Sa higit kumulang isang taong lumipas, wala akong ibang ginawa kung 'di ang magsumikap sa buhay, sa tulong na rin nina Inay at Itay, pati nina Travis at Trevor. Nakakatuwa ngang isipin, wala naman talaga akong naturingang kaibigan noon pero heto at parang hulog ng langit sa akin ang dalawang kambal, na hindi ko lubusang maisip kung paano kami humantong sa kasalukuyang nangyayari. Dagli ko pang naalala iyong unang tagpo namin ni Travis, kung saan magiging customer ko sana siya, mabuti na lang at naudlot. Nagkaroon pa ng pangalawang pagkakataon para muli kaming magtagpo sa hospital. Samantalang si Trevor na dapat ay magiging boss ko noon sa trabaho ay naudlot. Hindi ko nga inakala na ito pala ang kahahantungan namin, sobrang saya ko na nakilala ko silang dalawa. Siguro ay hindi sapat an

