chapter six

2109 Words
They said, sometimes we need to lie to protect something. I want to protect my love for Vaughn. Even it really hurts to leave him, mas maigi na iyon. Mas maganda na wala siyang kaalam-alam kung bakit kinakailangan ko siyang iwan ng mga panahon na iyon. Hinawi ko ang kurtina ng master's bedroom. Kakagising ko lang. Ang malawak na karagatan ang bumungad sa akin ng umagang iyon. Hinahayaan ko lang na dumapo ang malamig at sariwang simoy ng hangin sa aking balat. Wala rin si Vaughn sa silid na ito. Paniguradong may inaasikaso siya ngayon at hindi na ako nag-abala pang malaman kung anuman iyon. Niyakap ko ang sarili. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Tranquility in this place makes a shiver over my spine. Though nakakarating din naman ako sa ibang probinsiya para sa mga proyekto at trabaho pero sa puntong ito, trabaho nga ang gagawin ko sa lugar na ito pero hindi ko sukat akalain na ito ang sasalubong sa akin ng lugar na ito. Nagpasya akong lumabas muna sa master's bedroom. Gusto kong maglibot dito bilang pampalipas ng oras. Bawat sulok ng bahay na ito, mukhang maayos pa naman. Over all, parang wala naman kailangan iparenovate dito. Atsaka, ano pa bang ipapaayos niya dito? Kung sakaling matuloy man ang renovation, ako ang kauna-unahang masasayangan. Makikita kasi ang tibay ng bahay na ito sa paglipas ng bawat henerasyon. Napadpad ako sa bakuran ng bahay. Nakita ko na may nakabukas na pinto mula sa mala-kubo na bahay. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan iyon. Napahawak ako sa pinto at tiningnan ang loob nito. Umaawang ang bibig ko nang madatnan ko si Vaughn na abala sa pag-aayos ng pillion motor bike at dalawang kotse. Isang Peugeot at Mercedes Benz. Tumaas ang isang kilay ko dahil dalawang motorbike ang narito. Ibig sabihin, hindi ito bodega kungdi talyer niya ito. Pero hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil hindi nagbabago ang isang ito... Mahilig pa rin siya sa mga sasakyan at sa mga sasakyan kaya pala mayroon siyang talyer noong pinuntahan ko siya. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ang kaniyang katawan. Lihim ko kinagat ang aking labi. Habang tumatagal, mas lalo siya nagiging hot sa paningin ko—what the hell, Shaki! Ano na naman itong pinag-iisip mo?! "Shakki?" hindi makapaniwalang tawag niya sa akin na halos matalon ako sa gulat. Napatingin ako sa kaniya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Ipinatong niya ang hawak niyang screw driver sa mesa na yari sa kahon at dinaluhan ako. "May problema ba? Hindi ka ba makatulog sa kuwarto?" he asked. Tumikhim ako at umayos ng tayo. Ipinatong ko sa aking likuran ang mga kamay ko. "Hindi naman, actually, mas umayos ang tulog ko." sagot ko. "Hmm... Magtatanong sana ako regarding sa renovation. But sine you're kinda busy, we can talk later..." tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang nahuli ang isang braso ko. Taka ko siyang tiningnan. "V-Vaughn..." Ngumiti siya. "I was checking my bikes while you're sleeping, Mi Amor." marahan niya akong hinatak palapit pa sa kaniya. "Dahil may pupuntahan tayo mamayang gabi." Bahagyang kumunot ang noo ko pero biglang gumapang ang kagalakan sa sistema ko. "S-saan naman?" Hinawi niya ang takas kong buhok at isinabit niya iyon sa aking tainga pero hindi maalis ang tingin niya sa aking mga mata. "You'll see later, hm?" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti. "You still love surprises, huh?" "I never forget everything about you, Shaki." he said. I thin my lips to stop my wide smile. "Alright, alright, wala na akong palag, okay?" Bigla niya akong dinampian ang halik sa noo. "Just wait, aayusin ko lang ito para makaalis na tayo." "I will help," kusang lumabas sa bibig ko 'yon. Natigilan siya saglit. "Are you sure? Baka madungisan ka." "I don't care. Hm... Para mas mapadali ang trabaho at makaalis na tayo. Excitement we're flowing over my body, mister." Ngumuso siya. "Okay, I'll let you check for pre-ride, mi amor. Hindi ka pwedeng humawak ng grasa." Tumawa ako na naiiling-iling. "Alright, mister." wala na talaga akong laban sa isang ito. Tinuruan niya ako kung papaano buhayin ang makina ng motor niya. Unang attempt ko palang, failed na ako. My goodness, this is my first time for Pete's sake! Ang walanghiya, tinawanan ako pero sa huli ay itinuro niya ako ang tamang gagawin. Pinacheck niya din sa akin sa levers. Siya na mismo nagcheck kung ang oil, water and fluid leaks at kung ano pa. Nang matapos na kami sa pagcheck, we give his bike a wash. Ang paliwanag niya sa akin, it's not only good to have a clean bike to take out next time, but also prevents the built-on grease and grime from corroding paint and chrome. So we did. Pero biglang may sumagi sa isipan ko ang isang nakakalokong ideya. Napansin ko kasi na masyado siyang seryoso sa kaniyang ginagawa. Palihim kong kinuha ang hose at walang sabi na itnitutok ko sa kaniya iyon. Napaitlag siya sa ginawa ko. Tumayo siya at napahilamos ng mukha. May balak pa siyang habulin ako kaya dahil d'yan ay binitawan ko ang hawak kong hose at inunahan na siya ng takbo pero hindi ko inaasahan na mabilis din niya akong nahuli sa pamamagitan ng pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko. Napatili ako at natawa na din dahil sa kaniyang reaksyon. "Maloko ka pa rin, huh?" kahit siya ay natatawa. "Oh my, let me go, Vaughn... I promise, I won't do that again!" "No way, you should be punish." ramdam ko nalang ang hininga niya sa pagitan ng balikat at panga ko. Natigilan ako, ewan ko bigla ako kinilabutan sa mga binitawan niyang salita! Humarap ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko ulit ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko ininda ang basa niyang katawan sa akin dahil gumagapang ang init. Oh sheez, why suddenly changed the mood?! Unti-unting inilapit ni Vaughn ang kaniyang mukha sa akin. Inuutos ng aking isipan na iwasan ko iyon dahil sa pangako ko sa aking sarili sa oras na asawa na nga ako ng ex ko pero gustuhin ko man din ay hindi ko magawa. Iba ang gustong mangyari ng aking katawan hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng kaniyang mga labi sa aking mga labi! Mas dinidiin ko pa ang katawan ko sa kaniya kasabay na dumapo ang mga palad ko sa kaniyang batok. Ramdam ko nalang na bigla niya akong binuhat at wala akong ideya kung saan niya ako balak dalhin. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa hood ng kotse na sige pa rin ang palitan ng mga halik. Mga maiinit na halik. Oh holy s**t, namimiss ko ito. Ang ganitong eksena. I admit, I miss him damn much! I miss everything about him! I shut my eyes gently to feel him more. Tip of his nose brushes all over my face. He plant some of kisses on it. Para akong kakapusin ng hininga sa mga pinanggagawa niya sa akin. Ramdam ko din ang mga maiinit niyang palad na dumadapo sa iilang parte ng aking katawan. "Lemme tell you something, Shaki..." namamaos niyang sambit. "The night you left, you made me miserable and horrible. But I still fall for you everyday." "Vaughn..." halos wala nang boses nang sambitin ko ang pangalan niya. "I will never stop loving you, remember that." I will, Vaughn. I was deeply inlove with you. Sobrang minahal kita kahit na umabot pa sa puntong kailangan kitang bitawan kaya ginawa ko. Mas magandang iwan kita sa ganoong paraan... Huminto si Vaughn sa ginagawa niya. Napadilat ako't mukha niya ang unang bumungad sa akin. May bakas na pag-aalala sa kaniyang mukha. Napagtanto ko nalang na tumulo na pala ang luha ko sa pamamatigan ng pagpunas ng hinlalaki niyang daliri sa aking mata. "You're crying..." masuyo niyang sambit. Lihim ko kinagat ang aking labi ng ilang segundi. I released a small sighs. Mapait akong ngumiti at umalis mula sa pagkahiga ko sa hood. "I think, I should change my clothes." wika ko na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Maghahanda lang ako dahil may lakad tayo, right?" Siya naman ang napabuntong-hininga at nakapameywang. Tumango siya. "Yeah, right." - Napasapo ako sa aking dibdib at napasinghap nang bahagya nang marating namin ang lugar na hindi ko inaasahan. This place is incredibly beautiful! They called it Jardin Necitas. Napalingon ako kay Vaughn. He's smiling at me na parang malaki ang paniniwala niya na magugustuhan ko nga ang lugar na ito. Gabi ngayon dito at kaya pala tinawag na glowing garden ang lugar na ito dahil umiilaw ang mga bulaklak na mas lalo nagpapaganda sa paligid kahit na artificial ang mismong mga bulaklak. May iba pang turista dito pero hindi ko na iniisip iyon dahil nalululong ako. "Alam ko pa rin na mahilig ka pa rin sa tulips," aniya na nasa tabi ko na siya. Dahil sa umaapaw na kasiyahan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero kahit sa pamamagitan na ito, maipakita ko na tuwang-tuwa at nagustuhan ko na idinala niya ako sa lugar na ito. May dahilan ako kung bakit paborito kung bulaklak ang tulips kahit may iba't ibang kulay iyon. Tulips symbolize perfect love, enduring love between partners or family. They said, it also represents undying and passionate love, whether the passion is spurned or returned—wait, is that... Bumaling ako kay Vaughn na mataimtim na nakatitig sa akin. Bakas na may lungkot sa kaniyang mga mata. "Vaughn," tawag ko sa kaniya. "Yes, mi amor?" Kinagat ko ang aking labi at walang sabi na hinawakan ko ang kaniyang kamay. Hinila ko siya kung saan. Walang kasiguraduhan kung saan kami tutungo. Nakasunod lang siya sa akin. Hanggang nasa isang bandang dulo na kami ng hardin. Mabuti nalang ay wala masyadong tao sa pwesto namin. Doon ko binitawan si Vaughn. Humakbang pa ako ng apat para may distansya pa rin ako sa kaniya. "Shakki?" naguguluhan niyang tawag sa akin. Humarap ako. "Hindi ko na kaya, Vaughn. Hindi ko na kayang itago pa ito." sabi ko. Sa puntong ito, kaunti nalang ay sasabog na ang dibdib ko. "Hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog ulit sa iyo." Kumunot ang noo niya. Alam kong mas lalo siya naguluhan sa mga sinasabi ko. "Ilang beses kong isinisiksik sa isipan ko na makakalimutan kita at ganoon ka din sa akin." kinagat ko ang aking labi. Pilit kong huminga ng maayos sa harap niya. "Ang akala ko, ganoon nga ang mangyayari pero heto... Nagkita na tayo, nagkasama na ulit... Natatakot ako, Vaughn... Natatakot ako na kapag sa oras na magkrus na naman ang mga landas natin, dahil sa ginawang pag-iwan ko sa iyo noon, gagantihan mo ako." hindi ko mapigilang mapaluha sa harap niya. "Shakki..." nag-aalalang tawag niya sa akin. Akmang lalapitan niya ako pero pinigilan ko siya. "Mi amor..." "Noong gabing iyon, alam kong hindi katanggap-tanggap ang rason ko para iwan ka. Ayaw talaga kitang iwan pero iyon ang tangi kong alam na paraan para hindi ka masaktan nang sobra sa oras na wala na ako." Dahan-dahan siyang umiling. Hindi pa rin niya maitindihan ang sitwasyon na ito. "I'm a cancer survivor, Vaughn. Brain tumor." hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin sa kaniya ang katotohanan. Natigilan siya. Nanatili pa rin ang kaniyang tingin sa akin. "Shakki..." "I'm so sorry, Vaughn. Sorry kung inilihim ko sa iyo ito. Kaya napapansin mo, palagi akong absent sa school, kasi nasa Ospital ako noon. Sinadya kong hindi ipasabi sa iyo ang lahat... Pati na din sa pagbibisita mo sa bahay, pilit kong maging masigla sa harap mo..." "B-bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" nanghihina niyang tanong. "Sobrang mahal kita. Ayokong iwan ka na miserable. Ayokong kawawain ang sarili mo sa oras na iwan kita... Pero hindi ko alam na mabibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay..." Mabilis siyang humakbang palapit sa akin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Rinig ko ang pagtangis niya. "Shakki, nakakagalit ang ginawa mo... Dahil hindi mo ako hinayaan na samahan ka sa bawat laban mo para mabuhay... Pero," mas humpit ang yakap niya sa akin. "Masaya ako dahil hindi ka tuluyan kinuha sa akin..." Patuloy ang paghikbi ko. Yumakap ako sa kaniya pabalik. "I'm sorry... Sorry..." Ramdam ko ang pag-iling niya. "It's alright. Siguro nadinig ng panginoon na hindi ko kaya na mawala ka... Alam niya na bukod sa pamilya ko, ikaw nalang ang meron sa akin..." marahan siyang kumalas ng yakap mula sa akin. "Don't do that again, please? Sabihin mo sa akin ang lahat-lahat, Shaki. Hayaan mong samahan kita sa lahat ng laban na ikakaharap mo... Lalo na't asawa mo na ako." Tumango ako at yumuko. "I'm sorry..." Pumikit ako ng mariin. Sige pa rin ang mag-agos ng aking mga luha. "Don't dare to leave me again, Shakki. Never... And I'm saying I love you..." Tumingala ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin kahit na nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa luha. "...And I love you too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD