THE MARKS

2000 Words
Agad na nagtakbuhan sina Felony at Crony nang mapansin ang mga naglalakihang tao na lumabas sa isang sasakyan. Mabuti na lang at nakalabas agad sila sa shortcut na dinaanan nila. Kaya naman ay agad na nila itong sinarado upang hindi na mahanap ng mga dadaan doon. Minsan ay gumagawa sila ng ibang daan o ‘di kaya ay tinatawag na secret passage. Kung saan sila lamang ang nakakaalam sa daan na ‘yon. Sinilip ni Felony ang isa sa CCTV ng eskwelahan sa kaniyang hawak na cell phone. Nakita niya na nag-iikot doon ang mga naglalakihang lalaki na nakita niya. Sunod ay may napansin siyang dalawang lalaki na malakas ang dating at mukhang hindi basta-basta. Sinusuri ng dalawa ang mga babaeng estudyante na nalaglag sa building. Bigla ay napaisip si Felony. Ito na ba ang mga bagong tauhan ng gobernador? Mukhang hindi nga sila basta-basta. “Sino kaya ang mga iyan? Mukhang hindi sila mangmang katulad ng mga pulis sa City Of Surprises,” tanong ni Crony. “Mukha ngang mga bagong tauhan dito sa Rechilor City. Pagdating natin mamaya sa kuta ay tignan mo agad ang mga impormasyon tungkol sa kanila,” utos naman ni Felony. “Sige, masusunod. Pero paano na tayo ngayon kung sakaling magagaling ang mga ‘yan? Pakiramdam ko ay napansin din nila tayo kanina,” tanong muli ni Crony. “Tuloy pa rin naman ang mga binabalak natin dito sa siyudad. Hindi sila ang makakapigil sa mga pinaplano natin. Lalo na at ang lugar na ito ay madali lamang na sakupin. Sa oras na makuha na natin ang lahat ng kayamanan na mayroon ang siyudad na ito, tayo na ang mamamahala rito. Ihuhuli natin ang gobernador,” sambit pa ni Felony. Humahanga na lang si Crony dahil sa mga naiisip na plano ng kaniyang kasama. Wala rin naman siyang magagawa kung ‘di ang sumama lang kay Felony at sumunod. Ayaw din naman niya na mahuli siya sa mga ginagawa nila. “Ang gusto ko lang ay magkaroon ng maraming droga. Iyon lang naman ang libangan ko, e. Sa ‘yo na ang lahat ng kayamanan at sa akin ang mga droga,” natutuwa na sagot ni Crony. “Makukuha natin ang lahat ng gusto natin sa oras na masakop na natin ‘to. Kaya huwag natin hayaan na mahuhuli tayo ng mga gunggong na ‘yan. Panigurado naman ako na hindi ‘yan uubra sa atin. Talo ng madiskarte ang mga matatalino.” *** “May nahuli ba kayo?” tanong agad ni Detective Damien sa mga tauhan nila. May pinahabol siya sa mga ito na napansin niya kanina. Ngunit kahit hindi na sumagot ang mga kasamahan niya ay mukhang alam na niyang wala silang nahabol. “Hindi na namin namataan kanina ang itinuro mo na habulin namin. Wala kaming nakitang ibang tao roon at nilibot na namin ang buong lugar,” sagot ng isang lalaki. “Alam na ba ng gobernador ang tungkol sa ika-apat na krimen na naganap?” tanong naman ni Detective Dallas sa driver na kasama nila. “Hindi pa po ako sigurado. Ngunit pinaalam ko na kay Hugo ang nangyari ngayon sa eskwelahan na ito,” sagot niya. “Bukas na natin ituloy ang paglilibot sa buong sigudad. Sa ngayon ay bumalik na tayo sa Alchemilla. Kakausapin namin sina Hugo at ang inyong gobernador,” sambit ni Detective Damien. Agad muli silang sumakay sa mga sasakyan nila at bumalik sa Alchemilla. “Ano sa tingin mo ang nangyari kanina? Simpleng away-away lang ba ‘yon ng mga estudyante? Imposible na ang anim na nag-aaway ay sabay-sabay din na mamamatay at ni isa ay wala man lang natira,” sambit agad ni Detective Dallas nang makasakay sila sa sasakyan. “I think someone was controlling them. Parang katulad sa ika-tatlong krimen na naganap dito. Ang mga lalaking estudyante ay nagkaroon ng gang war at espada pa ang armas na gamit nila. Roon pa lang ay malinaw nang may mas matanda sa kanila na sangkot sa gulo na naganap. Katulad lang din ngayon. May mga nakita ako na sulat sa kanilang anim. Ang