Kabanata 3: First Feeling

3217 Words
KLARISSE DEVELIA POV:) Mula nang ma-basted ako ni Ax, di na ako lumalabas ng aking kuwarto ko at di na ko nakikipaglaro kila Sophia. Malapit lang kasi bahay namin sa kanila kaya minsan pag hapon o walang pasukan, lagi kami naglalaro niyon kasama mga bata rin dito samin. Pero ngayon nagbago, di na ako sumasali sa kanila dahil buong maghapon lang ako nakakulong sa kwarto. Minsan ko nalang din kausapin si Kuya Louis. Nahihiya kasi ako sa kanya. Di dahil na-basted ako ni Ax kundi di ko sinunod ang sinabi niya. Tama nga. Marami pang lalaking makikilala ko pag malaki na ako, di lang si Ax nag-iisa ditong lalaki sa mundo. May taong nakalaan sa akin kaya kailangan ko muna tumapak sa tamang edad bago mahanap ang taong nilaan sakin ni God. Pero paano ito? The more iniiwasan ko sa school si Ax, the more din namimiss ko siya. Gusto ko man siya makita at makausap pero iba na. Nagbago na ang lahat mula nang umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya. Maraming panahon ang nasayang ko at maraming bagay din ang nasira ko sa amin ni Ax. Ngayon, nagkakailangan na kami at alam ko di na mababalik sa dati yung close na close kami. Balak ko lang naman na aminin sa kanya ang nararamdaman ko at wala nang hihigit pa doon pero bakit yung puso ko gustong may mas higit at mangyari pa doon? Di ako makakapag-sinungaling ng nararamdaman ko. Crush ko nga talaga si Ax. "Klarisse! Anak! Nandito sila Sophia! Maglaro raw kayo!" sigaw ni Mama habang nasa labas ng kuwarto ng kuwarto ko. Nanatiling nakahiga lang ako. "Ayaw ko lumabas, mama! Pakisabi na ayaw ko makipaglaro sa kanila!" sigaw ko habang nakasubsob ang mukha ko sa mga unan. "Lumabas kana dyan! Mag-iisang buwan ka nang nakakulong dyan. Namimiss kanang kalaro ng mga kaibigan mo!" sigaw pa rin ni Mama. Dahil mabait na bata ako, walang choice na bumangon ako sa pagkakahiga. Kakamot-kamot sa ulo na tumungo ako sa pintuan at binuksan iyon. At tumambad sakin si Mama na nakakunot-noo. "Aba! Makipaglaro kana! Tumatanda ka pag palagi kang nasa loob ng kuwarto mo." sabi ni Mama sakin. Naglakad na nga ako para puntaan sa ibaba sila Sophia. Pagkababa ko, andoon sila nakaupo sa sofa at hinihintay ako. "Klarisse!" sambit ng mga ito. "Tara! Laro tayo! Punta tayo sa Basketball Court! Laro tayo ng basketball." yaya ni Troy samin. May pagka-bading pala siya. "Tara, Klarisse. Sunod, laro tayo ng habul-habulan." nakangiting yaya rin ni Jasmine na isa ring kalaro ko. "Oo nga." boses naman iyon ni Sophia. "Sige." payag ko nalang kahit labag sa kalooban. Nasa basketball court na nga kami ng barangay namin. Cover court na ata tawag dito kasi may bubong na. Umaasenso na rin ang barangay namin dahil umaasenso na rin ang ekonomiya ng bansa. Kinabahan nalang ako nang makita si Ax kasama sila Kuya. Naglalaro ang mga ito ng basketball. Bigla nalang ako pinagpawisan. Di ko alam kung tatago ba ako o magpapakita sa kanya. Di ko mapigilan talagang mataranta dahil bumabalik lang yung araw na iyon, ang basted-in niya ako. "Klarisse, ok ka lang?" tanong ni Jasmine sakin. Nanatiling nakatalikod lang ako kila Ax dahil ayaw kong makita nila ako. Siguradong pagtatawanan nila ako lalo na si Kuya Lloyd, nang-iinsulto iyon. Siya ang number one na nambubully sakin. "Alis nalang tayo dito." natataranta nang sabi ko. "Ah? Bakit naman? Ang aga pa para umuwi." sabi ni Troy."Sayang naman oh. Andun pa naman si Brix my crush." nagpupuso-puso ang mata na sabi nito habang nakatingin sa kinaroroonan ni Kuya Brix kasama sila Kuya Louis. "Yuck! Lalaki ka ba Troy o babae? Wag kang magkakamaling maging bakla. Liligawan mo pa ko!" parang tomboy na babala ni Sophia dito. May gusto kasi si Sophia kay Troy. Alam na yun ni Troy kaya nga nag-promise si Troy dito na liligawan siya nito pag nasa High School na sila. "Oo na! Tara! Laro nalang muna tayo ng habul-habulan. Ginagamit kasi nila Kuya ni Klarisse yung bola." sabi ni Troy. "Sige!" payag ni Sophia at Jasmine. "Ako ang taya." prisinta ni Sophia. "Sige ba!" sabi ni Jasmine. Ako naman di maka-concentrate, nakatingin lang ako sa kinaroroonan ni Ax. Nakikita ko siyang nag-sho-shoot ng bola habang pinipigilan siya ni Kuya Lloyd. Di ko alam if nakita na ba nila ako o hindi pero pinapanalangin ko na di nila ako makita. Di ko alam parang mas lalo akong kinabahan. Nakita na ba niya ako na nandito ako? "Abot!" si Sophia at hinawakan ako."Taya kana, Klarisse." Tumakbo naman ang mga ito palayo sakin. Siguro, magpe-pretend nalang ako na wala lang yung nangyari sa akin. Ipapakita ko na di ko na gusto si Ax at naka-move on na ko sa kanya. Ayun na nga! Panay laro lang kami nila Sophia at di ko nalang iniisip si Ax. Madi-distract lang ako nito pag siya pa rin iisipin ko. Di sinasadya na natamaan ako ng bola ni Ax dahil nabitawan niya iyon. Saktong nakatalikod ako niyon nang tumama ang bola sa likod ng ulo ko. Dahil doon, bahagyang natumba ako sa sahig. Sapo-sapo ang noo na tumayo ako. Naka-tiim bagang na tiningnan ko kung sino ang bumato sakin ng bola. Ang sakit kaya! "Sorry, Klarisse." sabi nila Kuya Lloyd. Nakatingin lang sakin si Kuya Louis na parang inaalam niya kung ok na ba ako na makita at makaharap si Ax. Lumapit sa kinaroroonan ko si Ax. Slow motion na nakatingin ako sa kanya na papalapit sakin habang naglalakad. Di ko alam yung puso ko lalong bumibilis ang t***k nito. The more malapit na siya sakin, the more natataranta na ang sarili ko. Bumabalik na naman yung weird na naramdaman ko noong isang araw. Ngayon, nararamdaman ko na naman. Nakatayo lang ako at di ko alam ano gagawin ko. Tumingin nalang ako sa ibaba na saktong dinaanan lang ako ni Ax para kunin ang bolang tumilapon rin sa malayo sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil di man lang ako pinansin ni Ax. Para akong hangin lang na dinaanan lang niya. Di rin niya ako tiningnan at di man lang niya ako kinausap. Feeling ko nagbago na nga ang pakikitungo niya sakin. Wala na, nasira ko na. "Iniiwasan ba ako ni Ax?" yan tanong ko sa isip ko. Bakit ko pa itatanong sa sarili ko ee alam ko naman na ang rason. Ako dahilan bakit malamig na pakikitungo sakin ni Ax. Pagkakuha ng bola, naglakad na ito pabalik sa gitna kung saan sila Kuya. Dinaanan ulit niya ako at di man lang niya ako pinansin o ngitian. Nagsisisi tuloy ako na dapat di ko inamin na crush ko siya. Dapat kinimkim ko nalang ang nararamdaman ko sa kanya. Ee di sana nakakalaro ko pa rin siya at nakakakulitan. Ngayon, wala na. Nagbago na lahat. Lumapit na nga sakin yung tatlo kong kaibigan. "Klarisse, ok ka lang?" tanong ng mga ito. Tahimik na nakatingin lang ako sa kanila. Di ko maiwasang lumabas ang luha sa mga mata ko. Nag-alala naman yung tatlo sakin. "Bakit? Bakit ka umiiyak, Klarisse?" alalang tanong ni Sophia."Masakit ba yung ulong tinama ng bola?" tanong lang nito. "Uwi na ko. Bukas ulit." paalam ko. Tumakbo na nga ako paalis sa Cover Court. Tinawag pa ako ng mga ito kaso di ko na nilingon pa. Di ko mapigilang mapaluha kaya umiyak nalang ako ng tuluyan habang tumatakbo. Halos nasa gitna na ako ng kalsada nang biglang nagbusina nalang ang isang kotse. Dahil sa gulat, napagilid ako at nadapa. Dahil doon, nagkaroon ako ng sugat sa tuhod ko. "Hoy! Sa gilid ka tumaan, wag sa gitna!" sabi ng driver na halatang galit. Umalis na nga ito at naiwan akong umiiyak at inihihipan yung sugat sa tuhod ko. Ramdam ko ang kirot at sakit nito. Dahil dito, lalo tuloy ako napaiyak. Pero mas ramdam ko pa rin ang kirot sa puso ko. Feeling ko, iyon ang may sugat. Nakaupo lang ako sa gilid ng kalsada nang napatingin nalang ako sa isang sapatos na nasa harapan ko. Dahil doon, napahinto ako sa pag-iyak. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko na nasa harapan ko si... Lumuhod ito at tiningnan ang sugat sa tuhod ko. "Bakit kasi di ka nag-iingat. Nagkaroon ka tuloy ng sugat. Ang pangit magkaroon ang babae ng peklat." sabi nito. Nanlalaki bahagya ang mata na nakatitig lang ako sa kanya. "Ax..." sambit ko sa isip. "Halika. Gamutin natin yang sugat mo." yaya nito sakin. May luha sa mata na di makapaniwalang nakatingin lang ako kay Ax na gulat na gulat pa rin. Nakaupo ako sa isang upuan at hinihintay bumalik si Ax na bumibili ng band aid sa tindahan. Di naman nagtagal, andyan na siya. Naupo ito sa tabi ko at nakakaramdam na naman ako ng awkward. Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Nagsisisi ako dapat di nalang ako umamin. "Tingnan ko nga ang sugat mo." sabi nito. Itinaas ko naman ang paa ko sa upuan at di na dumudugo ang sugat ko sa tuhod niyon. Tumigas na yung dugo doon sa sugat ko. "Wala akong betadine kaya magtiis muna tayo sa band aid. Gamutin mo nalang yan pag nasa bahay kana ninyo. Panigurado papagalitan ka ng Mama mo pag makita niya ito." Di ko maiwasang matulala kay Ax habang sinasabi niya iyon. Inalis na nga niya ang pagkakabalot ng band aid na binili niya at dahan-dahan pinatong niya iyon sa maliit na sugat ko sa tuhod. "Sa susunod kasi mag-iingat ka. Madaling masugatan at maaring mag-iwan ito ng marka ito." sabi niya. "Madali rin magmahal pero masakit masaktan. Mag-iiwan rin ito ng malaking marka." sa loob-loob ko. Nanatiling nakatingin