chapter seven

1738 Words
Maaga din ako nagising kinabukasan dahil ngayon na din ang umpisa ng renovation ng bahay ito. Kagabi, pakiramdam ko, nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib at nakahinga na din ng maluwag dahil sa pag-amin ko kay Vaughn kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya noon. Thankful na din ako dahil tinanggap niya ang malalim kong rason. Maingat akong umalis sa kama. Nagpahabol pa ako ng sulyap kay Vaughn na ngayon ay mahimbing ang kaniyang tulog. Lihim ako napangiti. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang kaniyang mukha. Limang taon man ang nakalipas pero, siya pa rin ang Vaughn na minahal ko nang sobra. Nagmatured lang siyang tingnan dahil sa magandang built-in ng kaniyang katawan na kulang nalang ay pupwede na siyang maging hunk model. Nagsuot ako ng fluffy slippers pati na din ng robe. Nagtoothbrush na din. Pinusod ko ang aking buhok bago man ako tuluyang lumabas ng kuwarto. Balak ko kasing paglutuan siya ng agahan bago man namin umpisahan ang trabaho. Pagdating ko ng Kusina ay binati ako ng cook ng malaking bahay na ito. Binati ko din siya pabalik. Sinabi ko sa kaniya na ako na ang magluluto ng almusal. Parang nagdadalawang-isip pa nga siya dahil asawa daw ako ng senyorito nila, pero giniit ko pa rin ang gusto ko. Kaya sa huli ay wala na siyang magawa kungdi binigay niya muna sa akin ang kaniyang Kusina! Bacon, sunny-side-up eggs an niluto ko. Ginalaw ko na din ang coffee maker, sa pagkakatanda ko ay mahilig pa rin siya sa kape at kung anong klaseng timpla ang gusto niya. Hindi ko akalain na tanda ko pa rin ang lahat tungkol sa kaniya kahit na limang taon na kaming nagkahiwalay. Abala ako sa pagluluto nang halos matalon ako sa gulat nang may maramdaman akong may pumulupot na dalawang braso sa aking bewang. "What's for breakfast?" namamaos niyang bulong sa aking tainga. Oh shocks, bigla ako nakaramdam ng kiliti sa ginawa niya! "Vaughn naman... Bakit ka ba nanggugulat?" "You seems like my wife is busy." saka isiniksik ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking balikat at panga. "I miss you..." I chuckled. "Palagi naman tayo magkasama na, miss pa rin?" "Still, I miss you..." saka hinalikan niya ako sa pisngi. "By the way, good morning for the most beautiful woman in my life." Hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. "Good morning din," balik-bati ko sa kaniya. "May tinimpla na akong kape d'yan. Kumuha ka nalang sa d'yan sa coffee maker. Sabihin mo sa akin kapag mali ang pagkatimpla ko." "Alright, mi amor." masuyo siyang kumalas ng yakap mula sa akin para kumuha ng kape sa gilid. "I'll prepare the table." Tumango ako bilang tugon. Nang matapos na ako sa pagluluto ay nagtataka naman ako kung bakit tig-iisang plato, mga kurbyertos at baso ang nasa mesa. Taka akong bumaling sa kaniya. "Hindi ka kakain?" pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "Of course, kakain." sagot niya sabay hinila niya ang isang upuan at umupo doon. Tumingin siya sa akin sabay tapik niya sa kaniyang kandungan! "Now, sit." then he beamed at me! Muli ako pakurap-kurap sa kaniya. Tila hindi ko magets ang sinabi niya. "S-sorry?" He reached me. Malumanay niya akong hinila palapit sa kaniya hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa kandungan niya! "We're married, mi amor. So we have to share too in the same plate—" Tumaas ang magkabilang kilay ko sa sinabi niya. "Seriously?" hindi makapaniwalang bulalas ko.  "Yes, I'm serious, Mrs. Ho." then he plant a kiss on my neck! "After we eat, we need to shower together—" "Vaughn!" suway ko sa kaniya sabay mahina kong pinalo ang kaniyang dibdib. "Baka marinig ka naman! Ikaw talaga!" mariin at mahina kong sambit. Nagagawa ko pang pagdilatan siya! Bigla din nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya! Mahina siyang tumawa. Pinisil niya ng mahina ang isa kong pisngi. "Just kidding, mi amor. You're too cute when you're shy. You're blushing." Ngumiwi ako. "Pasaway ka talaga." "Feed me, mi amor. Pleaseee?" talagang ibinuka niya ang kaniyan bibig! Naiiling-iling nalang ako't ginalaw ko na ang pagkain. Sinubuan ko siya. Tuwang-tuwa ang loko. Ako naman ang sunod niyang sinubuan. Salitan pala kaming dalawa. _ Pagkatapos namin kumain ay ako na pinauna ni Vaughn na maligo. Alam na kasi niya kung anong mangyayari. Mas matagal akong maligo kaysa sa kaniya. Syempre, marami akong orasyon na ginagawa bago kami makakaalis, especially when we are dating in College. Natatagalan lang naman ako sa pagpipili ng damit na isusuot at paglalagay ng make-up. "Done?" tanong niya nang nakalabas na din siya sa banyo. Tanging tuwalya lang na nasa bewang niya ang kaniyang saplot ngayon! Tapos na din ako magpahid ng lip tint. Ngumuso ako't sumulyap sa kaniya na kasalukuyan na siyang nagbibihis sa harap ko. Agad ko din inalis ang tingin ko sa kaniya. Kungwari ka pa, Shakki, eh ilang beses na kayo gumagawa ng milagro ni Vaughn! "Y-yeah..." sagot ko. "Papunta na din ang mga tauhan ko dito sa bahay para simulan na din ayusin itong bahay." dagdag pa niya. "Okay..." saka lihim ko kinagat ang aking labi. Bilisan mo naman magbihis, Vaughn! Hindi mo ba alam na maswerte ako dahil may hot and yummy husband ako? At ikaw iyon! Oh sheez! Sky blue faded jean, high-cut shoes at gray color v-neck t-shirt ang suot niya ngayon. Samantalang ako, bohemian dress at sandals ang suot ko tutal ay narito lang naman kami sa bahay niya. Dito naman ang site kaya parang nakapambahay na din naman kami. Pero sinabi din niya sa akin kanina na baka may lakad kaming dalawa kaya mas maiging maging prepare kami. Sabay na kaming lumabas pagkatapos. Sakto din na sinalubong kami ng isa sa mga maid niya. Sinasabi na dumating na daw ang mga tauhan ni Vaughn. May dalawa din daw na engineer na naghihintay sa ibaba. "Good morning," pormal na bato ni Vaughn sa mga bisita. "Good morning din po, sir." nakangiting sabi ng isang lalaki. He looks like syrian or something. Bumaling siya sa akin, umukit sa mukha niya ang pagkamangha. Palihim niyang siniko ang kasama katabi. I feel my husband's arm snake around my waist. Hindi pa siya kuntento doon. Talagang idinikit niya ako sa kaniya! "By the way, this is Architect Shakki Hamilton-Ho, and she's my wife." mas sumeryoso ang boses niya nang sabihin niya iyon. Oh no, mukhang nagegets ko na ang ito, ah. Over-protective Vaughn Ho activated! Laglag ang panga nila sa sinabi niya. Tumikhim naman ako. Ngumiti ako sa kanila at nilahad ko ang aking kamay para pormal na makipagkilala nang pinigilan iyon ni Vaughn. Wala na akong magawa sa sitwasyon ngayon. Kapag sa oras talaga nagseselos ang isang ito, walang makakapagpigil! "If you don't want to lose your job, it's better if you don't look my wife in that way." mariin niyang sabi. Inilapat ako ang mga labi ko. Sabi ko na nga ba. Tila natauhan ang mga bisita ang ibig niyang sabihin. Lahat sila ay napayuko at isa sa kanila ay hindi tumitingin sa akin. "Start your work now. Pupuntahan ko nalang kayo." utos niya sa mga ito. Isa-isa nagsialisan ang mga bisita at nagsipuntahan na ang mga ito sa likod ng ancestral house para umpisahan na ang pag-aayos. Ngumuso ako't niyakap ko si Vaughn out of the sudden. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Huwag na mainit ang ulo, okay?" malambing kong sabi. "Sorry, I can't helped to protect you from that malicious eyes." bakas sa boses niya ang pagkairita. "I want to protect you all the time, mi amor. But seriously, I can fire them by looking at you in the way that only I can look at you." "I know." ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Don't be mad..." "I'm not mad it's just like..." he took a deep breath and his eyes dart on me. Niyakap niya ako ng mahigpit saka dinampian niya ako ng halik sa noo. "I love you. And I am the only that can enjoy looking at you." Hindi ko mapigilan na kagatin ang aking labi dahil pakiramdam ko ay may kumikiliti sa akin. Walang sabi na tumingkayad ako't hinalikan ko siya sa labi. It's just a peck kiss. Parang natigilan siya dahil sa ginawa ko. "I'm inlove with you, Vaughn." He leaned his forehead into mine. Pareho kaming pumikit. "I'm scared of losing you." namamaos niyang sambit. "I won't leave you, Vaughn. Hindi na ngayon. Pangako iyan." _ Sabay kaming pumunta sa veranda, sa likod mismo ng ancestral house na ito. Mas naging pormal ang pakikitungo sa akin ng mga tauhan ni Vaughn. Ipinaliwanag ko din sa kanila ang plano para sa bahay na ito. Mataimtim silang nakikinig sa akin. Ang asawa ko naman ay nakahalukipkip lang habang nakatuon ang tingin niya sa akin. Nakangiti siya. Hindi ko malaman kung nakikinig ba siya sa mga sinasabi ko o hindi. Nakatutok kami pareho ni Vaughn sa trabaho. Nagpaalam ako sa kaniya na maglilibot ako sa bahay kung may kailangan pang maayos dito. Kumunot ang noo ko nang may natanaw akong pinto na yari sa bakal. Hindi ako nag-atubiling lumapit pa doon hanggang nasa harap ko na ito mismo. Idinikit ko ang palad ko sa pinto. Maganda ang pagkadesensyo sa pinto na ito pero bakas pa rin ang pagiging luma nito. Bakit ngayon ko lang nakita ito? Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Humakbang ako papasok. Medyo madilim dito. Tanging nagsisilbing ilaw sa silid na ito ang bintana na nakatutok doon ang sinag ng araw. Iginala ko pa ang aking paningin sa kalooban ng bahay. Napasapo ako sa aking dibdib. Bakit parang pakiramdam ko, nasasaktan ako? Bakit ang bigat ng kalooban ko? Para saan iyon? Anong meron sa kuwarto na ito? "Mi amor?" Gulantang akong humarap. Si Vaughn na ang nasa harap ko. Kunot ang noo at nagtataka. "V-Vaughn..." Humakbang pa siya palapit sa akin. "What are you doing here?" hinawakan niya ako sa pagkabilang bewang. Napangiwi ako. "Curiousity strikes?" Huminga siya ng malalim. Pero hindi ko akalain na may mababasa akong kalungkutan sa mga mata niya. More like, painful or something. It means, may alaala siya sa silid na ito? "Let's go..." hahatakin na sana niya ako sa para makaalis na sa lugar na ito pero ako ang kusang tumigil kaya tumigil na din siya. "Anong meron sa lugar na ito, Vaughn?" diretsahan kong tanong. Bakit ganoon? Matagal ko na siyang karelasyon pero bakit sa mga oras na ito, naging misteryoso na siya? "Pero... Kung ayaw mong sabihin, a-ayos lang..." "This room reminds me of my painful past, Shakki." seryoso at may bakas na sakit sa boses niya. Humakbang pa siya palapit sa akin. "I don't have a wonderful childhood. Alam ko na noon pa man, hindi ako tanggap ng pamilya ng nanay ko." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD