ang noo ko. "W-what? A-anong ibig ninyong sabihin?" naguguluhan na ako! "Bumalik ang sakit mo, Shakki." si Madame Constanza ang sumagot. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. "Your doctor said, it happens because in spite of the best efforts to rid you from cancer, but some cells from your cancer remained..." her voice were shaking. Ilang segundo ako nakatitig sa kanila. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na magiging reaksyon ko. Sa mga sagot nila, pakiramdam ko ay nalagas ko. Kulang nalang ay tumigil na sa pagtibok ang aking puso. All of my dream were shattered instantly. Biglang sumagi sa isipan ko ang imahe ni Vaughn. Ang mga ngiti sa kaniyang mga labi ay nabasag. Ang pangako namin sa isa't isa, unti-unti na ito nawawalan ng saysay. "You're lying, right? This is a kind of joke." mahina kong turan sa kaniya. "Shakki, anak..." Pinipiga ang puso ko. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap nila. "P-papaano nangyari iyon? Ang akala ko ba... Magaling na ako? Pero ano ito?" humihikbi kong sabi. "Kasalanan din namin ng daddy mo ito." biglang sabi ni mama. "Dapat pala hindi ka namin hinahayaan na bumalik ka sa pagtatrabaho dahil alam namin na mapapagod ka ng husto sa pagiging arkitekto mo. Na didibdibin mo ang problema ng kumpanya." "May paraan pa ba para mawala ulit ito? K-kahit pansamatala lang?" sabi ko sa basag na boses. "Chemotheraphy, anak..." "Kailangan kong tawagan si Vaughn, kailangan niyang malaman ito—" pahayag ni Madame Constanza pero agad ko siya napigilan. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "A-ako na po ang kakausap sa kaniya." sabi ko. "Shakki..." "Sasabihin ko po sa kaniya na... H-hindi muna matutuloy ang kasal... Hanggang sa matagumpayan ko ulit ang operasyon." sabi ko. Pilit kong maging matatag kahit na ilang beses na akong nawasak ngayon. "Nagbukas si Vaughn ng account sa bangko, ang sabi niya sa akin, iyon daw ang magiging pera namin sa oras na mag-asawa na kami." "A-anong ibig sabihin, anak?" humihikbing tanong ni mama. Lakas-loob ko silang tiningnan. "Gagamitin ko ang pera niya para sa pagpapagamot ko. Handa akong harapin ang galit niya sa oras na malaman niya na nawawala ang pera niya." Pasensya na pero kailangan ko muli magsikreto sa iyo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD