Kabanata 5: Chain's Birthday

3478 Words
KLARISSE DEVELIA POV:) "Ako nalang." prisinta na lamang ni Ax. Lahat kami napatingin dito halos naging seryoso ang tingin ni Kuya Louis kay Ax. Ako naman ay di makapaniwala na magpi-prisinta siya. Balak ko naman sana na sabihin na si Ax nalang ang mag-piggy back sakin pero ito nangyari. Siya na nagsabi na siya nalang. Totoo ba ito? Si Ax ba ito? Ito na kaya yung panahon na may gusto na siya sakin? "Wag na, Ax. Si Lloyd nalang---" sabi ni Kuya nang di niya nasabi pa ang gusto pa niyang sabihin nang magsalita si Kuya Lloyd. "Aba! Ikaw nalang, Ax. Sana kayanin mo ang bigat ni Klarisse. Nagfe-feeling baby pa ee damulag na nga siya." pabiro na sulpot ni Kuya Lloyd. Pinalo ko naman ito sa braso na agad naman siya napalayo sakin at napatawa. "Grabe! Unggoy!" bansag ko nalang dito. Pero halata kay kuya na di siya payag. Ewan ko ba't ganito ang ekspresyon niya ngayon. Siguro nga, natatakot siya baka lalo ako ma-fall kay Ax. Sabagay, may gf kasi ito ee. Masasaktan lang ako lalo nito ee. "Na-piggy back nyo na kasi si Klarisse at ako nalang ang hindi. Kaya ako nalang. Unfair ko naman kasi di ko pa kinakarga si Klarisse." mahinahong saad ni Ax. "Wag na---" tatanggi sana si Kuya nang lagyan ni Kuya Kieffer ang bibig nito ng bayabas. "Sayo na yan, Louis. Tara na't maggagabi na!" sabi nito nang lagyan ng bayabas sa bunganga si Kuya at inakbayan na ito paalis. Walang magawa si Kuya kaya nagpatangay na siya kay Kuya Kieffer. Di ko alam napangiti ako habang nakatingin dito. Pagkakataon ko na ito. Yes! Nagsilakad na nga sila at saka na lumuhod sa harapan ko si Ax para i-piggy back ako. "Tara na, Klarisse." sabi nito. Ang guwapo ng boses niya. Nakakakilig naman. Akala mo dalaga na ako kasi feeling ko girlfriend ko na si Ax. Fafa Ax, akin ka nalang. Di ko alam kung hahawakan ko ba ang balikat nito o ipupulupot ko nalang ang kamay ko sa leeg nito. Ganito ata yung sinasabi nilang matataranta ka sa taong mahal mo na di mo napaliwanag kung bakit. Wala! Napanood ko lang sa T.V. Slow motion na pinaikot ko ang kamay ko sa leeg niya at pagdampi ng katawan ko sa kanyang likuran. Feeling ko nasa romantikong drama kami. Siguro, pag istorya ito, kikiligin na ako. Wish come true! Nahawakan ko na si Ax. Malala pa, nakayakap pa ko sa kanya kahit likuran niya lang dumadampi. Hihihi. Doon na nga tumayo si Ax habang karga niya ako sa kanyang likuran. Nagsimula na nga itong maglakad. Nauuna sila Kuya at nahuhuli kami ni Ax. Kina-career ko na ang nangyayari ngayon. Feeling na feeling ko dalaga na talaga ako. Di ko alam parang huminto ang mundo ko. Lahat slow motion at di ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Ax kahit naka-side view ito. May ngiti sa mga labi na tinitingnan ko ang maputi at makinis niyang pisngi, cute na tainga niya, kilay na medyo kakapalan, mata niyang brownish ang kulay, may pagkakahaba ang pilik-mata, ang ilong niyang napakatangos at... "Klarisse, yung ano pala gsgxhcjidjd." ...at ang kanyang labing kay sarap tingnan kahit nagsasalita siya. Hayyy. Kailan kaya ako magiging dalaga na? Ba't kasi ang tagal ng oras. Gusto ko nasa edad na ko ng pwede na mag-syota. Kung manliligaw si Ax sa akin, sasagutin ko sya agad. Mali-mali! Sabi pala pa-hard to get muna. Para may thrill. Hihihi. "Klarisse? Tinatanong kita. Ano pinag-usapan nyo ni Ate Chain mo?" di ko alam na panay salita lang si Ax habang buhay niya ako at naglalakad siya. Dahil sa tulala lang ako sa kanya at minumuni siya, di ko na napapansin pinagsasabi niya. Dahil sa curious ni Ax ba't di ako sumasagot sa tanong niya, tumingin ito sakin. Nanlaki mata nalang ako na ang lapit ng mukha niya sakin. Natigil nalang ang pagmumuni ko dahil sa pagtingin niya sakin. Na-estatwa nalang ako sa katayuan ko ngayon. Ang lapit ng mukha namin ni Ax at nakatitig kami sa aming mga mata. Nanlalaki mata pa rin ako dahil sa pagkabigla. Ganito ba ang feelings na ang lapit ng mukha ng taong mahal mo? Wala. Napapanood ko na kasi sa mga T.V ang ganito. Tumigil ang mundo sa eksena naming iyon ni Ax. Di ko na naririnig ang ingay sa paligid namin. Tila na-estatwa na nakatitigan lang kaming dalawa. Di ko alam, napatigil din sa paglalakad si Ax nung magkatitigan kami. Kunting agwat nalang ang pagitan ng aming mga labi. Ang lapit ng labi niya sa labi ko. "Uyy! Bilisan nyong dalawa diyan!!!" Nasira nalang ang scene na iyon nang sumigaw ng napakalakas si Kuya Lloyd. Napatingin naman ako sa ibang deriksyon na may hiya pa sa nangyari samin ni Ax. Namumula na ang pisngi ko na di ko alam ano gagawin ko, patingin-tingin nalang ako sa taas na kunyari may nakita doon. Tumingin na nga sa unahan si Ax at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakita kong nakatingin sa amin si Kuya Lloyd. Siguro, nakita niya yung nangyari kanina samin ni Ax? Jusko! Nakakahiya. Ang bata ko pa bakit ang harot ko na? Ganito ata talaga ang umibig. Once na tinamaan ka, wala na. Lalabas na kaharutan mo. Ang bata ko pa, ang harot ko na. Sige! Sabihan man ako ng iba pero di nila ako masisisi. Nagmahal lang ako at tumibok lang ang puso ko. Di mo na mapipigilan ito kasi nandito na, nagsimula na tumibok sa isang tao. Malala nga lang, nagmahal ako sa taong dapat kuya ang turing ko sa kanya. Patungo ako sa room ni Kuya at sabi niya doon na raw ako kumain ng Lunch. Nasa kanya kasi yung pagkain ko. Nasa baonan niya at siya may dala ng pagkain namin ngayong lunch. Bago pa man makarating sa pintuan ng room ni Kuya Louis nang saktong palabas rin yung mga estudyante galing sa room nila Kuya. Kaklase ata nito si Kuya Louis at saktong labasan palang nila. "Alam nyo ba, break na si Chain at Ax." student 1. "Ano?! Sigurado ka? Bakit raw?" sabay tanong ni Student 2 and 3. "May ibang gusto raw si Ax. Si Chain na nakipagbreak dito." student 1. "Sino naman ang gusto ni Ax? Sayang. Bagay naman sana sila." student 3. "Oo nga e." student 2. "Di ko alam. Ayaw kasi sabihin ni Chain. Pero may nalaman lang ako sa barkada ni Ax na sina Louis. May crush daw si Ax sa dating pinapasukan nitong school. Phoebe raw ang pangalan. Mas maganda raw kaysa kay Chain." patuloy na pagchi-chismis ni student 1. Nang makalayo na ang mga ito saka lang ako napahinto sa paglalakad. Dahil sa narinig na balita parang nakaramdam ako ng guilty. Dapat matuwa ako kasi natupad na yung hiling ko na wala na sila pero bakit nasasaktan ako? Phoebe? Sinong Phoebe? "Andito na si Klarisse, Louis." narinig kong boses ni Kuya Brix iyon. Napailing-iling nalang ako nang bumalik na ulit ang matino kong isip. "Klarisse." tawag ni Kuya Brix. Nakangiting naglakad na ako papasok sa room. Kumain na nga kami ni Kuya Louis pero di masaya araw ko kasi di namin kasabay kumain si Ax. Siya lang wala sa grupo nila. Asan kaya siya? Siguro di na dapat ako mangialam sa isyu ni Ate Chain at Ax. Labas na ako doon. Pero nagtataka pa rin ako kung sino ang dahilan bakit nagbreak sila. Napansin kong di palaimik ngayon si Ax. Isang araw pa siyang di masyadong sumasabay sa katuwaan ng mga kaibigan niya. Siguro mahal talaga niya si Ate Chain kaya malungkot siya? Bakit! Bakit nasasaktan ako?! Ang sakit! Tanggapin mo na kasi, Klarisse. Di ka mamahalin ni Ax. Di kayo talo! Naglalakad ako nung oras iyon at malalim ang iniisip ko nang di sinasadyang may nabangga ako. Dahil malaki yung taong nakabangga ko, natumba ako. "Sorry---" di napatuloy sasabihin ni Ate Chain nang makitang ako ang nakabangga niya. "O-ok lang, Ate Chain." sabi ko at tumayo. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Bahagyang tumaas ang kilay nito. "K. Bye!" paalam nito at umalis. Naiwan akong takang-taka habang nakatingin sa kanya papaalis. "Anyare kay Ate Chain? Nag-iba na siya." sa loob-loob ko. Siguro galit rin siya sakin. Close ko kasi si Ax. Galit siya sa mga taong malapit kay Ax. Lalo na't di na rin nag-uusap ang grupo ni Ax like kuya kay Chain. Di na sila nagpapansinan nila Ate Chain. Anyare? Ba't nasali rin ako? Siguro, sobrang nasaktan lang si Ate Chain sa paghihiwalay nila ni Ax. Di niya matanggap na wala na sila. Naglakad na nga ako para makabalik sa room. [Author's Note:] Ipapakita ko po yung gaganap kila Ax at Klarisse. Mga bata pa gaganap sa kanila kasi di pa sila lumalaki sa story ko na ito. Hahaha! Anyway, sunod ko nalang ipapakita yung picture pag malaki na sila. Klarisse Develia ??? Lance Maximo Rezalde ??? Nung sinusulat ko kasi ito, sila ang nai-imagine ko na gumaganap na bilang batang Klarisse at Ax. Sana magustuhan nyo ang gaganap kila Klarisse. Wait nyo nalang yung gaganap din paglaki nila. Sana magustuhan nyo rin sila. <3 Thankyou... [March 15, 2009] Pagkalipas ng limang buwan, abala na sila Kuya sa graduation nila. Habang papalapit na ang April parang nalulungkot ako. Malalayo na sakin si Ax. Syempre, nasa ibang school na siya papasok at ako naman ay nandito pa rin, maiiwan. Buti pa siya magfi-first year high school na. Ee ako naman maggi-grade 5 palang next na pasukan. Ang unfair naman kasi! Ang tagal ng panahon. Gusto ko na maging dalaga. Huhuhu. Nasa stage sila Kuya Louis at kasama ang mga barkada niya habang nagpa-practice na ito para sa nalalapit na graduation day nila. Lumabas lang ako ng room namin kasi wala na kami masyadong klase. Abala rin ang mga teacher namin dahil nagre-ready sila sa graduation nila Kuya. Kaya nakalabas ako at nandito ako sa harapan ng stage. Tinitingnan silang magka-klase. May iba na nakaupo lang, may nagsi-cellphone, may nagtatawanan at may iba naman na nakikipagchismisan. Kasama ko iyong tatlo kong kaibigan. Niyaya ko sila ee. Mabuti pumayag. "Mamimiss ko si Papa Brix." boses iyon ni Troy."Sayang! Ang guwapo pa naman niya. Panigurado makakahanap na siya ng iba sa bagong papasukan niya." malungkot na sabi ni Troy. Pinalo naman siya ni Sophia. Napa-'aray' naman ito. "Ikaw! Lalaki ka ba o babae?!" parang lalaki na tanong nito kay Troy. "Kung sana nga babae balang ako." sabi ni Troy. Pinalo siya ulit nito sa braso."Aray! Nakaka-dalawa kana ah?!!" "Umayos ka! Liligawan mo pa ko, Troy! Di pwedeng maging bakla ka. Humanda ka sakin..." pagbabanta ni Sophia dito halos ipakita pa dito yung kamao nito sabay tapat sa mukha nito. Alam nyo namang may gusto si Sophia kay Troy. Kung may pagkaka-bakla si Troy, may pagkaka-tomboy naman si Sophia. Bagay na bagay silang dalawa. "Oo na! Wag kang mag-alala. Di ko kakalimutan yang promise nating dalawa." sabi nalang ni Troy dito para di na siya paluin nito. "Good." Nanatili lang akong nakatingin kay Ax na abala siya sa pakikipag-usap niya kay Brix habang nakaupo sa gilid ng stage. Di ko maiwasang malungkot dahil kunting araw nalang, ga-graduate na sila. Mamimiss ko silang mga kuya ko lalo na si Ax. Siya ang mamimiss ko sa lahat. Habang nakatingin lang ako sa kinaroroonan ni Ax, napapansin ni Jasmine na nakatingin ako sa grupo ni Kuya. Halos napataas kilay na ito at tinitingnan din kung saan ako nakatingin. "Uy! Sinong tinitingnan mo, Klarisse?" tanong ni Jasmine sakin. Napatingin naman ako dito."Ah? Wala! Sila Kuya lang naman. Bakit?" tanong ko. "Weh? Si Kuya Louis ba?" tono na naghihinala na sabi nito."O isa lang naman sa barkada ng Kuya mo ang tinitingnan mo? Yuyyy!" nagsimula na ang asar ng mga kaibigan ko sakin. "Hala! May crush ka Klarisse sa isa sa mga kaibigan ng Kuya Louis mo?" sulpot ni Troy. "W-ala!" nautal na sabi ko agad. "Weh? Meron. Sino kaya?" nakangiti nang nakakaloko na saad ni Jasmine. "Wala nga!" todo tanggi ko naman. "Si Kieffer?" si Sophia. "Hindi." sabi ko naman "Brix?" si Jasmine. "Aba! Aba! Wag siya, Klarisse. Akin siya!" react naman ni Troy."Aray!" ano pa ba nangyari? Napalo na naman siya sa braso ni Sophia."Joke lang." sabi nalang nito dito. "Di ah!" sagot ko naman maya-maya. "Si Lloyd?!" sabi naman ni Sophia. "Mas lalong hindi siya." malumbay na sagot ko. Nagtinginan muna ang tatlo sa isa't-isa maya-maya pa sabay na sila tumingin sakin. "Si Ax!!!" sabay bulalas ng tatlo halos turo-turo pa nila ako. Nanlaki mata naman ako sabay... "Hala! Wag kayo maingay!" sabi ko sa kanila. Nakita kong nakatingin samin yung ibang kaklase ni Kuya. "Yuyy! Si Klarisse, may gusto kay Ax." pagsisimula na ng pagbabansag ni Sophia sakin. "Yuyyy!!!" sabi naman ng dalawa na si Jasmine at Troy. "Ssshhh! Wag kasi kayong maingay. Ayaw ko malaman ito ng mga tao dito. Papagalitan ako ni Kuya." patuloy na pagpapatahimik ko sa kanila. Tumawa lang yung tatlo sakin. "Klarisse!" Natigil nalang ang ingay namin nang marinig kong tinatawag ako ni Kuya. Napatingin naman ako dito. "Halika." tawag sakin ni Kuya halos nagsa-sign pa siya ng kamay na lumapit raw ako sa kanya. "Yuyy! Malalapitan niya si Ax." asar nung tatlo sakin. "Baliw!" sabi ko lang sa kanila. Tumawa lang ng tumawa silang tatlo. Naglakad na nga ako papuntang stage kung saan naroroon sila Kuya. Nakita kong nakatingin sakin si Ax na agad iniba ko ang deriksyon ng tingin ko. Kumakalabog na naman kasi yung puso ko. Nagsisimula na naman yung weird na nararamdaman ko. "Ano po iyon, Kuya?" tanong ko nang makalapit ako. "Mauna kana umuwi mamayang hapon ah? May pupuntahan kasi kami nila Kuya Lloyd mo." sabi nito. "Saan Kuya?" tanong ko naman. "Sa bahay nila Ate Chain mo. Iniimbitahan kami sa kanila kasi birthday niya ngayon." sabi ni Kuya. "Sama ako!" sabi ko naman kay Kuya. Di ako makakapayag na di ako kasama. Siguro kasama si Ax. Akala ko break na sila? Bakit...? "Wag na! Kami lang. Bata ka pa. Basta uwi ka nalang ah?" sabi lang sakin ni Kuya. Napasimangot nalang ako."Ok." malungkot na turan ko. "Sige. Makakaalis kana." turan ni Kuya. Malungkot na tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanila. Ewan ko parang nasasaktan ako. Baka nagkabalikan si Ax at Ate Chain. Di pwede mangyari ito ee! Akin lang si Ax. Akin lang siya. Huhuhu. Nanonood lang ako ng TV sa sala nang tinawag ako ni Mama. "Anak!" Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa sofa at tumungo sa kusina kung naasan si Mama. "Po?" tanong ko nang nasa pintuan ako ng kusina. "Dalhin mo itong ulam kila Lola Aurora mo." utos sakin ni Mama. Ano pa ba ang ulam na niluto ni Mama? Ee di Pakbet. Hinawakan ko naman yung maliit na stainless na may laman na pakbet. Nakatakip na rin ito. "Sige po." malumbay na sagot ko at tumalikod na. Ano pa ba dapat ikasaya ko? Wala naman si Ax sa kanila ee. Panigurado nagsasaya na sila kila Ate Chain. Nasasaktan ako. Baka nagkabalikan sila. Sana hindi.... Pumasok ako ng gate nila Lola Aurora at tumawag. "Lola! Lola Aurora!" tawag ko. Nakita ko naman ito na palabas palang ng bahay nila. "Ano iyon, Sese?" tanong nito nang makalapit ako. Tawag talaga sakin ni Lola Aurora ay Sese. Di ko alam ba't yan tawag niya sakin. Iyan na siguro ang palayaw ko. "Pinabibigay po sainyo ni Mama." sabi ko. "Salamat, Sese. Pwede ipasok mo nalang iyan sa loob? Susunduin ko kasi sa bayan si Lolo Carpio mo. Galing kasi sa bayan, namili lang ng mga gulay." mahinahon na sabi ni Lola Aurora. "Ok lang po." nakangiting natural na turan ko. "Sige. Alis na ako." paalam nito. Naglakad na nga ito at tahimik na lumabas ng gate nila. Naiwan akong napabuntong-hininga. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at pumasok na sa loob ng bahay ni Lola Aurora. Kabisado ko naman ang bahay ni Lola Aurora kasi lagi ako dati nakatambay dito. Lalo na pag tanghali, dito na ako kumakain. Kaya di na ako maliligaw sa malaking bahay ni Lola Aurora. Tumungo na ako sa kusina. Nilapag ko sa mesa ang dala ko ng nagulat nalang ako nang... "Ano ginagawa mo dito?" "Ay!" gulat na sabi ko halos napatingin ako sa likuran ko. Nanlalaki mata nang makita ko si...si... "Bakit nandito ka?" tanong nito sakin. "Ax." sambit ko. Gulat ako kasi bakit andito siya? Akala ko... Lumapit ito sa kinaroroonan ko at binuksan ang dala ko. "Wow! Pakbet! Para samin ba ito?" sabi nito sabay tingin sakin habang may nakaguhit na ngiti sa mga labi nito. "Ah! O-oo! Pinabibigay iyan ni Mama." umiwas agad ako ng tingin kay Ax na medyo nautal pa na sagot ko. Bahagyang natulala kasi ako sa kanya nang makita ko siya. Ano ba ginagawa niya dito? Akala ko kila Ate Chain siya? "Pakisabi kay Tita salamat sa masarap na binigay niyang ulam." nakangiti pa rin na sabi nito. "O-oo. Sasabihin ko iyan kay Mama." di pa rin bumabalik masyado ang tamang pag-iisip ko. Nagtataka pa rin ako bakit siya nandito. "Patikim nga." aniya. Kumuha ito ng kutsara at tumikim nga."Hmmm! Ang sarap." sabi nito nang matikman."Sigurado akong mabubusog ako nito mamaya." "Hehehe." bahagyang pilit ko lang ang pagtawa na iyon na saad ko. Nakaramdam na ako pagkahiya. Ee sino naman di kabahan e kayo lang nandito sa bahay na ito ng crush mo. Himala nalang ito na nangyari ngayon. "Umuwi na ba si Kuya Louis mo?" tanong nito sakin maya-maya nang ilapag niya sa mesa ang kutsara. "Di pa po." sagot ko. Ang galang ko talaga no? "Ahhh. Mabuti naman nag-enjoy sila doon kila Chain." normal ang tono na sabi nito. "Bakit po? Bakit di kayo pumunta sa bahay ni Ate Chain? Di ba inimbitahan ka rin niya sa kanila?" tanong ko. Gusto ko lang malaman. Pasensya na alam nyo naman na masyado akong maingay at madaldal. "Bakit? Gusto mo ba malaman?" bahagyang lumapit sa akin bahagya na sabi nito. Napaatras ako sa ginawa nitong hakbang. Yung puso ko parang sasabog na di ko maintindihan. Nabigla talaga ako. Jusko! "A-ah?" di maintindihan ang nararamdam na sambit ko lang. "Wala. Hahaha!" sabi lang nito sabay tawa."Ayaw ko lang masaktan." sabi niya sa mahinang boses sabay tingin sa ibang deriksyon. "Ano po?" pakunyare na tanong ko. "Wala. Sabi ko, tara! Ihahatid na kita sainyo. Gabi na ee. Masyado nang madilim sa daan." sabi nito na alam ko umiiwas ito na itopic ang sinabi niya. Akala niya di ko narinig sinabi niya? Narinig ko kaya. Masaktan? Mahal ba niya talaga si Ate Chain? Ano ba ang nangyari bakit nagbreak sila? Ba't ganun? Nasasaktan na naman ako? Pwede ako nalang? "Ah? Wag na po! Magkaharap lang naman ang bahay natin. Sige, Ax. Uwi na po ako." sabi ko nalang dito. "Hindi. Ihahatid nalang kita. Tara." sabi nito sabay... "Sandali---" Wala na. Ayun na siya! Siya na ang naunang lumabas sa kusina. Pero lumabas nalang ang ngiting abot-tenga ko nang sumunod na ako dito. Iyon na nga ang nangyari, hinatid niya ako papunta sa amin. Tumawid pa kami ng kalsada. Pagkatawid, nasa gate na kami ng bahay ko. "Salamat, Ax." sabi ko dito. "Sige. Pakisabi kay Tita, salamat sa napakasarap na Pakbet niya." nakangiting sabi nito. "Opo." sabi ko pero di mawala ang kilig sa puso ko. Pinipilit kong di ngumiti. Ayaw ko ipakita sa kanya na gusto ko pa rin siya. Sabi kasi ni Kuya tigilan ko na ang feelings ko sa kanya. Masasaktan lang ako. Papasok na sana ako sa gate nang biglang makarinig ako ng busina ng kotse. Napatingin ako at may huminto sa tapat ng bahay namin kung nasaan ako at si Ax. Bumaba roon si Kuya halos napalapit ako dito nang makita siya. Bumaba rin sa kabilang pinto si... Tiningnan kami ni Ax ni Kuya at ng babaeng kasama niya. "Chain." sambit ni Ax. Bahagyang kunot-noo nang nakatingin ito kay Ax at sakin. Siguro galit si Ate Chain kasi di pumunta sa bahay nila si Ax. "Pwede ba tayo mag-usap, Ax?" bahagyang galit ang tono tanong nito kay Ax. Tiningnan muna nito si Kuya Louis sunod ako at bumaling ulit kay Ate Chain. Mukhang mayaman talaga si Ate Chain. May driver din sila tulad samin. "Salamat sa paghatid, Chain. Salamat sa pag-imbita sakin. Happy Birthday ulit." bati ni Kuya. "Walang anuman iyon." nakangiting sabi lang nito kay Kuya. "Sige. Maiwan na namin kayong dalawa." paalam ni Kuya."Tara, Klarisse." pagmamadali ni Kuya at tinutulak na ako papasok sa bahay. Ayaw ko pa sana kaso wala na akong magawa. Lumilingon nalang ako sa likod para tingnan sila habang tinutulak ako papasok sa bahay ni Kuya. Bago pa man masara ni Kuya ang pinto ng bahay, bahagyang nakita ko pang niyakap ni Ate Chain si Ax. At doon ko na di nalaman ano ang sunod na nangyari. Parang nabasag nalang na bagay ang nangyari sa puso ko. Ewan! Ang sakit talaga! Ang bata ko pa pero bakit nakakaramdam na ako nito? Ax, pwede ako nalang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD