Kinaubukasan nang magising ako dahil sa paulit-ulit na may tumatama sa ilang bahagi ng pisngi ko, isang malambot na bagay. Nangunot ang noo ko bago tuluyang nagmulat. Doon ay nabungaran ko ang mukha ni Mirko na siyang ilang dangkal lang ang layo sa akin na halos malanghap ko pa ang hininga nito. Ngumiti siya nang makitang gising na ako. Ang isang kamay pa nito ay nakatukod sa kama at sa kaniyang ulo, tila ba kanina pa siya nakamasid sa akin at hinihintay na lang ang paggising ko dahilan para magising ang diwa ko. "Good morning, young lady," malambing na saad nito at muli akong hinalikan sa pisngi ko. Kaagad akong pinamulahan ng mukha, literal na umimpis ang labi ko dahil ayokong buksan ang bibig ko para magsalita. At baka maamoy lang nito ang pang-umagang hininga ko. "Don't worry, kan

