chapter nine

2502 Words
Alas otso ng gabi na kaming nagsimula ang inuman. Panay tawanan, biruan at kwentuhan ang bumabalot sa mesa. Nakikisabay kaming dalawa ni Vaughn sa mga pinsan niya. Kung gaano sila kaingay sa bar noong una ko sila nakilala, mas malala pala sila ngayon! Pero sabi nina Pasha, hindi pa daw iyan one hundred percent ang kalokohan nilang magpipinsan. Sa oras na tumapak daw ako sa Cavite, malalaman ko daw talaga ang mga kalokohan ng mga lalaking pinsan ni Vaughn. Isa pa daw, mga party goers talaga ang mga ito kaya kung nasaan ang isa, naroon ang lahat. Kapag inaway ang isa nilang pinsan, reresbak ang lahat. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit masaya si Vaughn sa pamilyang ito. Makikita talaga na hindi talaga siya tinuturing na iba. The way kung mang-asar ang mga ito, hindi nakaka-offend o may kinalaman sa nakaraan niya. Parang ayaw din nilang magbigay ng hint sa akin kung ano ba talaga anng nangyari. "Heto, Vaughn, cous... Try mo ito." alok ni Suther sa kaniya ang shot glass na may lamang mamahaling alak. Tahimik tinanggap iyon ni Vaughn. Nilagok niya iyon sa harap ko. Sinauli niya din ang shot glass kay Suther. Kita ko na namumungay na din ang kaniyang mga mata. Namumula na din ang magkabila niyang pisngi dahil siguro sa matindi na yata ang tama niya ng alak. Gustuhin ko man pigilan na siya sa pag-inom ay hindi ko magawa. Naku-curious kasi ako sa sinasabi nina Fae kung anong mangyayari kay Vaughn kapag nalasing na ito nang husto. Pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko para sa kaniya. "Vaughn," biglang nagsalita si Finn. Hawak-hawak niya ang baso na may naglalaman na brandy. Bumaling sa kaniya si Vaughn. May pagtataka sa mukha nito. "Alam mo naman siguro kung bakit kami pinapunta ni baba dito, hindi ba?" seryoso nitong sambit. Kita ko ang mag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. "I know." maski siya ay naging seryoso na din ang boses. "Lemme think, Finn." "We don't have enough time to think." muling sabi ni Finn. "If I were you, aalisin ko na ang silid na iyan. Kamumuhian ko iyan." Kumunot ang noo ko. A-anong pinagsasabi niya? Kamumuhian? Para saan? Bigla ako ginapangan ng kaba at takot sa nangyayari. Nababalutan na ng tensyon ang paligid. Kahit ang ibang magpipinsang Ho ay nagiging seryoso na. Ang mga kababaihan naman ay bakas na sa mga mukha nila ang pag-alala na baka magkagulo ang dalawa dahil sa topic na iyon. "You have no right to tell what should I do, Finn." naging mariin ang pagkabigkas ni Vaughn sa mga salita na binitawan. "This is my mother's home, kaya gagawin ko kung ano gugustuhin ko sa bahay na ito." Nagbuntong-hininga si Finlay. "Yeah, this is your mother's home. Pero may pakialam ba siya sa iyo noon? Lalo na ang pamilya niya? Bakit sinisiksik mo ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman tanggap?" Bigla tumayo si Vaughn. Ang mas ikinagulat ko ay bigla niyang kinuwelyuhan si Finlay! Kitang kita ko kung papaano naglilisik ang mga mata ni Vaughn sa ginawa niya sa kaniyang kapatid. Bakas din sa mukha ni Finlay ang galit at iritasyon. Naalarma kaming lahat. Lumapit ang mga kalalakihan sa kanilang dalawa saka inaawat. Napasapo ako sa aking bibig at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko inaasahan na dito hahantong ang simpleng kasiyahan at pagbisita ng magpipinsan sa kaniya. "Bawiin mong sinabi mo, Finn!" malakas pero matigas niyang utos sa kapatid. Nanggagalaiti na sa galit. "Hindi ko gagawin iyon!" bulyaw ni Finlay. Humawak siya mga kamao ni Vaughn. Matalim niyang tinitingnan ito. "Gusto kong ipakita sa iyo na hindi ka santo para maging mabait! Na halos buong buhay mo, ikukulong mo ang sarili mo sa bangungot na ito! It's time to wake up, Vaughn! Open your eyes and see people who really care for you!" Doon ay natigilan si Vaughn. Dahan-dahan niyang binitawan ang kaniyang kapatid. Tinalikuran niya ito at naglakad na siya palayo sa amin. Hinatid namin siya ng tingin habang pagewang-gewang siya sa paglalakad. "Shakki," rinig kong tawag sa akin ni Carys. Bumaling ako sa kaniya. Tumango siya. Binibigyan niya ako ng senyales na oras na para sundan ko si Vaughn. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Iniwan ko muna ang mga bisita para sundan si Vaughn. _ Sinubukan ko sa Master's bedroom, nagbabakasakali kung naroon pa siya pero wala siya doon. Wala rin siya sa garahe. Mukhang may ideya na ako kung saan ko siya matatagpuan. Agad akong kumilos para daluhin siya sa lugar na iyon. Tumigil lang ako nang datnan ko ang lumang pinto na nakabukas. Ang mas ikinagulat ko ay may ilaw doon. Kumunot ang noo ko at maingat akong nagpakawala ng hakbang palapit sa silid. Tumambad sa akin si Vaughn na ngayon ay nasa ibabaw ng kama. Nakasindi ang lampara na nagsisilbing ilaw sa buong silid na ito. Parang piniga ang puso ko sa nasaksihan ko. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga binti, nakasandal siya sa headboard ng kama. Nakadungaw siya sa bintana. Sa tagpong ito, parang ibang ibang Vaughn ang natagpuan ko dito. Isang malungkot na Vaughn Hochengco ang saksihan ko. Parang nag-iisa siya, parang wala siyang kasangga sa buhay... Mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang nasa gilid na ako ng kama. Nakatayo ng tuwid. Doon ko nakuha ang kaniyang atensyon. Namumungay pa rin ang kaniyang mga mata. Gulo-gulo na ang kaniyang buhok sa hindi ko malaman kung anong ginawa niya bago ko man siya madatnan dito. "Shakki..." "Vaughn..." may bakas na pag-alala sa aking boses. Binawi niya ang kaniyang tingin. Dumungaw siya ulit sa bintana. "I'm sorry. Kung nakita mo ang pag-aaway namin ni Finn." mahina niyang saad. Tumahimik ako't huminga ng malalim. Hinubad ko ang suot kong doll shoes. Tumuntong ako sa ibabaw ng kama na ikinagulat niya. Umupo ako sa tabi niya. "Madumi ang kamang ito—" "I don't care." giit ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Kung nasaan ka, naroon ako." "Shakki..." Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Vaughn, sa ilang taon na tayong magkarelasyon, may mga bagay pala na walang akong alam tungkol sa iyo." malumanay kong sabi. "Gustuhin ko man malaman kung ano ang mga iyon, pero handa akong maghintay kung kailan mo iyon sasabihin." masuyo kong hinawakan ang kaniyang kamay. Minamasahe ko ang mga iyon. Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniyang mukha na dahilan para magtama ang mga tingin namin, hindi nawawala ang aking ngiti. "Tatanggapin ko kung ano pa ang nakaraan mo. Wala akong pakialam kung isa kang bastardo o legal na anak ng mga Ho. Dahil ikaw ang Vaughn na minahal ko noon pa man." Wala akong makuhang sagot mula sa kaniya, ang tanging nababasa ko lang sa kaniyang mga mata ay ang lungkot at pighati. "Balik na tayo? Makipagbati ka na sa kapatid mo..." I tried to lift up his feeling. "May punto naman si Finn. Dinedeny ko lang ang katotohanan." Natigilan ako. "Vaughn..." "I'm a victim of child abuse, Shakki. Talagang ipinamukha nila sa akin na hindi dapat ako ipinanganak sa mundong ito." Parang may sumaksak sa akin ng ilang ulit nang marinig ko mismo sa kaniyang ang mga salita na iyon. Ito ang bagay na hindi ko talaga alam tungkol sa kaniya. My love is a victim of child abuse! Ilang salita pero kaakibat ng mga iyon ang bigat sa pakiramdam! Doble pa nga! Mapait siyang ngumiti sa akin. "Wanna hear the story?" Nanatili akong tahimik at diretso ang tingin sa kaniya. Lahat ng atensyon ko, nasa kaniya. Tango ang naging tugon ko. Hinahanda ko ang aking sarili na sa wakas ay malalaman ko na dapat kong malaman tungkol sa lalaking pinakamamahal ko. _ VAUGHN : My mother, Constanza Alcazar, is the only child of my maternal grandparents. She has no younger siblings. Kaya naman lahat ng atensyon, nasa kaniya. They said, mama is on the beautiful woman in her young age. Senyorita ang madalas na tawag sa kaniya na talagang nababagay sa kaniya dahil prinsesa kung ituring sa kaniya ng pamilya niya pati na din ng mga tauhan. But she was arranged to marry the son of my grandfather's long time friend. Dahil sa ulirang anak si mama, hinayaan niya lang kung ano ang magiging kapalaran niya sa oras na papakasal niya ang lalaking ipapakasal sa kaniya kahit hindi naman niya iyon mahal. That night, it was her despedida party that the clan and and her friends prepared for her, she met Kyros Ho, through a common friend. Isa din siya sa mga bisita doon. Nang mga panahon na iyon, wala doon ang mapapangasawa ni mama. Nagkapalagayan ng loob nina mama at si Kyros Ho. Doon napagtanto ang pagsisisi kung bakit nagawa niyang pumayag na magpakasal sa lalaking hindi niya minahal pero huli na ang lahat, kinabukasan din iyon ay ikakasal na siya kaya gumawa siya ng paraan para makipakita sa lalaking nakakuha ng kaniyang atensyon—at doon ay walang alinlangan na ibinigay niya ang kaniyang sarili. "O poxa! (You insane!)" nanggagalaiting sigaw ni Don Riolando Alcazar, ang ama ng aking ina. "Sai, desgraca! (Get away from me, you, disgrace!" sabay tulak niya sa aking ina na dahilan para mapasubsob ito sa sahig. "Desculpe, papa... (I'm sorry, papa)" humihikbing sambit ng aking ina sa kaniya. "Eu amo Kryos. Eu nao posso viver sem ele, papa... (I love Kyros. I can't live without him, papa)" "Voce e insano, Constanza! (You are insane, Constanza!)" muling bulyaw nito sa kaniya. "Ele e casado! Como se atreve a se degradar no homem que nunca te ama?! (He's married! How dare you to degrade yourself in the man who never love you?!)" Doon natigilan si mama. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni lolo. Ang lalaking minahal niya ay may asawa na pala. Nagpakasal na pala ito pagkatapos na may nangyari sa kanila. Katulad ni mama, ipinagkasundo din itong si Kyros Ho sa kapwa ding chinese. Nagpasya si mama at lola na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa akin hanggang sa ipinanganak ako. Hanggang sa tumuntong ako ng apat na taong gulang... "Avo, isso e para voce... (Grandpa, this is for you)" malambing kong sabi sa kaniya sabay abot ko sa kaniya ang bond paper na may drawing ko para sa kaniya. Wala sina mama at lola noon, nasa bayan sila at may kikitain daw. Malamig na tumingin sa akin si lolo. Tinanggap niya ang papel. Nakangiti lang ako sa kaniya pero agad din iyon napawi dahil bigla niyang ipinunit iyon sa mismong harap ko... Na parang pinunit ang puso ko sa ginawa niya. Isa-isang bumabagsak ang mga piraso ng papel sa sahig. "Como voce se atreve a me dar essa merda, ha?! (How dare you to give that s**t, ha?!)" sabay malakas niya akong sinampal. Napasubsob ako sa kahoy na sahig. "A-avo..." naiiyak kong sabi. Umalis siya sa kinauupuan niyang sofa. Marahas niya akong hinawakan sa braso. "Wala kang karapatan na tawagin mo akong Avo o lolo dahil hindi kita apo!" bulyaw niya sa akin. "Kahit anong gawin mo, itatak mo ito sa kukute mo, kahit na uugod-ugod ka na, hinding hindi pa rin kita matatanggap sa pamilyang ito! Hindi ka nababagay dito!" hinigit niya ako hanggang sa mapadpad kami sa likod ng mansyon. Patapon niya akong pinasok sa madilim na silid na ito na katapat lang nito ay puno ng bayabas. "Diyan ka nararapat!" Tatakbo ako para makalabas pero huli na ako. Naisara na ang pinto. Panay palo sa pinto at iyak ko pero parang walang nakakarinig sa akin. "Avo! Avo! Mamaaa! Mamaaaa!" nag-iiyak kong tawag. Limang araw na akong nasa loob ng kuwarto. Ni anino ni mama ay hindi ko nakita. Hindi niya ako magawang palabasin dito. Gutom na gutom na ako. Hindi ko rin nararamdaman na may paparating sa silid na ito. Sa pagkaalam ko, maraming tauhan sina lolo at lola dito sa bahay. Bakit ni isa ay walang dumaan dito para ilabas ako? Dahil sa gutom ay bumaling ako sa puno ng bayabas. Wala pang bunga. Dinaluhan ko ang kama at binuksan ko ang binata. Hindi ako kasya para makatakas. Tinititigan ko ang gagamba na abala sa paggawa ng bahay nito sa mga dahon. Iniisip ko, iyon nalang kaya ang kainin ko? Kaso, huwag nalang pala, mahalaga ang buhay. Marami pa siyang magagawa at kawawa siya kapag kinain ko siya—parang pinatay ko na din siya. Inilabas ko ang kamay ko. Pilit kong abutin ang mga dahon at iyon nalang kinain ko. Nakalabas ako pagkalipas ng isang taon. Nabalitaan ko nalang na wala na si mama, umalis na ito at kasama ang bago niyang asawa. Sa Brazil na daw sila maninirahan. Iyon din ang araw na naging katulong ako. Wala na din ang mga katulong dito. Hindi ko alam kung bakit. Sa murang edad, ako ang naglaba, naglilinis at naghuhugas ng mga pinagkainan. Sa tuwing may bisita at tinatanong kung kaanu-ano ako nina lolo at lola, ampon ang pakikilala nila sa akin. Ilang beses na nila ako tinatanggihan. Hindi na ako sumasagot. Isang araw nakatanggap ng tawag ang lolo't lola ko na kailangan maoperahan si mama dahil may sakit siya sa bato. Bumigay na daw ang isang bato niya at kasalukuyan na silang naghahanap ng donor. Tumigil ako sa paglilinis at humarap sa kanila. Kita ko kung papaano nag-iiyak si lola habang tahimik lang si lolo habang nag-uusap. Lumunok ako't humakbang palapit sa kanila. Dumiin ang pagkahawak ko sa basahan na hawak ko. Lalakasan ko na ang loob ko. "Lolo... Lola..." natatakot na tawag ko sa kanila. Sabay silang sumulyap sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Kunot-noo agad ang bati sa akin ni Lolo. "P-puwede po bang maging donor po ako ni mama? Sabi po nila, dalawa daw po ang bato sa katawan ng isang tao... Kahit ibigay ko nalang po ang isa para po kay mama..." Napasinghap si lola. Napasapo siya sa kaniyang bibig habang si lolo ay malamig na tingin pa rin ang iginawad niya sa akin. Gusto kong iligtas si mama. Ayaw ko siyang mawala. Hindi bale na ako nalang ang mawala para maging masaya na ang lahat. Para hindi na rin magalit sa akin si lolo. Isinama ako nina lolo at lola sa Ospital kung nasaan si mama. Buhat na tumapak ang mga paa ko ay ni bakas niya ay hindi ko siya nakita. Hinabilin din sa akin ni lolo na huwag na huwag ko daw sasabihin o makakaalam na ako daw ang donor ni mama. Pumayag ako dahil iniisip ko na kapag na nailigtas ko si mama, masaya na din ako. Binigyan nila ako ng ilang test daw bago daw nila kunin ang isang kidney ko hanggang sa tagumpay nilang nakuha iyon sa akin. Ilang araw din akong narito sa Ospital para daw makarecover din daw ako. Nakikibalita ako kung ano na ang lagay ni mama pero wala akong nakuhang balita. Ang tanging sinabi lang sa akin ni lolo na babalik din daw kami ng Probinsya. Pero hindi iyon ang inasahan ko... "Nakausap ko na ang kakilala ko, bibilhin daw niya si Vaughn para maging kasambahay ng kanilang pamilya." malinaw kong rinig mula sa bibig ni lolo. "Para tuluyan nang mawala ang batang iyan sa pamilyang ito!" Para akong nanigas sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang bagay na iyon. Humakbang ako paatras. Napahawak ako sa aking tadyang at tinalikuran ko sila. Maingat akong umalis at nasisiguro nilang hindi nila ako matunugan. Hindi nila ako pwedeng ibenta. Kailangan kong makatakas dito! Doon nabuo sa isipan ko na hanapin ko nalang si Kyros Hochengco, ang sinasabi nilang ama ko. Nagbabakasakaling matanggap niya ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD