Kinabukasan ay nagpunta ulit ako ng hospital, dala ko ulit iyong plastic bag na hindi ko naiwan kahapon kay Inay sa sobrang pagmamadali na makaalis. Ako na lang ang mag-isa ngayon dahil nakapasok na sa school si Mikaela, ganoon din si Mirko, na kung wala lang siyang trabaho ay nakabuntot na naman iyon sa akin. Suot ko na lang din ang uniporme ko bilang katulong. Tama nga si Mirko, mas kumportable itong suotin dahil hindi siya ganoon kahapit sa katawan ko. Presko pa sa pakiramdam. Nang makatuntong sa tamang palapag ay tahimik kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ni Inay. Hindi rin naman nagtagal nang huminto ako at maagap na binuksan ang pintuan. Kagaya nang nadatnan kahapon ay nandito ulit si Itay, sabay pa sila ni Inay nang lingunin nila ako nang deretso akong pumasok doon. Siya ri

