chapter four

1575 Words
Nagpasya ang lahat sa Outback Bar & Grill kami pupunta. Hindi ko akalain na madaldal ang karamihan sa mga pinsan ni Vaughn, mayroon naman na tahimik pero todo ang asikaso sa mga asawa or girlfriend nila. Kahit si Vaughn ay tahimik lang pero nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko. Inaalalayan niya din ako makaupo. Nag-order na din sila ng maiinom pati ang mga side dishes. Isa-isa din sila nagpapakilala sa akin. Hindi ko alam pero tinandaan ko talaga ang mga pangalan nila. Siguro dahil masyado silang marami na medyo nalula ako noong huli. Dahil may mga kasama din sila na naghihintay sa lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali, nagpakilala silang Mikhail, ang asawa nitong si Cresha, ang iba pa nilang pinsan na sina Carys at Nemesis. Pasimple ko din iginagala ang aking paningin sa paligid. Just wow, marami din palang mga foreigners dito. Mukhang mag-eenjoy din kami sa lugar na ito. "Since nakilala na namin ang asawa mo, Vaughn ahia, baka pwede namin siyang makasama sa bridal shower?" nakangising sabi ni Fae. "Bridal shower?" kunot-noong ulit ni Vaughn. Bago sumagot si Fae ay nagpangalumbaba siya. "Yeah. Sa Cavite siya gaganapin. Kaming mga girls ang mag-oorganize ng bridal shower para kay Jaycelle. And finally, ahma won't brother us all kapag may kani-kaniya na talaga tayong love life." saka nag-apiran sila ni Nemesis. Bumaling sa akin si Vaughn. "You want to come over?" malumanay niyang tanong sa akin. I thin my lips. "Okay lang naman..." para na din mas lalo ko makilala ang pamilya niya. Ibinalik niya ang tingin sa mga pinsan niya. "Pumayag na ang misis ko. But can I have a favor?" "What is it?" "No boys allowed." "Aw, ang boring naman n'on!" Nemesis complained. "Ahia naman, grabe ka. Nasaan ang enjoyment doon, aber?" "Kaya nga bridal shower." dagdag pa ni Carys. Kita ko ang pagngiwi ni Vaughn. Magsasalita pa sana siya nang dumating ang waiter na dala ang mga inorder nila. Bucket of beers and few cocktails. "Tama na muna 'yang diskusyon ninyo." putol ni Kalous habang inaangat niya ang hawak niyang beer. "This is for our cousin's and their wives happiness. Cheeers!" Inangat din namin ang mga hawak naming alak at nagkipag-cheers ako sa kanila. "Welcome to the family, Jay! Shaki!" tili ni Fae. Malapad ang ngiti namin at nagpasalamat sa kanila. Kani-kaniya kami ng lagok ng alak. Ininom ko ang mojito na hawak ko. Kahit na mapait ang lasa, sige lang. Pakiramdam ko ay mas lalo nadagdagan ang kasiyahan sa sistema ko. Ilang saglit ay biglang nagsitayuan ang iba sa kanila na ipinagtataka ko, kasama na doon si Vaughn. Bahagyang kumunot ang noo ko. Saan naman pupunta ang mga ito? Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa dumiretso sila sa harap... Sa stage? Wait, don't tell, tutugtog sila?! Pinapanood ko ang ginagawa nila. Ang asawa ni Naya na si Keiran may hawak ng bass guitar, si Suther na asawa ni Laraya sa electric guitar, si Kalous naman sa drumset at si Vaughn sa acoustic guitar... Wait, hindi ko alam na natugtog pala siya?! "Woooooohhh! Ayan naaaa!" biglang tili ng mga kasamahan naming babae. "Sayang wala si Flare!" Flare? Sino 'yon? Muli ako napatingin sa harap nang nag-umpisang kaskasin ni Vaughn ang hawak niyang gitara. Umaawang ang bibig ko nang marinig ko ang boses niya... Every time that you get undressed I hear symphonies in my head... I wrote this song just looking at you oh, oh... Yet the drums they swing low And the trumpets they go... Yeah, and the trumpets they go... Da da dararadadada Darararadada Dadadararadada Darararadada Hey we go! Teka, pangbedroom voice ang ginawa niya! Like, what the hell?! Biglang nagsitayuan ang mga costumers na may kasamang hiyawan. Kahit ako napatayo. Bigla kasing nag-upbeat ang tugtog. Naging reggae kasi na tamang-tama sa lugar na ito. May iba sa mga costumers ay napasayaw sa kanta! Patuloy ang tilian ang mga magpipinsan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Vaughn nakangiti pero diretso siyang nakatingin sa akin. Is it weird that I hear angels everytime that you moan? (Time that you moan) Is it weird that your eyes remind me of a coldplay song? (Coldplay song) Is it weird that I hear trumpets when you're turning me on? (Turning me on) Is it weird that your bra, remind of a Katy Perry song? Agad ko iniwas ang tingin ko sa kaniya. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa kanta niya! Grabe! Masyadong sensuwal ang kanta niya! Tapos ganoon pa ang tingin niya sa akin! Parang inaakit ako na ewan! Kinuha ko ang alak at muli kong nilagok iyon. Nagbabakasakaling mabawasan ang tensyon ko. Kinagat ko ang labi ko at sinubukan kong ibalik sa kaniya ang mga tingin ko pero natigilan ako dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Sa mga tingin niyang iyon hindi na pang-aakit. Isang sinseridad na tingin na iyon. Bumilis ang pintig ng aking puso. Bakit umiiba na ang pakiramdam ko buhat nang magkrus ang mga landas namin? Bakit parang... Bumabalik na naman ang nararamdaman ko para sa kaniya noon? - Pagkatapos nilang tumugtog ay bumalik na sila dito. Nakipag-apiran sila sa ibang pinsan nila. Muling bumalik si Vaughn sa tabi ko. Inakbayan niya ako. "Do you like it?" he asked. Tumingin ako sa kaniya. "Ang dami-daming kanta, bakit iyon pa? Kaloka ka." Nagkibit-balikat siya. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa tainga ko. "That's exactly what I'm thinking whenever you're with me, mi amor." bulong niya at talagang ginamit na naman niya ang bedroom voice niya! s**t. Tinampal ko ang kaniyang kamay. "Baliw ka talaga—" hindi na naituloy ang sasabihin ko nang biglang ako nakaramdan na kakaiba. Bigla ako nakaramdam ng pagkahilo. Parang hinuhugot din ang lakas ko... "Hey, Vaughn, are you alright?" rinig kong boses ni Harris. Ibig sabihin, hindi lang ako? Nilalabanan ko ang pagkahilo pero bigo ako. Hanggang sa itim nalang ang nakikita ko... _ Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Gumalaw ako ng kaunti pero natigilan ako nang may naramdaman akong mabigat na bagay sa mga bewang ko. Tiningnan ko iyon. Matik na nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang braso doon. Pilit kong silipin kung sino ang nagmamay-ari n'on. Umaawang ang bibig ko nang makita ko ang mukha ni Vaughn na mukhang mahimbing pa ang tulog! Pero may iba pa akong naramdam... Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. Dahan-dahan kong inangat ang kumot sa aking katawan. Halos luluwa na ang mga mata ko makita kong wala na akong saplot! At... Masakit ang aking... Oh s**t! Anong nangyayari?! Iginalaw ko ang aking kamay at pilit kong alisin ang kamay ni Vaughn sa bewang ko pero bigo ako. Mas lalo humigpit ang pagkapulupot nito sa akin! "I won't let you go, Shaki." paos niyang sabi. Natigilan ako saglit at muling tumingin sa kaniya. Nakatingin ito sa akin na may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Ano?! Kanina pa bang gising ang isang ito?! Dahil sa shock ay pilit kong umalis mula sa kaniya. Bumangon at umalis sa kama. Hinatak ko pa ang kumot para itapis ang katawan ko. Kasabay din iyon na umalis siya sa kama. Susugod sana ako sa banyo pero nagawa niyang humarang! "Umalis ka d'yan, Vaughn—Oh s**t! Mag-brief or magboxers ka nga!" mariin kong ipinikit ang mga mata ko. My goodness! "Mi amor naman, parang hindi mo pa nakikita ito..." may bakas na mapaglaro sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon. Dumilat ako. "Oh shut up! Paraanin mo ako!" inis kong sabi. "Ayaw." sabi niya. "Nirape mo ba ako kagabi?" Doon tumigil ang pagprotesta ko. Pinalakihan ko siya ng mga mata. "What?! Ako?! Mangrerape?! Are you serious?!" hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. "Oh, Shakki. Kung gusto mo pala ako ulit tikman, pwede mo naman sabihin, hindi iyong idadaan mo pa ako sa danas." nakangisi niyang sabi. "You missed me?" Tumawa ako na may kasamang panunuya. "Goodness, Vaughn! Sa iyo pa talaga manggagaling iyan?! Ako dapat ang magtanong kung may nangyari sa atin!" napatampal ako ng noo. "Shoooocks! Anong nangyayari?!" "I don't know either. Nagising din ako na wala akong saplot." he answered. Nagpameywang ako sa harap niya. "Wala kang maloloko dito—" hindi ko madugtungan ang sasabihin ko nang may sumagi sa isipan ko. Kahit si Vaughn, nakaramdam ng pagkahilo ng mga oras na iyon. Pero ang hindi ko maitindihan, bago man tuluyang pumikit ang mga mata ko ay nahagip ng mga mata ko ang iilan sa mga pinsan niya na nakangiti. Mga ngiting tagumpay... "Vaughn," tawag ko pero hindi nakatingin sa kaniya. "Hmm?" "I think..." sumulyap ako sa kaiya. "We drugged?" Kumunot ang noo niya. "W-what?" "Think this, kahit ako nahihilo ng mga oras na nahihilo ka din... Rinig ko kasi na tinatanong ka ni Harris kung ayos ka lang." Saglit kami natahimik. Napapaisip kami pareho kung tama ba ang hinala ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Vaughn. Tumalikod siya sa akin. Kinuha niya ang tuwalya at itinapis niya iyon sa kaniyang bewang bago man niya sagutin ang tawag. "Oh, Harris? Bakit ko naman ilaloudspeaker? Okay, okay..." inilayo niya ang cellphone sa kaniyang tainga at may pinindot siya sa screen. "Nakaloudspeaker na." "Hey, cous. It's Kalous How's your wonderful night?" natatawang tanong nito. "Huh? What do you mean?" tanong ni Vaughn. "Aray naman, Kal. Bakit binatukan mo ako?!" reklamo ni Harris. "Akala ko ba epektib 'yon? Bakit parang wala naman nangyari? Ibalik mo ang pera ko! Gago ka!" "Ano bang pinagsasabi ninyo?" naguguluhan na kaming pareho ni Vaughn. "Since honeymoon ninyo naman—" "You drugged us?!" bulyaw niya sa mga kausap niya. "Hindi lang ako involved dito. Pati mga pinsan natin. Oh, sinong mag-aakala na kasama sina Keiran, Finlay at Archie sa plano? Syempre, masaya kami para sa iyo. Baka naman kasi gusto mo ang kaunting adventures..." "Tang ina mo, Kalous! Kapag nakita ko kayo, I will kill you!" "Yeah, right. You're very much welcome." Napaupo ako sa gilid ng kama. Oh my, totoo pala ang sinabi ni Vaughn. His family is very crazy. Really. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD