Chapter 2

1852 Words
I was busy doing my make ups— charot! Inglesera lang ang peg? Narinig ko lang iyan sa katabi kong bihasa sa pananalita ng ingles habang may kausap sa kaniyang cellphone. Napaismid ako bago pinahid ang lagpas-lagpas na lipstick sa labi ko gamit ang tissue. Bahagya pa akong ngumuso, tila ba nagpapa-cute sa isang kano, inihahanda rin ang sarili para mamaya. Inayos ko ang suot na halter dress, may mahabang hati ito sa gitna dahilan para lumitaw ang cleavage ng dibdib ko na siyang puhunan at pinagmamalaki ko talaga. Matapos iyon ay nginitian ko ang sariling repleksyon sa salamin, mula pa rito ay kitang-kita ko ang ilang kasamahan na abala rin sa pag-aayos ng sarili. Kaniya-kaniya silang gamit at ayos ng mukha. "Hoy, Magdalena!" Sa sigaw na iyon ay halos sabay-sabay din kung magsilingunan ang mga babaeng naroon sa kararating lang, mabilis ang lakad niyang lumapit sa kinaroroonan ko at nakapamaywang pa akong tinitigan mula sa salamin. Hindi ako si Magdalena pero iyon kasi ang tawag sa akin dito, bilang codename na rin para maitago ang totoong pagkakakilanlan ko. Napangiwi ako at bulgar siyang inirapan. Ito ang siyang tinatawag naming manager kuno sa club na ito— si Madam Kikay. Akalain mo bang mayroon pala no'n sa ganitong klase ng trabaho? Nga naman, nakalimutan kong isa nga pala itong sikat at kinikilalang club sa buong Pilipinas kung saan matatagpuan ang naggagandahan at nag-uumapaw sa alindog na mga babae na kinabibilangan ko. Well at least, maipagmamalaki ko iyon dahil isa lang naman ako sa pinipilahan ng mga lalaki rito na dumadayo pa para mai-take out ang isang kagaya ko. I'm still bless though. Ngumisi ako. Iyon kasi ang pinaka-advantage ko sa iba ko pang mga kasamahan kaya hindi malabo na kinaiinggitan ako ng ilang babae sa club na ito. Hindi na ako nagtataka kung wala akong maturing na kaibigan dito. "Bakit hindi ka sumasayaw ngayon, huh? At talagang prente ka pang nakaupo riyan? Baka gusto mong bawasan ko ang sahod mo, ano?" talak nito dahilan nang muli kong pag-irap sa ere. Teka lang, pwede? Kitang nag-aayos pa ako rito. Hindi na talaga bago na sa isang kumpanya ay mayroong tinatawag na "favoritism"— ngunit sa akin paborito akong ipahiya kaya ganoon na lamang din ang inis ko rito. Nakakagalit lang ang ugali niya pagdating sa akin. Hindi siya ganiyan sa ibang kasamahan ko, ako lang yata ang namumukod tangi. Rason iyon upang maisali ko siya sa mga taong naiinggit sa akin, sa mga taong gusto akong hilain pababa. Napabuga ako sa hangin saka tuluyan nang hinarap ang kabayong kanina pa nag-iingay. Dahan-dahan pa akong tumayo mula sa pagkakaupo at taas noong hinarap ito na kanina pa matiyagang naghihintay ng isasagot ko. Sa boses pa naman nito ay talagang maririndi ka sa sobrang tinis at arte kung makapagsalita. Paulit-ulit ko itong minumura sa isip at kung talagang nakamamatay nga lang ang pagtitig ay kanina pa ito nakabulagta sa harapan ko. Samatantala ay magsisindi na lamang talaga ako ng kandila at magsasaya sa pagkawala niya. Matagal ko nang gustong katayin ito pero wala sa bokubularyo ko ang pumatay, huwag muna ngayong may kaunti pa akong pasensya. "Pagod ako," kaswal na sagot ko at halatang nabuburyo, kinurap-kurap ko pa ang mga mata kong mapupungay dala ng puyat kagabi. Though, sasayaw naman talaga ako, ayaw ko lang nang pinapangunahan ako. Ayoko ng mga pala-desisyon sa buhay. "Aba, wala akong pakialam! Magtrabaho ka! Hala, sige, pumunta ka roon sa harapan at sumayaw! Imbyerna ka! Lumalaki na ang ulo mo porket ikaw ang starlet sa club na 'to!" singhal niya sa akin, kulang na lang ay lumuwa ang parehong mata nito sa sobrang panlalaki. Napapikit ako sa sobrang inis, pilit na pinipigilan na huwag upakan ang baklang ito. Kung hindi lang talaga malaki magpasahod ang club na 'to ay matagal na akong umalis. Isama pa na may kalakihan din magbigay ng tip iyong mga nagiging customer ko sa club. Additional na lang na gwapo at yummy dahil galing sa mga mayayamang pamilya. s**t, nakakainis na ang baklang 'to! "Ano na? Baka gusto mong tanggalin na kita ngayon mismo, Magdalena?" galit na galit na singhal nito sa akin nang hindi ako sumagot. Ilan sa mga taong nakapaligid sa amin na nakaririnig ay napapalingon sa gawi namin pero isinawalang bahala ko iyon. Bagkus ay huminga ako nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sa pagdilat ko ay tiim bagang kong pinakatitigan ang kabuuan ni Madame Kikay. "Tanggalin mo, hindi naman ako natatakot," may kalakasang sambit ko kasabay nito ay pagak akong napatawa. Sino bang niloloko ng baklang 'to? "Sino ba ang mawawalan sa atin? Hindi naman ako, hindi ba? Dahil sa pagkakaalam ko ay ako lang naman ang nagdadala sa club na 'to. Halos araw-arawin na nga ako ng mga lalaki rito, samantalang iyong iba? Nganga," maangas na dagdag ko na siyang pinaabot ko pa sa mga babaeng naroon. Hindi ako takot. Aanhin ko ang lugar na 'to na purong kaplastikan ang nasa paligid— basurahan nga kung maituturing. Ayoko man sana ay hindi ko na napigilan pa ang sumagot dito dahil parati na lang ako ang nakikita nito, para saan pa't tinanggap ako rito kung ganito lang din naman pala kung ituturing at tatratuhin ako? Palibhasa ay mga inggitera at walang mga magawa sa buhay ang ilan sa mga katrabaho ko. Nakakaloka lang na higit isang taon akong nagtitimpi, ubos na ubos na ang pasensya ko sa kanila. Sa sinabi ko ay kitang-kita ko ang pagkalaglag ng panga ni Madame Kikay, mayamaya pa ay may kalakasan ngunit mabagal siyang pumalakpak sa hangin, animo'y nang-uuyam. "Ang kapal. Ang kapal talaga! Hoy, Magdalena, ipapaalala ko lang sa 'yo na naitayo itong club na 'to noong wala ka pa. Kumikita ng higit sa milyon. Kaya wala kang karapatan na ipamukha sa akin na ikaw ang nagdadala. Hello? Gising uy, huwag kang masyadong mayabang baka hindi mo rin kayanin. Oo at maganda ka, sexy ka, pinipilahan pero ito ang tandaan mo, isa kang pokpok kaya natural na iyon. Trabaho 'to, Magdalena, hindi paligsahan at isa ka lamang hamak na bayaran!" pagdidiin nito na siyang lalong ikinainit ng ulo ko. Huli na nang ma-realize kong lumapat sa mukha ng bakla ang kanang palad ko. Gulat at nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa akin, hindi makapaniwala sa ginawa ko. Umawang ang labi ko pero ni isang salita ay walang lumabas doon, parang manghang-mangha pa ako at hindi rin makapaniwalang sinampal ko ang taong nagpapasahod sa akin. Shit, achievement unlocked! Oo nga at isa akong bayarang babae o puta kung maituturing, isang pokpok para sa karamihan. Maduming babae at salot sa lipunan pero sino ba sila para husgahan ako, hindi ba? Alam ba nila ang kwento ng buhay ko? Alam ba nila pamula ulo hanggang paa kung ano ang pinagdadaanan ko sa buhay? Sino ba sila para ganoon na lang ako kung laitin at maliitin? Maaaring kilala nila ako bilang si Magdalena, pero kailanman ay hindi nila kilala ng husto ang nakapaloob sa pangalang Victoria Ellena Santiago. Sa kung sino ba ang totoong ako at ano ang totoong buhay ko sa labas nitong club. Alam kong hindi marangal ang pinasok kong trabaho. Kaya pasensya na, tao lang din. Ako ang nagdesisyon no'n. Isinugal ko ang buhay at katawan ko para sa trabahong ito kaya walang karapatan ang sino man na husgahan ako. Labas na sila sa buhay ko dahil ako rin mismo, wala nang pakialam sa kung anong nangyayari sa buhay ko. "Wow!" Nang makabawi ay nagsalita na rin si Madame Kikay na gulat na gulat pa rin. "Hindi ko akalain na kakainin ka na ng sistema. Ang layo ng nilipad mo, Madalena. Hala sige, lumayas ka at huwag ka nang babalik dito dahil sinisigurado kong babalik ang sampal mo sa 'kin diyan sa pagmumukha mo!" Sa sobrang galit niya ay siya na mismo ang nag-impake ng mga gamit at damit na baon ko sana para sa gabing iyon, nalaglag at nabasag pa ang ilang make up na hindi naman ganoong kamahalan. Ngunit hindi iyon pinansin ni Madame Kikay. Mayamaya pa nang binalibag nito sa dibdib ko ang itim na bag at ipinagtulakan palabas, kamuntikan pa akong ma-out of balance kaya iwinasiwas ko ang kamay nito. "Sabi mo, ikaw lang nagdadala ng club na 'to? Sige, tingnan natin! Tingnan ko lang kung saan ka pupuluting babae ka!" Pinagtitinginan na ako ng mga tao na naroon. Karamihan sa kanila ay maipipinta sa mukha ang kasiyahan marahil isa sila sa mga naiinggit sa akin. Ang iba naman ay nagbubulungan at masama ang tingin sa akin na para bang isa akong kriminal na ngayon lang nahuli. Napatawa na lang ako ng palihim. Kung ayaw sa akin ng mga ito, natanong na ba nila kung gusto ko sila? Pareho lang kami ng mga nararamdam at dahil sa galit ay wala na akong pakialam pa kung mawalan man ako ng trabaho ngayon. Mabuti nga iyon, malalayo na ako sa mga pekeng tao na nakapalibot sa akin. Mga taong plastikada't mapagpanggap! Mabait kapag nariyan at kaharap ako pero parang mga ulol na sinisiraan ako kapag nakatalikod. Mabuti na lang talaga, kung mawalan man ako ng trabaho, hindi pa roon nagtatapos ang buhay ko. Humihinga pa naman ako kaya hangga't kaya ko ay maghahanap pa ako ng ibang trabaho. Hindi katulad dito, puno ng mga basura. Marahas ko ulit initsa ang kamay ng bakla sa balikat ko na siyang nagtutulak sa akin palabas. "Aalis ako, letse! Hindi mo ako kailangang itulak!" singhal ko rito habang pinanlalakihan siya ng mata. Mabibigat ang paang lumabas ako sa back door exit at lumingon sa mga taong naroon na nakatingin sa akin. Idinuro ko pa ang baklang hinihingal marahil sa galit at pagod sa pagtulak sa akin. "Babalik ako rito at kapag bumalik ako, sisiguraduhin kong wala na 'to. Kailangan kasama ka sa mawawala at lulubog," madiin kong pahayag. Isa-isa kong pinakatitigan ang mga babaeng naroon na nakatingin ng masama sa gawi ko. Mababasa sa mga mata nila ang galit pero wala akong pakialam. Mas galit ako sa kanila. In the first place, wala talaga silang naging pakialam sa akin. Walang pakialam sa nararamdaman ko dahil alam ko na sa loob-loob nila ay gustung-gusto ng mga ito ang umalis at mawala ako. Para sa kanila, nasasapawan sila sa angking alindog na mayroon ako. Paano ba naman at nasa akin na yata lahat napunta kaya ang iba ay nawawalan na ng costumer at kita. "Ha! Akala ninyo kawalan kayo? Pwes, hindi! Ipapakita ko sa inyo kung ano ang pinakawalan ninyo!" nanggigigil na sambit ko at puno ng emosyong tumayo ako ng tuwid. Tuluyan na akong tumalikod at naglakad palayo ngunit samu't-sari pa rin ang naririnig ko mula sa mga ito. Kesyo ganito at ganiyan. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko na hanggang sa pag-uwi ay nadala ko. "Pokpok na mag dignidad." Tuluyan nang kumawala sa bibig ko ang mahinang pagtawa. Pokpok na may dignidad? Siguro nga ay ganoon ako dahil hindi ko naman hahayaan na apakan ng iba ang pride ako. Iyon na lang din ang mayroon ako dahil simula nang pinasok ako ang ganoong uri ng trabaho— nawala na rin lahat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD