chapter eight

1807 Words
Abala kami sa pagtitiklop ng mga blueprint nang natigilan ako. Sumagi sa isipan ko ang kuwarto na pinasukan ko kanina. Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Vaughn, abala siya sa pakikipag-usap sa pinsan niyang si Kalous sa pamamagitan ng tawag. Nakapameywang siya't nakatalikod sa akin. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Dumapo ulit ang tingin ko sa hawak kong mga blueprint. Base sa nakita ko sa loob, tanging kama at lampara lang ang laman doon. May mga sapot na rin mga gagamba ang ibang bahagi ng silid na iyon. Ano ba talagang ibig mong sabihin na hindi maganda ang naging kabataan mo, Vaughn? Mas lalo bumuhay ang kuryusidad ko nang malaman ko na may ganoon parang side ang lalaking pinakamamahal ko. Sa hinaba-haba ng pagsasama namin sa isang relasyon, ni minsan ay wala akong natatandaan na may binabanggit siya tungkol sa malagim niyang nakaraan. Namulat ako na puros kasiyahan lang ang naikukuwento niya sa akin. Kung papaano siya naging masaya sa side ng tatay niya, pero wala siyang naikwento sa akin tungkol sa side ng nanay niya. Gustuhin ko man tanungin ulit siya o kaya magtanong sa mga katulong dito na baka may kinalaman sila, pero nauunahan ako ng hiya, baka maoffend ko siya nang wala sa oras. Na baka iyon ang magiging ugat ng pag-aaway naming dalawa at ayoko naman mangyari iyon. Siguro maghihintay nalang ako kapag handa na siya na sabihin sa akin tungkol sa bagay na iyon. Ayokong masira ang relasyon na binubuo namin muli. Kahit na clueless pa rin ako tungkol sa nakaraan niya, bibigyan ko naman siya ng mga magagandang alaala na kasama niya ako. - Kinagabihan ding iyon, tapos na kaming kumain ni Vaughn. Nagpaalala siya na tutungo muna siya ng Library para pag-aralan niya ang mga blueprint ko. Pinayagan ko naman siya. Naiwan niya ako dito sa kuwarto niya. Yakap-yakap ko aking sarili habang narito ako sa balkonahe ng silid. Naputol lang ang pag-iisip ko nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Anrod. Hindi ako nag-atubiling sagutin iyon. "Yes?" "Kamusta ka na, cous?" iyon ang naging bungad niya sa akin. Nagbuntong-hininga ako. "Ayos lang ako, Anrod. Narito ako ngayon sa bahay ni Vaughn..." "It means, natuloy ang kasal ninyo?" "Yeah..." "So... May pag-asa pang umahon ang kumpanya?" Doon ako natigilan. Hindi agad ako makasagot. Nawala na sa isip ko ang pinaka-agenda ko kung bakit gusto kong pakasalan ako ni Vaughn. Sa pamamagitan niya, aahon na ang kumpanya. Na babalik ulit ito sa dati itong estado. Na magiging maayos na ang lahat. Pero iba pala ang natagpuan ko. Iba na ang gusto kong makuha—iyon ay malaman ang tunay na nakaraan ni Vaughn. "H-hindi pa namin napag-usapan iyan, cous..." mahina kong saad. Siya naman ang hindi makapagsalita ng ilang segunda. "There's something wrong?" he suddenly ask. "I... I still love him, Anrod." diretsahan kong sambit. "Nasabi ko din sa kaniya ang totoo... Kung bakit iniwan ko siya, five years ago." "Shakki," may bahid na pag-aalala sa kaniyang boses nang tawagin niya ang pangalan ko. "Yeah, hindi ko lang inaasahan kasi... Tinanggap niya pa rin ako kahit na... Iniwan ko siya noon. I feel bad for him, lalo na't may nalaman ako." "What... Do you mean?" Before I answer, I slowly released a sigh. "Kahit na matagal ang relasyon namin noon, pakiramdam ko, hindi ko pa rin siya kilala, Anrod." pag-amin ko. "You said, women are complicated but you, guys are so mysterious." Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "You can say that. We just don't want to be burden for the woman we love." aniya. "If women have so many secrets, men has a dark side." he paused for a seconds. "Kailangan niya lang ng tyempo para masabi niya ang totoo, Shakki. Ang mga lalaki kasi, hindi nila basta-basta sinasabi ang masakit nilang nakaraan, even you are trustworthy, oras lang hinihingi niya." Isang maliit na ngiti ang sumilay ang aking mga labi. "Thank you, Anrod. Ngayon alam ko na kung anong gagawin ko." "Just be with him, cous. Iyon din ang kailangan niya." Nagpaalam na din kami sa isa't isa bago ko pinutol ang tawag. Niyakap ko ulit ang aking sarili. Bumaba ang aking tingin. Kumunot nang bahagya ang aking noo nang makita ko ang bulto ng isang lalaki na nalalakad sa damuhan hanggang sa tumigil ito sa isang puno. Napahawak siya doon. Nakatanaw siya sa pinto at sinundan ko iyon ng tingin. Nakatingin siya sa pinto dahilan ng aking kuryusidad. Pinapanood ko lang si Vaughn sa kaniyang ginagawa. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit tumindig ang balahibo ko sa tagpong ito. Ilang saglit pa ay umalis na siya sa puno at pumasok na sa loob. Doon na rin ako gumalaw. Pumasok na ako sa loob ng silid. Dinaluhan ko ang kama at umupo sa gilid nito. Tinandaan ko ang mga bilin sa akin ni Anrod, ang manatili lang ako sa tabi ni Vaughn at hintayin ang tamang panahon para masabi sa akin ni Vaughn ang totoo. _ Alas onse y media na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Pinagmamasdan ko lang ang mahimbing na natutulog na si Vaughn. Makaharap kaming nakahiga. Kusang gumalaw ang isang kamay ko. Maingat kong hinaplos ang kaniyang buhok. Ipinapanalangin ko na sana huwag muna siyang magising habang ginagawa ko sa kaniya ang bagay na ito. Sumagi din sa aking isipan na may sugat siya sa may tadyang niya noong unang beses na may nangyari sa amin noon. "Gaano kasakit ang nararamdaman mo, Vaughn? Ano talaga ang nakaraan mo? Ano ang pinagdaan mo noon?" halos mabulong kong sambit na hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Bawat salita na binitawan ko, pakiramdam ko ay bumibigat din ang aking kalooban. Ako ang nasasaktan para sa kaniya. "Maghihintay ako... Hihintayin ko na sabihin mo sa akin ang lahat... Ang lahat-lahat..." inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya at dinampian ko siya ng halik sa noo. Hindi ako aalis sa tabi mo, Vaughn. Hindi dahil sa kuryusidad ako sa nakaraan mo. Dahil sasamahan kita. Dahil narito na ako, hinding hindi na kita iiwan pa... __ Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Tumambad sa akin na wala na si Vaughn sa aking tabi. Bumangon ako't kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Nag-unat at iginala ko ang aking paningin sa paligid. Wala rin akong naririnig mula sa banyo. Ibig sabihin, nagtatrabaho na si Vaughn ngayon?! Nagmamadali akong umalis sa kama. Naligo at nagbihis. Nag-ayos na din ako ng mukha bago ako lumabas ng kuwarto. Gumuhit nag pagtataka sa mukha ko nnag may naririnig akong mga boses sa ibaba. Mga pamilyar na boses. Naglakad ako patungo sa hagdan, doon ay palakas na palakas ang mga boses na naririnig ko. Humawak ako sa wooden railings habang pababa. Nang matanaw ko kung ano ang kaganapan ay umaawang ang bibig ko nang makita ko kinuwelyuhan ni Vaughn si Kalous! Nanlaki ang mga mata ko't nagmamadali akong bumaba para awatin pero naunahan na ako ng isa, hindi lang isa, apat na lalaki sa harap ko. Dinaluhan ang dalawa para awatin. "Bitawan ninyo ako. Mapapatay ko talaga iyan!" iritadong hiyaw ni Vaughn sa mga pinsan niya. "Hey, easy, cous!" wika ni Suther sa kaniya pero natatawa. Ano bang nakakatawa eh halos patayin na nga ni Vaughn si Kalous! "Kinusinti ninyo naman ang tukmol na ito!" inis pa rin na sabi ni Vaughn. "Oh, tama na iyan, narito na si Shakki. Natatakot na sa inyo." tumatawa na suway ni Fae sa kanila. Natigilan silang lahat saka bumaling sa direksyon ko. Marahas na binitawan ni Vaughn si Kalous. Agad niya din