lang ako kay Ax. "Yan. Tapos na." Pagkatapos, nakangiting tiningnan ako nito na bahagyang nailang ako sa pagtama ng tingin naming dalawa. Di ko maiwasang titigan siya pero pinipikit kong huwag tumama ang mata ko sa mata niya. "Salamat." sabi ko lang dito. "Umuwi kana. Sa susunod, mag-iingat kana. Wag mo pahirapan ang sarili mo ah?" nakangiting sabi niya sakin. Dahil sa ngiti ni Ax sakin, di ko naiwasang titingan siya. Nakakaakit ang ngiti niya. Di ko malilimutan ang ngiti niyang iyan. Sigurado akong hahanap-hahanapin ko na ang ngiti niyang iyan. Namumula ang pisngi na dahan-dahang tumango ako dito. Kakagamot lang ni Mama ng sugat ko. Ano pa ba ang napala ko ee di napagalitan ako ni Mama. Ang galing ni Mama kumasa ng mga salita. Di ka makasingit kasi panay salita lang siya. Pero kahit ganun, mahal ko yan si Mama. Kaya ganyan siya kasi mahal niya ako. Ayaw niya akong masaktan at ayaw niya rin akong mapahamak. Alam kong mahal na mahal ako ni Mama. At mahal na mahal kami niyan ni Kuya. "Klarisse." tawag sakin ni Papa. Nauna nang humakyat ng hagdan si Kuya at naiwan ako dito sa sala. Matutulog na kasi kami dahil may pasok na naman kami bukas. "Yes, Papa?" "Halika." Lumapit naman ako sa kinaroroonan ni Papa. Naupo ako sa sofa katabi nito. Bahagyang umayos ng upo si Papa para harapin ako. "May gusto ka ba sa apo ni Lola Aurora?" prangka agad ni Papa. "Ah? Saan mo yan nalaman, P-papa?!!" bahagyang nataranta na bulalas ko. "Wala. Nakita kasi kitang palagi kang sumisilip sa bahay ni Lola Aurora mo. Gusto mo ba yung lalaki na iyon?" tanong pa rin ni Papa. "Opo, Papa. May gusto ako kay Ax." amin ko. Di ko kailangan magsinungaling kay Papa. Di ako bad na tao na kailangan magsinungaling sa magulang. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo kasi magulang ko siya at tinuruan nila kami ni mama na wag magsisinungaling. Saka ma-prangka kasi akong tao. Sinasabi ko agad kung ano saloobin ko. "Pero papa crush ko lang naman siya. Di ko naman gustong----" "Ok lang yan. Alam kong paghahanga lang iyan pero wag mong kakalimutan na mag-aral mabuti ah. Bata ka pa, marami ka pang dapat malaman. Hintayin mo nalang iyon dahil sa tamang panahon, nasa tabi mo na ang kayamanan mo." makahulugang sabi ni Papa sabay hawak sa ulo ko. Di ko ma-gets si Papa pero alam kong ibig niyang sabihin ay marami pang makikilala kong lalaki at hindi lang si Ax ang lalaki sa mundo. Ganun naman talaga ata ee. Ang bata ko pa saka mas matanda si Ax sakin ng 5 taon. Di kami pwedeng dalawa. Tumango nalang ako kay Papa kahit nasasaktan ako. Gusto ko talaga si Ax ee. Bakit kasi pinanganak akong huli. Huhuhu! "Sige, matulog kana anak." Ki-niss ako ni Papa sa noo."Goodnight." Tumayo na ako sa kinauupuan. "Good night too, Papa." Naglakad na nga ako bago paman humakbang sa hagdan, tumingin pa ko kay Papa. Nakatingin rin pala ito sakin. Nakangiting tumango sakin si Papa. Ngumiti rin ako kay Papa at saka na ako umakyat ng hagdan. Pagkahiga ko sa kama, nagulat ako nang bumangon sa kinahihigaan si Kuya. May seryosong mukha na tiningnan ako ni Kuya. "Gising ka pa, Kuya." sambit ko. "Ano pinag-usapan nyo ni Papa?" seryosong tono na tanong nito ni Kuya Louis. "Ah? Wala! Sinabihan niya ako na mag-iingat ako lagi." pagsisinungaling ko. Ayaw ko sabihin na pinagsabihan ako ni Papa. Panigurado, aasarin lang niya ako. "Yun lang ba?" parang naninigurado pa na saad ni Kuya. Ewan, kakaiba ngayon si Kuya. May galit sa mukha niya na parang... "O-opo." nautal ko pang sabi. "Sige. Matulog kana." Tatalikod na sana ako ng higa nang magsalita ulit si Kuya. "Sandali. May itatanong sana ako." sabi ni Kuya. Humarap ulit ako ng higa dito. "Ano po yun?" tanong ko. "Si Ax ba yung naglagay ng band aid sa sugat mo sa tuhod?" tanong ni Kuya. "Opo, Kuya. Bakit po?" Bahagyang napatingin pa sa ibang deriksyon si Kuya."Hmm, wala. Sige, goodnight." Nahiga na ito patalikod sakin. Napakibit-balikat, tumalikod na rin ako ng higa. "Kuya Lloyd, asan si Kuya Louis?" umiiyak na tanong ko dito halos pumunta pa ako sa room nila. Sila Kuya Brix, Kuya Kieffer at Ax, nagtaka dahil umiiyak ako. "Bakit? Bakit ka umiiyak?" tarantang tanong ni Kuya Lloyd sakin halos luhod pa ito at hinahaplos-haplos ang buhok ko. "Tumawag si Nanay Lomeng sa teacher namin." umiiyak na sabi ko. "Bakit raw tumawag?" tanong pa rin nito. "Nabunggo po si Mama ng sasakyan." lalong umiyak na sabi ko. "Ah?!!" bulalas nila Kuya Lloyd, Kuya Brix at Kuya Kieffer. Nanlaki lang bahagya ng mata si Ax sa narinig mula sa akin. "Asan si Kuya Louis?!! Puntahan namin si Mama. Huhuhu." naiiyak ko pa ring sabi sa kanila. "Dito ka lang at hahanapin namin ni Kuya Brix at Kuya Kieffer mo si Kuya Louis mo ah?!" halatang nataranta na ring sabi sakin ni Kuya Lloyd. Tumayo sa pagkakaluhod siya at binalingan si Ax."Ax, samahan mo muna dito si Klarisse. Hanapin lang naming tatlo si Louis." "Sige." payag ni Ax. "Tara, boys." yaya nito sa dalawa. Hinanap na nga nila si Kuya Louis. Naiwan kaming dalawa ni Ax dito. Panay iyak lang ako dahil nag-aalala na ako kay Mama. Dami pumapasok sa isip ko. Ayaw ko pa mawala si Mama. Lumuhod si Ax at niyakap ako nito na mas lalong napaiyak ako. "Ssshhh. Wag kana umiyak, Klarisse. Everything will be fine." sabi ni Ax sakin. Dahil sa sinabi niya lumakas ang loob ko. Magiging ok si Mama at di siya agad kukuha ni God. Salamat kasi nandito si Ax. Kahit di niya ako gusto pero ok na ito kami ngayon. Masaya na ako sa kung ano kami ngayon. Nasa Hospital na nga kami. Nalaman naming na-hit and run si Mama. Natangay ang bag ni Mama na naglalaman ng perang pambili sana ng motor para kay Kuya. Malapit na kasi ang kaarawan ni Kuya at balak nila Papa at Mama na iregalo kay Kuya ay isang motor. Nawala nalang dahil sa nangyari kay Mama. Sinisisi tuloy ni Kuya ang sarili niya dahil dapat raw di na siya nag-request kila Papa na bilhan siya ng motor. Di sana ito mangyayari kay Mama. Di pa rin nagigising si Mama at di ako umaalis sa tabi nito. Di ko pa rin mapigilang mapaiyak pag nakikita kong ganoon ang kondisyon ni Mama. Para akong nabagsakan ng bato sa sobrang sakit dito sa puso ko na makitang ganito ang Mama ko. Lumabas muna si Kuya Louis para bumili ng pagkain namin kasama sila Kuya Lloyd at yung dalawa ko pang Kuya. Naiwan ako at si Ax dito na nagbabantay kay Mama. Nasa labas si Papa at nag-aasikaso sa babayaran namin dito sa hospital. Naririnig lang sa loob ng kuwarto ang paghihikbi ko at pagsinghot ko. Nakaka-awkward na nga ee kasi kakahiya kay Ax kasi nakita niya ang pagmumukha kong napakapangit. Namamaga na mukha ko dahil sa walang tigil ko sa pag-iyak. Tumayo sa pagkakaupo sa sofa si Ax at lumapit ito sa kinaroroonan ko habang nakaupo ako sa upuan malapit sa kama ni Mama. Kinuha ni Ax yung isang upuan at pinuwesto doon sa tabi ko. Dahan-dahan umupo siya doon. "Wag kana umiyak, Klarisse. Sige ka, papangit ka nyan." sabi sakin ni Ax. Humihikbi na tumingin ako kay Ax. Di sumagi sa isip ko na crush ko siya saka nakakahiyang makitang ganito ako ngayon. Siguro, dahil na-shock lang ako sa nangyari kay Mama kaya ok lang ata ito sakin. "Ang tagal gumising ni Mama." sabi ko sa kanya. Halata sa boses ko na namamaos ako dahil sa kakaiyak ko. "Mamaya gigising na siya. Wag kana umiyak. Dapat maganda ka paggising ng mommy mo para di siya ma-stress dahil umiiyak ang anak niya dahil sa nangyari sa kanya." turan nito. Pinunasan ko nga ang luha na nasa mga mata ko. Sumisinghot pa ako niyon at pinipilit ko nang di umiyak pa. "Alam mo ba, umiyak rin ako tulad mo nang maaksidente rin si Papa noon." pagshi-share ng kwento ni Ax sakin. "Bakit? Anyare sa Papa mo, Ax?" boses bata na tanong ko sa kanya. "May bumaril kay Papa. Akala ko kukunin na siya ni God samin mabuti naligtas si Papa sa kamatayan na iyon." pagkukwento lang nito."Alam mo bakit di kinuha ni God si Papa?" "Bakit?" tanong ko. "Kasi nilakasan ko ang loob ko na di mawawala samin si Papa. Nilabanan ko ang nararamdaman at sakit na nangyari kay Papa. Pagsubok lang kasi iyan ni God at sinusubukan niya tayo kung malakas ba ang loob natin." paliwanag niya. Nakangiting tumingin sakin si Ax at hinawakan niya ang kamay ko na nagpapahinga sa legs ko."Yang nangyayari sayo ngayon, pagsubok lang yan. Lakasan mo lang ang pananalig mo sa diyos. Nandyan si God para tulungan at gabayan tayo." napakabuting payo na sabi ni Ax sakin. Hinaplos ni Ax ang buhok ko."Kaya wag kana umiyak ah? Smile kana dyan." Nag-smile naman ako kahit alam kong namamaga ang mata ko. Bahala na! Alam ko sa sarili ko na cute ako kahit ganito itsura ko ngayon. "Smile kana." sabi niya sakin habang may ngiti sa mga labi. Ngumiti naman ako ng tama. "Yung big smile." sabi pa niya. Ngumiti pa rin ako yung tama pa rin. "Di ganyan. Ganito." imbes smile, nag-wacky face siya. Natawa naman ako sa ginawan niya. Nag-wack face ulit siya na mas lalong natawa ako. Sunod nag-duling pa siya ng mata na mas natawa ako. Doon lumabas ulit ang totoo at malaki kong ngiti. Sana huminto ang oras. Sana ganito lang kami ni Ax. Ang saya ko talaga pag kasama ko siya. I feel heaven. I feel I'm inlove. I feel safe with him... Lovely Adeline
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD