Sa paglabas namin ni Mikaela sa unit para makapasok na ito sa school ay siya ring labas ni Mirko, aniya ay gusto nito ulit makisabay sa amin kaya hinayaan ko na rin. Tatlo kami ngayon na pababa sa parking lot, tahimik lang kami ni Mirko nang makapasok sa loob ng elevator at tanging si Mikaela lamang ang nagsisilbing ingay namin doon. Pinakiramdaman ko si Mirko na naroon sa kabila, nasa gitna kasi namin si Mikaela. Nang lingunin ay nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nakatingin pala siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin ang repleksyon ko sa mala-salamin na haligi ng elevator. Hindi pa nagtagal nang bumukas iyon. Iniluwa kami sa basement kung saan alam ko ring naghihintay na si Manong, deretsong lumabas si Mikaela at patakbo pa nitong tinungo

