Bandang alas nuebe nang makaalis kami ni Mirko sa unit niya. Hawak-kamay kami ngayong bumaba sa basement at kaagad na narating ang motorbike nito. "Daan tayong grocery? What do you think?" tanong ni Mirko habang ikinakabit sa akin ang helmet. Nangunot ang noo ko. "Bakit naman?" Siya namang abala ako sa pagsuot ng leather jacket ni Mirko, dahil bukod sa lantad ang balat ko ay hindi ko napansin ang ilang kiss mark sa leeg, balikat hanggang sa dibdib ko. "Para bilhan ng pagkain sina Benedict at Bryan? Pati prutas para kay Tita? Isabay ko na rin ang stock ko sa unit," pahayag niya kaya napanguso ako. Tita? Iyon na ba ang tawag niya kay Inay? Kumawala ang magiliw na ngiti sa labi ko dahilan nang pagtataas ng kilay ni Mirko. Ganiyan siya palagi kapag may gustong itanong o nang-uudyo. Iyan