akong nilapitan. Masuyo niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Mi amor... I'm sorry... Hayaan mo, papalayasin ko na sila." Ngumuso ako. "O-okay lang..." sagot ko. I thought, they're going back in Cavite or Manila? "Well, we're here to party!" nakangising sabi ni Kalous. "We brought some ale at the compartment—" "Naisipan din kasi namin na dito nalang ang bridal at bachelor's party nina Jaycelle at Archie. Uhm, they agreed, by the way." wika ni Naya. "Okay lang naman, hindi ba, Shakki?" "Ayos lang naman sa akin..." dahan-dahan akong bumaling kay Vaughn na ngayon ay nafrustrated dahil sa naging sagot ko. "The more the merrier, Vaughn." malambing kong sabi. "Ayon naman pala, pumayag din ang reyna ni Vaughn." rinig kong pang-aasar ni Vlad sabay palakpak. "Finn, tara, lutuin na natin ang mga pulutan." "Hoy! Huwag ninyong—" hindi na naituloy ang sasabihin pa ni Vaughn dahil hindi siya pinakinggan ng mga ito. "Oh, damn it." ang tanging nasabi niya. _ Natulong din ako sa paghahanda para sa handaan na ginagawa ng magpipinsang Hochengco. Nakikipagkwentuhan naman sa akin ang iba pang asawa ng magpipinsan. Mas lalo ko sila napalagayan ng loob. "Kamusta naman bilang asawa ni Vaughn, Shakki?" nakangiting tanong ni Pasha, narito kami ngayon sa likod-bahay, hinahandaan ang mesa. Ngumiti ako. "He's still the man who I loved before. Kaya hindi naman mahirap..." tugon ko habang inaayos ko ang checked table cloth. Napatingin ako sa direksyon ng magpipinsang lalaki na parang nag-aasaran na naman. "Nakakatuwa lang kasi kahit na siya ang tinuturing na bastardo ng pamilya nila, hindi pa rin iba ang tingin sa kaniya ng magpipinsan. Tanggap pa rin siya." rinig kong sabi ni Laraya. "Ito ang first time na makarating ang magpipinsang Ho dito sa bahay ng nanay ni Vaughn." "Pero ang mas nakakatuwa dahil tanggap pa rin siya nina tito Kyros at tita Fiorella, lalo na si Finlay." dagdag naman ni Pasha. "Kahit noong una, hindi siya tanggap ni ahma." si Naya na may lungkot sa kaniyang boses. "Ahma?" ulit ko pa. Tumango sila. "Yeah, iyon ang tawag nila sa kanilang lola, paternal grandmother nila iyon na tinatawag ding Grande Matriarch." si Tarrah ang nagpaliwanag. "She treated him as disgraceful in the family. Pero sa huli, naging good terms sila, iyon lang ang naikwento sa akin ni Keiran." segunda ni Naya. Hindi ko na magawang magtanong o anuman. Nanatili lang ang tingin ko kay Vaughn natulong na din sa pagluluto. Sa huli ay napangiti ako. Masaya na rin ako para sa kaniya. I think he finally found his happiness and what family he belongs. Ang pamilyang Hochengco iyon. "May dahilan din sina Kalous kung bakit gusto nilang mag-inom dito." si Fae ang nagsalita. Bumaling ako sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. "Makikita mo din kung ano si Vaughn kapag sobrang lasing na." "What do you mean, Fae?" nagtataka tanong ni Pasha. Huminga sila ng malalim, including Carys and Nemesis. "Ang tanging masasabi lang namin, huwag na huwag mong tatanggalin ang tingin mo kay Vaughn, Shakki. Malalaman mo din kung bakit." Kusa akong tumango bilang pag-sang ayon sa kagustuhan niya. "Sa oras na malaman mo ang pinagdaan ni Vaughn, please, love him more. Tanggapin mo pa siya nang higit pa sa pagtanggap namin sa kaniya." si Carys na seryoso din ang kaniyang boses. "Pagkatapos mo malaman ang lahat, ipapagiba na ng mga Hochengco ang kuwarto na iyon. Mismong si tito Kyros ang nagsabi n'on kay Vaughn. It's up to him if he will keep that miserable place, or tatanggalin na niya iyon." segunda pa ni Fae na may lungkot sa kaniyang boses at sa mga mata. Dahil sa mga sinabi ng mga pinsang babae ni Vaughn, bilang bumilis ang kabog ng aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD