chapter thirteen

2071 Words
Lumipas ang isang linggo pagkatapos ng engagement. Tulad din ng sabi ni Madame Eufemia, ay bumisita siya sa bahay namin para makausap niya ang parents ko. Nang mga oras ding 'yon ay bakas parin sa mukha nina mama at papa na hindi makapaniwala dahil unang-una, hindi nila inaasahan na magkakabalikan kami ni Vaughn, ang akala kasi nila, wala nang pangalawang pagkakataon para sa amin. Nasabi ko na rin sa kanila ang totoo pati tungkol sa kumpanya na willing makipagmerge ang mga Hochengco sa amin. Ang huling tawad: The wedding will be next two months. Kailangan daw paghandaan ng mabuti. Lubos ang pasasalamat ng pamilya namin sa pamilya ni Vaughn dahil malaking tulong ang ginawa nila. Kung noon ay ang tanging iniisip ko lang mahabol ang apelyido na nakakabit sa pangalan niya, ngayon, nagbago. Dahil narealize ko na mahal ko pa rin siya kahit na lumipas man ng ilang taon na nagkahiwalay kami. Nakaukit pa rin ang kaniyang pangalan sa aking kaluluwa, siya pa rin ang hinahanap ng aking sistema, lalo na't siya ang itinitibok ng aking puso. Hindi mabura sa aking mga labi ang saya habang pinipirmahan ko ang mga papeles na nasa aking desk. Pagkatapos ay isinauli ko na ang mga iyon sa aking sekretarya. Nagpaalam siya't lumabas na dito sa aking opisina. Isinandal ko ang aking likuran sa swivel chair. Ngumuso ako. Wala na ako masyadong gagawin. Biglang may sumagi sa aking isipan. Kinuha ko ang nakapatong na cellphone sa may gilid. Muli akong sumandal saka inikot ang upuan. Tumapat ako sa glass window. Kinulikot ko ang aking cellphone. Inilapat ko ang aking mga labi. Pinindot ko ang message, balak ko sanang kamustahin siya dahil malapit na mag-lunch. Pero bago ko man gawin iyon ay tumunog ang aking telepono. Nagpop out ang pangalan ni Vaughn, hindi siya nagpadala ng mensahe, kungdi tumatawag siya! Sinagot ko 'yon. "Vaughn?" "Hi," swabe talaga ang boses ng isang ito. "My fiancee, Architect Shakki Hamilton is available at this moment?" Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong mapangiti. "Do you have any appointment with her? Is she expecting you?" playing innocent here! Kinagat ko pa ang hinlalaki kong daliri. "Hmm, none, but I want to see her. I miss her very much." malambing niyang sambit. Doon na ako bumigay. Natawa ako. "I miss him too," mahina kong usal. "So, can I take you out today? May importante ka bang gagawin, kung meron man, I'll wait." "No, I'm done with all of my paperworks. Tapos na din ako sa meeting ko with clients." I paused for seconds. "I was... About to leave some message for you, actually." I could imagine his smiles right now. "I can't live without you this time, Mi amor. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na sa akin, na hindi lang tayong dalawa ang nakakaalam sa pagmamahalan natin." Hindi mawala ang aking mga ngiti. "Same here, Vaughn. Ang akala ko, hindi ako matatanggap ng pamilya mo. Ang akala ko, magagalit sila sa akin. Hindi na ako bibitaw pa." After few minutes, sinundo na ako ni Vaughn dito sa Opisina. Nasabi ko na din sa sekretarya ko na maaga ako makakalabas. Nasabi ko na din ito kay papa, pinayagan naman niya ako. Siguro, hindi pa rin nawawala ang lakas ni Vaughn sa parents ko. Paglabas ko ng building ay agad hinahanap ng mga mata ko kung nasaan ang fiancé ko. Agad sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko palang siya kahit nakatalikod. Nagmamadali akong bumaba para daluhan siya sa parking lot na nasa harap lang mismo ng gusaling ito. "Vaughn!" malakas na tawag ko sa kaniya. Agad siyang humarap sa akin nang marinig niya ang boses ko. Nang makita niya ako ay isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Mabilis ko siyang nabigyan ng yakap. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang kaniyang mga braso niya sa akin. Ginantihan niya ako ng yakap. Kahit PDA pa ito mga mata ng mga taong nakapaligid sa amin, wala akong pakialam. I'm just very much inlove with this man. Nang kumalas na ako ng mula sa pagkayakap ay agad ko siyang binigyan ng halik sa pisngi. "I miss you," malambing kong saad. Hindi mawala ang ngiti niya. "I miss you too." tugon niya. Iginiya niya ako pasakay sa kaniyang sasakyan. Ako na mismo ang nagkabit ng seatbelts habang hinihintay ko siyang makapasok na din siya sa loob. _ Sa isang restaurant kami nagpasyang kumain. Sa isang chinese restaurant na pagmamay-ari ni Finlay. Wala nga lang siya dahil abala ito sa kikitaing kliyente daw kaya mga empleyado niya mismo ang nagserve sa amin. Mismong si Vaughn na ang nag-order ng kakainin namin. Sinabi niya sa waiter iyon pagkatapos ay hinintay namin. "Mi amor," tawag ni Vaughn. Inangat ko ang aking tingin, "Yes?" "I need to go in Beijing for a summit..." "Ilang araw ka doon?" malumanay kong tanong. Titig na titig ako sa kaniya. Inaabangan ang kaniyang sagot. "Ahma said, one week. Though, siya talaga ang kailangan doon, she wanted me to go with her. Para na din makilala ko ang mga full chinese clients namin doon." he explained. Tumangu-tango ako. Ngumiti ako. "Wala naman problema sa akin, trabaho naman ang pupuntahan mo, Vaughn." nanatiling malumanay ang aking boses. "But promise me, be safe. Iyon lang talaga ang pinakaimportante sa akin." "Mi amor..." Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Iyon lang ang hangad ko, Vaughn. Don't worry, habang wala ka sa tabi ko, ikaw lang ang iniisip ko. Maghihintay ako para sa iyo." I assured him. May sumagi sa aking isipan na dahilan para makaramdam ako ng lungkot. "Vaughn," "Hmm?" Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "Mapapatawad mo kaya ang mama mo? Sa kabila ng... Lahat ng ginawa niya sa iyo?" Bago man niya ako sagutin ay huminga siya ng malalim. Umayos siya ng upo. "I can, magagawa ko siyang patawarin kahit grabe ang nagawa sa akin noon." bakas din sa boses niya ang kalungkutan. "Sa ngayon, hindi ko pa siya pupwedeng kausapin dahil sa mahigpit na bilin ni ahma. Ayoko lang din masira ang pangalan ng mga Alcaraz sa iba." "Umaasa ako na magkakabati kayo, Vaughn. Sa oras din na magkita kayo ng lolo mo." Marahan siyang pumikit at tumango. "Thank you for your courage, mi amor." Nagpalitan pa kami ng ngiti bago pa dumating ang mga pagkain na naorder. Isa-isa inilipat ang mga dishes. Nang umalis na ang waiter ay mag-uumpisa na sana kami kumain nang kumunot nag noo ko dahil biglang nanlabo ang aking paningin, kasabay na kumirot ng kaunti ang aking ulo. Mariin akong pumikit saka muling dumilat. Doon ay naging okay na ulit ako. Nagnakaw sulyap ako kay Vaughn na kasalukuyan na itong kumakain. Lihim ko kinagat ang aking labi. Bigla ako nakaramdam ng kaba dahil parang nangyari na sa akin ang ganito noon. No, hindi pwede. _ Alas siete na ng gabi ako nakauwi. Nag-iwan na din naman ako ng mensahe kina mama at papa na nakakain na kami ni Vaughn sa labas at sa kanila ako uuwi ngayong gabi. Sa kuwarto ko sa Hamilton Residence ako magpapalipas ng gabi at doon ko dadalhin ang trabaho ko. Hindi ko na rin maimbitahan ang fiancé na pumasok sa loob ng bahay dahil kinakailangan na niyang maghanda para sa pag-alis niya papuntang Beijing. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagguguhit sa blue print para sa susunod kong proyekto na isasagawa next month. Nakatanggap pa ako ng tawag mula kay Vaughn para magpaalam at magsabi ng goodnight. Pinaalala niya sa akin kung gaaano niya ako kamahal at ganoon din ako sa kaniya. Sa gitna ng trabaho ko ay biglang may kumatok. Nakuha n'on ng aking atensyon. Pagkasabi ko na tuloy, ay kusang nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin ang isa sa mga maid. "Miss Shakki, may naghahanap po sa inyo sa gate." magalang na sabi niya. "Constanza Alcaraz daw po ang pakilala niya, papasukin ko po ba?" Medyo natigilan ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Ilang saglit pa ay ibinalik ko ang aking tingin sa maid. "Pupuntahan ko nalang siya sa veranda, serve her any drinks, please, thank you." pasuyo kong utos. Tumayo na ako at dinaluhan ko ang aking kama para kunin ang aking cellphone na nakapatong doon bago man ako lumabas ng aking silid. Habang naglalakad ako papunta sa veranda ay naglalaro sa isipan ko kung bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang naisipan niyang puntahan? Hindi kaya, gusto niyang sabihin sa akin na huwag nang ituloy ang pagpapakasal ko sa kaniyang anak o ano? Hindi ba niya ako tanggap para kay Vaughn? Halos lahat yata ng mga negatibong posibilidad ay naisip ko na. Tumigil lang ako sa paglalakad nang natanaw ko ang isang babae na yaka-yakap ang kaniyang sarili. Nasa malayo ang tingin habang nakaupo sa Cleopatra sofa. Dahil sa may ilaw dito sa veranda ay nasilayan ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Parang may iniinda siya... Hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kaniya. Agad siyang tumingala sa akin dahil mukhang naramdaman niya ang presensya ko. Agad kong tumayo. "Miss Shakki..." mahina niyang tawag sa akin. Ngumiti ako. "Shakki nalang po, maupo po kayo," alok ko. Sumunod siya sa sinabi ko. Pareho na kaming umupo. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Bakas doon na parang nahihiya pa siya. Tumikhim ako. "Bakit po ninyo ako gustong makita?" magalang kong usisa sa kaniya. Doon siya nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan. "Gusto ko sanang humingi ng tawad sa inasta ng anak ko sa iyo. Patawarin mo sana kami kung nagawa niyang bastusin ka, lalo na't mapapangasawa ka ni Vaughn." Saglit ako natigilan. Hindi ko inaasahan ito. Na hihingi siya ng tawad sa akin. Mukhang malayong-malayo ang ugali niya noong birthday party ni Vaughn. "Gustuhin ko man sabihin kay Vaughn ang totoo, hindi ko siya masisisi kung iyon ang tingin niya sa akin. Na tingin nila, selfish ako. May rason naman ako kung bakit ko nagawa iyon." he slowly released a sighs. "Napilitan lang din akong pakasalan ang lalaking iyon—ang asawa ko ngayon. Dahil binalaan ako ni papa, na kapag hindi ko magawang pagpakasal sa taong iyon, ipapatapon niya si Vaughn sa malayong lugar. Sa oras na pakasalan ko ito, hahayaan daw niyang maging Alcaraz ang anak ko." garagal ang boses niya. Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kaniya. "Ang akala nila, masaya ako. Ang akala nila... Pasarap ang ginagawa ko. Ang hindi nila alam, ilang beses na akong sinasaktan ng lalaking iyon, kaya dinala niya ako sa ibang bansa para hindi ko magawang magsumbong kina mama at papa." kita ko ang namumuo niyang mga luha at maraas itong pumatak. "Nagkaroon ako ng sakit sa bato. Wala kaming makuhang donor sa lugar ng asawa ko kaya naisip niyang iuwi ako dito sa Pilipinas, nagbabakasakaling may makita kaming donor iyon, mabuti nalang—" "Si Vaughn." sa wakas nagawa kong sabihin iyon. Natigilan siya. Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala. Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Si Vaughn ang donor mo ng mga panahon na iyon. Nalaman niya ang tungkol sa kalagayan mo kaya nagvolunteer na maging donor mo, para mailigtas niya ang sarili niyang ina kahit na iniwan siya nito." Napasapo siya sa aking bibig. Pumikit siya ng mariin. Nagawa niyang humagulhol sa harap ko. Alam ko, hindi siya makapaniwala na ang sarili niyang anak ang nagligtas sa kaniya sa kapahamakan. Kahit naninikip ang dibdib ko, kusang gumalaw ang isang kamay ko't hinagod ko ang kaniyang likod. "Pero narinig niya sa lolo niya na ibebenta siya nito kaya kahit na bagong tahi ang sugat na inopera sa kaniya, umalis siya. Nagpasya siyang nahanapin niya ang kaniyang ama, humingi ng tulong, basta huwag lang siyang ibalik sa lolo niya na minamaltrato siya." Sige pa rin ang iyak niya. Her shoulders were shaking. Pumikit ako saka binigyan ko ng yakap ng nag-iisang ina ni Vaughn. Kahit sa pamamagitan nito, nagawa ko pa rin itong macomfort. "Hindi ko alam... Hindi ko talaga alam..." garagal niyang sambit. "Gusto kong... Humingi ng tawad sa... Kaniya..." "Nagkausap na kami." kumalas ako ng yakap sa kaniya. Nagkatinginan kami. May bakas na awa sa aking mukha. "Mapapatawad ka niya, hindi nga lang daw ngayon dahil... Inaalala ka pa rin niya dahil baka galawin kayo ni Madame Eufemia. Kaya... Kailangan maghintay..." Muli siyang umiyak at tumango. "Maghihintay ako... Hihintayin ko ang oras na mapapatawad na niya ako..." Ngumiti ako. Ako na nagpunas ng kaniyang mga luha. "Salamat, anak... Salamat dahil nandyan ka para punan mo ang sugat sa kaniyang puso..." aniya. "Sana magkaayos na kayo ng tuluyan... Mas masaya kung naroon ka sa mismong kasal namin, madame." Sana nga. Malaki ang pananalig ko na magkakabati na sina Vaughn pati ng nanay niya. Sana din ay maayos na din ang gusot sa pagitan niya sa mga Hochengco. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD