"Sir Trevor, nandito ka ulit," gulat kong bigkas nang makababa ako sa sala. Pasalamat na lang talaga ako kay Inay, ang laking tulong sa akin iyong heart to heart talk namin noong nakaraang gabi at heto nga, nagagawa ko nang makalabas ng kwarto. Madalas pa ay ako ang nag-aasikaso kina Benedict at Bryan, bago sila pumasok sa school. Nagluluto ako ng pwede nilang baunin, iyon bang katulad noong ginagawa ko sa panahong katulong pa ako. Mas itinuon ko na lamang din ang sarili sa pag-aasikaso kina Inay at Itay, sa paggawa ng mga gawaing bahay. Hindi ko hinayaang mabakante ako, para wala akong oras na makapag-isip. Minsan pa ay nagagawa kong makisabay sa pagzu-zumba ni Inay, dito lang din mismo sa sala habang may malakas na musika. Sabi niya kasi ay mas makakatulong iyon sa akin. At iyon nga