nga nakalagay doon ay puro negative at talagang magsisimula ng away.” “Nagtanong-tanong din ako sa mga guro na estudyante sila. Hindi raw nag-uusap ang mga ‘yon o nagkamasalamuha man lang sa personal. Pakiramdam ng isang guro ay hindi sila naman magkakakilala talaga ang mga biktima na ‘yon kanina. Kaya nakakagulat daw na nag-away sila at umabot pa sa ganoon na sitwasyon,” sagot ni Detective Dallas. “Pag-usapan na lang natin ang tungkol dito kapag nakarating tayo sa opisina ng gobernador.” Hindi na sila umimik pa at hinintay na lang na muli silang makabalik sa Alchemilla. “Bukas na natin ituloy ang paglilibot sa buong sigudad. Sa ngayon ay bumalik na tayo sa Alchemilla. Kakausapin namin sina Hugo at ang inyong gobernador,” sambit ni Detective Damien. Agad muli silang sumakay sa mga sasakyan nila at bumalik sa Alchemilla. “Ano sa tingin mo ang nangyari kanina? Simpleng away-away lang ba ‘yon ng mga estudyante? Imposible na ang anim na nag-aaway ay sabay-sabay din na mamamatay at ni isa ay wala man lang natira,” sambit agad ni Detective Dallas nang makasakay sila sa sasakyan. “I think someone was controlling them. Parang katulad sa ika-tatlong krimen na naganap dito. Ang mga lalaking estudyante ay nagkaroon ng gang war at espada pa ang armas na gamit nila. Roon pa lang ay malinaw nang may mas matanda sa kanila na sangkot sa gulo na naganap. Katulad lang din ngayon. May mga nakita ako na sulat sa kanilang anim. Ang nga nakalagay doon ay puro negative at talagang magsisimula ng away.” “Nagtanong-tanong din ako sa mga guro na estudyante sila. Hindi raw nag-uusap ang mga ‘yon o nagkamasalamuha man lang sa personal. Pakiramdam ng isang guro ay hindi sila naman magkakakilala talaga ang mga biktima na ‘yon kanina. Kaya nakakagulat daw na nag-away sila at umabot pa sa ganoon na sitwasyon,” sagot ni Detective Dallas. “Pag-usapan na lang natin ang tungkol dito kapag nakarating tayo sa opisina ng gobernador.” Hindi na sila umimik pa at hinintay na lang na muli silang makabalik sa Alchemilla. Agad silang sinalubong ni Hugo. “Halika at pumunta na kayo sa opisina ng Gobernador,” sambit ni Hugo. Sinundan nila si Hugo at agad na nakita ang Gobernador na nakahawak na sa ulo ngayon. “Ano na naman ang nangyari? Ano ang balitang nakarating sa akin?” galit na tanong ng gobernador kay Hugo. Yumuko muna siya upang magbigay ng galang sa gobernador. Ganoon din ang ginawa ng dalawang detectives upang batiin siya. “Narito na po ngayon ang dalawang detectives na nakuha ko. Sina Detective Damien at Detective Dallas. Sila ang nasa crime scene kanina at ibabalita nila sa atin ngayon ang nangyari,” sambit ni Hugo. “It’s nice to meet you, Governor Rechilles. I am Detective Rhys Kye Damien. Nagsabi kami kay Hugo kung maaari ba kaming mailibot sa buong siyudad. Kaya naman ay may pinasama siyang isang driver sa amin. Habang naglilibot kami ay natigil kami sa Gladiolus. Nang biglang may makita kaming mga estudyante na naglalabasan sa isang eskwelahan. Rinig din namin ang ingay mula sa loob. Saka may nakita akong dalawang lalaki na agad na tumakbo. Huli nang maituro ko sa mga kasamahan namin sa kabilang sasakyan ang mga ito dahil hindi rin naman inaasahan na may gulo na pa lang nagaganap. Kaya hindi nila nakita ang dalawang ‘yon,” kwento agad ni Detective Damien. “Samantalang nagkaroon ng anim na babaeng estudyante na namatay sa eskwelahan kanina. Lahat sila ay nanggaling sa ika-apat na palapag ng gusali sa eskwelahan. Ang sabi ng ibang mga mag-aaral doon ay nag-away ang mga babae na ‘yon. Ngunit ang nakakapagtaka ay lahat silang anim ay nalaglag at namatay. Kasunod ay may nakita kaming mga papel sa kanilang anim. Ang lahat ay may mga nakasulat na negatibo tungkol sa bawat eatudyante. Pakiramdam namin ay may nag-utos sa kanila na magpunta roon at gumawa ng paraan upang mag-away ang mga babae na ‘yon,” paliwanag naman ni Detective Dallas. “Akala ko ba ay mahuhusay ang mga nakuha ninyo? Bakit hindi man lang nahuli ang mga may pakana ng krimen kanina kung talagang nakita niyo na?” galit muli na sagot ni Gobernador Rechilles at nakatingin kay Hugo. “Pasyensa na po—” Hindi na naituloy pa ni Hugo ang kaniyang dapat sabihin nang magsalita si Detective Damien. “Hindi namin inaasahan na sa unang araw ng pagdating namin dito ay ganoon agad ang bubungad sa amin. Kaya hindi kami nakapaghanda at hindi namin nahuli agad. Isa pa ay mahuhusay ang mga kriminal na narito sa Rechilor City. Sa tingin namin ay may nag-utos sa mga bata na ‘yon upang mag-away-away sila. Pinalabas lang na hindi murder ang nangyari,” aniya. “Katulad nang nangyari kahapon sa isang eskwelahan sa Gladiolus, mukhang inutusan lang din ang mga kababaihan na ‘yon. Kung noong una ay mga kalalakihan at binigyan pa ng mga espada, ngayon naman ay ginamit ang mga kahinaan ng mga babaeng estudyante na ‘yon kaya humantong sa pagkalaglag nila sa gusali. Napag-alaman din namin na ang mga babaeng ‘yon ay hindi normal at may problema sa pag-iisip,” paliwanag din ni Detective Dallas. “Kung ganoon ay mukhang iisa nga lang ang gumagawa ng mga krimen dito sa Rechilor City. ‘Yon ba ang nais niyong sabihin sa amin?” tanong naman ni Hugo sa dalawa. Tumango si Detective Dallas sa kaniya. “Tama ka, Hugo. Isa pa ay hindi ito basta-bastang krimen lamang. Sa paningin ko ay mukhang nagbibigay sila ng banta. Wala silang kahit na anong personal na rason na pumatay sa siyudad na ito. Ngunit, dahil alam nilang wala pang nakakagawa ng kahit na anong gulo rito ay nag-iingay sila. Isa pa na dahilan ay dahil gusto nilang masakop ang siyudad na ito.” “Kung ganoon ay ang mismong siyudad ko ang nais ng mga kriminal? Ganoon ba?” sagot muli ni Gobernador Rechilles. “Huwag kayong mag-alala dahil aasikasuhin namin agad ang mga naganap na krimen dito. Ang mga tauhan ko ay iniimbestigahan na ang mga nakuhang ebidensiya sa mga namatay na estudyante kanina. Iimbestigahan na rin namin ang mga nangyaring krimen dito noong nakaraan,” sambit ni Detective Damien. “Nakagawa na sila ng ika-apat na krimen dito. Hindi na maaaring madagdagan pa ang krimen nila. Natatakot na ang mga mamamayan ko dahil malala na ang mga krimen na nagaganap dito. Tapos sunod-sunod pa,” problemadong sambit ng gobernador. “Asahan mo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mahuli at malutas ang lahat ng mga krimen na nangyayari rito,” paninigurado pa ni Detective Damien. Ibinigay na ni Hugo sa dalawa ang nagawa niyang kontrata. Binasa muna ‘yon ng dalawa. Nakita pa nila ang nakalagay na hindi sila maaaring umalis sa siyudad na ‘yon hangga’t hindi nila nahuhuli ang mga kriminal. Pumirma naman agad ang dalawang detectives saka iyon ibinigay kay Hugo. “Sana ay mahuli ninyo ang mga kriminal. Ibibigay ko sa inyo ang kahit na anong halaga basta mahuli niyo lamang sila. Para na rin matigil ang mga nangyayaring kaguluhan sa siyudad ko,” sambit ng gobernador. Tumango ang dalawa saka na sila lumabas. Sinalubong sila ng dalawa sa mga tauhan nila. Galing ang mga ito sa City of Surprises o ang police station sa siyudad. “Napuntahan namin ang lahat ng mga lugar na nagkaroon na ng krimen. May napansin kami,” sambit ng isang lalaki. Ibinigay niya ang apat na litrato sa dalawang detectives. “Ang mga simbolo na ‘yan ay nakita namin sa apat na lugar na nagkaroon na ng krimen,” ani pa ng isa. Sinuri ng dalawang detectives ang mga litrato saka nila napagtanto ang isang bagay. Minamarkahan nila ang bawat lugar na nagawan na nila ng krimen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD