VAUGHN :
Dumiin ang pagkahawak ko sa poste, sapo-sapo ako sa aking tagiliran. Napangiwi ako dahil sa sakit. Medyo natatakot ako na baka magbukas ang sugat buhat nang operasyon. Iginala ko ang aking mga mata paligid. Maraming tao at mukhang wala silang pakialam sa paligid nila. Ramdam ko na rin ang iilang butil ng pawis sa aking noo at leeg. Kailangan ko pang makalayo pa para hindi ako maabutan nina lolo at lola. Para hindi nila ako tuluyang maibenta sa tinutukoy ni lolo.
Hahakbang pa sana ako pero nakaramdam na ako ng panghihina. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ako pupwedeng tumigil sa paghahanap ko kay Kyros Ho. Bago man ako kunin ng langit ay kailangan ko muna siya matagpuan. Kahit iyon nalang ang hiling ko para sa aking sarili.
Paika-ika akong naglalakad hanggang sa tumigil ako sa tindahan ng mga gamit sa bahay. Napatingin ako sa telebisyon na naka-display. Kumunot ang aking noo, kasabay na nanigas ako sa aking kinakatayuan nang makita ko ang nakasulat sa balita. Tungkol kay Kyros Ho! Hindi ko akalin na siya ang aking ama. Halata sa kasuotan nito ang karangyaan. Napag-alaman ko din na siya mismo ang may-ari ng Hochengco Prime Holdings.
Tumangu-tango ako, na para bang alam ko na kung saan ko siya matatagpuan. Kahit hindi ko alam kung nasaan ba talaga ang bahay niya. Kahit lugar kung saan siya nagtatrabaho, iyon nalang ang pag-asa ko.
Sa loob ng dalawang araw, hindi ko ininda ang gutom at sakit ng aking sugat, basta makarating lang ako sa sinasabing kumpanya hanggang sa makarating ako mismo doon. Tumambad sa akin ang isang matayog na gusali sa aking harap. Umaga na akong nakarating. Maraming tao ang pumapasok doon. Nilakasan ko ang aking loob, humakbang ako para makapasok sa loob nang biglang may humarang sa aking lalaki. TIngin ko ay isa siyang security guard.
"Anong kailangan mo sa loob, boy?" seryosong tanong niya sa akin.
"G-gusto ko po sanang makita ang tatay ko p-po..." hindi na tuwid ang aking pananalita dahil namimilipit na ako sa sakit ng aking tagiliran.
"Bawal ka dito. Parang magnanakaw ka pa nga." aniya. "Eh sino bang tatay mo?"
Agad akong umiling. "H-hindi po... G-gusto ko lang po m-makita si S-sir Kyros Ho..."
Ilang segundo siyang natigilan, dahan-dahan siyang tumawa ng kalakas-lakas. A-anong nakakatawa sa sinabi ko? "Anak ka ni Sir Kyros? Naku boy, isa lang ang anak niya."
"M-maniwala po kayo..." nagpumilit akong pumasok sa loob pero nagawa niya akong pigilan.
"Siraulo kang bata ka, magnanakaw ka!" akusa niya sa akin.
"H-hindi po! Hindi po talaga! G-gusto ko lang po makita ang tatay ko—" hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko nang bigla niya akong ihagis sa sahig. Mas lalo ako nakaramdam ng sakit. Kasabay na natigilan ako dahil may tumigil na matangkad na lalaki sa gilid ko. Agad ko siyang tiningnan. Kusang kumawala ang aking mga luha nang nasa harap ko na mismo ang lalaking hinahanap ko—si Kyros Ho, ang aking ama!
May lumapit na babae sa akin para alalayan akong tumayo. Marahil ay asawa iyon ng aking ama.
"Anong nangyayari dito?" maawtoridad na tanong niya sa guard na nakasagupa ko kanina.
"Eh ser, nagpupumilit na pumasok sa loob. Gusto ka daw niya makita..." nahihiyang tugon ng guard.
Inilipat ni Kyros Ho ang kaniyang tingin sa akin. Tinukod niya ang kaniyang tuhod sa daan. "Bakit gusto mo akong makita, iho?"
Walang tigil ang aking luha. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa harap mo na ang tunay mong ama... Ang tao na matagal na nawawala sa buo mong pagkatao. "A-anak po ako... Ni Contanza A-Alcazar..."
Wari'y natigilan siya nang banggitin ko ang pangalan ni mama. Pinagmasdan niya akong mabuti.
"K-kayo daw po ang ama ko..." dugtong ko, mas nanghihina sa estado kong ito.
Rinig kong pagsinghap ng asawa niya. "Kyros! M-may dugo!"
Ramdam ko na bumigay ang aking katawan. Bumagsak ako sa daan. Pero naramdaman ko din na parang binuhat ako.
"Dadalhin natin siya sa Ospital!" rinig kong utos niya. "Little boy, hold on, you can't die on my arms."
_
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang tumambad sa akin. Napatingin ako sa gilid ko. Ang babaeng tumulong sa akin ang bumungad sa akin. Naalarma siya nang makita niya akong gising na. "Kyros, he's awake!" bulalas niya.
Hanggang sa makita ko si Kyros Ho. Tinitingnan ang aking kalagayan. "Oh, thank God!" aniya.
Hind ko magawang sumagot. Naroon pa rin ang paghihina. Nanunuyo din ang aking lalamunan. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Ospital ako...
"Nacheck ka ng doctor, iho. Ang sabi, sariwa pa ang mga sugat mo dahil sa operasyon. Nascan din nila na wala na isa nalang ang kidney mo. Anong nangyari, iho?" nag-aalalang tanong ng ginang.
"D-donor po ako... Ng... Mama ko..." utal-utal kong tugon. "T-tumakas din po ako... Dahil... N-nalaman kong... Ibebenta ako ni... Lolo..." pag-amin ko.
Napasapo sa bibig ang asawa ni Kyros Ho. Parang maiiyak na. "Diyos ko! Masyado ka pang bata para sapitin mo ang mga ito, iho..."
Umupo sa gilid ng higaan ang kinikilala kong ama. "Tungkol sa sinabi mo kanina... Totoo bang anak kita kay Contanza?" paniniguro niya.
Tumango ako. "Kung g-gusto ninyo po, iku-kuwento ko po sa inyo... Ang lahat..."
"We can lend our ears on you, iho. Kaya mo bang magkwento ngayon? Sandali, bibigyan kita ng tubig." alok niya saka umalis muna para kuhaan ako ng tubig, bumalik siya agad. Inalalayan niya din akong makaupo ng maayos para makapagpaliwanag.
Naikwento ko sa kanila ang lahat mula sa pinakaumpisa hanggang sa desidido akong makita siya. Nang malaman kong ibebenta ako ng sarili kong lolo sa hindi ko kakilala. Kitang kita ko kung papaano umigting ang panga ni Kyros Ho dahil sa galit, samantala ang kaniyang asawa ay umiiyak at napasapo sa kaniyang dibdib na para bang hirap na hirap siya. Na siya ang umiiyak na imbis ay ako.
"Kyros..." umiiyak na tawag sa kaniya ng kaniyang asawa. "I believe in him. I think he tell us the truth. Sinabi mo rin na tungkol sa ugnayan ninyo ng isang babae na hindi mo pa masyado nakilala bago man tayo ikinasal."
"Pero tinatanggap mo ba siya?" seryosong tanong ni Kyros Ho sa kaniya.
Yumuko ako. May bahagi sa akin sa natatakot ako na baka hindi niya ako tatanggapin bilang anak niya. Na isa lang akong bastardo... Na baka dahil sa akin ay mabuwag ang pamilya nila. Tatanggapin ko nalang kung ano ang magiging kapalaran ko.
"Tatanggapin ko siya sa pamilya natin, Kyros. Gusto ko siyang ariin na parang tunay kong anak, tulad sa anak natin si Finlay." sagot niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Payag ka bang ako nalang ang maging mommy mo, iho? Ano pala ang pangalan mo?"
"V-Vaughn..."
Ngumiti siya kahit na may luha pa ang kaniyang mga mata. "Vaughn, payag ka ba na ako ang maging mommy mo? Na sa amin ka na titira? Na hindi ka na babalik sa probinsya?"
Nanigas ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. "Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa akin. "Ibibigay ko sa iyo ang hindi maibigay ng nanay mo, Vaughn... Simula ngayon, tatawagin na kitang anak, ha?"
Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak sa harap nila. Niyakap nila ako na matagal ko nnag inaasam. Matagal nang panahon ko na itong hindi naramdaman. Ang mayakap.
_
Pero hindi pala madali ang pagtanggap sa akin sa pamilyang Hochengco. Sa mismong harap ko, nakita ko kung papaano sinampal ng Grande Matriarch si papa dahil sa galit. Hindi magawang manlaban ni papa. Tahimik lang niyang tinanggap ang malakas na sampal na iyon. Nakahawak lang sa akin si Mama Fiorella na may lungkot sa kaniyang mukha.
"Matagal ko nang inaalagaan at iniingatan ang dignidad ng pamilyang ito, Kyros! Ngayon ko pa malalaman na nagkaroon ka ng anak sa labas?! Sa tingin mo, matatanggap ko ang bastardo mo sa pamilyang ito, ha?!" bulyaw ng Grande Matriarch. "Bitawan mo ang batang iyan hangga't maaga pa!"
"I can't, mama." mariing sambit ni papa. "Hinding hindi ko ipaparanas ulit sa kaniya ang naranasan niya sa pamilya ng kaniyang ina. Ako nalang ang masasandalan ng anak ko sa mga panahon na ito, kaya hinding hindi ko gagawin ang inuutos mo."
Kita ko sa mukha ng Grande Matriarch na hindi makapaniwala dahil sa naging pasya ni papa. Nanlaki ang kaniyang mga mata, alam kong nangagalaiti na siya sa galit. "At kailan ka pa naging suwail sa akin, Kyros?!"
"Ngayon lang, mama. Matagal na akong naging sunud-sunuran sa mga gusto mo. Pero sa mga oras na ito, ngayon lang ako magiging madamot para sa sarili ko."
"How dare you..."
Bumitaw ako mula kay mama Fiorella at tumakbo palapit sa kanila. Tinawag pa niya ako pero dire-diretso pa rin ako. Humarang ako. Kumunot ang noo ni Madame Eufemia Hochengco na ako naman ang nasa harap niya. Walang sabi na bigla akong lumuhod sa harap niya. "Gagawin ko po ang lahat para matanggap ninyo ako sa pamilyang ito, Madame..." pagmamakaawa ko pa. "Gagawin ko po ang mga gusto ninyo, huwag ninyo lang po ako ibalik sa magulang ni mama..."
"Vaughn..." nag-alalang tawag ni papa sa akin.
Tumalikwas ang isang kilay ng Grande Matriarch. "Sigurado ka bang... Gagawin mo kung anuman ang gugustuhin ko?" paniniguro niya, kasabay na paniningkit ng kaniyang mga mata.
"Opo." lakas-loob kong sagot.
Taas-noo niya akong tiningnan. "Fine, kasama ka nina Archie at Harris sa Cavite. Doon ang training ground mo. Gusto ko, kapantay mo sila, lalo na ang mga magpipinsan. I want you to be talented and smart... If you can do that, you can have another spot to be a Hochengco, and you'll be one of the heir."
"Mama, that was too much!" apila ni papa.
"Shut up, Kyros!" matigas na sambit ni Madame Eufemia. Bumaling siya sa akin. "So, tell me, do you deserve to be a Hochengco?"
Kinuyom ko ang aking kamao. Diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Opo." seryoso kong tugon.
Unti-unti sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
_
Nang ipinadala ako sa Cavite, ipinakilala ako ni papa sa mga sinasabing pinsan ko daw. Karamihan sa kanila ay kasing edad ko lang ang mga ito. Meron naman na mas bata sa akin. Unang nag-approach sa akin sina Keiran at Kalous, doon ko din nakilala ang kapatid ko na si Finlay, tahimik pero masasabi ko na mabait dahil pinahiram niya ako ng kaniyang mga laruan. Dinala pa niya ako sa kuwarto niya at naglaro kam saglit. Nang sinabi nina mama Fiorella at papa sa kaniya ang totoo, ang buong akala ko ay magagalit o hindi niya ako matatanggap, pero kabaliktaran pa ang nangyari. Tinanggap niya ako, tuwang tuwa pa daw dahil may kapatid na siya. Ganoon din ang iba ko pang pinsan, pakiramdam ko ay kabilang ako sa pamilya nila kahit na ang totoo niya ay nakikisabit lang naman ako.
"Vaughn ahia?" tawag sa akin ni Fae. Lumingon ako sa kaniya habang nakaupo ako sa swing, ilang minuto nalang ay aalis na ako't ipapadala na ako sa mansyon kung nasaan ang mga makakasama ko, sina Harris at Archie daw. Lumapit siya sa akin at umupo din siya sa kabilang swing. Bumaling siya sa akin at ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. "Sinabi sa amin ni tito Kyros na bad daw ang family ng mama mo."
Tahimik akong yumuko pagkatapos ay tumango. Hindi ko maipagkakaila iyon.
"Mabuti nalang, nakita ka ni tito Kyros. Hindi ka masasaktan dito, Vaughn ahia." malambing niyang sambit. Napatingin ako sa kaniya. "Naroon sa mansyon ang kuya ko. Archie ang pangalan niya. Matalino iyon saka mabait. Magpatulong ka sa kaniya kapag nahihirapan ka sa math."
"Salamat, Fae."
"Kapag malaki na tayo, sama ka sa amin, ha? Lilibotin natin ang Pilipinas. Hehe."
Ngumiti na din ako.
-
Habang lumalaki ako, kahit na may karelasyon ako noong kolehiyo, ay ginagawa ko pa rin ang lahat para matanggap ako ni ahma sa pamilya. Ginalingan ko. Maraming nagsasabi na kahit na bastardo ako ng pamilyang Hochengco, ay nakakasabay ako sa magpipinsan. Hindi nga daw nila akalain na isa akong bastardo. Binalewala ko ang mga iyon, dahil hindi rin naman ganoon ang turing sa akin ni mama Fiorella, pati ng mga kamag-anakan ni papa. Tanggap nila ako. May times na gusto nila akong isama sa mga lakad nila pero kailangan ko din tumanggi dahil may aasikasuhin ako.
Nang grumaduate ako, nakakuha ako ng leadership award, lalo na't naging summa c*m laude ako. Para sa akin ay hindi pa sapat iyon para matanggap ako ni ahma, kumuha din ako ng board exam kahit na wasak pa ako kay Shakki dahil sa biglaan niyang pag-iwan sa akin. Mabuti nalang nagbunga ang pinaghirapan ko sa review. Hindi ko inaasahan na magagawa kong maging top notcher.
"You got a spot to be a Hochengco, Vaughn." wika ni ahma saka humigop ng tsaa. Narito kami ngayon sa isang chinese restaurant. Isinama niya ako. Natigilan ako't tumingin sa kaniya na hindi makapaniwala. Pinanood ko kung papaano niyang maingat na inilapag ang tea cup. Tumingin siya sa akin. "You earned my trust and you deserved it, iho."
"A-ahma..." iyan lang ang tanging nasabi ko.
Huminga siya ng malalim. "May dahilan ako kung bakit tinanggap kita at binigyan kita ng pagsubok, Vaughn." Tumingin siya ng diretso sa akin. "This is your sweetest revenge. Gusto kong malaman ng pamilya ng iyong ina, you don't deserved them. Gusto kong ipamukha sa kanila na kung sino ang tinapak-tapakan nila. You got a blood of a Hochengco running into your veins."
Hindi ko magawang sumagot dahil sa pagkabigla, sa halip ay lumunok ako.
"Dahil hindi interisado si Finlay sa Hochengco Prime Holdings, I guess, it's time na ikaw ang magmamana ng kumpanya na iyon, Vaughn. And... I trust you, Vaughn. Wala naman ako pagsisisihan, tama?"
"Kahit hindi ninyo na ako manahin ng mga ganyan, ahma. Kahit pagtanggap lang sa pamilya na ito, ayos na po sa akin."
"Matigas ang ulo ko, Vaughn. Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod." saka ngumiti siya. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Welcome to the family, apo."
Kusang tumulo ang butil ng luha at bumagsak iyon. Hindi ko inaasahan na dumating sa ganito ang paghihirap ko. Na sa wakas, magkakaroon ako ng pamilya kung saan tanggap ako. Na balewala lang sa kanila na isa akong bastardo kung ituring pero sila... Doon ko naranasan na parang kabilang din ako sa pamilyang ito.
_
Iyak pa rin ng iyak si Shakki sa harap ko kahit tapos ko nang ikuwento ang lahat. Ngumiti ako. Marahan kong pinunasan ang mga kaniyang mga mata. "Tahan na, buhay pa naman ako, oh." masuyo kong sambit.
Tumingin siya sa akin. Hindi ko lang inaasahan na bigla niya akong sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. "HInding hindi na ako aalis sa tabi mo, Vaughn. Hindi lang ikaw ang lalaban. Poprotektahan din kita. Hangga't narito ako pati ng mga pinsan mo, walang mang-aaway sa iyo." mas humigpit ang pagkayakap ko sa kaniya. "Thank you for fighting too, Vaughn."
Dumapo ang isang palad ko sa kaniyang likod. Mahina kong tinapik iyon para maalo ko siya. Kahit na nasa ganoong posisyon kami, iginala ko ang aking paningin sa silid na ito.
Oras na para tanggalin ko na ang isa sa mga bagay na nakakapagpapaalala sa akin sa madilim kong kahapon. Bukas na bukas din, sasabihin ko sa kanila na papayag na ako...