"Sinong dadalawin natin, Daddy?" takang tanong ni Mikaela na naroon sa bisig ni Mirko. Hawak naman nito ang isang kamay ko, magkasalikop din ang mga daliri namin at ako na rin ang nagpresintang magbuhat ng dalawang plastic bag na hindi naman ganoon kabigat kaya hinayaan na ako ni Mirko. "Si Tita Vicky, you'll going to call her Mamala, the second version." Tumawa si Mirko kaya magkasabay na nangunot ang noo namin ni Mikaela. "And why is that?" "Because your Ate Ellena will be your Mom soon," seryosong pahayag ni Mirko, kasabay nang pagpisil nito sa palad ko. M—Mom? Nanlaki ang dalawang mata ko, kasunod pa nito ay ang sandaling pagkatigil ng mundo ko. Pilit kong inuulit sa utak ko kung tama ba ang narinig ko o masyado lang akong bingi. "Mom?" magkasabay na utas namin ni Mikaela, kagaya

