GENEROUS'S POV ''Headmaster? Ang Aga niyo naman po.'' Di makapaniwalang tanong ko ng makita si Kuya Hansie sa Sala. Kabababa ko lang pero siya agad ang napansin ko dahil dito sa hagdan ang harap niya. Saka ko lang din napansin na Halos kumpleto sila sa Sala, ako nalang pala ang kulang. ''Generous. Maupo ka na. May pag-uusapan tayo.'' Sabi niya. Naghanap ako ng mauupuan, tulad ng sinabi niya. ''Gaano po ba kahalaga ang Bagay na yan? Hindi niyo na kami nahintay na pumunta sa Inyo.'' Sabi ko pagkaupong pagkaupo ko. ''Hindi talaga makapaghihintay, ang totoo niyan dapat noong isang Linggo pa dapat sinabi kung hindi lang dahil sa Lolo mo.'' Ha?? Ganun ka importante? ''Just spill it. Will you?'' Napatingin kami lahat kay Zee na nakatayo na pala sa Likuran ng upuan ko at nakapamulsa, ''Oo n

