Chapter 47

1857 Words

Sa hamba ng malaki nilang pintuan ay kaagad na nalaglag ang panga ko sa sahig, tunay ngang mansyon na maituturing ang bahay nila Mirko, sobrang laki, ganda at napakarangya. Mula pa sa chandelier na siyang una kong napagtuunan ng pansin, nasa bandang gitna iyon. Sa laki nito ay madali lang iyon mapapansin, lalo pa at nagliliwanag iyon sa dami ng ilaw nito. Nakanganga ako habang tila natuod na ako sa kinatatayuan ako. Siya namang pasada ko ng tingin sa kabuuan ng mansyon, mula pa nga rito ay kitang-kita ko ang enggrandeng staircase nila. Purong puti ang pintura sa paligid, kaya naman ay nabibigyan diin ang mga palamuti at disensyo na nakasabit sa pader, karamihan doon ay naglalakihang mga abstract painting. Mayroon ding mga vases, na 'di hamak na collection ni Madame Sylvia. Samantala,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD