Kabanata 1: The First Encounter

2863 Words
KLARISSE DEVELIA POV:) [August 19, 2007] Nagising nalang ako sa ingay sa sala. Lumabas agad ako sa kuwarto namin ni Kuya Louis nang makita ko si Mama na kakalabas lang ng kuwarto nito. "Mama." tawag ko dito habang pupungas-pungas pa. Pagkasara ng pinto ng kuwarto nila ni Papa lumapit naman sa kinaroroonan ko si Mama. Kumuha ata ito ng pera sa kuwarto nila. May bibilhin ata si Mama at mukhang may bisita kami ngayon. "Gising kana pala, Anak. Gusto mo na bang maghapunan? Gusto mo makisabay kana kila Kuya mo mag-meryenda sa sala?" sabi ni Mama. "Bakit, Mama? May bisita ba tayo?" tanong ko dito halos sumisinghot-singhot pa ako. Galing lang kasi ako sa sakit kaya masyado pang di pa ako ok. Two weeks nang di ako nakakapasok sa school at baka sa next week na ako makakapasok pa. Last year kasi panay sakit ko kaya tumigil ako sa pag-aaral at umulit ulit. Kaso mga gitna na ng klase namin, nagkasakit na naman ako. Sakitin kasi ako. Lumuhod si Mama para tingnan kung may lagnat pa ba ako o wala. Pinatong nito ang kamay sa noo ko sunod sa leeg naman. "Mabuti wala ka ng sakit. Sa susunod, wag kanang magpapaulan ah? Allergic ka sa ulan. Mabasa ka lang, may sakit kana agad." sabi lang sakin ni Mama. Suminghot muna ako bago sumagot ulit kay Mama."Opo, Mama." sagot ko. "Oh sya! Sama kana sakin pababa. Andyan mga kaklase ng Kuya mo." sabi nito sakin nang tumayo sa pagkakaluhod. "Sino? Yung tatlo ulit mama?" tanong ko dito habang salubong na naman ang kilay ko. Naiinis kasi ako sa tatlong kaibigan ni Kuya ee. Lagi nila ako pinapaiyak. Palibhasa kasi, mga unggoy yun. "Oo pero may bago silang kaibigan. Tara, nak! Papabili ako ng pagkain kay Nanay Lomeng. Mukhang kulang yung tinapay na binili ko kahapon sa Supermarket." yaya na sakin ni Mama. Si Nanay Lomeng? Yaya namin ni Kuya, siya na nag-alaga samin ng kapatid ko nung bata palang kami. Nagta-trabaho kasi noon sila Mama at Papa kaya iniiwan kami ng mga ito kay Nanay Lomeng. Tinuring na namin itong Nanay kasi pangalawang magulang na namin ito ng pamilya namin. Part na siya ng Happy Family namin. Sumunod na nga ako pababa ng hagdan kay Mama. Nakita ko na agad sila Kuya at naghaharutan na naman yung tatlong monggoloids sa sofa. At nakita ko ring may bago ngang kaibigan sila. Nakatalikod ito at nakaupo sa sahig habang nagsusulat ito sa notebook sa maliit na mesa. Bago pa man ako sumunod kay Mama papuntang kusina, napatigil ako sa paglalakad at gusto ko makita ang mukha ng bagong kaibigan ni Kuya. Di ko makita kasi nakatalikod ito. Sana lumingon ito kahit mag-side view lang siya. "Hi, Baby Princess!" bati ni Kuya Lloyd nang makita ako. Umayos naman ng upo ang dalawa na sina Kuya Brix at Kieffer. Nakangiti na nakatingin rin ito sakin. "Hello, Baby Riss." bati din ng dalawa. Tumingin naman sakin si Kuya na busy sa libro nito. Di man lang ako nito pinansin at tumutok ulit ito sa binabasa. Sungit talaga ni Kuya Louis. Ewan ko ba kung kapatid ko ba ito o di ko kadugo. Di niya talaga ako minsan pinapansin. Minsan namin magkaaway kami sa mga bagay. Sya ang number 1 enemy ko dito sa bahay. "Hmp!" sungit ko lang sa tatlo at naglakad na ako papuntang kusina. "Nanay Lomeng, sino po yung bagong lalaking kasama ngayon nila Kuya?" tanong ko kay Yaya habang nakaupo ako sa mesa at siya naman ay abala sa pagluluto ng sopas. "Iyon ba? Si Ax yun. Apo ng kapitbahay nyo. Baguhan lang siya dito sa lugar natin at new classmate ng Kuya mo." sagot nito habang ang atensyon nito ay sa ginagawa niya. "Apo ni Lola Aurora?" bahagyang nagulat tanong ko. "Oo, nak. Alam mo bang na-dengue rin iyon tulad ng Kuya Louis mo? Dalawang taon rin siyang natigil sa pag-aaral tulad ng Kuya mo kaya Grade 4 palang din siya." kwento ni Nanay Lomeng habang nilalagyan ng asin yung niluluto niyang macaroni soup. Kaya ata nagkasundo agad nila Kuya iyon kasi magkakasing-edad lang pala sila. Mula kasing ma-dengue si Kuya, tumigil rin sa pag-aaral yung tatlo na sina Kuya Lloyd kasi gusto nilang sabay sila grumaduate ni Kuya Louis. Kaya ngayon, grade 5 palang sila ee dapat First Year na sila ngayon. Swerte yung bagong lalaki na iyon kasi naging part siya ng barkada nila Kuya. Tapos saktong apo pala rin siya ni Lola Aurora. Mabait si Lola Aurora. Pag tag-bunga ng mangga, pumupunta ako sa bahay nila para humingi ng mangga at yung asawa naman niyang si Lolo Janyo ang nangunguha ng mangga. Silang mag-asawa lang ang nakatira sa bahay. Pagkakaalam ko nasa Manila ang anak nitong dalawa at may mga asawa na kaya parang ako na tinuturing nilang anak-anakan. Pitong taong gulang palang ako at malapit na rin ako mag Birthday pero kahit ganun, madami na rin alam ko sa mundo. Kaso di maiwasang sabihan ako ng ibang tao na ang bata ko pa para maging advance ang isip ko. Marami pa raw bigas kakainin ko at marami pang matututunan ko sa mundo. Di ko na kasalanan kung mas mature ako mag-isip kaysa sa kanila. "Nanay Lomeng, ang sakit ng tiyan ko." sabi ko sa Yaya ko sabay sapo sa tiyan ko. "Ano ba kinain mo kanina?" tanong nito nang lumapit ito sakin at hinilot-hilot ang tiyan ko. "Nakaka-tae ako, Nanay Lomeng." sabi ko dito kasi nakakaramdam na ako na magbabawas ako. "Sige. CR kana." sabi nito. Tumakbo agad ako palabas ng kusina at dumeretsyo sa CR para tumae. Pagkaupo ko sa toilet, bumagsak nalang yung tae ko halos sabayan pa ng otot. May nakain ata ako na di maganda ee. Nagulat nalang ako nang bumukas nalang ang pinto ng CR at tumambad nalang sakin ang isang lalaking di pamilyar sa akin. Gulat rin na nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba pa tingin nito sa akin at nakita siguro niya na nagsi-CR ako kaya lalong nanlaki mata siya. Dahil sa pagkabigla, sumigaw ako ng napakalakas. "Ahhhhh!!!" Tarantang di alam ang gagawin ng lalaki halos di niya alam kung aalis ba siya o sasaraduhin ulit ang pinto o di kaya hihingi ng sorry sakin. Dahil di pa rin siya umaalis, kung ano man nahawakan kong bagay, binabato ko sa kanya. "Bastos! Umalis ka! Umalis ka!!!" sabi ko sabay bato ng shampoo na nasa lagayan, PH care ni Mama, at Master para sa mukha ni Papa. Lahat binabato ko sa kanya, naiilagan naman niya lahat iyon. "S-sorry! Pa-pasensya na!" tarantang nautal nang sabi nito. "Umalis ka na!!!" sigaw kong napakalakas sabay bato ng panty ko sa kanya. Tumama naman iyon sa mukha niya. Sunod na binato ko ang sabon na safeguard. Tumama naman iyon sa ulo niya habang natakpan ang mukha niya ang panty kong kulay pink. Dahil doon, natumba siya. Saka na dumating doon si Nanay Lomeng pati si Kuya Louis. "Anong nangyayari dito?" tanong agad ni Kuya. "Abay! Ano nangyari ere?!!" gulat na tanong ni Nanay Lomeng. Tumayo agad ako sa pagkakaupo sa banyo at dali-daling sinara ang pinto. Naiwan ko sa labas na nakahiga sa sahig yung lalaking nanilip sakin. Lumabas ako ng CR na naka-short lang at walang suot na panty. Naalala ko, binato ko pala iyon sa lalaki at saktong tumama iyon sa mukha nito. Siguro yung lalaking iyon, iyon na yung bagong kaibigan at kaklase nila Kuya. Haysstt! Unang encounter palang namin, iyon na agad nangyari? Di ko na magiging close iyon dahil nakakahiya yung ginawa ko sa kanya. Di tulad kila Kuya Lloyd kahit masyado nila akong inaasar pero close ko pa rin sila dahil Kuya na ang turing ko sa kanila. Paano ba ito? Siguro pag malaki na ako at dalaga na ako, iyon ang bansag niyon sakin. Sasabihan nila ako, "Tae pa more!" o kaya "It's start in the CR". Kainis di ba? Bakit kaya? Ang bata ko pa pero ang ingay ko magsalita ng mga ganito. Saka ang mature ko na din mag-isip. Akala mo marami na alam ko sa mundo. Masyado rin akong madaldal na bata. Tumakbo agad ako paloob ng kusina. Ayaw ko makita ako nila Kuya. Siguradong pagtatawanan nila ako. Kakahiya talaga. Naabutan ko naman doon si Mama at Nanay Lomeng na panay tawanan akala mo wala nang bukas. "Andyan na pala si Miss CR. Hahaha." pungad palang sakin ni Nanay Lomeng, pang-aasar na nang makita akong pumasok sa kusina. Argh! Nakabusangot na naupo ako sa upuan habang nakatingin ng masama sa ibang deriksyon. Sa totoo lang, nahihiya ako sa nangyari kanina. Feeling ko, nakakatawa talaga yung ginawa ko. "Kakatawa ka anak! Hahaha! Kinuwento sakin ni Nanay Lomeng mo ang nangyari. Hahaha! Ang sakit sa tiyan. Hahaha!" sabi lang ni Mama nang ilagay niya sa tray yung macaroni na nasa platong malalim at di matigil sa kakatawa. "Sigurado akong nagka-phobia na iyong si Ax. Hahaha!" sabi ni Nanay Lomeng at tumawa rin. "Ano ba yan?!! Eh! Itigil nyo na yan!!! Inaaway nyo ko ee." naiiyak ko nang sabi kila Mama. "Hahaha! Anak, naka-panty ka ba?" imbes tanong ni Mama. Umiling ako. Mas lalong tumawa silang dalawa. Tiningnan ko silang masama dahil naiinis na ako. Napipikon na ako sa kanilang dalawa. Gusto ko na talaga magwala, kunti nalang talaga iiyak na ako. "Kunin mo doon kila Kuya Louis mo. Panigurado, pinagkakaisahan na nila yung panty mo. Hahaha!" utas ni Mama sabay tawa ulit. "Mama naman ee! Isusumbong kita kay Papa. Waaahhh wahhh!!!" iyak ko na halos nagdadabog na ako habang nakaupo. Pinagsisipa ko yung upuan na nasa tabi ko. "Uy! Umayos ka dyan, Klarisse. Ok lang yan. Bata ka pa naman. Basta pag dalaga kana, wag mo na yun ulit gagawin. Hahaha!" sabi ni Mama at humagalpak na naman ng tawa. Tumigil naman ako sa pag-iyak. Pinunas ko lang ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko. Ewan ko pero naiinis ako kay Mama. Anak ba niya ako? Bakit parang inaasar niya ako? "Tara, anak! Kunin natin yung panty mo doon kila Kuya Louis mo. Dadalhin ko rin iyong meryenda nila." yaya sakin ni Mama nang hawak na niya yung tray na may limang platong malalim na naglalaman ng macaroni soup. "Mama, kaw nalang." sabi ko pero sa totoo nahihiya ako kaya ayaw ko pumunta doon. "Tara na! Wag kana mahiya." sabi sakin ni Mama. "Ayaw!" aburido ko. Nag-cross arms ako sabay pout. "Bahala ka dyan. Kunin mo nalang." sabi nito at lumabas na ng kusina. "Mama naman ee! Kunin mo na kasi! Isusumbong kita kay Papa mamaya." pagalit na turan ko sabay banta pa kay mama. Walang nangyari. Di kinuha ni Mama yung panty ko doon nang makabalik siya ulit dito. Nandito lang ako sa may pinto at sinisilip sila Kuya sa sala. Abala si Kuya sa libro nito habang nagsusulat yung lalaking naka-encounter ko kanina sa CR. Samantala yung tatlo, nagkukulitan pa rin sa kama. Kakatapos lang nila mag-meryenda. Tinitingnan ko lang sila at pilit hinahanap yung panty ko kung nasaan nakalagay o nakatago. "Anak, pumunta kana doon. Wag kana mahiya. Maiintindihan ka naman nila kasi bata kapa. Wag kana mahiya. Kunin mo na doon." sabi sakin ni Nanay Lomeng habang naghuhugas siya ng pinagkainan nila Kuya Louis. "Nahihiya po ako, Nanay." nakangusong sabi ko habang nakatanaw pa rin kila Kuya. "Mabait naman si Ax. Di ka nun tatawanan. Natural na yan. Wag kana mahiya." sabi lang nito sa kanya. Tiningnan ko muna si Nanay Lomeng pero maya-maya napag-isip ko na kunin ko nga. Sabagay, tama si Nanay Lomeng kasi bata pa ko. Ok lang iyon makagawa ng kahihiyan. Buti nalang bata pa ko. Kung dalaga na ako, siguradong kahiya-hiya talaga akong tao. Sinulyapan ko muna yung lalaking nangangalang Ax at iniisip kung lalapitan ito para kunin ang panty o pabayaan nalang. Di naman niya naririnig na pinag-uusapan siya ng magbabarkada kaya napag-desisyunan niyang kunin nga dito. Tahimik na naglakad ako papunta sa kinaroroonan nito. Nang nasa tapat na ako nila Kuya at nung Ax na iyon, mahinang boses na tinawag ko si Kuya Louis. "K-kuya." bahagyang nautal na tawag ko. Napalingon naman si Kuya pati sila Kuya Lloyd. Dahan-dahan rin, iniangat nung Ax na iyon ang ulo niya at tiningnan ako. Bahagyang nakita kong namumula ang noo nito dahilan binato ko sa kanya yung sabon na safeguard. "Kuya, panty ko p-po?" bahagyang nahiya na tanong ko pa rin habang nakayuko at feeling ko namumula na ako sa kahihiyan. Di ko alam kung tama ba yung sinabi ko o dapat ibang words ang ginamit ko. "Ah! Ito!" sabi nung Ax na iyon at kinuha sa gilid yung panty ko nga. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan inilapat nito ang kamay kung saan nandodoon ang panty kong pink. Slow motion ang lahat na inilapat ko rin ang kamay ko para kunin ang panty ko na nasa palad nito. Parang kuryente nalang ang naramdaman ko nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya. Bahagyang nanlaki mata ako nang napatitig dito. Di ko alam parang may weird nalang kumbaga sa paligid ko. Parang lahat tumigil ang mundo. Siya lang nakikita ko at kumikislap siya sa kaguwapuhan niya. May lumilipad na paru-paro sa tiyan ko na di mo maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Di ko namalayan, tumitibok na pala ng kalakas ang puso ko. Ito ang unang tumibok ang puso ko dahil sa pag-ibig. Malalim-lalim na rin ang gabi at balak ko nang matulog. Nakahiga lang ako sa kama habang pinagmamasdan si Kuya na nasa study table nito habang nakatutok sa libro pa rin nito, nagsusulat sa notebook. Nakahiga lang ako patagilid at di ko maiwasang maisip si Ax. Di ko alam bakit di ko magawang mag-kuya sa kanya. Siguro, di pa ko sanay kasi kakakilala ko lang doon. Saka ang weird pa rin yung kakaibang nangyari sakin kanina. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa nakaramdaman ako kanina na may lumilipad na paru-paro sa aking tiyan noong mga oras iyon. Gusto ko ulit maramdaman ukit iyon dahil nawi-weirduhan ako dahik doon. Di ko rin maiwasang pagmasdan ang kanang kamay ko. Naalala ko pa rin yung weird na nangyari kanina. Nakaramdam ako ng kuryente nang magdikit ang kamay namin. Saka yung slow motion na iyon at pagkikislap niya sa mata ko. Saka yung puso ko lakas makatibok. Ewan! Ang weird lang talaga. "Klarisse, papasok kana ba bukas?" tanong nalang ni Kuya. Pagkasabi niyon, tumigil ito sa ginagawa at tiningnan ako nito mula sa kanyang likuran. "Oo na raw po sabi ni Mama, Kuya. Ok na po ako." sagot ko dito. "Ah sige. Matulog kanang maaga. Maaga kasi ako gigising kasi tatapusin ko nalang sa school yung ibang tatapusin ko pa." sabi nito. "Ok po." sagot ko at nahiga na patalikod dito. Ewan ko kung Project ba yung kinaabalahan ni Kuya. Siguro, may nire-research lang siya at irereport nila bukas? Baka nga! Makatulog na nga. Alas sais palang ng umaga, palabas na kami ni Kuya sa bahay para pumasok na sa school. Nasa labas na si Manong Jose, hinihintay na kami. Driver namin siya at hinatid-sundo kami nito ni Kuya sa school. Pagkalabas namin ni Kuya sa gate, saktong lumabas rin ng gate si... "Ax!" tawag ni Kuya dito. Paktay! Ayan na naman! Walang mukha akong ihaharap. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kahapon. Huhuhu. Nararamdaman ko na naman yung weird na nararamdaman ko. Habang papalapit siya sa kotse namin, slow motion na nasilayan ko ang pag-ngiti niya, paggalaw ng mga buhok niya at dahan-dahan na paghakbang na papunta sa amin. Yung puso ko, kumakalabog na naman na kung pwede lumabas na ito para tumalon-talon. Nang makalapit, nag-sign sila sa kamay na di ko alam bakit sila nag-gaganun. Siguro yun ang kamustahan nila. Nginitian lang ako nito nang bumaling ang tingin niya sakin maya-maya bumaling ulit ito kay Kuya. "Tapos na yung irereport natin?" tanong nito kay Kuya. "Tapos na. Na-research ko na. Isusulat nyo nalang nila Lloyd sa Manila Paper." sagot ni Kuya dito."Tara! Alis na tayo." yaya ni Kuya Louis. "Wait!" pigil ko. Takang tiningnan ko si Ax."Sasabay siya sa atin, Kuya?" tanong ko with taas kilay pa. "Oo, palagi na siya sasabay sa atin." sagot ni Kuya. "Ngek!" sa loob-loob ko nalang. Parang bumagsak nalang ang mundo ko sa nalaman. "Tara na! Mali-late na tayo." yaya na ni Kuya. Sumakay na nga kami. Papasok na sana ako sa back seat nang pigilan ako ni Kuya. "Doon kana sa unahan, Klarisse. Ako na dito." sabi ni Kuya sakin. Napa-pout na wala akong nagawa kaya pumunta ako sa unahan at doon umupo. Mas gusto ko nakaupo sa back seat ee. Iyon ang upuan ko at mas komportable ako kaysa sa unahan. Tiningnan ko sila sa likuran habang kunot na kunot ang noo ko. Tiningnan lang ako ni Ax at nang makita niyang kakaiba ang tingin ko, umiwas nalang siya ng tingin at nagkunyari na nakikinig siya sa kinukwento ni Kuya. Umayos na ako pagkakaupo habang naka-cross arms ako. Di ko maiwasang maging maldita dahil nagtatampo pa rin ako. Siguro, pag palagi nang sasabay samin si Ax, sa unahan na ko uupo. Wala akong magagawa dahil si Kuya masusunod dahil siya ang panganay sakin. Gusto ko pa naman sa likod pero wala akong magagawa. Tahimik na umalis na nga kami. Lovely Adeline
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD