GENEROUS'S POV Pagdating na pagdating namin sa Dorm ay Kanya-kanyang akyat na kami sa mga Kwarto namin. Si Loran at Orwen ay nagluluto sa baba at Si Arin ay pumunta sa opisina ni Headmaster hansie para kumuha ng Healing Candies. Buti nalang at Nandiyan silang tatlo para alagaan kami. Huminto ako sa Tapat ng pinto ng Kwarto ko habang si Zee ay dumiretso sa pinto ng kwarto niya. Tinawag ko siya bago niya mapihit ang door knob. ''Zee.'' Napatigil siya pero hindi niya ko nilingon. ''Thank you'' Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at pumasok na ako sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto matapos kong isara. Kusang napapangiti ang labi ko. Napapailing na tumakbo ako palapit sa Kama. Ugh!!! Baliw!! Baliw na yata ako. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang kwintas. kaso. ''Nasan

