Chapter 1

1700 Words
WARNING: Mature Content | R18 Victoria Santiago Kagat ang pang-ibabang labi habang pikit ang mga matang tinatanggap ko ang bawat ulos na pinapakawalan ng lalaking kaniig ko. Nakakatawa lang na hindi ko man lang ito kilala o kahit ang pangalan niya. Nasa ibabaw ko ito at walang ingay akong inaangkin nang paulit-ulit hanggang sa magsawa na lang ito sa katawan ko. Sa akin siya sa gabing iyon at pagmamay-ari naman niya ang katawan ko. Kaya wala akong karapatan na mag-reklamo laban sa kaniya. Wala sa sariling napangiwi ako, kasabay nang pag-ulos ng lalaki, na imbes na ungol ang pakawalan ay purong luha ang lumalabas sa dalawang mata ko. Tahimik akong umiiyak, ni wala akong maramdamang sensasyon sa kabuuan ko. Mabigat ang puso ko, gayunpaman ay kailangan ko itong gawin, kailangan ay matapos ang gabing ito na masaya ang lalaki. Naisip ko na lang— na pagkatapos nito ay babayaran naman niya ako ng malaking halaga kaya pikit mata ko na lang ding pinagbibigyan ang lalaki, pati ang kagustuhan niya. Saan ko ba ito nakita? Saan ko nga ba siya nakilala ulit? Ah, oo nga pala— sa isang bar. Basta na lang kasi ako nitong hinila sa Virgin's Club na iyon, kung saan magiliw akong nagsasayaw sa salin ng malanding musika at sinabing ite-take out niya ako. At sino ba naman ako para tanggihan ito? Ito ang napili kong trabaho. Ang maging pokpok sa lansangan. Ang babaeng haliparot at kung sinu-sinong lalaki ang natitikman. Kahit labag sa kalooban ay nagawa ko na lamang lunukin lahat ng mayroon ako para maisalba ang pamilya sa kahirapan, para makakain kami sa isang araw kahit isang beses lang. Alam ko naman ang kapalit ng pagtatrabaho ko sa ganitong industriya— bukod na inaalay ko ang kaluluwa kay Satanas ay samu't-sari rin ang nanghuhusga sa akin. Tao lang din ako, nagkakamali pero ano pa bang magagawa ko? Tumagal ako sa club na iyon nang higit isang taon, ngayon pa ba ako aayaw? Ngayon pa kung kailan unti-unti ay nakababawi ako? Kalaunan nang magmulat ako nang maramdamang tapos na ang lalaki sa ibabaw ko, dahilan para lingunin ko ito nang tumayo siya saka nakaupo sa dulo ng kama habang sumisimsim ng alak. Sa isang kamay naman nito ay ang may sinding sigarilyo na paulit-ulit niyang hinihithit-buga kaya wala sa sariling napairap ako. Ngumiwi pa ako sa reyalisasyong matanda ang nakakuha sa akin ngayon. Pagak akong natawa sa sarili at dahan-dahan na hinila ang puting kumot upang ipantakip sa hubad kong kabuuan, sa lupaypay kong katawang lupa na ilang beses ginamit at pinagsawaan. Maya-maya lang din nang muli siyang tumayo saka madaliang pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Matapos makapagbihis ay tuluyan na itong humarap sa akin. Doon ay mas lalo kong nakita ang itsura niya, hindi naman siya ganoon katanda. Siguro ay nasa lima hanggang sampu ang agwat ng edad naming dalawa. Hindi siya gwapo, mayaman lang. Iyon naman talaga ang puntirya o ang pinaka-target ko bilang pokpok— ang mga lalaking matatanda at mapera, swertihan na lang kung makahanap ka ng lalaking gwapo na kukuha sa 'yo bilang escort. "We're done. You're great," baritonong saad ng lalaki na tinanguan ko na lang. "Thank you, see you when I see you." Kinindatan pa ako nito na parang kinikilig ako sa sinabi at ginawa niya. Diyos ko, kilabutan naman ito, mas kinabahan pa ako kaysa maging matuwa. Akala siguro nito ay masaya ako na nakaniig ko siya sa gabing ito, tch. Wala na akong lakas para magsalita pa, ni hindi ko kayang igalaw ang katawan, kahit ang mga binti ko na nanginginig pa rin sa katatapos na orgasmong halos hindi ko na mabilang. Sa totoo lang ay magaling ito sa kama kahit sa ganoong edad, wala na nga akong ibang ginawa kung 'di ang tumihaya at tanggapin na lang ang bawat indayog niya sa katawan ko. Masyadong malakas ang istamina nito, paano at hindi maipag-aakilang isang kano itong nahulog sa alindog ko kanina habang nagsasayaw sa gitna ng stage. Nakakatawa ngunit nadidismaya ako para sa sarili ko. Gumalaw ang lalaki at hinugot ang wallet na siyang nasa bulsa ng pantalon nito, saka pa naglabas ng ilang pares ng isang libong piso at inilapag sa mesang katabi ng kamang hinihigaan ko. Hindi na ito nagsalita hanggang sa makaalis na siya sa kwartong iyon at tuluyan na akong iniwan na wala ring imik. Tanging pagtitig na lang sa puting kisame ang nagawa ko sa mga nalalabing oras. Sa ilang beses akong naangkin ng ilang kalalakihan, bakit pakiramdaman ko ay paulit-ulit pa rin akong hinahabol ng konsensya ko? Bakit parang bago pa rin ito sa akin at hindi ako masanay-sanay? Wala sa sariling napabuntong hininga ako, ilang sandali pa nang lingunin ko ang perang iniwan ng lalaki at mapait na napangiti saka dahan-dahan na inabot iyon, mahigpit ko itong hinawakan. Para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat. Kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbebenta ng sarili, kaluluwa o ng katawan ko. Para kay Inay, sa dalawa kong kapatid ay kakayanin ko lahat. Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko dahil para sa akin, hindi naman mabubuhay ang isang tao kung mananatili lang itong walang gagawin para umusad sa buhay. Ipinanganak akong mahirap pero ipinapangako kong mamamatay ako sa mundong ito na hindi na maghihirap. Mamamatay ako na kahit papaano ay nakaramdam ng ginhawa sa buhay. Kung kaya ko ay kakayanin ko hanggang kaya pa ng katawan ko— mabubuhay ako na kasama ang pamilya ko. Mabubuhay kami sa paraang gusto ko. Sa paninitig sa kawalan ay hindi nakatakas sa mata ko ang isang butil ng luha na dumaloy sa pisngi ko at hindi ko na lang iyon pinansin o pinunasan man lang. Para saan pa 'di ba? Kanina pa ako umiiyak sa sakit pero kapag usapang pamilya ay hindi ko maiwasang mas masaktan at mahabag ang damdamin. Mas masakit kapag sila ang naiisip ko sa mga ganitong sitwasyon. Ewan ko, kilala ako nang karamihan bilang palabang babae at walang kinatatakutan ngunit ibang usapan kapag pamilya na, pakiramdam ko ay nanghihina ako— literal na sila ang kahinaan ko. Sa gabing iyon ay hinayaan ko ang sarili na magmukmok hanggang sa mauwi sa mahinang paghikbi. Matagal ko nang kinikimkim kung anong estado ng buhay ko ngayon. Walang alam ang dalawa kong nakababatang kapatid na sina Bryan at Bernard, hindi naman nila iyon maiintindihan dahil wala pa sila sa hustong edad. Kahit si Inay na ngayon ay may sakit sa puso at kailangan maagapan kaagad. Ayaw ko rin namang sabihin dahil baka mabigla ito. Isa pa, baka imbes na magpasalamat pa sa akin dahil kumikita ako ng pera ay baka magalit lang iyon at mapalayas ako nang wala sa oras. Ayaw kong mangyari 'yon, kaya hangga't kaya kong itago at ilihim ay gagawin ko dahil para rin naman ito sa pamilya niya— sa pamilya namin, sila ang dahilan kung bakit nasa ganito akong sitwasyon. Nakakatuwa nga naman kasing isipin na kung sino pa 'yong taong mas nangangailangan ng pera ay iyon pa ang mga naghihirap. Bakit ganito? Ang unfair lang ng mundo. Samantalang ang mga mayayaman? Saan nga ba napupunta ang pera nila? Waldas dito, waldas doon. Puro luho ang inaatupag, hindi inaalala ang mga kapos-palad na nangangailangan ng tulong. Kami na isang hamak na mahirap? Nagtitiyaga sa ganitong trabaho? Namamalimos ng pera? May maipangkain man lang, kahit hindi na tatlong beses sa isang araw. Kahit hindi na makapagmeryenda, mairaos man lang ang isang araw na hindi kumakalam ang tiyan o nagugutom. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang tumayo, nanghihina man at nanginginig ang mga tuhod ay nagawa kong pulutin ang damit kong naroon sa sahig. Isa-isa ko iyong isinuot hanggang sa mapaupo ako sa isang upuan katapat ng malaking salamin. Doon ay pinakatitigan ko ang sariling reflection saka pagak na natawa sa nakita. Animo'y pinagsakluban ng langit at lupa, hindi mawari kung nakipag-away ba ako o kung ano man ang nangyari. Malaki ang eyebags ko at tanging eyelash extension na lang ang natira sa make-up ko. Nabura na iyon kanina kahahalik sa akin ng lalaki, wala na sa ayos ang buhok ko kasasabunot, para akong binugbog dahil ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawang lupa ko. Bumaba ang paningin ko sa suot kong maikling dress, may hati iyon sa gitna kaya halos lumawa ang parehong dibdib ko, pati ang hita ko na kalahati na lang ang natatakpan. Napalunok ako bago kinuha ang itim na tuxedo na naroon sa gilid ng lamesa na naiwan ng lalaki kanina, ito rin ang ibinigay niya sa akin nang yayain ako nitong lumabas para dalhin sa motel. Ang gentleman, ano? Pero s*x lang naman ang habol. Sandali kong inayos ang mukha ko, tuluyan ko na ring tinanggal ang eyelash extension ko at basta na lang itinapon. Kumuha ako ng tissue upang ipampunas sa mukha kong tila namantyahan. Matapos iyon ay tumayo na rin ako kaagad, ayokong magpaabot ng liwanag sa daan lalo pa't alas kwatro na ng umaga. Madalian ko lang kinuha ang sandals ko at hindi na nag-abala pang isuot iyon. Hawak-hawak ko ito hanggang sa maisarado ko ang pinto, tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon. Mapait akong napangiti sa reyalisasyong isang pangyayari na naman ang kailangan kong ibaon sa limot. Dahil ngayon ay panibagong araw na naman ang kahaharapin ko, panibagong pagsubok at paghihirap. Tch, hanggang kailan ba ako magiging ganito? Infairness naman, nakakapagod. Sa buhay kasi ng isang tao, hindi mo masasabi kung ano ang pinagdadaanan nila sa isang tingin mo lamang, parang exam lang— hindi mo iyon masasagutan ng tama kung manghuhula ka lang. Kaya walang karapatan ang isa sa atin na husgahan ang sariling kapwa gayong wala naman tayong alam sa buhay na pinagdaraanan nila, wala tayo sa sapatos na suot nila. May kaniya-kaniya tayong buhay. Iba-iba ng kinalakihan— may mayaman, may sobrang yaman. Mayroon ding katamtaman, may mahirap at may sobrang hirap kagaya ko. Hindi man pantay-pantay ang estado sa buhay pero pare-pareho tayong tao at iisa ang lupa at mundong ginagalawan. At ito ang buhay ko, ako si Victoria Ellena Santiago. Victoria sa umaga ngunit mas kilala bilang Magdalena sa gabi, ang babaeng walang pag-aalinlangan na paliligayahin ang malungkot mong gabi— always at your service.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD