NEW CITIZENS

1400 Words
"Gov, may bagong gusto po sana na manirahan dito sa Rechilor City. Nakapagpasa na po sila ng kanilang mga personal na impormasyon sa akin at magkasintahan po sila. Base sa ipinasa nila ay pareho silang galing sa mayaman na pamilya mula sa kalapit lamang natin na siyudad," sambit ng isa sa tauhan ni Gobernador Rechilles. Ito ay si Hugo na siyang kanang kamay ng gobernador. Siya ang palaging naghahatid ng mensahe sa Gobernador sa tuwing may gustong manirahan sa siyudad nila na galing sa ibang lugar. Siya ang nagbabalita sa kaniya. Kailangan muna na magpasa ng kopya kung saan nakalagay doon ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang tao na gustong manirahan doon. Doon din ibabase ng gobernador kung maaari ba niyang hayaan na sumulong na sa ikalawang proseso para maging mamamayan ng Rechilor City. "Nakita mo rin ba ang travel of history nila?" tanong ng Gobernador kay Hugo. Tumango naman si Hugo saka iniabot sa Gobernador ang isang envelope kung saan nakalagay roon ang mga impormasyon ng magkasintahan na tinutukoy ni Hugo. "Marami-rami na silang napuntahan na bansa at ang huli nila ay noong isang buwan lamang at nanggaling sila sa Beijing, China," sagot ni Hugo. Sinuri naman ni Gobernador Rechilles ang mga nakalagay sa envelope. Bigla ay napangisi ito saka naisip na tanggapin ang magkasintahan. Miski kasi ang source of income ay kailangan kasama sa mga impormasyon. Naisip ni Gobernador Rechilles na mapapakinabangan niya ang magkasintahan para sa mas ikauunlad at ikagaganda ng Rechilor City. "Maaari na silang sumulong sa ikalawang proseso sa isang linggo. May iba pa bang gustong maging mamamayan rito bukod sa kanila?" tanong muli ng Gobernador matapos masuri ang impormasyon ng magkasintahan. "Sa ngayon ay wala na, Gov. Iyan lamang na magkasintahan ang mayroon. Bakit sa isang linggo pa ang simula ng ikalawang proseso nila?" nagtataka na tanong ni Hugo. Kapag kasi may gustong manirahan sa lugar nila at pumayag ang gobernador na tanggapin ay kinabukasan na kaagad ang ikalawang proseso. Ngunit ngayon ay gusto ng gobernador na sa isang linggo pa. "Wala pa ang psychologist natin ngayon dito sa syudad dahil lumabas sila. Sa isang linggo pa ang balik. May pinautos kasi ako na bumili sila ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan na gagamitin nila sa pagsusuri sa mga bagong maninirahan sa syudad na 'to." Mukhang naglabas na naman ng pera ang gobernador. Iyon kaagad ang naisip ni Hugo. Kung usapan ay mga makabagong kagamitan ay tiyak malaki-laki na namang pera ang kakailanganing ilabas ng gobernador. Sa mga binabayad ng mga mamamayan lang din naman sila kumukuha ng pera pero bukod pa ang ibang business ng gobernador sa labas ng syudad nila. Si Hugo lang naman ang nakakaalam ng lahat tungkol kay Gobernador Rechilles. May ilan din itong mga ilegal na negosyo sa labas ng syudad nila pero ang maganda lamang doon ay ginagamit ni Gobernador Rechilles ang pera na nakukuha niya mula roon para sa pagpapa-ganda ng syudad nila. "Gano'n po ba. Sasabihan ko na lang sila, Gov. Wala na po akong ibang ibabalita pa kundi 'yon lamang." "Makakaalis ka na." Tinanguan ni Hugo ang gobernador bago tuluyang umalis sa opisina niya. Tinawagan naman ni Hugo ang magkasintahan at sinabihan sila tungkol sa pagsulong nila sa ikalawang proseso sa isang linggo. Wala silang kailangan pang dalhin bukod lamang sa mga sarili nila. Ang ikalawang proseso kasi ay ang pagsusuri sa katauhan nila. Isang linggo ang nakalipas at dumating na ang magkasintahan at sinimulan na ang ikalawang proseso. Ang psychologist na sina Doctor Andres at Doctor Liam ay matagal nang nagta-trabaho sa Rechilor City at pinagkakatiwalaan din sila ng lubusan ng gobernador. Mahuhusay sila at mula pa sa ibang bansa nakapagtapos ng pag-aaral. Kilala rin sila sa buong bansa ngunit sa Rechilor City lang nila ginustong magtrabaho dahil sa ganda ng offer sa kanila ng gobernador. "We will start our psychological test now. All you have to do is to answer all of our questions and do everything that we will tell you. Is that okay?" tanong ni Doctor Andres sa magkasintahan. Parehas naman itong tumango bilang sagot saka sila pinaghiwalay ng kwarto. Si Doctor Andres ang sa lalaki at si Doctor Liam naman ang sa babae. Nang makarating sila sa bawat kwarto kung saan magaganap ang ikalawang proseso ay sinimulan na kaagad nila. Sa simula ay puro madadali at tungkol lamang sa sarili ang itinatanong sa magkasintahan hanggang sa lumalalim na ang bawat tanong. Kung mayroon bang trauma o kung ano ang pinaka-malala at pinaka-masakit na naranasan sa buong buhay. Lahat na ay itinatanong hanggang sa may pinapasagutan pa sa kanila at doon ay sinuri na kung wala ba silang problema sa pag-uugali o pag-iisp nila. Nang matapos ay pinalabas na sila. Sinuri muna ng dalawang doctor ang lahat ng nakuha nila mula sa magkasintahan. Mabilis lang rin naman nilang masasabi ang resulta dahil mahusay at gamay na sila sa gano'ng larangan. "The diagnose told us that you are a healthy couple. Congratulations because you passed the second step to be a citizen here in Rechilor City. The third and last step would be a face-to-face talk to our Governor here," sambit ni Doctor Liam. Natuwa naman ang magkasintahan nang malaman ang magandang balita na 'yon. Ang third step ay magaganap na rin nang araw na 'yon kaya naman dinala na sila sa Alchemilla kung saan nando'n ang gobyerno. Sa opisina sila ng gobernador ihahatid at hindi sa tirahan nito. Bahagyang nakaramdam pa ng kaba ang magkasintahan dahil ito ang unang beses na makikita nila nang personal at makaka-usap ang gobernador ng buong syudad. "Narito na po tayo. Ihahatid ko na kayo sa opisina ni Gobernador Rechilles," sambit ni Hugo. Siya ang naghatid sa magkasintahan sa Alchemilla at siya rin ang dapat na maghatid mismo sa gobernador. Malawak ang city hall ng syudad na 'to at namamanghang tinigan ng magkasintahan ang kabuuan ng lugar. Sa pagpasok pa lang sa loob ng city hall ay nakakalaglag panga na kaya hindi malaman ng magkasintahan kung saan ba sila lilingon dahil halos lahat nang malingunan nila ay nakakamangha. "Gobernador Rechilles, narito na po ang mga bisita." Kumatok muna si Hugo at sinabi iyon, humihingi ng permiso bago sila pumasok nang tuluyan sa loob ng opisina ng gobernador. "Magsituloy kayo," aniya. Binuksan ni Hugo ang malaking pintuan ng opisina ni Gobernador Rechilles saka pumasok ang tatlo sa loob. Hinarap naman sila ng gobernador na pinaikot pa ang kinauupuan. Sinenyasan niya ang magkasintahan na umupo sa harapan niya saka sila sumunod. "Doctor Andres already informed me about your results and I want to congratulate you for that. I just have some questions for the both of you," panimula ni Gobernador Rechilles. Nagpasalamat naman ang magkasintahan saka may inabot sa kanila ang Gobernador na envelope. "Here are the rules and regulations and also the laws that I have made here in my own city. Kindly read it and tell me if you agree or not. That would be the last step before you become a citizen here." Hindi na nagsayang pa ng minuto ang magkasintahan at binasa nilang mabuti ang bawat nakalagay sa papel. Hindi naman mahirap ang mga batas na mayroon sa syudad na 'to at ang mga dapat at hindi dapat gawin ay nakatalaga rin doon. "Wala po kaming problema sa mga nakalagay dito at sumasang-ayon kami sa lahat," sambit ng lalaki. Siya dapat ang sumagot para sa kanilang dalawa dahil siya ang lalaki at mas kayang humawak ng relasyon nila. "Mabuti kung gano'n. Simula bukas ay ire-rehistro na kayo rito at iyon na ang unang araw nang paninirahan niyo rito. Ipapahanda ko na ang titirahan niyo. Sa Daffodil kayo mamamalagi at libre na rin ang magiging kasal niyo kapag binalak niyo na." "Kahit hindi ninyo na kami ilibre dahil kaya naman namin," natatawang biro ng lalaki. Nakipagtawanan naman ang Gobernador sa kanila. Sa isip-isip nito ay sobrang natutuwa dahil nadagdagan na naman ang syudad niya ng mga mayayaman na tao. "Ang bayad ng titirahan niyo ay magaganap din bukas kapag nakita niyo na ang mismong tirahan niyo." Babalik na lamang ang magkasintahan bukas. Ang gobernador ang siyang namimili ng magiging lugar at tirahan ng mga gustong pumasok na mamamayan. Hindi pwedeng ang mga mamamayan ang pipili ng tirahan nila. Lahat naman ng nasa lugar na 'yon ay nakakamangha at hindi na kailangan pang mamili dahil sobra-sobra pa ang ganda ng disenyo ng mga bahay sa bawat lugar at naaayon din sa estado ng buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD