Patuloy ko pa rin pinapakiramdaman ang aking sarili at hindi ako nagkakamali-may nangyari nga sa aming dalawa ni Vaughn! Hindi ko inaasahan ito. Ang tanging kailangan ko lang naman ay ang pangalan niya para maiahon ko ang kumpanya at kasal ang solusyon ko doon, hindi kasali ang may mangyayari sa amin!
Ayokong magalit sa mga Hochengco sa ginawa nila sa akin dahil naging mabuti naman sila sa akin noong una ko sila nakilala. Sila 'yung tipong hindi mo matatanggihan.
Huminga ako ng malalim habang nasa harap ako ng salamin. Isinabit ko sa aking balikat ang tuwalya dahil kakatapos ko lang maligo. Ngayong araw na kami magchecheck out ni Vaughn sa hotel and resort na ito. Didiretso na kami sa bahay na tinutukoy niya. Actually, renovation ang ganap doon. Now, I'm wondering...
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko siyang kakatapos lang din niyang mag-ayos ng mga gamit namin. Tumigil siya at humarap sa akin. Dinaluhan niya ako na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Shakki," masuyo niyang tawag sa akin.
"Hmm?"
"Look, I'm so sorry for what my cousin's..."
"Wala na tayong magagawa pa doon, Vaughn. Nangyari na. Pareho tayong walang malay kung ano ang nangyari sa ating dalawa." ginawaran ko siya ng isang mapait na ngiti.
Saglit siya natahimik. Instead, he took a deep breath. "Babawi ako sa iyo, Shaki." he assured. "Ayokong magalit ka sa akin."
Ngumuso ako't sumulyap sa kaniya. "Kahit hindi na, Vaughn. Magiging okay din ako."
-
Nang nagcheck out na kaming dalawa, ay dumiretso na kaming dalawa sa kaniyang sasakyan. Nauna na akong pumasok sa loob at siya naman ay inaasikaso ang mga bagahe namin at nilagay niya iyon sa compartment. Sinusuklay ko ang aking buhok sa pamamagitan ng aking mga daliri hanggang sa nakapasok na din siya sa driver's seat.
"Vaughn?" tawag ko sa kaniya habang nasa byahe na kami.
"Yeah?" pero nanatiling nakatuon ang kaniyang mga mata sa daan.
"Can I turn on the stereo?"
"Sure,"
Kinagat ko ang aking labi na may kasamang ngiti. I turn on the stereo. Naka-eject naman ang thumb drive sa stereo kaya ayos din. May tiwala naman ako sa taste niya pagdating sa music. Breathe by Michelle Branch kicks in. Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ko 'yon. Masasabi ko na isa sa mga paborito kong kanta ito ng mga panahon na inlove na inlove pa ako kay Vaughn.
Bumaling ako kay Vaughn. Kita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi kahit na nakaside view lang siya. "You still know what's my favorite, huh?" wika ko.
"Always, Shakki." tugon niya.
I thin my lips. Bumaling ako sa dinadaanan namin. Napasinghap ako nang madadaanan namin ang tinatawag nilang 'Man-Made Forest!' Mas lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang paligid. It was like, nasa ibang bansa ako ng mga oras na ito! Ang ganda!
"I know you will like it, mi amor." bigla niyang sabi.
Hindi ko magawang sumagot imbis ay mas lumapad ang aking ngiti.
-
Isang lumang bahay ang tumambad sa amin. It's more like an ancestral house. Kahit ganoon ay hindi ko parin mapigilang mamangha sa ganda ng istraktura ng naturang bahay na iyon. Pinagbuksan niya ang pinto.
"Ser Vaughn!" rinig ko ang isang boses na babae iyon. Nilingon ko ito pagkalabas ko ng kotse. Isang may edad na babae ang sumalubong sa amin na malapad ang ngiti. "Maligayang pagdating po sa inyo!"
"Salamat po, Aling Doring." saka inakbayan niya ako. "Si Shakki nga po pala, ang asawa ko."
"Buti nalang po talaga nasabi sa akin ng mga pinsan mo na ikinasal ka nga daw po kayo. Nakahanda na din po ang tangalian ninyo sa Dining." bumaling siya sa akin. "Maligayang pagdating po, Ma'm Shakki..."
Ngumiti ako at tumango. "Thank you po." I said politely.
"Kayo po muna bahala sa mga gamit, Aling Doring. Pakisabi nalang kay Mang Ed." lumipat ang kamay niya sa aking bewang. "Let's go, mi amor."
Kusang sumunod ang aking katawan. Humakbang na kami papasok sa loob ng bahay na ito. Napaletra-O ang bibig ko nang tumambad sa amin ang grand staircase na yari sa kahoy. Kahit na luma na itong tingnan, halatang naalagaan ang maayos. May mga painting din sa paligid. Hindi lang 'yon, may mga pigura din na mukhang mamahalin.
"Originally, bahay ito ng nanay ko. She's a filipino-brazilian." panimula niya. "She's already in Brazil. Masaya na siya doon, kasama ang asawa niya."
Hindi na ako magtataka. Sinasabi kasi na isang bastardo si Vaughn ng mga Hochengco. Pero ibang ba ang iniisip ko sa mga nakikita ko nang makasama namin ang mga pinsan niya. Hindi siya tinatrato na iba. Sa katunayan pa nga ay mababait pa ito sa amin.
"Hm, tuwing kailan ka naman nagpupunta dito?" biglang tanong ko.
"Kapag tapos na ako sa proyekto ko." tugon niya.
"Oh I see..." sabi ko nalang.
-
After namin kumain, dumiretso na ako sa master's bedroom. Doon daw kasi natutulog ngayon si Vaughn buhat nang umalis na ang nanay nito para bumalik sa Brazil, ayon iyon kay Aling Doring.
Si Vaughn ay kausap niya ang si Mang Ed, ang asawa ni Aling Doring. Sila ang pinagkakatiwalaan ngayon ni Vaughn bilang tagapagbantay ng bahay na ito dahil matagal na daw ang mag-asawa sa bahay na ito. Naging trabahador daw sila noong buhay pa ang maternal grandfather niya.
Presko ang hangin dito. Nagpasya akong magpunas muna ng katawan bago man ako tuluyang makapagpahinga. Kumuha ako ng iilang damit sa maleta at dumiretso ng banyo. Naghilamos at nagsipilyo ako, pagkatapos ay nagbihis na din. Yellow printed shirt at shorts. Pinusod ko ang aking buhok.
Lumabas ako ng banyo nang halos matalon ako sa pagkagulat nang may tumabad sa akin isang babae sa pinto!
"Who are you?!" kunot-noo kong tanong. Bakit may sumulpot na babae dito sa bahay na ito! What the f**k?!
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Sino ka at bakit ka narito sa kuwarto ni Vaughn?" kalmado niyang tanong.
"Ako ang unang nagtanong, dapat ako ang sagutin mo." matigas kong sambit.
Tumaas ang isang kilay ko nang makita ko na humalukipkip siya sa harap ko. Biglang bumuhay ang iritasyon sa aking sistema nang makita kong hinead-to-foot niya ako! Like, what the f**k?!
"Isa ka ba sa mga babae niya?"
"You didn't answer my question, lady."
She rolled her eyes. "I'm Savy, Vaughn's future girlfriend."
Ako naman ang humalukipkip. "Oh, really? Future ka lang pala," tugon ko pa.
Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "What?"
Taas-noo ko siyang tiningnan. "Shakki Hamilton-Hochengco. Vaughn's wife." simple kong pakikilala sa aking sairli.
Natigilan siya sa sinabi ko. "A-asawa? M-may asawa na si Vaughn?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yeah, sorry but my man wasn't available for a fantasy anymore, especially you."
"Shakki?" rinig ko ang boses ni Vaughn na papasok sa silid na ito. Natigilan siya nang makita niya kaming dalawa ng babae dito. "Savy, what are you doing here?"
Biglang umiba ang ikinilos ng Savy. Laglag ang panga ko nang bigla niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa braso ni Vaughn at ang ekspresyon ng kaniyang mukha, animo'y isang tuta! "Nalaman ko kasing nakabalik ka na. Totoo bang may asawa ka na?"
Marahan inalis ni Vaughn ang kaniyang braso mula sa babaeng higad. "Yes, I'm already married." nilapitan niya ako't inakbayan. "Happy and contented, Sav."
Parang naiiyak siya. Ngumisi ako nang nakakaloko. Ano ka ngayon? Double kill ba? Hayaan mo, dadagdagan ko pa para magising ka balang araw.
Walang sabi na tinalikuran niya kami't nagmamadali siyang umalis dito sa silid. Humarap sa akin si Vaughn. Ako naman, sinuntok ko bigla ang braso niya. "Bakit hinahayaan mo lang na makapasok ang babaeng iyan dito sa kuwarto mo, ha?" inis kong tanong sa kaniya.
"Ugali na niya iyon..."
"Hindi niya magiging ugali iyon kung hindi mo hinahayaan." matalim ko siyang tiningnan. "Kunsitidor ka."
"I'm sorry, okay?" masuyo niyang sabi. "Hindi na mauulit iyon."
Ang dapat sa babaeng iyon, banned na siya sa pamamahay na ito. Kainis.
Hindi na ako nagsalita pa. Tinalikuran ko siya't dumiretso ako sa gilid ng kama at umupo doon. "Magpapahinga nalang ako muna ako." malamig kong sambit.
Ang akala ko pa naman ay hahayaan nalang niya ako ngunit nagkamali ako. Dinaluhan pa niya ako't umupo din sa tabi ko. "Sasamahan kita." aniya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Huh?"
Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko at dinampian niya ng isang maliit na halik. Nagtama ang mga tingin namin. "Huwag ka nang magalit sa akin. Ano bang gusto mong gawin ko?"
"I'll be fine, Vaughn. Don't worry about me."
"Shakki," tawag niya.
"Hmm?"
"I want to ask something."
"What is it?"
"Why did you left me?"
I froze at the moment he asked about that thing. My heart clenched at the same time. Kasabay na may nakabara na kung ano sa aking lalamunan kaya hindi ko magawang magsalita. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga mga mata niya... Nababasa ko na nasasaktan pa rin siya. Sa puntong ito, nanumbalik ang mga masasakit na alaala buhat sa nakaraan...
It was Febuary 14. Iyon ang araw na nakapagpasya na akong bitawan na siya. Kahit masakit sa akin, kailangan. Buong buhay ko, walang oras na hindi ko siya iniisip. Hindi ko lang din inaasahan na uulan ng mga oras na 'yon.
Tumigil ako sa paglalakad habang sabay kaming sumugod sa ulan at gamit namin ang kaniyang jacket para hindi kami tuluyang nabasa. Natigilan siya sa ginawa ko. Bakas sa mukha niya nag pagtataka sa aking ikinikilos. Nilapitan niya ako at marahan niyang hinawakan ang isa kong kamay.
"Mi amor?"
I clenched my fist. Diretso akong nakatingin sa kaniyang mga mata. "Malaya ka na, Vaughn." nanghihina kong sabi.
Kumunot ang noo niya. "A-anong ibig mong sabihin...?"
"Simula sa araw na ito, pinapalaya na kita." nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Nadudurog ang puso ko nang bitawan ko ang mga salita na ito. "Hindi ko na kaya, Vaughn... Hindi ko na kaya na nasa paligid kita palagi... Pakiramdam ko... Nasasakal na ako..." kahit hindi naman talaga! Hindi ko mapigilang mapaluha. I'm so sorry, Vaughn. I'm sorry but I have to do this.
Nabitawan niya ang hawak niyang jacket at marahan niya akong niyakap. "Is that what you think, Shakki?" basag ang kaniyang boses.
Oo, iyon ang tanging paraan ko para hindi ka masaktan ng tuluyan! "O-oo..."
Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. "I will continue my love for you even if it fails, Shakki. Because how would I hate the heart which made me to love more than my life..."
Doon ako napahagulhol. Ako na mismo ang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Tumalikod na ako sa kaniya habang yakap-yakap ko ang aking sarili. Masakit na makita ko pa siya nang matagal. Baka kasi sa oras na ito, mabawi ko pa ang mga sinabi ko.
You better off without me, Vaughn. I wish you could forget me...
Nanumbalik ang ulirat ko. Lakas-loob akong tumingin sa kaniya at mapait ngumiti. "Because I know that will be the best for us, Vaughn."