KLARISSE DEVELIA POV:)
"Klarisse, tara! Laro tayo habul-habulan nila Troy?!!" yaya ng kaklase ko na parang bestfriend ko na rin, siya si Sophie Aragon.
Nakaupo lang ako niyon sa table ko habang nagdo-drawing at saktong wala ang teacher namin ngayon para magturo ng subject sa Filipino dahil may meeting ngayon ang mga guro.
Kaya ito kaming mga kaklase ko. Abala sa kung anu-ano kinaaabalahan nila. Ang iingay at lumalabas ng room para maglaro sa playground.
"Kayo nalang. Di pa ko pwede maglaro kasi baka mabigatan ako. Baka bumalik ulit yung lagnat ko." sabi ko kay Sophie.
"Sige. Bye!" paalam nito at tumakbo papunta sa mga kaklase namin na nasa pintuan na hinihintay sya. Kalaro na namin ito minsan ni Sophie minsan nga sabay pa kami kumakain ng Recess.
Tumutok ulit ako sa ginagawa ko. Panay drawing ko lang at ginagaya ang litrato ni Dora na nasa Notebook ko. Gusto ko kasi gumaya kay Kuya na ang galing niya mag-drawing. Gayang-gaya talaga nya kung ano mukha na nasa litrato na ginagaya niya.
Ang bata ko pa talaga pero ang mature ko naman magsalita. Masyado kasi ako madaldal. Nagmana ata ako sa Mama ko, madaldal rin. Si Kuya naman, nagmana ng masyadong tahimik at mapang-asar kay Papa. Inaasar minsan ako ni Kuya ee. Sinasabihan niya akong Baboy. Ee di naman ako mataba tulad ng matataba pero nakakainggit nga lang kasi ang payat-payat ko raw. Para daw akong stick sa sobrang payat.
Nang makaramdam ako ng pagka-ihi, tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan ko at lumabas ng school para pumunta ng CR.
Dalawa ang CR namin dito sa school. May CR na malapit sa Grade 4 at meron din sa Grade 6. Masyado malapit ang Room namin sa Grade 6 at Grade 5 kaya makikita ko minsan si Kuya at yung tatlo na sila Kuya Lloyd.
Paliko na sana ako nang saktong kakalabas lang nila Kuya Louis at yung tatlo sa room nito. Nang makita ako ni Kuya, tinawag niya ako.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong nito nang lumapit sa kinaroroonan ko.
"Sa CR." tipid na sagot ko kay Kuya. Lumapit sakin si Kuya at nilagay niya ang palad niya sa noo ko para ma-check kung ok ba ako. Masyado kasi nang na-trauma si Kuya nung may sakit ako. Lagi akong dinadala sa hospital pag masyadong mataas ang lagnat ko halos nanginginig na ako niyon na parang sinasabihan na raw.
"Akala ko may boyfriend kana at nakikipag-meet kana. Umayos ka. Ang bata mo pa para pumasok sa isang relasyon." pagbabanta sakin ni Kuya.
Nagsalubong lang kilay ko at tiningnan ng masama si Kuya.
"Hoy! Ikaw lang naman nagtuturo sa kanya. Baka mag-boyfriend talaga yan si Princess kasi sinasabi mo ang mga yan." suway sa kanya ni Kuya Lloyd.
"Ee! Mas mabuti na yung advance na sabihan ko siya. Kailangan niya mag-aral saka ang bata pa talaga niya." sabi ni Kuya halos ngumiwi pa siya.
Parang may hinahanap ako sa grupo nila. Wait! Wala yung mambubusong kaibigan nila ah? Asan kaya yun? Bakit di nila kasama?
"Bye!" cold na sabi ko at naglakad na paalis. Ang ingay kasi nila. Panira si Kuya ng araw ko ngayon. Alam ko naman bawal pa ko magka-boyfriend kasi ang bata ko pa, hello! Wala pa yan sa isip ko.
Bakit ko nga pala hinahanap ang lalaking iyon? Hmm siguro nga may atraso pa yun sakin. Sinilipan pa naman niya ako sa CR. Sinilipin ba niya ako? Nah! Same pa rin iyon. Binuso pa rin niya ako.
Naglalakad lang ako niyon at nasa isang kanto ako na di nakitang may Jannitor na dala ang basurahan. Pinupush ito ng Jannitor. Dahil sa laki ng basurahan at ako di niya ako nakita na nasa tapat niya dahil doon nabangga ako nito halos natumba pa ako.
"Aray!" sambit ko sabay tumilapon at tumama ako sa pader. Pagkatama, napaupo ako sa sahig.
Ang lakas pa naman ang paghatak ni Kuyang Jannitor ng basurahan kaya parang sumakit yung tagiliran ko dahil sa malakas na pagkakatama ko sa pader.
"Hala! Sorry ineng! Di kasi kita nakita." hinging patawad nito.
"Ang sakit. Huhuhu." naiiyak ko nang sabi at nakita kong namumula ang tagiliran ko.
"Dadalhin kita, ineng sa clinic. Sandali lang at maghahanap ako ng----" di na napatuloy pa sasabihin ni Jannitor nang biglang may bumuhat nalang sa akin.
Slow motion na binuhat ako nito hanggang sa pagtayo ng misteryosong lalaki. Slow motion rin na napahawak ako sa leeg nito halos naipulupot ko pa ang mga iyon. Biglang tumigil ang mundo ko nang makita ang lalaking iyon. Nangingislap siya sa liwanag dahil sa kaguwapuhang tinataglay niya.
I don't know. Parang may kakaiba sa akin na ang weird na naman nitong t***k ng puso ko. Bata pa nga ako kaya di ko pa alam nangyayari sakin ngayon at kung anong weird na scene na iyon.
"Ako na po magdadala sa Clinic sa kanya Manong." sabi nito sa Jannitor ng school.
"Ah! Sige iho! Salamat. Saka ineng pasensya na. Di kita nakita kasi ang liit mo. Sorry." hinging patawad pa rin nito.
Umalis na nga kami habang buhat ako ni Ax. Yes, si Ax. Di ko inaasahan na nandito siya at buhat niya ako ngayon. Magka-away kami di ba? Kasi sinilipan niya ako. Pero parang ngayon walang nangyari. Wala lang iyong kahapon sa kanya.
Nang nasa Clinic na kami saka ako dinala sa isang kama ni Ax.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng School Nurse dito.
Si Ax na nagpaliwanag nito. Di ko pa rin maiwasang tingnan siya habang kausap niya yung Nurse ng school namin. Tumigil na naman ang mundo na tila nagaguwapuhan ako kay Ax. Kada bumubuka at nagsasara ang mga bibig nito habang nagsasalita tila mas lalong gumuguwapo sya sa paningin ko. Kumikislap siya na para siyang bituin na ang sarap abutin.
"Anak, patingin nga nung tagiliran mo?" tanong ng school nurse namin.
Tumagilid ako bahagya at itinaas bahagya ang uniporme ko at pinakita dito.
"Nagsisimula palang ang pagmamaga niya. Wag kayong mag-alala. Nabigla lang ang katawan niya sa nangyari. Gagaling din yan." sabi nito."Wait! Kunin ko muna ang gamot para dyan. Maiwan ko muna kayo." paalam nito sabay tumalikod, naiwan kami ni Ax rito.
Tahimik na naupo sa kabilang kama si Ax samantala ako ay bumangon sa pagkakahiga sa kama at sinandal ang likod sa headboard.
"Ikaw ba yung kapatid ni Louis?" panimulang tanong nito.
"Bakit? May balak ka na naman bang busuhin ako?" lakas-loob tanong ko sa kanya with maldita looks pa.
"Hahaha! Hindi. Tinatanong lang kita." rason agad nito."Ang sakit kasi ng ginawa mo. Pinahiya mo ko kila Kuya mo." mahinang bulong nito na mukhang siya lang makakarinig.
"Ano?" kunot-noo tanong ko. Pero narinig ko naman. Pinahalata kong di ko narinig ang mga iyon.
"Wala." sabi nito agad."Anong grade ka na ba?" tanong nito sakin.
"Bakit? Aasarin mo ko kaya nangyari ito sakin kasi ang liit ko?!!" pagalit na sabi ko.
"Hahaha! Wala akong tinutukoy na ganun iyon. Hahaha!" natatawang sabi nito.
Napa-pout nalang ako sabay tingin sa ibang deriksyon. Ang gaan niyang kausap, feeling ko nga close na kami. Nakakagaan ng loob yung tawa niya. Yung tipong komportable akong siya ang kausap ko.
"Grade 2." maya-maya sagot ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa ibang deriksyon.
"Ahhh I see." patango na sabi nito.
"Lola mo pala si Lola Aurora? Ngayon ko lang alam na may anak pala si Lola Aurora." sabi ko. Sabi na ee! Masyado talaga akong chismosa. Hayyy.
"Oo. Nakita na kita noong unang dating ko palang dito. Saan ba kita nakita? Hmmm..." sabi nito sabay nag-isip."Alam ko na! Sa---" di nalang napatuloy sasabihin niya nang dumating na yung Nurse.
Sakto naman dumating rin sina Kuya Louis.
"Klarisse!" sambit nito at napahinto ito nang makita ako. Halatang tumakbo ang mga ito dahil hinihingal ito masyado.
"Kuya!"
Lumapit agad ito sakin."Ok ka lang? Masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya halos magusot na ang buhok ko sa kaka-haplos niya pati sa mukha ko.
"Ok lang ako, Kuya. Kunting kirot lang naman ito." sabi ko dito sabay ngiti para ipakita na ok lang ako.
"Buti naman. Sa susunod, pag magsi-CR ka, magsabi ka sakin. Sasamahan kita. Ikaw kasi ee! Lapitin ka sa mga aksidente. Pinagpapaalala mo kong bata ka." alalang-alala na pahayag nito kuya. Bahagyang pinalo niya ako sa ulo ko.
"Kuya naman ee." nainis na sambit ko habang sapo ang ulo.
Happy ako kasi kahit sinusuplado ako ni Kuya, ramdam kong mahal niya ako. Tulad nito, sobrang pag-aalala niya sa akin. Ang swerte ko kasi naging Kuya ko siya kahit masyado siyang bad boy pero love ko yan.
Nilagyan na nga ng Nurse iyon ng gamot. Basta may pinahid lang siya doon. Sakto naman napatingin ako kay Ax na kakaalis lang at mukhang may sinagot na tawag.
Di ko alam nakangiti ako at nagsasalita gamit sa isip ko.
"Salamat, Ax." sa loob-loob ko.
"Masakit pa ba, Baby?" nag-aalalang tanong ni Mama halos itinaas pa niya bahagya ang damit ko para tingnan kung namamaga pa ba ang tagiliran ko.
"Mama, ok na po ako." sabi ko dito at pilit binababa ang damit ko. Pero tinataas pa rin ni Mama para tingnan iyon.
"Hindi! Look! Namamaga sya oh." sabi ni Mama.
"Mama, sabi ng school Nurse namin, gagaling naman daw yan." sabi ni Kuya nang pababa itong hagdan. Galing kasi ito sa kuwarto namin, nagbihis.
"Jusko baby. Ayaw ko makitang may ganyan ka. Nasasaktan ang Mama mo." nagiging emosyunal na naman si mama na turan nito. May namumuong luha na naman sa mata nito. Na-trauma din kasi si mama ee. Alam nyo naman sakitin ako, ayaw ni mama mangyari ulit yung dinadala ako sa hospital dahil inaatake ako ng lagnat ko.
"Ma!" sabi ko nalang.
Pinunas ni Mama ang luha niya. Tumayo na ito sa pagkakaluhod."Oh sya! Magbihis kana. Pagkabihis mo, mag-meryenda kayo ng Kuya mo. Gumawa ako ng Turon at Champorado." sabi ni Mama.
Naglakad na nga ako papuntang hagdan para magbihis. Pagkabukas ko ng kuwarto ko, inalis ko na ang bag ko sa pagkakasuot sabay higa sa kama. Ramdam ko ang pagod at parang marami ang ginawa ko ngayong araw.
Di naman kami mayaman, di rin kami mahirap. Kumbaga simple lang pamumuhay namin. Nagtitinda si Mama ng mga Beauty Products at isang Manager sa isang kompanya si Papa. Kahit ganun, masaya kaming pamilya. Mas gugustuhin naming mamuhay ng simple kaysa maging mayaman para ipakita sa tao na meron kami na wala sila.
Bigla nalang narinig kong nag-vibrate ang cp ni Kuya. Napabangon ako sa higa at hinanap ang cp ni Kuya na keypad. Nakita kong nasa Study table niya ito.
(Author's note: Remember, year 2008, wala pang touchscreen kaya keypad palang noon.)
Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at tumungo sa kinaroroonan nito.
Nakita kong may text si Kuya galing kay...AX?!! Parang atat na atat na agad ko naman in-open para mabasa.
Ax Rezalde
Nasa harapan kami ng bahay nyo Tol! Laro daw tayo ng basketball nila Lloyd.
Akala na ako yung sinasabihan, dali-daling lumabas ako ng kuwarto at tumatakbong bumababa ako ng hagdan.
"Kuya! Kuya!!!" tawag ko habang bumababa ako ng hagdan. Ewan ko pero atat na atat akong lumabas.
Sakto naman palabas ng kusina si Mama at papunta ng kusina. Nakita naman ako nito na halatang nagmamadali.
"Anak! Baka madulas ka at mabagok ulo mo. Wag kang tumakbo." suway sakin ni Mama.
Pagkababa,"Ma! Asan si Kuya? Nag-text kasi sila Kuya Lloyd na lumabas si Kuya kasi asa labas yung kaibigan niya. Kasi magba-basketball si-la..." di ko napatuloy pa sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Kuya papasok ng bahay.
Pagtingin ko sa pintuan, kasama ni Kuya sila Kuya Lloyd at...
"Na-late kana anak. Alam na ng kuya mo na nandito sila. Bago sila maglaro, pinaghandaan ko muna sila ng meryenda nila." nakangiting sabi ni Mama."Oh! Meryenda muna kayo mga anak." sabi ni Mama nang maglakad papunta sa kinaroroonan nito.
Napa-breeze nalang ako habang nakatingin dito. Maya-maya naisapo ko nalang ang palad ko sa mukha ko at nahihiyang tumalikod ako. Di ko alam ba't nahihiya ako pero alam ko sa sarili ko na excited akong makita si Ax. Gosh! Ano nangyayari sakin? Bakit gusto ko makita ang lalaking iyon?
Lumingon ako para tingnan sila Kuya pati na si Ax. Nilapag na ni Mama yung turon sa maliit na mesa habang nakaupo sa sofa yung apat na kaibigan ni Kuya.
"Kain lang kayo. Marami pa doon sa kusina. Wag kayo mahihiya ah? Feel at home." sweet na sabi ni Mama sa mga dito.
"Salamat, Tita Nancy." sabi nila Kuya Lloyd.
Nakita naman ako ni Kuya na agad naman ako tinawag nito habang kumakain ng turon at nasa ibaba ng paa niya yung bola na tinatapakan niya.
"Klarisse, tara! Sumabay kana mag-meryenda samin. Alam kong gutom kana." tawag ni Kuya.
Nakita kong tumingin naman sila Kuya Lloyd sakin. Pag tama ng mata namin ni Ax, nakaramdam ako ng pagkailang. Napatingin nalang ako sa ibang deriksyon at di na ko mapakali. Yung puso ko parang nababaliw na naman.
"Tara, anak! Sabay kana kila Kuya mo." tawag ni Mama.
Wala ako magawa kaya dahan-dahan ako humakbang papunta sa kinaroroonan ng mga ito. Binigyan ako ng space ni Kuya sa sofa at naupo ako katabi niya.
Yung sa isang sofa na pang-isahan lang, si Kuya Brix nakaupo doon habang sumisiksik lang sa kanya si Kuya Kieffer. Yung isa rin na sofang pang-isahan, si Ax naman nakaupo roon. Sa mahabang sofa, si Kuya Lloyd at Kuya Louis nakaupo at napapagitnaan nila ako.
"Sandali at ikukuha ko kayo ng maiinom." sabi ni Mama at umalis ito dala ang tray.
Doon ulit nagsimulang nag-ingay ang mga kaibigan ni Kuya Louis at tahimik lang ako habang kumukuha ng Turon.
"Napanood ko na yung Dragon Ballz yung buong episode. Nagpabili ako ng CD kay Papa." panimula ni Kuya Lloyd.
"Di ko pa natatapos yung Hunter X Hunter. Di ko pa maisasauli sayo Bro yung CD." sabi ni Kuya Kieffer kay Kuya Lloyd.
"Slam dunk gusto ko mapanood. Tol, pabili ka rin ng CD kay Papa mo." sabi ni Kuya Louis kay Kuya Lloyd.
"Wag kayo mag-alala. Papabili ako niyon kay Papa." sagot lang nito sa mga dito.
Dahil na-o-op ako kaya naubos ko agad yung turon. Kukuha ulit ako ng turon na nasa plato nang saktong kukunin rin ni Ax yung turon na kukunin ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
Iba nalang ang turon na kinuha ko at kinagat ko iyon habang nasa ibang deriksyon ang mata ko. Kinuha na nga ni Ax yung turon na pareho sana namin kukunin. Tahimik na kumain rin ito.
Sa magbabarkada, pansin kong si Ax lang sa kanila ang pinakatahimik. Di ko pa siya nakikitang ngumiti o tumawa. Ang seryoso ng mukha niya at makikita mo talagang parang ang suplado niya.
Ang bata ko pa pati si Ax pero pagtitingnan mo siya sa bawat galaw niya, parang binata na siya. The way sa pagiging cold niya, gumuguwapo siya lalo.
Bakit iba ang epekto niya sakin? Ito na ba yung sinasabi nilang....
"Crush mo siya! Crush mo siya kaya ka nagkakaganyan." sabi sakin ni Sophie habang kumakain kami ng snack namin.
Nasa school kami at nandito lang sa classroom. Nagchi-chismisan samantala yung ibang kaklase ko naglalaro ng habul-habulan sa room.
"Crush ba tawag doon? Yan ba yung sinasabi ng iba na crush mo ang isang tao?" tanong ko. Wala kasi akong alam saka masyado pang bata ang isip ko.
"Yuyyy! Nagdadalaga na siya." kantiyaw sakin ni Sophie. Imbes kilitiin niya sa tagiliran, pinagyuyugyog niya ako. Di niya ako makikiliti kasi namamaga ang tagiliran ko.
Pinalo ko nalang ang kamay ni Sophie para tigilan niya ako sa pagyuyugyog. Binitawan naman ako nito habang tumatawa siya.
Natulala nalang ako at iniisip kung crush ko ba si Ax o hindi.
[October 23, 2009]
Pagkalipas ng isang taon, minsan nang pumupunta si Ax sa bahay. Minsan na siyang natutulog sa amin. Pag dito sya natutulog, magkatabi sila ni Kuya sa kama at ako naman sa kabilang kama. Di ko maiwasang bumangon para pagmasdan siya habang tulog.
Minsan ko na rin siyang sinisilip sa room nila. Minsan nahuhuli ako ni Kuya kung ano ginagawa ko roon, tumatakbo na ako paalis kasi ayaw ko pagalitan ako ni Kuya at ayaw kong malaman ni Kuya na may gusto ako kay Ax.
Grade 3 na ako at sila Kuya naman ay Grade 6. Sinusulit ko na ang panahon kasi malapit na sila umalis sa school. Sa ibang school na ito papasok kung saan magha-high school na sila. Maiiwan ako dito na alam kong malulungkot ako.
Hanggang sa masinsinan akong kausapin ni Kuya.
"Klarisse, may gusto ka ba kay Kuya Ax mo?" tanong ni Kuya.
Nagiging mature na si Kuya. Sa pag-iisip, pananalita, pag-aayos at sa katawan nito. Masyado na niyang inaalagaan ang sarili. Marunong na siya mag-ayos tulad ng ginagawa ng mga binata. Pati boses niya, nagbabago na rin. Nagiging ganap na binata na siya.
Sabagay, ang edad niya ay 14 na at ako naman ay 9. Kahit ganun, di pa rin nawawala sa kanya na supladuhin at asarin ako. Bini-baby pa rin niya ako.
"Ah? Kay Ax?" bahagyang nagulat na sabi ko sa sinabi nila.
"Mag-kuya ka kay Ax kasi mas matanda siya sayo. Magkasing-edad lang kami nyon. Si Kuya Ax mo lang ang di mo kinukuya pero sa amin nila Lloyd, nagku-kuya ka." saway sakin ni Kuya.
"Ayaw ko mag-kuya sa kanya." nakangusong sagot ko. Di ko magawa talagang tawaging Kuya siya. Lumalabag ang kalooban ko pag magku-kuya ako sa kanya.
"May gusto ka ba sa kanya kaya di mo magawang mag-Kuya kay Ax?" prangka ni Kuya.
Di ako umimik. Nanatiling nakatingin lang ako sa ibang deriksyon. Nakahalata na nga si Kuya na may gusto nga ako dito.
Bumuntong-hininga nalang si Kuya.
"Klarisse, di mo maaring magustuhan si Kuya Ax mo. Ang bata mo pa at di kayo pwede kasi mas matanda siya sayo." sabi ni Kuya na tumututol na agad sa nararamdaman ko kay Ax.
Nanatiling tahimik lang ako at nakatingin sa ibang deriksyon. Pero alam ko naman na bawal kasi parang Kuya ko na si Ax saka kaibigan siya ni Kuya. Sana kasing edad nalang nila ako para pwede kong magustuhan si Ax.
"Matagal ko nang napapansin na may gusto ka sa kanya. Ikaw ba laging naglalagay ng chocolate sa locker niya?" tanong ni Kuya.
Bahagyang nagulat na tiningnan ko si Kuya.
"Di ba, ikaw iyon? Klarisse, tigilan mo yang nararamdaman mo kay Ax. Masasaktan ka lang. Tahimik nga siya pero loko-loko iyan." sabi lang sakin ni Kuya."Ang bata mo pa, Klarisse. Makakahanap ka pa ng mas matino pa pag malaki kana. Wag na si Ax, iba nalang. Wag ka lang magka-crush sa kanya." patuloy na sabi ni Kuya.
"Crush ko talaga si Ax." malungkot na sabi ko sabay yuko. Kunti nalang iiyak na ako. Bakit kasi bawal? Crush ko lang naman siya.
"Lilipas rin yang nararamdaman mo sa kanya." sabi sakin ni Kuya sabay hinawakan niya ang kabilang balikat ko ng isang kamay niya.
Wala akong magawa kaya tumahimik nalang.
Lahat ng bagay na gusto mong gawin may hadlang, may dahilan na pwede at hindi pwede o di kaya may isang bagay na pumipigil sa iyo na gawin iyon at may maaring gawin iyon. Tulad nang bawal gustuhin si Ax. Di ko man alam bakit pinagbabawalan ako ni Kuya magustuhan si Ax pero yung batang puso ko, sinisigaw na patuloy ko pa rin siyang gustuhin.
Lumabas ako ng kuwarto ko habang nasa likod ang mga kamay kong may tinatago doon. Pababa ako ng hagdan at ramdam ko ang kaba nang makita ang mga kaibigan ni Kuya na nagkukulitan sa ibaba. Mas lalong kinabahan ako ng makita si Ax.
Natigilan nalang ang mga kaibigan ni Kuya nang makita akong papalapit kay Ax na abala ito sa pagbabasa ng Komiks nang...
"Ax." sambit ko sa pangalan nito. Pinipilit kong hindi kabahan kahit ang totoo, kinakabahan na ako.
Napatingin naman ito sakin. Nilagay naman niya sa maliit na lamesa ang komiks.
"Yes, Klarisse?" nakangiting tanong nito.
Close ko na rin siya at kalaro ko na siya kasi palagi siyang pumupunta dito sa bahay para makipaglaro kay Kuya ng Basketball. Masaya nga ako kasi close ko na sya at nakakakulitan pa.
Binigay ko agad sa kanya yung loveletter na ginagawa ko palang kagabi. Pinagpuyatan ko iyon para sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na crush ko siya. Si Kuya lang nakakaalam na gusto ko si Ax pero sinabihan ako na pigilan ko nararamdaman ko doon kasi bawal raw.
Alam ko bata pa ko pero crush ko siya e. Matagal na.
Tiningnan naman ni Ax ang papel na nasa kamay ko. Nagdadalawang isip pa kung kukunin ba niya iyon o hindi. Bago paman kunin iyon ni Ax, si Kuya na nakakuha non.
"Ano ito ah?!" sabi ni Kuya Louis nang kunin niya yung loveletter na para kay Ax.
"Kuya! Di sayo yan!!!" sigaw ko.
Kinuha naman ng isang barkada ni Kuya dito yung loveletter.
"Pabasa, Baby Klarisse." sabi ni Kuya Lloyd.
Nagtipon-tipon naman yung tatlong kaibigan ni Kuya at binasa.
Dear Ax,
Crush po kita, matagal na. Pwede kitang maging boyfriend ko?
From: Klarisse
Naghiyawan naman yung tatlong kaibigan ni Kuya halos napapa-wow pa mga ito.
"Ax, boyfriend daw." sabi ni Brix kay Ax sabay nagsitawa ang mga ito.
Masamang tingin na tinitigan ko ang tatlo na sila Kuya Lloyd. Wala pa rin effect ang nakakatakot kong tingin kasi pinagtatawanan pa rin nila ako.
"Sinabihan na kita, Klarisse. Puppy love yan---" di napatuloy sasabihin ni Kuya nang sumigaw ako.
"WALA AKONG PAKE!!! BASTA CRUSH KO SI AX!" galit na sigaw ko.
"Woah! Tapang ng baby natin. Bwahahaha!" sabi ng kaibigan ni Kuya
halos makatawa wagas.
"Isusumbong ko kayo kay Mama!" pananakot ko dito pero ramdam ko na na napipikon na ako sa tatlo.
"Hala kayo. Hala..." sabi lang ng tatlo na halatang nagsisihan pa maya-maya tumawa na naman ang mga ito.
Bumaling ulit ako kay Ax at nakita kong nakatingin lang ito sakin ng cold. Di ko mabasa ang ekpresyon sa mukha niya pero ramdam ko may sasabihin siyang alam kong masasaktan ako.
"Klarisse, may sasabihin ako. Wag ka sanang magagalit ah?" sabi nito nang hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
Tumango lang ako.
"May gusto na kasi ako. Sorry." prangka ni Ax.
Parang salamin na nabasag nalang ang mundo ko. Di ko alam parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko sa sinabi niya. Feeling ko kinakain na ako ng kalungkutan ko sa nalamang iyon.
"Bata ka pa. Marami ka pang makikilala. Mawawala rin yang feelings mo sakin." sabi nito sakin.
Di ko alam tumulo na ang mga luha sa mga mata ko. Naka-simangot na ako at kunti nalang bibigay na ako.
"Sorry." sabi pa nito.
Naluluhang nakatingin lang ako sa kanya. Di ko alam sasabihin ko pero ramdam ko na sagad na sagad sa puso ko ang sakit. Ganito ba masaktan? Ganito ba ito kasakit? Ang sakit pala talaga.
Ito ba ibig sabihin ni Kuya na tigilan ko ang nararamdaman kay Ax dahil babasted-in lang naman ako nito? Bakit? Bakit ang sakit.Ang sakit pala magmahal.
Lovely Adeline