bc

Genovia Academy 2: Continuous Legacy

book_age16+
1.6K
FOLLOW
7.3K
READ
mystery
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

This is the sequel of Genovia Academy so better read the firts part before reading this. Mainly about the next generation.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Prologue The War Has Ended Everything Was settled The Prophecy Had Spok And It did happened A new Life Has Come New World has been build  The war has Ended    And prophecy had Folded The name has been told And so it did hold   When she destroy her world She created another Everybody Expected That she will be the last The Last in the throne The immortal ruler       But then, they were wrong A child was born and now the prophecy spoke things gone unclear curses were built Hexes will ruin A book had closed, and It's chapters has ended But then, Another book opens Set of names were mentioned And Set of chapters began    What will happen next? Would the past affect? Or will the future? because the Prophecy says, She who destroy, He who creates,      She who suffers, He who rejoices, curses, Hexes, Magic spells, ruins everything Because the ghosts of the past, returned, To destroy To ruin To get revenge, to Claim what is not theirs. But then, A Clue again Appeared It tells, She who destroy, Creates And he who Creates, Destroy With these two people Everything went vice versa Because she who suffer, Rejoices And He who rejoices, Suffers And the feeling again went vice versa. Two Hearts were separated, Two Powerful mind Been Apart Different mindset Different heartbeats Different thoughts And definitely Different thinking. They were Meant be Meant to meet, Meant to be together for each other, They were Meant to continue What the Rulers Had started. They will be the next generation. Who will continue the will, Who will kill each other . This is a Continuous story, An Endless story. THIS IS GENOVIA ACADEMY : THE CONTINOUOS LEGACY   WHAT IS CONTENTMENT FOR YOU? Is it Having a family? Is it having Friends? Is it having Special someone? Or IS it Completing those were gone in your life?   It is all about forgiveness.      Being contended in life Is not About that. Not about having jewelries, luxuries, or being a princess. It's all about being happy. Paano kung magandang buhay ay meron kana? hihiling ka ba? Meron ka na lahat, Pero alam mo sa saril mo na pakiramdam mo ay may kulang? parang may nawawala? Would you Sacrifice Everything you Have And Go find what is missing or what is lost? Or would you Settle in Just One Place and enjoy he life what you have? Legacy 1 GENEROUS'S POV ''Hubby bilisan mo naman! Naghihintay na sila!'' Napatakip ako ng Tenga sa lakas ng sigaw ni Mommy. Nakadungaw kasi siya sa bintana ng Karwahe at si Dad naman nasa labas at Kinakausap ang ilang castle guards.  "Kumpleto na ba ang mga gamit mo? Baka may nakalimutan ka pa. Yung mga Gloves mo ha? yung Kwintas Ingatan mo.'' Sunod sunod na tango ang isinagot ko kay Mommy at Isang tipid na ngiti.  Dumungaw ako sa kabilang bintana ng maramdaman kong inabot ni Mom ang Kamay ko at inayos ang suot kong Gloves. Napa-buntong hininga ako at tumanaw sa malayo. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko gamit ang isang kamay ko. Muli ay nagpakawala ako ng Isang buntong hininga. Ngayon Namin dadalhin sa Academy ang Mga gamit ko at Aayusin din ang Dorm na gagamitin ko ngayong Taon. Huling Taon ko na sa Academy pero Parang wala lang sa akin. Sa tingin ko ay magtatapos ako na Hindi nakadarama ng lungkot, hindi tulad ng iba. Matagal ko na kasing gusto maka-Graduate mula sa Academy ng Genovia. Wala man lang kasing nangyaring maganda sa akin nitong mga nakalipas na taon. Mula ng pumasok ako sa Primary hanggang ngayon na nasa Tertiary na ako ay Walang nagbago sa Araw araw na buhay ko.  Prinsesang matatawag pero iniiwasan. Minamaliit at hinuhusgahan. Sabi ni Lola sa akin Huwag ko nalang pansinin ang nasa paligid ko. She even said that I should be thankful that I have Parents and I'm a Princess. I'm an Heiress. Seriously? I'm an heiress? I'm not even an Aether user! I have Friends and their all Royalties. Pero bakit ganun? kahit isaksak ko sa isipin ko ang mga magagandang bagay na yun ay parang gusto ko parin isumpa ang sarili ko? Mali isinumpa nga pala ako kaya ako nagkakaganito. Naramdaman ko ang pag-alog ng bahagya ng Karwahe kaya alam kong kakasakay lang ni Dad. Hindi ko siya nilingon at pumikit nalang ako. Narinig ko ang pag-uusap nila pero di ko nalang pinansin. Buti pa si Mommy at Daddy. Masaya sila. Hari at Reyna ng buong Genovia at ng Aither. Plus the fact na immortal silang dalawa. Mula ng maging immortal sila noong 18 years old sila ay hindi na nagbago ang mukha at katawan nila. Pati ang kapanyarihan nila ay tila mas lumalakas. Si mom? The most Powerful Genovian. The most Powerful Queen and the Most powerful immortal. Dad the strongest King alive. Hanggang sa dulo ng walang hanggan magkasama sila. Hindi tumatanda at hindi mamatay. Halos kaedad ko lang sila kung titignan. SA totoo lang naiingit ako sa kanilang dalawa. Bakit sila Immortal? Bakit sila Malakas? Makapangyarihan at Masaya habang buhay? Bakit ako ipinanganak na Ganito? Mahina, Isinumpa at walang kwenta. I envy my friends. Buti pa sila almosta perfect na ang buhay nila. Bakit sakin ang unfair? Bakit ako pa ang binigyan ng ganitong sitwasyon? Lagi akong nakasuot ng Gloves na mismong si Mom ang Dad pa ang gumawa para lang hindi ako makasira. Para lang hindi ako makasakit ng nasa paligid ko.  Bakit ang ibang Prinsipe at Prinsesa ng ibang kaharian ay namana nila ang kapanyarihan ng mga magulang nila? ?Bakit ako Hindi? Bakit ganito? bawat bagay na mahawakan ko ay nasisira. Bawat bagay na may buhay, kapag hinawakan ko ay namamatay. At lahat ng mahawakan ko ay nanghihina? Sa loob ng 20 years ay Ganito na. 20 years kong itinatago ang kapangyarihang napunta sa akin na ayoko namang makuha. Alam ng lahat kung ano ang kaya kong gawin pero kahit minsan ay Hindi ko iyon ipinakita sa kahit sino. Dahil ayoko. Galit ako sa sarili ko at ayoko sa Kapangyarihang meron ako. Tutal wala namang sinabi ang propesiya na muling magkakaroon ng digmaan, kaya pinili ko nalang na huwag gamitin. Nakatutulong din ang Kwintas na ginawa ni Gandalf para mapigilan ko ang pagwawala ng kapangyarihang nasa akin.  One more thing kung bakit ayokong Bumalik sa Academy taon taon ay dahil sa Nakaugaliang tawag sa akin ng mga Schoolmates ko. They call me. THE DESTROYER. pinunasan ko ang luhang dumadausdos sa pisngi ko. Hindi ko namamalayan na napapaiyak na pala ako sa pag-iisip ng mga Flaws ko sa buhay. Sabi sa nabasa kong libro ni Mommy, ang Heiress na tulad ni Lola, Tulad ni Mommy at tulad ko ay nagtataglay ng magkakaparehong kapangyarihan.. Pero bakit ganun Ilang beses ko pinag-aralan ang kapangyarihan ni Mom pero hindi ko maperfect. Although, nagagawa ko siya minsan pero yun ay kapag hindi ko suot ang gloves ko pero madalas na nakakasira lang ako. ''Don't think to much. everything will be just Fine.'' Naramdaman ko ang paghaplos ni Dad sa buhok ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko.  Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakalapag na pala ang sinsakyan namin sa lupa. muli kong tinanaw ang buong lugar. Eto na, Magsisismula na ulit ang bagong school year. Last school year for me. And For my Last school year here in the Academy, I want it to be exciting. ''Let's go. Everyone's waiting.'' Mom said with Authority. I smiled, para lang silang mga kapatid ko. hindi nalalayo ang itsura naming tatlo plus parang magkaka-edad lang kaming tignan. Feeling ko inutusan lang ako ng kapatid ko. Napapailing na kumindat lang sa akin si Dad. Meaning? Mom's order. Dapat magmadali na kami. Sus, under nga yan si dad kay Mom. Pero minsan naman si Mom ang Under kay Dad. haha. Ang cute ng mga magulang ko no? Ayan na, naiingit na naman ako. Naunang lumabas si Dad at inalalayan si Mom na bumababa ng karwahe. Umisod ako palapit sa pinto at inabot ang nakalahad na kamay ng pinaka-gentleman na Dad na nakilala ko.  Maraming estudyante ang napahinto ng maglakad kami ng sabay sabay papasok sa building. Sanay na ako sa tingin nila sa amin. Tingin nila sa mga magulang ko Legendary Hero. Makapangyarihan dahil immortal sila. Tingin naman nila sa akin Ampon dahil naiiba ako. Tingin nila sa akin Isinumpa which is in some point was true. Hindi ko nalang sila pinansin at tuloy tuloy lang sa pagpasok sa loob. Si Dad ang nagsilbing escort naming dalawa ni mom. At Para sabihin ko sa iniyo kahit mag-asawa sila at Hari at Reyna na ay hindi ko maitatangging ang lakas ng dating nila sa mga estudyanteng ka-edad ko. Si Dad, kahit iginagalang ay pinaglalawayan parin ng mga babae dito. hindi naman nakakaramdam ng selos si Mom. Hello, She's My Dad's one and only Queen. kahit tignan si Dad ng libo libong babae dito okay lang sa kanya. Siya ang asawa eh at siyempre ganun din kasi siya. Kahit 43 years old na siya tulad ni dad ay pinagtitinginan parin siya ng mga lalaki sa acdemy na to. Yun nga lang, seloso ang Amang Hari ko. He don't like the boys look at my Mom. Ngayon nga na magkakatabi kami ay mukha kaming magkakapatid eh, kaya damang dama ko ang apoy sa paligid naming tatlo at alam kong si Dad ang may gawa nun. Niingon ko si Mom, abo't langit ang ngiti at alam kong dahil iyon sa ginagawa ni Dad. Ewan ko bA kung baliw ang nanay ko at natutuwa pa siya sa pinag-gagagawa ng tatay ko. Ayaw niya talagang may tumitingin kay mom pero hindi lang siya makakibo dahil kahit pagbali-baliktarin ang mundong ito, Siya parin ang Hari at ang pinkaunang dapat na nagpapanatili sa kaayusan ng Academy. Pag-pasok na pagkapasok palang ng building ay sumlubong agad si Tita Eris at Tito Akira. Naka-angkla ang braso ni Tita kay tito. Ang cute nila. Although mediyo tumanda sila at nagka-edad, pansin paring ang pagiging magandang nilalang nila.  Nakipag-beso sila sa amin. At sakto naman hbng kinukumusta ako ni Tita ay ng pagdating ng Bestfriend ko. "Waaaahhh!!! Gen!! I missed you!!" Bago pa ako makaatras ay huli na. Yakap yakap na niya ako ng mahigpit. "Irish. O-okay. Di ako makahinga eh. Damang dama ko nga na namiss mo ako." Sabi ko. Kumalas naman siya sa pagkakayakap at nag peace sign.  "Sorry ah. Hehe ang tagal kasi ng two months eh." Tapos napakamot siya ng ulo. "Ay hello po pala Tita." Tapos hinalikan niya sa pisngi si Mom. "Tito." Pagkatapos ay si Dad naman. Ginulo ni dad ang buhok niya kaya napa-pout siya. "Manang mana ka talaga kay Eris at Akira, Irish." Natatawang sabi ni mommy sa kanya. Napuno ng tawanan ang kinatatayuan namin dahil sa pagsimangot ni Irish. Totoo naman kasi na manang mana siya kay tito at tita. Maingay talaga siya at masiyahin "And I don't now if it will be a good thing or worst." Biglang singit ni Dad, bad! Mas lalo kaming napatawa ni Mommy. Paano ba naman kasi nakasimangot na ang buong Mirearth-Windrox family. "Grabe Clyde ha. Bakit naman worst?" Hindi talaga maipinta ang mukha ni Tita Eris. "Simply because, I can't stand with noisy peolpe." Bakit kaya ang cool magsalita ng Dad ko? "Tama na yan. Tara na. Baka naghihintay na ang committee." Putol ni mommy sa usapan. Laging nasa timing talaga yang Mom ko. Ano pa bang aasahan di ba? "Irish. Ikaw na munang bahala kay Generous."  "Sure, Your majesty." Sagot ng katabi ko kay Mommy. Kumindat pa siya kay Mom. Yan si Irish Mirearth Windrox. Princess of Air kingdom. Air Element Heiress. Kaya rin niya kontrolin ang Earth pero mas master niya ang Air. "See you later, Princess." Tumango lang ako kay Mom at Dad at nag wave. "So, anong pwede nating Gawin?" Irish asked at nagumpisa na kaming maglakad palabas.  "Hmmmmmm? Hintayin nalang natin ayung Iba?" Sabi ko. "Yow!"  "Ay Goblins!!" Napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Maka Goblins naman kasi tong si Irish. "What!?!? Goblins!? Wow! Sa gwapo kong to!?" Maka Gwapo naman itong si Shirron.Bigla pang sumusulpot kaya talagang nagulat kami ni Irish. "Gwapo? Nasan?" Umarteng naghahanap si Irish at Kasabay nun ang pagsimangot ni Shirron. Hay naku. Nagbakasyon na't lahat nagpipikunan parin silang dalawa. " nasa harap mo kaya." Sagot ni Shirron. Nasa Face palm nalang ako.  "Tss,, Feeling Gwapo kamo. Bakit ngayon ka lang? At tsaka nasan yung iba? Marami ng estudyante dito. Maya-maya magsisismula na ang orientation wala pa sila." Iritang tanong ni Irish. Nagsimula na siyang maglaka kaya sumunosd lang kami ni Shirron. "SON!" Napalingon kaming tatlo sa sumigaw mula sa likuran. "Iskandaloso talaga ng tatay ko." Bulong ni Shirron kaya siniko ko siya. "PO!?" Sigaw niyang tanong kay Tito Shanon na kasama si Tita sirene. Iskandaloso daw eh isa din pala siya. "WALA NAMAN. JUST REMEMBER TO TAKE GOOD CARE OF THOSE BEAUTIFUL LADIES." Tapos itinuro kaming dalawa ni Irish ni Tito. Napatawa ako ng mahina ng bumusangot lang si Tita Sirene at napapangiwi marahil ay dahil sa lakas ng boses ni Tito. "I KNOW DAD!" Sagot naman nitong Pinsan kong si Shirron. Nag salute pa sila sa isa't isa. mana mana lang yan. Kita kong pumasok na sa Building ang Mag asawang Firro. Hay,, mukhang naniniwala na ako kay Dad. Sabi ni Daddy Hindi daw talaga niya kayang paniwalaan na pinsan niya si Tito Shannon. Si Tito daw kasi ang pinaka maingay at babaerong Firro noon. Natatawa nalang ako sa tuwing maaalala ko kung pano kontrahin ni Tito ang mga sinasabi ni Dad. Magpinsan daw sila dahil pareho daw talaga silang magandang lalaki at galing sa lahi ng mga firro. Siya ang Pinsan kong Feeling Gwapo kasi nga Gwapo. Shirron Aquina Firro. Fire Element Heir. He control Water also. But, Like Irish kahit pa dalawa ang kayang controlin na Element ay isa lang ang kayang I-Master. AT yun ay ang pinaka malakas na namana nila mula sa magulang nila. Nanatili kaming nakatayo sa may harapan ng building ni Shirron kahit pa Kanina pa nakapasok sa loob ang Hari at Reyna ng Fire Kingdom. "Manang mana ka talaga kay Tito Shannon." Biglang sumingit sa gitna si Irish at nakahawak sa kanyang baba. "Alam mo kung namana mo lang ang pagiging tahimik at seryoso ni Tita Sirene baka maging crush kita." Walang kagatol gatol na sabi ni Irish dahilan para sabay kaming mapalingon sa kanya ni Shirron.  "Sinasabi ko na nga ba." Pabulong na sagot ni Shirron na kaming tatlo lang ang makakarinig. "Huh? May sinabi ka ba?" Sabi ko. Wala kaya. "Generous, minsan ka na nga lang magsalita sana sa timing naman." Sabi niya sa akin. "Ha? Eh wala ka naman talagang sinabi ah." Sabi ko pa. "Ano ba kasi yun?" Tanong ko at napakamot sa batok. "Ang sasabihin ko kasi dapat ganito "sinasabi ko na nga ba! May lihim na pagtingin sa akin si Irish!" Ganun." Sabi niya. Napatango tango nalang ako. "What!? Eeewwww,, Duh! Wala no!" Singit ni Irish at saka umirap. Nagkatininan kaming magpinsan. Defensive?  Tumalikod na si Irish at nagsimulang maglakad nag-kibit balikat nalang kami ni Shirron at naglakad na rin.  Tahimik akong nakasunod sa kanilang dalawa habang tinatahak namin ang daan patungong school cafeteria. Dun nalang daw namin hintahyin ang ilan pa sa mga kaibigan namin. Tahimik akong nakikinig sa dalawa habang sila ay nagkukwentuhan. Pareho maingay. Hay. Hindi ko alam kung paano ako nakakatagal sa kanila.  Nauuna silang dalawa sa akin ng maramdaman ko na may tumabi sa akin.  "Hi Ate Gen." Bati niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.  "Hello Andrea. " Siya ang Isa sa pinaka bata sa aming mga tagapagmana. Pamangkin ni Tita Sirene. Anak ni Tito Kier at tita Annie. Si Andrea Airon Aquina. Mas bata siya kumpara sa amin. Kung kami ay 20 years old na siya naman ay 15 lang.  She is the daughter of Tito Kier and tita Annie. SI tita Annie ay isang Air Bender din mula sa Air kingdom. Classmates daw sila ni tito kier (back read nalang po kayo. Si Kier at Annie ang magkalaban sa Book1. Chapter 34: tournament Part 1. Walang nabanggit na name pero sil po yun. Primary level ata o secondary Read again nalang.) Tulad ni Shirron at Irish. Dalawang magkaibang element ang hawak niya. She can use Air But She master Water. Na namana niya kay Tito kier. She is the water element heiress. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Namulsa siya at tumingin sa daan. "Today is my first day as a Tertiary student." Simpleng sagot niya. Nilingon ko siya at sakto namang nakatingin din siya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang kaba. Andrea, sana maging maayos ang teriary life mo. Hindi tulad ng saakin. Sabagay wala ka namang sumpa, ako lang. Kaya sa tingin ko ay magging maayos ang buhay mo dito. "Goodluck. Nandito lang kami para gabayan ka." I said and fake a smile "Thank you" She said and smiled. Kung si Shirron ay minana ang ugali ni Tito shannon. Sa tingin ko si Andrea ang nakakuha ng ugali ni Tita Sirene at Tito Kier. Tulad ng tubig na kapangyarihan nila, tahimik at seryoso sila.  "Sa wakas nandito na tayo. Gutom na gutom na talaga ako." Nagkatinginan kami ni Andrea ng biglang maging hyper ulit si Irish pagpasok namin ng cafeteria.. "Unahan tayo." Sabi naman ni Shirron at lumingon sa amin. ''Tara na Generous--oh Andrea? Nandiya ka na pala."  "Yeah." At tumango lang siya kay Shirron. "Oh Hi Baby Andrea." Sabi naman ni Irish ng mapansing hindi nakasunod sa kanya si Shirron.  "Cut the 'Baby' thing Ate Irish." She said. Nag peace sign naman si Irish. Ayaw ni Andrea na tinatawag siyang... "Hi Baby." Ay putspa!! Sabi ng ayaw niyang tinatawag siyang baby eh. "Tss. " Nauna ng maglakad si Andrea palapit sa isang Bakanteng Table ng Sumingit sa amin si Kieth.  Marami ng estudyante sa loob ng cafeteria at Pinagtitinginan na kami. Bukod sa puro kami royalties at 8th generation ay dumating pa ang kukumpleto sa amin. Si Kieth. "Anyare dun Ate?" Bulong na tanong sa akin ni Kieth. Bakit ba ang bata pa nila ni Andrea pero ang tangkad na nila? Magkakasingtangad lang kami oh. "I don't know." Sabi ko at nagkibit balikat. Napakamot nalang siya at alanganing ngumiti kay Irish at Shirron. Lumapit ako kay Andrea at Umupo sa tapat niya. Naka ub-ob siya at mukhang natutulog. Nanghalumbaba nalang ako habang nakatingin sa tatlong makukulit na palapit sa table namin.  "Welcome sa tertiary Kieth." Sabi ni Shirron habang tumatawa at dinadamba si Kieth.  Napapailing nalang ako kung paano nila inipit si Kieth at ginulo ang buhok nito habang nasasakal na ni Irish ang leeg nito sa pagkakaakbay.  Si Kieth Winter Mirearth. Anak ni Tito Janlo Mirearth na Pinsan ni Tita Eris. Pinsan niya sa pinsan si Irish. Her Mom was a water bender before. But Her mother Died when he was born. Siya din ang Prince ng Earth Kingdom since ang dating Tgpagman ay si Tita Eris na nasa Air kingdom na. Kay tito Janlo Ipinasa ni tita Eris ng pagiging Pinuno sa Earth Kingdom. Kieth Can Use Water but he masters the Earth Element. Magkaedad lang sila ni Andrea at siya ang kukumpleto sa aming Limang tagapagmana. Ang 8th Generation. Pagkaupong pagkaupo namin ay Agad ding tumayo si Shirron at Eris para kumuha ng pagkain. Saktong pagtayo at pag alis ay siya manang paglingon namin ng sabay sabay sa entrada ng Cafeteria. Siyempre, kumpleto na kaming 8th Generation pero hindi pa kumpleto ang barkada.  "Hi!!" Excited na tumakbo palapit sa amin si Loran Anster Wilhelm. Ang Anak ni Tito Steban at Tita Lyra. Tulad ni Irish maingay din siya. Kababaeng tao maiingay. Pero tulad ni Tita at Tito, Magaling siyang Wizard at Portal Maker. Sa Likod niya ay naka sunod ang All time manliligaw niyang si Orwen Cylus Icess. Ang Anak ni Tito Calyx Icess n isang Ice User. Si Tita Gwyneth na napangasawa ni Tito Clyx ay Matagal ng patay. Hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ng Mom ni Orwen. Pero sigurado akong alam yun ni Mom and Dad. Wala din naman akong panahon n alamin dahil maging si Orwen mismo ay ayaw din Malaman. Ice User siya. Yun lang ang Alam ko. Kahit kapangyarihan kasi ng Mother niya ay hindi namin alam at Ice lang ang laging ginagamit ni Orwen. "Hi.. " sabi ko at nakipagbeso kay Loran. Umupo agad siya matapos makipag high five ni Kieth sa kanya. Si ANdrea , alam kong gising siya pero hindi lang namamansin.  Nang makalapit si Loran ay naiinip na sinenyasan niya si Orwen na bilisan maglakad. Napahilamos nalang si Orwen at Tatakbo na sana ng biglang Sumulpot ng hinihingal na si Arin mula sa Likod niya. "Subukan mong tumakbo ng hanggang diyan nalang ang buhay mo!!" Mula dito ay dinig na dinig namin ang hingal na boses ni Arin. "Sige, subukan mo." Sabi naman ni Orwen na namulsa at hinintay si Arin. "Hehe. Di ka naman mabiro. Bakit kasi ang bilis niyo maglakad?" Sabi ni Arin na Umakbay kay Orwen. "Takte kasi!! Hindi ko makuha ang mga itunuturo ni Amang Pogi. Nangangapa parin ako sa Paggamit ng Kapngyarihan niya. Sabi ko kasi ibon para mahabol ko agad kayo kaso ang nangyari Langgam. Buset." Pagmamaktol niya at nanatiling naka akbay kay Orwen. "Daldal," bulong ni Andrea.  Pansin ang pagkabugnot kay Orwen habng sabay silang naglalakad palapit sa amin. Muli akong tumingin sa Entrance ng Cafeteria. Napa-buntong hininga nalang ako. As usual. Late nanaman yun for sure. Lagi namang late ang isang yun. Mula pagkabata namin. Ganun na siya. Kung dumating late pero good thing about him? Late man siya laging nasa tamang timing naman. "Uuuuyyyy,., may hinihintay." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Arin at tinuusok tusok ako sa tagiliran gamit ang daliri niya. Tinabig ko iyon. "Pikon. Hahaha." Sabi niya at humagalpak ng tawa. Problema ng mga to? Tignan niyo nga, ang mga kasama ko. May kanya kanyng ugali at sapak sa ulo. Lalo na itong isang to. Arin Bloore Khan. Ang nag-iisang anak na lalaki ni Tita Rim Bloore At Tito Arvie Khan. Pilyo yan mana sa Tatay. Bukod sa ugali ay minana din niya ang kapangyarihan ni Tito Arvie. Pero mas namaster niya ang pagiging isang Fortune teller tulad ni Tita Rim. "Oh. Kumpleto na pala tayo. Kumain na ba kayo?" Napatingala ako sa nagsalita. Si Irish na puno ng pagkain ang bibig at may dala dalang tray. Ganun din si Shirron na hindi na din siguro nahintay na makarating dito bago lantakan ang pagkain. "Hindi pa. Libre mo?" Singit ni Arin. Umirap lang si Irish at saka naupo. "Wala akong pera." Sabi niya. Magkatabi sila ni shirron na abala sa pagkain "Damot." Sabay halumbaba ni Arin. ''walang pera tapos ang daming pagkain?'' "Hindi pa tayo kumpleto. Wala pa si Go." Orwen said plainly.  "Ano pa bang bago?" Biglang imik ni Kieth sa tabi. "Si Kuya Zee palaging late yun. Kahit ng sa mga celebration sa palasyo o kahit sa mga simpleng pagtitipon palaging Late. Darating pa nga minsan ng Wala sa sarili. " Napuno ng tawanan ang Table namin dahilan para mapunta sa amin ang atensiyon ng iba. Totoo naman kasi. Palaging late si Zee Go. Kapag naman dumating siya minsan Pawisan o di kaya ay basang basa ng tubig. Tulad nung 18th birthday ko. Siya ang Last Man na isasayaw ako pero nakipagsayaw ako sa basang sisiw na escort. Napapa-iling nalang ako sa tuwing naaalala ko yun. Kwentuhan sila ng kwentuhan. Si Andrea ay naka ubob parin at si Kieth ay nilalaro ang buhok niya. Si Shirron at Irish. Hindi na tumigil sa pagbabangayan. Pati sa pagkain nagpapaligsahan. Paunahan daw ba ang makaubos. Eh hello!! Ang dami ng pagkain nila. Si Orwen at Loran nag uusap lang. Si Arin Kwento ng Kwento. Ako tahimik lang at nakatingin sa Entrance ng Cafeteria.  "Mamaya pa darating si Zee." Natampal ko ang bumulong sa may bandang tenga ko. "Aww! Bakit ka nananampal?" Reklamo ni Arin.  "Sorry okay? Bakit ba kasi bumubulong ka ng basta diyan?" Sabi ko at inirapan siya. Nagulat ako eh. "Ewan ko sayo. Tang inis! Ang Kapal pa naman ng Gloves mo. Tanggalin mo nga yan." Sabi niya at hinimas himas ang sariling pisngi. Walang ano ano'y tinanggal ko ang isang gloves na nasa kaliwang kamay ko.  "Tigilan mo yan Generous." Suway ni Irish na biglang naging seryoso.  Biglang nag-init ang ulo ko ng pansinin na naman ni aRin ang Golves ko. Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Irish at kinuha ko ang baso sa tabi niya. Sa isang ilap lang ay naging abo ito kasama ng tubig na nilalaman niyon.  "Arin kasi!" Suway ni Orwen. "Put back your Gloves Princess." Pagpapakalma sa akin ni Orwen. Pinanlisikan niya ng Mata si Arin na naka peace sign na. Inirapan ko si Arin at Isinuot ang gloves. "Mana ka sa pareho mong magulang. Mainitin ang ulo ng Hari at masiyahin naman ang Reyna." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Arin pero nakikinig ko. Naiinis talaga ako sa kanya minsan dahil walang preno ang bibig niya. Wala siyang pakialam kung anong lumabas sa bibig niya. "Matapang sila. TUlad mo. Uhhhmm. Ugali nila nakuha mo. Lalo na ung ugali ng Hari. Lahat ata namana mo na at mamanahin mo pa. Maliban nga lang sa isa." Humugot ako ng malalim na hinga at isang mahabang pasensiya. Lam ko na kung saan papunta ang kadaldalan niya. "Arin Khan. You better shut up." Dinig ko ang paglagapak ng kubyertos kaya nalipat ang tingin ko kay Shirron. Seryoso siya na sinasaway si Arin. "Generous. Ang mata mo. Nagiging kulay pilak." Dinig kong sabat ni Loran. "Relax Ate Gen, Please." Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Andrea sa balikat ko kaya nalipat naman sa kanya ang mata ko na siyang ikinalaki ng mata niya. "A-ate." SI Kieth naman ay natatakot narin.  Ayoko na kinakatakutan nila ako. Ayoko na nag-iiba agad ang timpla ng paligid dahil hindi ko makontrol ng maayos ang init ng ulo ko. Nilalabanan ko naman pero ayaw sumunod ng katawan ko. Kusang kumukuyom ang mga kamay ko at nanlilisik na panigurado ang mata ko. "Attention! To all students including Freshmens, please proceed to The Academy's Arena Now. Again. All students and Freshmens. Please proceed to the Academy's Arena. Now."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook