THE FOURTH CRIME: SCHOOL CRIME
“Ito na po ang lahat ng mga impormasyon tungkol kina Detective Damien at Detective Dallas. Marami na silang natapos na mga kaso at nahuli ang lahat ng kriminal. Karamihan ay sa ibang bansa sila nagtatrabaho. Nariyan din ang lahat ng mga ebidensiya na sila mismo ang nakalutas ng mga kaso. Lalo na at hindi rin madadali ang mga kaso na nakaharap nila. Mahusay din sila sa pakikipaglaban pati na rin ang mga kasama nilang dalawa na nasa labas ngayon ng Alchemilla. Nakausap ko na rin sila kanina at pati na rin ng mga doktor natin. Nagkaroon na ng psychological test sa kanila at ang resulta ay ayos naman sila,” paliwanag ni Hugo kay Gobernador Rechilles.
Sinuri ng gobernador ang bawat impormasyon na nasa harapan niya ngayon. Kumpleto ang lahat ng mga kailangan niya. Pati na rin ang mga impormasyon ng mga kasamahan nila ay mayroon. Namangha naman ang gobernador nang makita ang mga nalutas nilang kaso. May isang flashdrive rin na ibinigay si Hugo sa kaniya saka nila pinanood ang iba pang mga ebidensiya ng mga nagawa nila.
“Mukha ngang mahuhusay talaga sila. Gumawa ka na ng kontrata para sa kanila ngayon. Ipabasa mo muna sa akin at pagkatapos ay saka mo ipakita sa kanila. Kakausapin ko sila kapag pipirmahan na nila ang kontrata,” utos ng gobernador. Tumungo naman si Hugo, “Masusunod po, Gobernador,” sagot niya.
Mabilis siyang kumilos at binalikan ang dalawang detectives na naghihintay sa kaniya. “Gagawa lamang ako ng kontrata para sa inyo. Kakausapin daw kayo ng aming gobernador kapag pipirmahan na ninyo ang kontrata,” sambit ni Hugo. Tumayo naman si Detective Damien, “Maaari niyo ba kaming ilibot sa buong siyudad? Nang sa ganoon ay mas masaulo namin ito agad. Habang hinihintay na rin ang kontrata na gagawin mo,” sambit niya.
“Pwede naman. Ito ang kabuuan ng mapa ng siyudad namin. May isa akong driver na pasasamahin sa inyo upang siya ang magmaneho ng sasakyan ninyong dalawa. Para masabi niya rin sa inyo ang bawat lugar. Isasama niyo rin ba ang inyong mga tauhan?” tanong naman ni Hugo.
“Oo, sana. Para mas masaulo rin nila ang bawat lugar dito. Kailangan naming pag-aralan ang mga sulok dito sa Rechilor City. Posibleng hindi mamamayan dito ang mga kriminal. Base sa nagawa niyong mass psychological test sa mga mamamayan ninyo at sa mga resulta na lumabas, masasabi ko na wala sa mga ‘yon ang gumagawa ng krimen. Lalo na at noong nagkaroon kayo ng mass psychological test ay nagkaroon muli ng krimen,” sagot naman ni Detective Dallas.
“Sige. Magpapasama ako sa inyo ng ilang mga tauhan ko na magiging drivers ninyo. Sa labas niyo na lang hintayin.”
Lumabas na ang dalawang detectives saka nila inilibot ang paningin nila sa kabuuan ng Alchemilla o ang city hall ng Rechilor City. “Who would have thought that a quite place like this would have cruel crimes like what happened the past few days?” kumento ni Detective Damien.
“I kinda feel that our job here will be not easy. Mukhang mas mapapasubok tayo rito ngayon,” dagdag naman ni Detective Dallas. Tinawag na nila ang mga kasamahan nila ka pinasakay sa mga normal na kotse na pag-aari ng gobernador ng siyudad. Para na rin hindi agaw pansin ang mga sasakyan nila kapag lilibutin nila ang buong siyudad. Naisip nila na baka matakot ang mga kriminal kapag nalaman na may mga mahuhusay na detectives ang dumating sa siyudad.
Mabilis na silang umalis sa Alchemilla at nagsimula nang maglibot sa bawat lugar sa Rechilor City. “Narito tayo ngayon sa Daffodil. Dito nangyari ang ikalawang krimen at naninirahan dito ang mga mayayaman o may mga matataas na estado sa buhay. Ang mga nakatira rito ay mga nagmamay-ari ng mga ospital, mga naglalakihang negosyo, eskwelahan, mga pasyalan, malls at markets,” paliwanag ng driver ng dalawang detectives. Nililibot nila ang paningin sa buong lugar. Dahan-dahan lang din kung magmaneho ang driver nila.
“Maaari mo ba kaming iikot sa bawat sulok o kanto sa bawat lugar?” sambit ni Detective Dallas. Tumango lamang ang driver nila at agad siyang sinunod. Mabuti na lang at ang sasakyan na gamit nila ay nabubukas ang bubungan. Kaya naman ay kitang-kita sila ng mga mamamayan na nadadaanan nila. Tila mga artista dahil sa kagwapuhang taglay. Nakasuot pa sila ng mga sunglasses kaya mas agaw pansin sila. Lalo na at mabagal pa ang takbo ng sasakyan nila. Sa likuran nila ay nakasunod ang dalawang mga van.
“Sino sila?”
“Baka mga bagong maninirahan dito sa Daffodil. Mukha silang mga bigatin.”
“Mukhang artista ang kanilang datingan.”
Ang mga usapan ng ilang mamamayan doon ay naririnig nila. Hindi rin naman masyadong maingay sa siyudad. Kaya masarap tumira rito. “Dito tayo titira,” bigla ay sambit ni Detective Damien. Itinuro niya ang bahay na nasa pinakadulong bahagi.
“Gusto ko nga rin ang pwesto na ‘yan. Medyo malayo tayo sa ilang mga naninirahan dito,” kumento naman ni Detective Dallas.
“Tapos na tayo sa buong Daffodil at ang kasunod naman ay ang Hyacinth,” ani ng driver.
Halos magkakalapit lang din naman ang bawat lugar sa buong siyudad. May kalawakan ang bawat lugar at malinis ang lahat ng nadadaanan nila. “Ang Hyacinth ay kung saan narito ang mga nakatira na may-kaya lamang sa buhay. Nangangailangan pa rin sila ng trabaho dahil ang pera na mayroon sila ay hindi tatagal ng maraming taon. Halos lahat ng mga mamamayan dito ay nagtatrabaho sa mga pag-aari ng mga nakatira sa Daffodil,” muling sambit ng driver.
“Masasabi ko na mahusay din ang inyong gobernador dahil nakabuo siya ng ganitong siyudad. Maganda ang paggawa rito at organisado talaga. Pati ang mga pangalan ng bawat lugar ay inihalintulad pa niya sa pangalan ng mga bulaklak,” puri ni Detective Dallas.
Mabilis lang nila na nalibot ang Hyacinth. Wala naman silang napansin na mga kakaiban daan sa lugar na ‘yon. Hinahanap kasi nila kung saan posibleng nakapasok ang mga kriminal. Dahil sigurado naman sila na hindi mga taga rito ang gumagawa ng krimen. Nang makarating sila sa Gladiolus kung saan naroon ang mga eskwelahan ay nilibot nila ang mga paningin nila saka agad na nakita na nagkakagulo sa isang eskwelahan. “What’s happening there?” nagtataka na tanong ni Detective Dallas.
“Mukhang may gulo na nagaganap—“
“Stop the car!” bigla ay sigaw ni Detective Damien. Agad naman na sumunod ang driver sa utos. Nagmamadaling lumabas ng sasakyan ang dalawang detectives at may namataan si Detective Damien na dalawang lalaki na tumatakbo.
“Catch those men!” sigaw niya agad sa mga tauhan nila. Itinuro niya ang tinakbuhan ng dalawang nakita niya dahil mukhang mga kriminal ang mga ‘yon. Agad naman silang nagtungo sa loob ng eskwelahan kung saan nagkakagulo ang mga estudyante at tumatakbo palabas ng eskwelahan.
“Ano ang nangyayari rito?” tanong ni Detective Dallas sa isang guro. “May anim na estudyante ang bigla na lang tumalon sa mga buildings at nagpakamatay!” natatakot na sigaw ng guro.
“Oh, shit.”
***
“Isasagawa na natin ngayon ang ika-apat natin na krimen. Sa panibago naman tayong eskwelahan maghahasik ng kasamaan,” sambit ni Felony. Dumaan sila sa likod ng paaralan upang walang makakita sa kanila. Saulado na rin naman niya ang mga pasikot sa bawat lugar sa Rechilor City. Pinag-aaralan muna nila ang bawat lugar bago pasukin. Nang sa ganoon ay hindi sila mabisto ng mga mamamayan doon.
“Ano na ang gagawin natin ngayon dito?” tanong naman ni Crony.
“Hanapin mo ang mga estudyante na ito at magkunwari kang isang janitor. Naka-freeze na ngayon ang mga CCTV cameras na narito sa eskwelahan kaya hindi nila mapapanood ang mga ginagawa natin. May isa akong camera na inilagay sa ika-apat na palapag ng building dahil doon natin isasagawa ang ating plano,” sagot naman ni Felony.
“Simulan na natin.”
Agad na hinanap ni Crony ang anim na babaeng estudyante na binigay na litrato ni Felony. Sila ang mga magiging biktima nila sa araw na ‘yon. Nang makita niya ang mga ‘yon ay isa-isa niyang kinausap ‘yon. May maskara siyang nakadikit sa kaniyang mukha. Isa ‘yon na mukha na hindi halatang peke. Upang hindi magtaka ang ibang mga estudyante na makakakita sa kaniya kapag nakatakip ang mukha niya. Lalo na at mahigpit na ngayon sa bawat eskwelahan dahil sa nagawa nilang krimen kahapon.
“Ikaw ba si Anne? May nagpapabigay sa ‘yo nito.” Inabot ni Crony ang hawak niyang papel sa estudyanteng babae. Sa papel na ‘yon ay may mensahe na nakalagay.
Malandi ka! Ipagkakalat ko ang mga nalalaman ko tungkol sa ‘yo kapag hindi ka nakipagkita sa akin sa fourth floor!
Halos lahat ng mga nasa papel ay puro mga sikreto ng bawat estudyante. Ang iba ay tungkol sa pamilya at ang iba naman ay tungkol sa mga masasamang nagawa. Hindi malaman ni Crony kung paano nalaman ni Felony ang mga impormasyon na ‘yon ng mga estudyante. Tunay ngang gagawin niya ang lahat upang makagawa lamang ng mga krimen sa siyudad.
“Napapunta ko na ang lahat ng anim na estudyante sa ika-apat na palapag.”
“Manood ka na lang ng mga mangyayari,” sagot ni Felony sa kaniya mula sa kabilang linya. Bigla ay nag-away na ang anim na estudyante sa itaas.
“Paano mo nalaman ang tungkol sa tinatago kong sikreto?! Inaano ba kita? Bakit mo ako pinapakialaman?!”
“Hindi ko nga alam ang sikreto na tinutukoy mo. Pero bakit ako? Paano mo naman nasabi na malandi ako?! Kasalanan ko ba na sa akin nagkagusto ang dati mong kasintahan?!”
“Ano?! May gusto sa ‘yo ngayon si Aron? Paano nangyari ‘yon, e dati ay ayaw niya sa ‘yo! Sinungaling ka!”
Agad na nagsabunutan ang dalawang babae. Samantalang ang apat pang estduyante ay nagtatalo na rin. Hindi nila maisip na ibang tao ang naggawa ng gulo sa pagitan nila. Sa isip-isip na naman ni Felony ay natutuwa na naman siya sa mga napapanood niya ngayon.
Madali talagang utuin ang mga kabataan ngayon. Mga hunghang at hindi man lang marunong mag-isip.
“Ano na ang mangyayari ngayon?” tanong naman ni Crony nang makalapit na kay Felony. “Hintayin mo lang na magpatayan sila.”
Ilang minuto ang nakalipas at mayroon nang nanonood sa kanila. Bigla na lang naitulak ng isang babae ang kasabunutan niya kaya nalaglag ito sa unang palapag. Dumami ang hiyawan ng mga estudyante dahil sa gulat at takot. Natuwa na ng husto si Felony. Ang mga estudyante na napili niya ay may mga problema sa pag-iisip at ugali. Sa oras na magalit sila ay hindi na nila makokontrol pa ang kanilang sarili.
“Anong tinitingin-tingin niyo d’yan?!” galit na sigaw ng babae na nakatulak. Sinugod niya ang apat pa na babae saka isa-isang inilaglag sa building. May kalakihan din ang katawan ng babae na ‘yon. Kaya naman ay madali lang sa kaniya na ihagis ang mga payat na babae na kalaban niya. Natakot na ang dalawa at akmang tatakbo pa nang mahila niya ang kanilang buhok.
“Ang mga chismosa na katulad ninyo ay dapat pinapatay!” sigaw pa ng babae. Gigil niyang sinakal ang isang babae saka iyon tuluyang nilaglag. “Marie! Tumigil ka na! Apat na babae na ang nailalaglag mo!” sigaw ng isang guro. Akmang pipigilan pa niya si Marie nang tuluyan niyang ilaglag ang hawak pa niyang babae ngunit nahila siya nito kaya siya bumaligtad at napasama sa paglaglag. Nahawakan agad ng guro ang kamay ni Marie ngunit hindi niya kinaya dahil dalawang estudyante ang nakakapit kaya tuluyan silang nalaglag!
Nagtalsikan ang dugo ng mga estudyante sa sahig dahil sa taas ng pinagbagsakan. “Felony, mukhang may mga paparating dito,” sambit ni Crony nang mapansin ang mga sasakyan sa labas.