"I'm so happy for you, Venice," madamdaming pahayag ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Venice Sandoval— ang naturingang ate ng kambal na sina Travis at Trevor. Siya ang ikakasal sa noo'y mortal enemy niya na si Lemuel Ortiz, o mas kilala sa palayaw na Leo. Dahil kapatid nito si Trevor ay imbitado ako sa kasal, kaya ngayon ay nakasuot ako ng kulay pink na gown. Ito ang wedding motif na napili nila, since pink ang favorite color ni Venice. Ang sabi pa nito— it symbolizes youth, good health, and kindness. Sa ilang taon na hindi magkasundo ang dalawa, ngayon lang silang nagkaisa na mag-isang dibdib. Kwento pa ni Trevor, si Leo ay isang naturingang playboy of the town, samantala ay cheater naman ang naibansag kay Venice. Hindi ko nga lubos akalain na ang pinagtaksilan pala ni Venice ay

