Kabanata 4: Piggy Back

3401 Words
KLARISSE DEVELIA POV:) Nasa labas ako ng bahay habang dinidiligan ko ang tinanim na sili ni Mama sa gilid ng gate namin. At habang nakatambay rin sila Kuya Louis sa harap ng bahay ng lola ni Ax. Nilabas nila yung mga upuan kaya nakatambay silang magbabarkada sa labas malapit sa kalsada. Nakaupo lang sila habang may hawak na gitara si Kuya Lloyd. Palihim na sinusulyapan ko si Ax at tinityempuhan na di nakatingin sa akin. Di ko alam bakit ganito ako ka-obsessed kay Ax, siguro crush ko talaga siya. Sino naman di magkakagusto sa kanya ee ang guwapo niya. Kaya andaming nagkakagusto rin na mga babae sa school. Sa totoo lang, pinapatagal ko ang pagdidilig ko. Gusto ko talaga makita at masulyapan si Ax. Naku! Ang bata ko pa bakit ganito ako. Nababaliw na ko sa kanya. "Ax, crush ka ng muse natin. Ano? May balak ka bang ligawan siya?" narinig kong pagsisimula ng topic ni Kuya Brix. "Sino? Si Chain?" napaayos ang upo na sulpot ni Kuya Kieffer."Aba! Ligawan mo na, Ax. Ang ganda pa naman." pagsusulsol nito kay Ax. "Ligawan mo na, Ax. Sayang si Chain. Dalawa lang naman na edad ang agwat nyo." sabi ni Kuya Louis na dahilan napakagat labi ako sa inis. Dahil sa narinig ko, napahinto ako sa pagdidilig. Napasimangot nalang ako dahil lahat sila pinipilit si Ax na ligawan si Ate Chain, ang muse na kaklase nila. Matagal di sumagot si Ax. Sagot lang niya ang hinihintay ko. Sana di siya pumayag. Sana tanggihan niya ang mga inaalok sa kanya ng mga kaibigan niya. "Wag kang papayag. Wag kang papayag. Wag kang papayag..." sa loob-loob ko habang nakapikit. "Sure!" sagot ni Ax. Naidilat ko nalang ang aking mata ko sa narinig kong sagot ni Ax. Di ko alam parang unti-unting kumikirot ang puso ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at ang sakit talaga ee. Napayuko nalang ako at pinipilit na di umiyak. "Woaaahhh! Binatang-binata na ang kaibigan natin." boses iyon ni Kuya Kieffer. Pinagsisiko at pinagsusuntok lang ng mahina nila Kuya si Ax sa braso. Tumawa pa silang lima at halatang gusto nilang lahat na maging si Ax at Ate Chain. Tumayo ako sa pagkakaluhod at padabog na nilagay ko ang tabo sa maliit na balde. Dahil sa ginawa ko, natigil sa pagtatawanan sila Kuya. Padabog na binuksan ko ang gate habang dala ang balde at pawaksing sinara lang ang gate halos nagtaka na sila kuya sa ginawa ko. Di ko alam ba't nagkakaganito ako. Nasasaktan lang talaga ako. Gusto ko sakin lang si Ax. Sakin lang dapat siya. Aminado akong ang bata ko pa para mahalin ko si Ax at mas panganay siya sakin. Alam kong hindi ako yung babaeng hinahanap at nababagay sa kanya. Sino naman ako na magugustuhan niya? Isang hamak na panget at isip bata lang ako. Hayyy. Sana pinanganak ako ng maaga. At sana ako nalang si Ate Chain. Ako sana yung dapat ligawan ni Ax. Dapat maging akin siya... Makalipas ng isang buwan, nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nalaman kong sila na ni Ate Chain. Ako naman na magdamag na umiiyak sa kuwarto ko. Kahit tulog na si Kuya, di ko pinapahalata na umiiyak ako. Ayaw kong makita ako ni Kuya na nasasaktan ako dahil may girlfriend na si Ax. Panigurado, papagalitan lang ako niyon at pagsisiksikan na naman niya ang salitang, "Ang bata mo pa!" Recess na namin. Imbes mag-snack ako, nandito ako ngayon sa school garden ng school namin. Nakaupo lang sa bench habang yakap ko ang mga tuhod ko at nakasimangot. Di ko pa rin matanggap na may girlfriend na si Ax lalo na't close ko masyado yung girlfriend niya, si Ate Chain, Chain Navario. Wala na kong laban sa babaeng iyon. Maganda siya at kinahahangaan ng mga lalaki. Mas dalagang-dalaga pa siyang kumilos kaysa sakin. Panay buntong-hininga ko lang at marami ang iniisip ko. Naisip ko rin na awayin si Ate Chain para agawin si Ax pero mali ee. Masyadong OA. Masisira at mapapahiya pa ako. Naisipan ko rin landiin si Ax. Matu-turn off naman sakin iyon pag ginawa ko iyon sa kanya. Hayyy. Sana kasing edad ko nalang si Ax. "Ano ginagawa mo dito?" Naiangat ko nalang bigla ang ulo ko sa pamilyar na boses na iyon. Nakita ko si Kuya Lloyd na nakatayo sa harapan ko habang nasa mga bulsa ang kamay nito. Yumuko ako habang nakasimangot ulit. Sabayan pa ng pag-buntong-hininga ko na kanina pang walang tigil. "Ikaw pala iyan, Kuya Lloyd." Naupo ito sa tabi ko habang ganun pa rin ang posisyon ko. "Ano ginagawa mo dito mag-isa? Nag-recess kana ba?" tanong nito. "Wala ako sa mood kumain, Kuya Lloyd. Gusto ko lang talaga mapag-isa." malumbay na boses sagot ko sa kanya. "Gusto mo bilhan kita ng snack mo? Hintayin mo ko dito---" tatayo na sana ito para bumili nga ng pang-recess ko nang pigilan ko siya. "Wag na po! Wag na, Kuya Lloyd. Wala talaga ako ganang kumain." pigil ko dito. "Hmm. Sige bahala ka." Bumalik ulit ito sa pagkakaupo sa bench. Nagsimangot ulit ako sabay bumuntong-hinga na naman ako. "Ikaw, Kuya? Ano ginagawa mo rin dito? Asan si Kuya Louis?" tanong ko naman dito sabay tingin dito. "Sumali si Kuya Kieffer at Kuya Brix mo sa Dance Troupe saka si Kuya Louis mo, busy sa darating na contest. Naghahanda na siya at kailangan niya manalo para sa school natin." sabi nito. Oo nga pala! Matalino kasi si Kuya. Ilalaban siya sa Mathematics Competition ngayong week na ito. Nag-aaral na siya para mapanalo niya ang award na iyon at dalhin iyon sa school namin. "Ahhhh." patango-tango ko lang sabi. "Si Ax nam...man..." bahagyang napahinto si Kuya Lloyd sa sasabihin pa niya. Nakatingin lang siya sakin."Hahaha! Basta? Busy silang lahat kaya ako lang ang hindi. Hehehehe." Alam ko iniiwasan ni Kuya ma-topic namin si Ax. Alam na kasi niyang may gusto ako sa kaibigan nila ee. Alam niyang masasaktan ako kung sasabihin niya ang dapat sasabihin sana niya. "Ahhh..." patango-tango ko na naman sabi sabay tingin na naman sa unahan habang yakap ko pa rin ang tuhod ko."Kuya Lloyd." tawag ko. "Ano yun, Klarisse?" tanong naman nito. "Ang swerte ni Ate Chain no?" panimula ko ng panibagong topic. "Ah? Bakit naman? Dahil maganda siya?" "Oo. Ang ganda niya at mukhang mayaman siya." sabi ko pero sa tono ng pananalita ko nasasaktan ako."Mayaman naman talaga sila." "Maganda ka naman ah?" "Cute lang ako pero maganda si Ate Chain. Kaya talo pa rin ako." naka-pout saad ko."Kaya gustong-gusto siya ni Ax." doon na lumabas ang sakit na nararamdaman ko. Umiinit na ang gilid ng mga mata ko at alam kong iiyak ako."Sana ako nalang si Ate Chain." malungkot na pahayag ko. "Wag mo yan sasabihin, Klarisse. Meron ka na walang-wala si Chain." turan ni Kuya Lloyd na halatang di payag sa sinabi ko. Tiningnan ko naman ito."Ano naman na meron ako na wala siya?" tanong ko. "Matalino ka, mabait at saka pala-kaibigan." sagot ni Kuya Lloyd. "Matalino naman si Ate Chain ah? Mabait saka friendly." "Pero magkaiba ang pamamaraan ninyo. Mas mabuti ang personality mo kaysa kay Chain. Malayo ang ugali mo sa kanya." pagtatama nito. "Kung mas mabuti pa ko kay Ate Chain, bakit di ako pinili ni Ax?" emote ko. Napatigil naman si Kuya Lloyd sa sinabi ko. Nakatingin lang ito sakin. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Malungkot na humarap ulit ako sa unahan."Alam ko. Bata pa ko kaya ok lang. Tanggap ko naman na di ako magugustuhan ni Ax kasi turing niya sakin isang kapatid lang." malungkot na pahayag ko. "Hahaha! Ang bata mo pa, dami mo nang alam." natatawang turan ni Kuya. Napaayos nalang ako ng upo nang hakbayan ako ni Kuya Lloyd at ginusot ang buhok ko. "Kuya!" "Mukhang mas marami ka pang alam kaysa sakin ah? Matured kana mag-isip. Kaya ang cute-cute mong asarin. Hahaha!" sabi nito at patuloy lang sa paggugulo ng buhok ko. "Kuya naman ee!" pagalit ko nang turan. Binitawan na ako ni Kuya at galit na tinitigan ko siya. Tumawang-tumawa lang si Kuya Lloyd habang turo-turo ako. Ano pa ba nangyari ee di nagmukha na akong bruha dahil gulong-g**o na ang buhok ko. "Kuya Llooooyd!" galit ko nang sambit sa pangalan niya. Pinagsusuntok ko siya pero di ko magawang makasuntok sa kanya dahil panangga niya ang kamay niya. "Damulag. Hahaha!" patukoy na pagpapapikon sakin nito. "Unggoy!" Nagkulitan lang kami ni Kuya Lloyd doon sa Garden. "Tara! Unahan tayo papuntang gate?" aya ni Sophia samin. Mukhang gusto makipagpaligsahan samin. "Sige ba! Basta ang last na makarating sa gate, maglilibre bukas ng recess. Ano game?" payag at sabi ni Troy. Nagtinginan muna kami ni Jasmine sabay bumaling sa kanila na may ngiti sa mga labi. "Game!" sabay turan namin ni Jasmine. Uwian na kasi namin ngayong hapon. Syempre, tapos na yung klase. Alangan may klase pa kaming ngayong gabi. Sino magtuturo, multo?!! Nasa tapat kami ng pintuan ng classroom namin at saka na kami nag-ayos. Ready na ready na kami para tumakbo at nagsimula nang magbilang si Troy. "One...Two...Three.......Go!" Nagsitakbo naman kami halos nagkabanggan pa si Troy at Sophia. Parang walang gusto sa kanilang dalawa magpatalo. Magkapantay lang kami ni Jasmine at nauuna yung dalawa. Dahil nakatingin ako kay Jasmine, di ko namalayan, may nabangga ako. Dahil doon, nawalan ako ng balanse at ayun nga! Nadapa ako. Huhuhu! "Ay! Sorry. Sorry. Sorry." pamilyar na boses sa akin. Nakita kong si Ate Chain iyon, ang girlfriend ni Ax. Di ko alam, nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko. Siguro, nagseselos lang ako kay Ate Chain kasi jowa niya yung crush ko. Tinulungan ako nito makatayo. Pagkatayo, pinagpagpag niya ang uniform ko pati palda. "Ok ka lang? Nasaktan ka ba? Saan masakit sayo? Dapat mag-iingat ka. Wag kayo maglalaro ng habulan dito dapat nasa playground kayo." sunod-sunod na tanong nito sakin na may halong pag-aalala. Nanatiling nakatingin lang ako dito. Aaminin ko, ang ganda niya. Para siyang anghel sa kaputihan ng balat niya, matangos ang ilong at may pagkakasingkit ang mga mata. Walang-wala ako sa kanya. Hanggang tuhod lang niya ako. "Sana ako nalang siya..." sa loob-loob kong sabi. Yan kadalasan hinihiling ko gabi-gabi na sana ako nalang nga siya. Tiningnan ako nito ni Ate Chain at napaiwas agad ako ng tingin. Ayaw ko ipahalata na tinitingnan ko siya at pinagmamasdan. "Oh! Ikaw yung batang magaling mag-drawing ah?!" nakangiting nakaturo ang hinlalaki nito sa akin."Ikaw yung estudyante dati ng Teacher na nagretiro na ah? Sino nga iyon? Si...si..." "Si Ma'am Cuaching po." magalang na ako pagpapaalala ko sa kanya. "Oo! Ikaw yung binibida niya samin kasi mas maganda pa raw ang drawing mo kaysa samin parang pang-grade 1. Hahaha!" kwento nito. Naging teacher din kasi nila iyon. Naiilang na ngumiti lang ako. Di ako komportable sa kanya. Siguro nga, jowa nya yung crush ko. Ee di sino pa ba? Ee di si Ax! "Ano grade kana ngayon?" tanong nito. "Grade 3 na po." magalang na sagot ko. "Ano pangalan mo?" "Klarisse Develia po." Bahagyang nanlaki mata ito at napatigil."Klarisse? K-klarisse D-evelia?" pagko-confirm nito. "Klarisse!" Natigil nalang ang pag-uusap namin ni Ate Chain na may tumawag sa akin. Napatingin naman kami pareho. Walang iba ang tumawag sa aking pangalan ay si Kuya Louis. Tumakbo ito papunta sa amin. Nang makalapit, hinawakan nito ang kamay ko. "Oh! Hello, Louis!" bati ni Ate Chain dito kay Kuya. "Hello." bati rin ni Kuya dito. "Kapatid mo siya?" tanong nito kay Kuya. Tiningnan muna ako ni Kuya pero may kakaiba sa mukha ni Kuya. Ewan ko basta kakaiba talaga ee. Bumaling ulit siya kay Ate Chain habang tumatawa ng tama. "Oo. Bunsong kapatid ko. Hehehe." alam ko pilit lang tawa ni Kuya pero di ko nalang binigyan ng meaning iyon. "Ahhh. Siya pala yun." patango-tango na sabi nito. Tiningnan ako nito. Ngumiti lang ako sa kanya ng natural. Hawak lang ni Kuya ang kamay ko nung oras niyon. Ngayon, alam na ni Ate Chain na kapatid ko ang kaklase niya. Alam rin ba niya na crush ko ang boyfriend niya? Bumaling ulit ito kay Kuya. Parang naging suplada na yung pagmumukha niya. Ewan ko. Umiba yung anyo niya. Nawala yung maamo niyang mukha. "Saan si Ax?" tanong nito kay Kuya. "Ayan na siya." Sabay na tumingin kaming tatlo sa kanan at nakita namin si Ax na papalapit palang sa amin. Bahagyang tumama ang mata namin ni Ax na agad naman bumaba ang tingin ko para iwasan siya. "Sige. Mauna na kami ng kapatid ko." pagpapaalam ni Kuya dito kay Ate Chain. Nang makalapit na sa kinaroroonan namin si Ax, bumaling na si Kuya dito."Ax, antayin ka nalang namin sa labas ng gate." sabi ni Kuya dito. "Sige, Tol!" sagot naman ni Ax. Umalis na nga kami ni Kuya habang hawak ang kamay ko. Bahagyang lumingon pa ako sa likuran ko at nakita kong nag-uusap na si Ax at Ate Chain. Bahagyang hinawakan pa ni Ate Chain ang kamay ni Ax na nagpatingin agad ako sa unahan. Ayaw ko makita iyon. Nasasaktan na naman ako. Nang nasa labas na kami ng gate, malungkot na hinintay namin ni Kuya si Ax sa kotse. Abala ako sa pinapanood ko sa T.V. Ano pa nga ba pinapanood ko? Ee di Dora: The Explorer. Bata pa ako kaya ito nababagay na panoorin ko. Sabado ngayon at walang pasok kaya ito ginagawa ko ngayong mga oras ngayon. Sinusulit ang weekends. Nandito rin yung mga kaibigan ni Kuya. Syempre, kasama na doon si Ax. Nandito rin siya. Nakaupo ako sa sahig habang nanonood at nakaupo naman sa mga sofa sila Kuya habang kumakain ng Mani na niluto ni Mama kahapon. Kahit nanonood ako, pinapakinggan ko pa rin pinag-uusapan nilang magbabarkada. "Magkaaway na naman ba kayo Ax ni Chain?" tanong ni Kuya Brix dito. "Oo." cold na narinig kong sagot ni Ax dito. "Aba! Parang palagi na yang away nyo ah?" si Kuya Kieffer. "Ano ba nangyari ba't palaging galit si Chain?" curious na tanong ni Kuya Brix dito. "Nasasawa na ako sa ugali niya. Masyado siyang selosa." sagot ni Ax. "Ano balak mo? Makikipag-usap ka ba sa kanya para magbati ulit kayo?" tanong ni Kuya dito. "Ewan! Sakit siya sa ulo. Pag bati na kami, mag-aaway na naman kami. Nakakasawa na." "Kausapin mo! Girlfriend mo yun ee!" pagsusulsol ni Kuya Lloyd dito. "Ewan. Bahala na!" halatang naiinis nang turan ni Ax. "Tara! Magbuko tayo?" pagyayaya ni Kuya Louis na dahilan nahinto ako paggalaw ko. "Aba! Cool ako dyan!" sabay turan ni Kuya Brix, Kuya Kieffer at Kuya Lloyd. "Saan naman tayo magbubuko?" tanong ni Ax. "May bundok dito malapit sa lugar natin. Free manguha ng buko." alam kong nakangiti si Kuya Lloyd na siya na sumagot dito. "Tara! Mukhang gusto ko matikman yung pure na buko." payag ni Ax. Tumayo na ito sa pagkakaupo para kumuha ng malaking kutsilyo na gagamitin sa pagbiyak ng buko nang tarantang tumayo ako sa pagkakaupo at... "Kuya, sama ako!" pahayag ko. Natigilan naman ang mga ito. Nakatingin lahat ito sakin. "Sama ako please? Please?" pagmamakaawa ko halos nag-puppy eyes pa ko. Nagtinginan muna silang lahat. Nagsesenyasan kung isasama ba ako o hindi. Sa huli... "Sige. Basta behave ka lang." payag ni Kuya. "Yehey!" tuwang-tuwa na turan ko. "Magpalit ka ng short yung di masyadong mahaba. Madaming amorsikos doon." sabi ni Kuya Louis. Dali-daling pumunta ako ng hagdan at pumanhik. "Opo!" "Kuya, pagod na ko." hinihingal ko nang sabi kay Kuya Louis. Di ko naman pala alam na ang layo pa lalakarin namin saka pataas siya ee. Naku naman! Kung di ko lang ata crush si Ax, di na ko sumama at di na ko naghihirap tulad nito. Pero dahil nahulog na ko kay Ax, dapat gustuhin ko ito. Kasi ginusto ko ito ee kaya magtiis ako. "Ah? Dapat di kana sumama. Pahirap ka lang samin ee." napakamot-kamot sa ulo sabi ni Kuya. "I-piggy back mo nalang ako." tono ng pambata na sabi ko dito. "Ano?!! Ang bigat mo!" reklamo naman ni Kuya. Umiyak naman ako. Ewan ko bakit umiiyak ako. Ganito ata talaga pag bata. Iiyak ka para pumayag sila. "Haystt! Sige na nga!" Di ba! Pumayag din si Kuya. Ayun nga! Sumakay na ako sa likod ni Kuya. Piniggy back niya ako. Nakangiting nakakaloko nang simulan na ni Kuya ang paglalakad. Love na love talaga ako ni Kuya Louis. Di niya ako talaga matiis. Hihihi! Mga ilang minuto... "Baba kana, Klarisse." sabi ni Kuya. Bumaba naman ako. Nahihirapang tumayo si Kuya at binend ang likod. Halos umaray pa ito. "Ang bigat mo! Pagod na ko." nahihingal na sabi nito. "Ayaw ko maglakad, Kuya! Sakit ng paa ko." naka-pout na sabi ko. "Ako naman magpapasakay sa likod kay Klarisse." prisinta ni Kuya Brix. Lumuhod siya patalikod sa harap ko. Nakangiting nakakaloko sumakay naman ako dito. Naka-piggy back na ako kay Kuya Brix. Maya-maya na naman minuto nang mapagod na si Kuya Brix, kay Kuya Kieffer na naman ako sumakay. Sunod naman si Kuya Lloyd. Nasa isip-isip ko habang naka-piggy back ako kay Kuya Lloyd, "Ang swerte ko kasi love ako ng mga kuya ko. Hihihi." sa loob-loob kong sabi habang may ngiting abot-tainga na. Sana mag-piggy back naman ako kay Ax. Gusto ko makita malapitan ang mukha niya kahit side lang. Grabe! Mababaliw ako pag di mangyari iyon. Dapat gawin ko na itong pagkakataon na ito. "Nandito na tayo." sabi ni Kuya. "Ngek!" sambit ko sa mahinang boses. Dahan-dahang bumaba na ako kay Kuya Lloyd. Wala na. Di ako naka-piggy back kay Ax. Kainis! Sayang! Saktong may nangunguha ng niyog kaya nagpasabay na sila Kuya ng kuhanan din sila. Ayun, kinuhanan naman sila. Binigyan kami ng pitong buko. "Salamat po!" sabi nila Kuya sa matandang lalaki na nanguha ng lahat na ito. Si Kuya Brix na iyong bumiyak ng niyog. Pagkabiyak, kinuha iyon ni Kieffer. Lahat unahan ee. Pero sa huli... "Klarisse, hati na tayo nitong buko." sabi sakin ni Kuya Lloyd. "Sige po." payag ko naman. Pumunta naman ako dito. Binigay niya sakin yung balat ng buko na ginawang kutsara. Pinaghatian nga namin ni Kuya Lloyd iyong buko. "Ang sarap!" sabi ko habang kinakain ko. "Ang sarap pala nito." boses ni Ax. "Ngayon ka lang nakakain nyan?!" tanong ni Kuya Kieffer kay Ax. "Actually, nakakain na ko pero yung buko juice lang. Ngayon lang ako nakakain ng pure na buko." paliwanag nito. Siguro, anak mayaman itong si Ax. Minsan na kasi di niya alam yung fishballs at kahit kikyam. May nagtitinda kasi sa may labas ng school namin ng ganun kaya bago umuwi naisipan ni Kuya na kumain yun. Parang first time na nakatikim nung araw na iyon si Ax. Kaya kutob ko mayaman siya. Tapos na nga kami kumain. Kanina pang naglilibot kami dito sa bundok. Nangunguha pa nga sila Kuya Brix ng bayabas. Minsan naghahanap rin sila ng mga kakamba. Nagpapalakihan sila ng nakikita. Palihim na pinagmamasdan ko si Ax. Nakita ko siyang natutuwa nang nahawakan niya yung bayabas. Sinasabihan pa siya nila Kuya na tikman iyon. Kinain naman niya. Nasarapan naman siya halos napa-'wow' pa siya. Di ko alam napangiti nalang ako sa mga reaksiyon niya. Halos di ko na maiwasang di siya titigan kasi wala na ko paki sa kapaligiran. Si Ax palang, ang ganda na niyang tanawin at pagmasdan. Napaiwasan nalang ako ng tingin ng napatingin siya sakin. Kunyare lumilingon-lingon ako sa mga niyog halos napaubo pa ako niyon dahil nagulat ako na tumingin siya sakin. "Tara! Umuwi na tayo." yaya na ni Kuya samin. Naglakad na nga sila Kuya Lloyd. Ako naman nakaisip ng paraan. Tiningnan ko si Ax na sumusunod lang kay Kuya Louis nang... "Kuya" tawag ko. "Ano?" lumingon naman ito. Napahinto lahat ito at tiningnan nila ako. "Kuya, masakit ang paa ko. May sugat ako oh." pabebe na sabi ko sabay pakita ng sugat sa may gilid ng hinlalaki ko. May sugat talaga iyon kasi nasagi ng paa ko ng matulis na kahoy kanina kaya ito nangyari. Tiningnan naman iyon ni Kuya Kieffer. "Meron nga. Anyare ba dyan?" payag naman nito at tanong ni Kuya Kief. "Piggy back nyo ulit ako, Kuya. Sakit talaga paa ko. Huhuhu." kunyare pang umiyak ako. Nagturuan naman sila Kuya. "Kayo na." si Kuya. "Kaw na." Kuya Brix sabay turo kay Kieffer. "Ba't ako? Kayo na." sabi naman nito. Magtataas na sana ng kamay si Kuya Lloyd nang... "Ako nalang." Napatingin naman kaming lahat kay Ax. Nanlaki mata ako sa pagprisinta niya. Di ko makapaniwalaan na magsasabi siya na siya nalang. Totoo ba ito? Nagprisinta siya na siya nalang magpi-piggy back sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD