Ewan ko, baliw na nga ako, mas lalo pa akong binabaliw ni Sir Mirko. Muli akong nag-iwas ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin ang ibang bagay. Kalaunan nang ibalik ko rin kaagad kay Sir Mirko ang atensyon nang may maisip. Umawang ang labi ko sa balak na itanong sa kaniya, ngunit naitikom din nang bulgar niya akong pagmasdan. Napansin ko pa ang simpleng pagdila nito sa natutuyong labi. Hindi maiwasan ay napatitig ako roon. Kung anong lakas ng t***k ng puso ko ay siya ring hirap ko sa paghinga. "Wala po ba kayong asawa?" Sa wakas ay naisatinig ko na ang katanungang bumabagabag sa akin. Hindi ako nagkaroon ng oras para magtanong kanina kay Mikaela dahil abala ako sa pagpapatahan sa kaniya. Nawala na rin iyon sa isip ko at ngayon ko na lang ulit naalala. Sa sinabi ko pa ay kumibot a

