Chapter 8

3005 Words

GENEROUS'S POV Nagising ako dahil nilalamig na ako. Bakit parang ang lamig naman? Ang tigas ng hinihigaan ko. Kaya unti-unti kong idinilat ang mata ko. Pagdilat ko ay isang magandang tamawin agad ang nasa harap ko. Ang bango bango pa. Kung araw-araw ay mukha ni Zee agad ang makikita ko ay magiging maganda ang buong araw. Teka si Zee? Napabalikwas ako ng mapagtantong si Zee nga ang katabi ko. Nakasandal kami pareho sa puno habang nakasandal ako sa balikat niya. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kakahuyan kami. Ibig sabihin hindi ako nananaginip? binuhat niya ako kagabi. Gumawa rin pala siya ng Portal. Mukhang desido nga siya na umuwi na agad. Bakit kailangan pa namin umalis ng madaling araw? Hindi man lang tuloy ako nakapag paalam kay Clein. Napatingala din ako. Bakit my barrier?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD